Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Pagbubuod ng

EL FILIBUSTERISMO
Filipino 10
Ikaapat na Markahan /Modyul 3

MARICEL G. JUAN
09776081619/maricel.juan@deped.gov.ph

Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon · Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF KALINGA
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Inilathala ng:
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA SA KARAPATANG SIPI


2021

Itinakda ng Seksyon 9 ng Pampanguloang Atas Blg 49 na:

Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o
tanggapan ng pamahalaang naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum


sa pamamagitan ng DepEd Schools Division of Kalinga - Curriculum Implementation
Division (CID). Maaari itong kopyahin para sa layuning pang-edukasyon at maaaring
hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay
maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha.
Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay
pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
ALAMIN
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo bilang isang mag-aaral na
maaari mong magamit ngayong panahon ng pandemya upang
maipagpatuloy nang normal ang pag-aaral sa mga araling nakatakda para
sa asignaturang Filipino baitang 10. Ito ay makatutulong upang masuri at
matunton ang mga kaganapan sa nobelang El Filibusterismo at makamit ang
mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto;

Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng


binasang akda batay sa katangian ng mga tauhan,
pagkamakatotohanan ng mga pangyayari, tunggalian sa bawat
kabanata F10PS-IVb-c-86

Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata F10PU-


IVb-c-86

Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat


(baybay, bantas, at iba pa gayundin ang wastong pag-uugnay ng
mga pangungusap/talata P10PU-IV-c-86

SUBUKIN
Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang makatotohanang pangyayari sa
buod ng kabanatang binasa. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. A. Nag-alinlangan si Simoun na ituloy ang plano subalit nanaig pa rin ang


paghihiganti sa kanyang puso.
B. Hindi na itinuloy ni simoun ang paghihiganti at nagtungo ito sa
ibang bansa
C. Itinuloy ni Basilio ang paghiiganti dahil labis nitong dinaramdam ang
pagkamatay ni Huli
D. Sumabog ang lamparang may lamang bomba at nangamatay ang mga
nagsipagdalo sa piging

2. A. Taas noo habang nakatitig sa bahay si Isagani kung saan magkakaroon ng


piging para sa bagong kasal
B. Nagalit si Isagani sa kasintahan dahil sa pag-iwan nito sa kanya
C. Nawala sa sarili si Isagani dahil sa kasawian sa pag-ibig
D. Nagpakamatay si Isagani dahil nagpakasal sa iba ang kasintahan

3
3. A. Alam na alam ni Padre Salvi ang sulat kamay ni Ibarra dahil nakialam ito sa
sulat nito kay Maria Clara
B. Alam lahat ni Padre Salvi ang mga lagda ng mga tao
C. Eksperto sa pagkikilala ng lagda si Padre Salvi kaya natukoy nito ang \
lagda ni Ibarra
D. May kinalaman ang pari sa mga balak ni Simoun

4. Ganap na ___ ng gabi ay nagsidatingan ang mga panauhin.


A. ikawalo B. ikasiyam C. ikapito D. ikaanim

5. Ang sabi ng isang tumutuligsa, ang kromo ay ___ ng bahay ni Don Timoteo.
A. napakagaganda C. nakarurumi sa dingding
B. nakapapangit D.nakaliliwanag
6. Ang nagtapat kay Isagani ng lihim na mangyayari sa gabing iyon ay si ___.
A. Simoun B. Basilio C. Tales D. Paulita

Kilalanin ang mga tauhan batay sa kanilang katangian.

7. A. Ang mayamang mag-aalahas na nakasalamin ng may kulay, tagapayo ng


Heneral at siya ay si Juan Crisostoma Ibarra na nagbalik upang maghiganti.

A. Isagani B. Simoun C. Donya Victorina D. Basilio


8. May malawak na kaisipan,makata at pamangkin ni Padre Florentino.
A. Isagani B. Basilio C. Sandoval D. Juanito Pelae

9. Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom anong uri ng lagom ang
dapat isagawa dito?
A. abstrak B.sinopsis C. bionate D.paglalagom

10. Ito ay uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa


tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela,dula,parabola,tatumpati
at iba pang anyo.

A. abstrak B. synopsis C. Bionate D. paglalagom


11. Mahilig manood ng iba’t ibang pelikula si Kyle, nais niyang gawan ito ng buod
at ipost sa social media upang mabigyan ng ideya ang ibang nais manood ng
mga pelikulang ito. Anong uri ng lagom ang puwede niya gawin?
A. synopsis B. Bionate C .abstrak D. paglalagom
12. Ito ay pasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.

A.abstrak B. synopsis C. bionate D. paglalagom

4
13. Sa pagsusulat ng sinopsis, dapat na ibatay ito sa tono ng pagkakasulat ng
orihinal na sipi, nangangahulugan lamang ito na ___.

A. Pagtatala ng mga kaisipan habang nagbabasa


B. dapat maramdamn ng mambabasa ang totoong damdaming naghahari
mula sa akda

C. suriin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan


D. dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga gampanin
14. Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng synopsis o buod?

A. para makasunod sa pagbabago ng lipunan


B. para maayos na maipakilala ang sarili sa social network
C. para makapagpahayag nang mabisa sa simple at maikling paraan

D. para madali ang pagbasa ng isang pananaliksik


15. Sa pagsulat ng paglalagom na synopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman
ng akda gamit ang?

A. salita ng awtor C. salita ng kahit sino


B. sariling salita D. sariling salita at salita ng awtor

BALIKAN
Bago tayo magpatuloy sa ating bagong paksa,balikan muna natin ang
alaala ng nakaraan.

Gawain 1: Sulyap sa nakaraan

Panuto: Punuin ang habi ng mga impormasyon o paglalarawan sa mga


tauhan na nasa kahon.

Tauhan

SIMOUN BASILIO

5
TUKLASIN
Bago mo basahin ang buod ng nobela, alamin muna ang mga mahalagang
kaalaman upang may batayan sa gagawing mga gawain.

 BUOD- Siksik at pinaikling bersiyon ng teksto.


 Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinanood o pinakinggan.
 Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o
datos.
 Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya
ng binuod na teksto
 Pangunahing Katangian ng Pagbubuod

Tinutukoy agad ang


pangunahing ideya o punto
kaugnay ng paksa
Hindi inuulit ang mga salita
ng may akda,bagkus ay
gumamit ng sariling
pananalita

Maikli lamang ang buod

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSUSULAT NG SINOPSIS O BUOD


1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
2. Isulat batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na akda.

3. Kailangang mailahad dito ang mga pangunahing tauhan, ang


kanilang ginampanan at suliraning kinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa pagsasaayos ng mga
pangyayari sa akdang binubuod lalo na kung ito ay binubuo ng dalawa
o higit pang talata.

5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na


ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan
hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

6
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BUOD
1. Basahin ang buong akda at unwaing mabuti hanggang makuha ang buong
kaisipan nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahing kaisipan o tema nito.

3. Habang nagbabasa, maglista ng mahahalagang detalye at kung maaari ay


gumawa ng balangkas.
4. Isulat sa sariling paraan ng pagpapahayag at huwag lagyan ng sariling opinyon o
kuro-kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang ideya ayon sa orihinal na pagkakalahad sa akda.
6. Lalong magiging mabisa ang buod kung mas maikli ito subalit taglay pa rin ang
buong kaisipan ng orihinal na akda.
7. Muling basahin ang ginawang buod na sinulat upang walang makaligtaang
mahalagang detalyeng dapat na nakapaloob dito.

Basahin at unawain mo ang isang kabanata ng El Filibusterismo pagkatapos ay


sagutin ang mga sumunod na gawain.

SURIIN
Ngayon ay basahin ang buod ng nobela at sagutin nang maayos ang mga
kasunod na Gawain

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Ang Bapor Tabo ay naglalakbay patungong Laguna mula sa Maynila at


hirap na hirap sa pagharap sa agos ng Ilog Pasig. Ang mga pasahero ay
ang mga Reverendos, ang makatang si Isagani, ang manunulat na si Ben
Zayb, Doňa Victorina, si Basilio at si Simoun na isang mag-aalahas.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo


ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob
ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na
nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni
Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya
ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang
Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang
pag-aaral.

7
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga
estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa kanya upang
magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay
di napagtibay sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang
ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang
makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang
binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at manggulo sa
isang pulutong na sapilitang magbubukas
sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subalit hindi
naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na
nang hápong yaon.

Samantala, ang mga estudyante naman ay nagdaos ng isang piging sa


Panciteria Macanista de Buen Gusto upang mag-alis ng sama ng loob sa
kabiguang natamo. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y
nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang
ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay
natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na
ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang
pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan
ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio,
bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa


kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong
dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik
ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa
halip na makatulong ang paring ito ay siya pang naging dahilan ng
pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng
kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay
nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni
Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal
nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang
Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na
idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga
litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa


tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa
paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang
ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na

8
may hugis-granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito
ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita.
Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong
kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawán ay magbibigay
ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto
ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay
puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang granada ay
sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng
kiyoskong kakanan — at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon.
Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara
ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na
pangungunahan ni Simoun.

Mag-iikapito pa lámang ng gabí ng araw ng kasal, at si Basilio ay


palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-
kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di
malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay susunod sana
ngunit namalas niyang dumating si Isagani, ang naging katipan at iniirog
ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas ngunit di siya pinansin
kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana
subalit hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan
Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog.


Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang
paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino,
sa baybáyin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng
mga alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang
huwag pahúli nang buháy. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang
pagkatao at isinalaysay niya dito ang malungkot na kasaysayan ng
kanyang búhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa
Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria
Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang
Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik.
Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-


aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga
buktot na gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong
asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

9
PAGYAMANIN
Gawain 2:

Batay sa binasang buod ng El Filibusterismo, ipakilala ang mga tauhan


batay sa kanilang katayuan at layunin sa buhay. Maglahad ng patunay
bilang pagsusuri. Ang unang bilang ay nagawa na bilang halimbawa.

Tauhan Katayuan sa Patunay Layunin Patunay


Buhay
1. Simoun Mayaman Mag- Makapaghiganti Naghanap
aalahas sa ng mga
pamamagitan taong
ng himagsikan katulad
niyang uhaw
sa hustisya
para sa
kanyang
mahal sa
buhay
2.
3.
4.
5.

Gawain 3:
Panuto: Suriin at tukuyin ang makatotohanang paglararawan o
pangyayaring nabanggit sa buod ng nobela sa; tao, lipunan,kapaligiran at
pulitika

TAO

El
LIPUNAN KAPALIGIRAN
Filibusterismo

PULITIKA

10
Kabanata XXV- Ang Pista
Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may imbitasyon. Una ang
maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay
pinagpupugayan ni Don Timoteo.
Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victorina. Batian. Kamayan. Naroon
na sina Padre Salvi ngunit wala pa ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa
pader. Nagulat si Don Timoteo. Iyon daw ang pinakamamahal na mabibili sa Maynila.
Sisingilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan.
Dumating na rin ang heneral. Nawala ang dinaramdam ni Don Timoteo. May nagsabi
na ilang araw ng kapitan dahil natititigan na ito nang harap-harapan.
Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siya
sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naiisip na bigyan ng
babala ang mga iyon. Ngunit siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Salvi at Padre
Irene. Nagbago siya ng isip.
Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako’y may utang na
loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking in ana pinatay
nila. Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin?
Mangamatay na nga sila na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio.
Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na
naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si Simoun. Ngunit
nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandalling nakipag-usap dito
at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito Nawala sa paningin ni Basilio.
Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang
kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang nangasabahay. Ngunit
hinadlangan siya ng mga tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang
mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-uto. Sa Eskolta. Matulin!
Mabilis ding lumayo si Basilio. Ngunit may Nakita siyang isang lalaking tatanaw-
tanaw- sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo.
Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. “Bakit ako lalayo, bukas
ay hindi na siya ang dati.” May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang
ang ukol sa ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio.
Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog
ang bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito. Sa loob ay nagkatagpo ang
nagpipiging ng isang kaputol na papel nag anito ang nakasulat.
“MANE THACEL PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARA”
Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni
Padre Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni
Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura, nanlambot sa takot.

Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang
Kapitan Heneral. Walang nakita kundi mga utusang di niya kilala.
Nagkunwang hindi takot. “Magpapatuloy tayo sa pagkain,” aniya. “Huwag
intindihin ang isang pagbibiro.”

11
Ngunit nagsalita si Don Custodio. “Ipagpalagay kong ang kahulugan
ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi. Di nakakakibo ang lahat. May
nagsabi Baka lasunin tayo.” Binitawan nila ang mga kubyertos. Lumabo
ang ilawan.

Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang


mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na pumasok, tinabig ang utusang
humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa azotea at itinapon sa ilog. May
humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon na rin
sa ilog.

Mula sa KANLUNGAN, Batayang Aklat sa Pag-aaral ng Wika at Panitikang


Filipino

batay sa Bagong K-12 Kurikulum

Gawain 4. Sa pamamagitan ng ilustrasyon sa ibaba isa-isahin mo ang


mahalagang pangyayari sa kabanata ayon sa pagkasunod-sunod nito.
Isaalang-alang ang paggamit ng pang-ugnay at mga mekaniks sa pagsulat
ng buod. Gumamit ng pinakapayak na pangungusap.

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
Kasukdulan
_________________________ _________________________
_________________________
Tunggalian _________________________
Kakalasan
_________________________ Kabanata 35 _________________________
_________________________ Ang Piging _________________________
________________ ________________
Tauhan: _____________________
________________________ ____________________________ ________________________
________________________ ____________________________ ________________________
________________________ Tagpuan: ____________________ ________________________
Simula Wakas
______________
SURIIN
____________________________ ______________

12
ISAISIP
Gawain 5. Bigyang pansin ang mga huling salita ni Padre Florentino kay
Simoun sa pagwawakas ng nobela. Ipaliwanag ang nais sabihin ng pari dito
kay Simoun.

“Huwag kang mabahala, Senyor


Simoun. Hindi natutulog ang Diyos.
Ititindig niya ang mga aping
dinuhagi. Di ka dapat mawalan ng
pag-asa. Matatalo rin ang mga
kasalanan.”

Paliwanag: ___________________________
_______________________________________
https://www.nicepng.com/ourpic/u2w7u2q8i1y3w7i1_28-
_______________________________________ collection-of-padre-irene-drawing-padre-florentino/
_______________________________________

ISAGAWA
Gawain 6: PAG - UUGNAY
Panuto: Suriin ang mga pahayag na hinalaw sa binasang kabanata, ilahad
ang mga pangyayari sa kasalukuyang may kaugnayan sa mga ito.

Pangayari sa akda Pangyayari sa kasalukuyan


“Nagsipaglinis kayo ng inyong bukirin,
nagtitipid upang nakapagpatayo ng
bahay, nag-iipon, pagkaraan nito ay
pinaaalis kayo sa inyong ipinatayong
tahanan at sinasakang lupa.”
“Inalisan ng karapatan at
nilapastangan ang mga tradisyon ng
bayan.”

13
TAYAHIN
Basahin ang mga sumusunod na tanong at Piliin ang tamang letra ng tamang
sagot.

1. A. Ang mayamang mag-aalahas na nakasalamin ng may kulay, tagapayo ng


Heneral at siya ay si Juan Crisostoma Ibarra na nagbalik upang maghiganti.
A. Isagani B. Simoun C. Donya Victorina D. Basilio

2. May malawak na kaisipan,makata at pamangkin ni Padre Florentino.


A. Isagani B. Basilio C. Sandoval D. Juanito Pelaez
3. Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom anong uri ng lagom ang
dapat isagawa dito?
A. abstrak B.sinopsis C. bionate D.paglalagom
4. Ito ay uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela,dula,parabola,tatumpati at iba pang
anyo.
A. abstrak B. synopsis C. Bionate D. paglalagom

5. Mahilig manood ng iba’t ibang pelikula si Kyle, nais niyang gawan ito ng buod at
ipost sa social media upang mabigyan ng ideya ang ibang nais manood ng mga
pelikulang ito. Anong uri ng lagom ang puwede niya gawin?

A. synopsis B. Bionate C.abstrak D. paglalagom


6. Ito ay pasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.

A.abstrak B. synopsis C. bionate D. paglalagom


7. Sa pagsusulat ng sinopsis, dapat na ibatay ito sa tono ng pagkakasulat ng
orihinal na sipi, nangangahulugan lamang ito na ___.

A. Pagtatala ng mga kaisipan habang nagbabasa


B. dapat maramdamn ng mambabasa ang totoong damdaming naghahari
mula sa akda

C. suriin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan


D. dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga gampanin
8. Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng synopsis o buod?

A. para makasunod sa pagbabago ng lipunan


B. para maayos na maipakilala ang sarili sa social network
C. para makapagpahayag nang mabisa sa simple at maikling paraan

14
D. para madali ang pagbasa ng isang pananaliksik
9. Sa pagsulat o paglalagom na synopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng
akda gamit ang?
A. salita ng awtor B. sariling salita C. salita ng kahit sino D. sariling
salita at salita ng awtor
Para sa numero 10-12: Suriin ang mga pangyayari,alin sa mga sumusunod ang
makatotohanang pangyayari sa binasang buod ng nobela.

10. A. Nag-alinlangan si Simoun na ituloy ang plano subalit nanaig pa rin ang
paghihiganti sa kanyang puso.
B. Hindi na itinuloy ni simoun ang paghihiganti at nagtungo ito sa ibang bansa
C. Itinuloy ni Basilio ang paghiiganti dahil labis nitong dinaramdam ang
pagkamatay ni Huli
D. Sumabog ang lamparang may lamang bomba at nangamatay ang mga
nagsipagdalo sa piging

11. A. Taas noo habang nakatitig sa bahay si Isagani kung saan


magkakaroon ng piging para sa bagong kasal
B. Nagalit si Isagani sa kasintahan dahil sa pag-iwan nito sa kanya
C. Nawala sa sarili si Isagani dahil sa kasawian sa pag-ibig
D. Nagpakamatay si Isagani dahil nagpakasal sa iba ang kasintahan
12. A. Alam na alam ni Padre Salvi ang sulat kamay ni Ibarra dahil nakialam
ito sa sulat nito kay Maria Clara
B. Alam lahat ni Padre Salvi ang mga lagda ng mga tao
C. Eksperto sa pagkikilala ng lagda si Padre Salvi kaya natukoy nito ang
lagda ni Ibarra
D. May kinalaman ang pari sa mga balak ni Simoun

13. Ganap na ___ ng gabi ay nagsidatingan ang mga panauhin.


A. ikawalo B. ikasiyam C. ikapito D. ikaanim
14. Ang sabi ng isang tumutuligsa, ang kromo ay ___ ng bahay ni Don Timoteo.
A. napakagaganda B. nakapapangit C. nakarurumi sa dingding
D.nakaliliwanag
15. Ang nagtapat kay Isagani ng lihim na mangyayari sa gabing iyon ay si ___.

A. Simoun B. Basilio C. Tales D. Paulita

15
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 7:
1. Sino o sino sinong tauhan sa nobela ang nagustuhan mo? Isulat sa
kahon ang pangalan at mga katangian nito.

KATANGIAN

PANGALAN KATANGIAN
NG TAUHAN

KATANGIAN

2. Gamit ang fish bone Technique, Ibigay ang sanhi at bunga ng paghihimagsik
ni Simoun?

Sanhi

Bunga

16
17
Pagyamanin Subukin
Sariling sagot
Isaisip 1. A
Sariling sagot
2. A
Isagawa 3. C
Sariling sagot 4. C
Tayahin 5. C
6. B
1. B 7. B
2. A 8. A
3. B 9. B
4. B 10. B
5. A 11. A
6. B 12. B
7. B 13. B
8. C 14. C
9. D 15. D
10. A
11. A
12. C
13. C
14. C Balikan
15. B
Sariling sagot
Karagdagang Gawain
Sariling sagot
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Bacu, Amelia V. and Marga B. Carreon. Obra maestra El Filibusterismo.


Quezon City: Rex Publishing House, 2012.

Espinoza, Teodora, et.al. El Filibusterismo. Quezon City: Kalayaan Press


Mktg. Enterprise, 2014.

Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix


Publishing House, 2015.

Mabanglo, Ruth Elynia S. et.al. El Filibusterismo. Lungsod ng Quezon: Rex


Printing Company, 1999.

18
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education - Schools Division of Kalinga
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
Telefax/Website: www.depedkalinga.ph
Email Address: kalinga@deped.gov.ph

You might also like