Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO-10-LAS-Q3-WEEK-5 - For Act 2
FILIPINO-10-LAS-Q3-WEEK-5 - For Act 2
FILIPINO-10-LAS-Q3-WEEK-5 - For Act 2
Layunin
Pag-aralan
Kung may mapapalad na mag-aama dahil naging maganda ang samahan nila at
ipinagpatuloy rin ng mga anak ang sinimulan ng ama, may mga mag-aama namang
hindi pinalad na magkasama at magkakilala. Mayroon ding sa kabila ng pagkilala ng
anak sa kanyang ama ay pilit na itinatanggi ng kanyang ama. Mayroon di namang
inangkin ng ama ngunit itinatatwa naman ng anak. Mapalad ang mag-amang binigyan
ng pagkakataong mabuhay na magkasama, magkasundo, at maligaya.
1
Sa araling ito ay makikilala natin ang mag-amang hindi nabigyan ng pagkakataong
magkakilala, sa halip ay nagkakilala sila sa isang mapait na paghaharap at
nagkahiwalay muli sa isang masaklap na pagtatapos.
Si Sohrab at Si Rustam
Mula sa Epikong Shahnameh(Buod ng isang Epikong Pesiyano)
Nasa sinapupunan pa lamang si Rustam ay hinulaan nang magiging magiting na bayani siya
sa kanyang paglaki. Siya raw ay magiging paksa ng mga alamat.
Hindi naging madali ang paraan ng pagsilang kay Rustam. Ang kanyang inang si Rudabeh ay
dumanas ng matinding sakit. Nailabas lang siya sa tulong ng mapaghimalang ibong kumupkop
sa kanyang amang si Zal noong ito’y ipinatapon ng kanyang ama sa paanan ng bundok. Bago
lumisan ang mapaghimalang ibon, sinabi niya kay Zal na ang batang isisilang ni Rudabeh ay
kasinlaki ng isang sanggol na leon. Ito ay magiging bayani at magiging paksa ng mga alamat.
Pinayapa niya ang kalooban ni Zal sa pamamagitan ng pagsasabing magiging maayos ang
lahat.
Nang tumuntong sa edad na pwede na siyang magsanay bilang isang mandirigmang ihahanda
upang ipagtanggol ang kanilang bansang Iran, napagtanto ng kanyang amang si Zal na
kakailanganin niya ang isang espesyal na kabayong kakasama niya. Ang lahat ng kabayo mula
sa lahat ng sulok ng Zabulistan at Kabulistan ay ipinarada sa kanyang harapan. Inilalapat ni
Rustam ang kanyang kamay sa likuran ng bawat kabayo upang masiguro kung kakayanin siya
nito, ngunit bawat kabayo ay napapaluhod sa kanyang kabigatan. Nang dumating ang pangkat
2
ng kabayong dala ni Kabul ay napansin ni Rustam ang mag-inang kabayong may dibdib na
kawangis ng leon. Ayon kay Kabul, naging mailap ang kabayong ito, sa loob ng tatlong taon ay
wala pang nakapagpaamo at nakasasakay sa kabayo, hindi rin pinahihintulutan ng inahing
kabayo ang sinumang nagbabalak na sumakay rito. Pagkarinig ni Rustam sa tinuran ni Kabul ay
sinakyan niya ang kabayo at pinatakbo.Naging palaisipan sa kanila kung bakit pumayag ang
kabayo at hindi humadlang ang inahing kabayo.
Nang bumalik si Rustam kasama ang kabayo ay puro papuri ang kanyang ibinigay sa kabayo.
Mula nang araw na iyon ay hindi naghiwalay si Rustam at ang kanyang kabayong si Rakhsh.
Laking gulat ni Rustam nang sa kanyang paggising ay hindi niya mahagilap ang kanyang
kabayo. Galit at tuliro, pinasok ni Rustam ang bayan ng Samangan upang humingi ng tulong sa
paghahanap sa kanyang kabayo. Buong-puso naman siyang tinanggap ng hari ng Samangan at
siniguradong tutulungan siya sa paghahanap sa nawawalang kabayo. Hinimok pa siyang
magpalipas ng gabi sa palasyo bago ipagpatuloy ang paghahanap sa pabukang-liwayway.
Hatinggabi nang namalayan na lamang ni Rustam na bumukas ang pinto ng silid na tinutuluyan
niya. Kapagdaka’y pumasok ang dalawang babae, ang una ay isang tagasilbi at sumunod ang
isang magandang dilag. Nagpakilala ang magandang dilag na siya ay si Prinsesa Tahmina, ang
kaisa-isang anak na babae ng hari ng Samangan. Isinaad ni Tahmina na kilala niya ang
binatang si Rustam, hindi lingin sa kanya ang kagitingan, kahusayan, at katapangan ng binata.
Nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa, at nang gabing iyon ay napatunayan nilang sila’y
nagmamahalan.
Lumipas na ang maraming buwan ay hindi pa rin nagkita sina Rustam at Prinsesa Tahmina.
Hindi naglao’y nagsilang ng isang batang lalaki ang Prinsesa. Tinawag niya itong Sohrab.
Lumaki ang batang si Sohrab na isa ring magiting na mandirigma, kagaya ng kanyang amang si
Rustam.
Ang mga salitang magkaugnay ay tumutukoy sa mga salitang magkatulad o magkaugnay ang
kahulugan. Ang mga salitang ito ay maaaring magkapareha, magkasingkahulugan o kaya
naman ay magkasalungat. Tandaan na ang mga salitang magkaugnay ay dapat naaangkop sa
isa't isa.
Halimbawa
dumamay - tumulong nagalak – nasiyahan
Buod ng Unforgettable
Nakatira si Jasmine (Sarah Geronimo) sa Baguio kasama ang kaniyang Lola Olive (Gina
Pareno) na siyang nagpalaki sa kaniya simula nang mamatay ang kaniyang mga magulang.
Hindi pangkaraniwan si Jasmine — mayroon siyang photographic memory at mayroon din
siyang mga kilos at gawing maituturing na katangi-tangi o special gaya ng sensitibo siya sa
ingay at malakas na tunog at kung minsan ay mayroon din siyang tantrums o nagwawala nang
walang malinaw na dahilan. Hindi rin siya maaaring makapag-isa dahil sa kaniyang kalagayan.
Nang magkasakit ang kaniyang Lola Olive, kinailangan ni Jasmine na mamalagi muna sa
Maynila kasama ang kapatid na sina Dahlia (Ara Mina) at Violet (Meg Imperial). Dito siya
nagkaroon ng bagong kaibigan — isang aso na pangangalanan niyang Happy — dahil kamukha
ito ng laging ikinukuwentong aso ng kaniyang lola noon at ito raw ang nagpagaling sa kaniyang
lola noong siya ay nagkasakit. Kaya naisip din ni Jasmine na baka si Happy ang maging daan
sa paggaling ng kaniyang Lola. ‘Yun nga lang, hindi magiging madali para sa kaniya ang
pumunta sa Baguio sapagkat tutol ang kaniyang mga kapatid. Dahil pursigido, pipilitin ni
Jasmine na makarating sa Baguio nang mag- isa kasama lamang si Happy kahit sa ano pa
mang paraan.
Ang teaser o trailer ay isang maikling patikim sa manonood sa kabuuang pelikulang kanilang
mapapanood. Dito ipinakikita ang sunod-sunod na eksena sa pelikula na pinaikli upang bigyan
ang manonood ng preview sa nasabing pelikula.
4
Narito ang karagdagang kaalaman upang lubos mo pang maunawaan ang aralin. Madali
lamang itong unawain sapagkat lahat ng tao ay nakapagbibigay ng reaksyon, opinyon o puna
sa lahat ng bagay. Makatutulong din ito upang makapagbigay-puna ka sa nilalaman ng trailer
na iyong napanood o nabasa. Alamin natin kung ano-ano ang mga ginagamit na salita upang
makapagbigay ng opinyon.
Gawain 1.Talasalitaan
Panuto: Punuin ang bawat hanay sa graphic organizer ng mga salitang magkasingkahulugan .
Pumili sa mga salita sa loob ng kahon.
Salit Kasingkahuluga
a n
1. sinabi
Isinaad
2. naghinala
Nag- alinlangan Nagduda
3. naigupo
Napatumba Natalo
4. naglaban
Nagtuos Nagtunggali
5. nakahandusay
Nakalupasay Nakahiga
5
Gawain 2. E-click Mo na!
Panuto: Panoorin ang movie teaser o trailer ng pelikulang “Juan dela Cruz” sa link na ito:
(https://www.youtube.com/watch?v=Osa41RobnTo)/ Gamit ang venn diagram isulat ang
pagkakaiba at pagkakapareho ng Iyong napanood na movie trailer ng “Juan dela Cruz”
at ng akdang “Si Rustam at Si Sohrab”.
Si Rustam at
Juan dela Cruz
Sohrab
- Sinasalamin ang
Kultura ng Persia o bansang Iran.
- Nakasentro ang tema sa - Sinasalamin ang Kultura ng
Kapalaran ng mag- amang Sohrab at -Parehong may Pilipinas.
Rustam elemento ng - Pangunahing tema ay ang
- Hindi sila binigyan ng sandata sa kababalaghan relihiyon
halip ay mahiwagang hayop ang - Parehong - Isa rin sa tema ang
nakasentro. Ang mahiwa- kwentong paggawa ng kabutihan at
gang hayop na nakasentro ay ang kabyanihan kung ano ang tama
mahiwagang ibon at kabayo -Parehong - Si Juan ay mayroong
kwento ng mahiwagang sandata ito ay
sapalaran ang bakal na krus na pwede
maging espada, latigo, pana
at sibat
Gawain 4. Iguhit mo na !
Panuto: Gumawa ng isang poster na magpapakita ng kahalagahan ng pagiging responsableng
magulang sa sarili, lipunan, at digdig batay sa sumusunod na rubric.
INTERPRETASYON
6
Mapanuri at maliwanag na naihayag ang damdamin at saloobin
5 tungkol sa kahulugan ng akda sa sarili, lipunan, at daigdig.
Nakahihikayat ang ginawa.
7
Gawain 4. e- PM Mo kaya!
Panuto: Kung susuriin ang suliraning nangibabaw sa akdang binasa at sa artikulong nabasa
ninyo sa ating group chat sa Filipino, makikitang ang hindi pagkakasundo ng mag-ama
ang nangyari noon ay patuloy na nangyayari hanggang sa kasalukuyang panahon.
Minsa’y nagiging sanhi pa ito ng trahedyang tiyak na hindi mo nanaising mangyari sa
iyong pamilya, hindi ba? Baon ang kaisipang ito, isagawa ang sumusunod batay sa
sitwasyong ibinigay: Gawin ito sa sagutang papel.
Damdamdaming
Nangibabaw
Akda Paliwanag
1. Si Rustam at Si a. a.
Sohrab
b. b.
b. b.
8
Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil Pagpapahayag ng Damdamin at
Saloobin sa Kahulugan ng Akda. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
9
Susi sa Pagwawasto
magka
Ang sagot ay
iba
6.Magkaiba ang
maaring
Gawai
sagot
kanyang
n3
isinuot braso
ni Sorab
5.Ang sapulseras
na Soh
4.Ang rab
magka magka
kamatayan
Rustam atni
Ang sagot ay
iba Ang sagot ay
iba
Sohrab
3.Ang
maaring Gaw maaring
paglalaban
nawalangni
4 ain
Rustam
kabayosa
2.Sa
kanyang
paghahanappagl ni
Rustam saaki. magka
1.Maging
kanyang Ang sagot ay
iba
magiting si Gawai maaring
Gawai Gawai
n1 n5 n6
Gawain 2
1.sinabi-isinaad
2.naghinala - nagduda - nag-alinlangan
3.naigupo – napatumba – natalo
4.naglaban – nagtunggali – nagtuos
5.nakahandusay – nakalupasay - nakahiga
10
Sanggunian
Aklat:
Dayag A., Julian A., Marasigan E., Del Rosario M. 2017. Pinagyamang Pluma Ikalawang
Edisyon. Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.
Websites: https://www.youtube.com/watch?
v=Osa41RobnTo
11
12