Katitikan NG Pulong - Project SalikHasik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

NMataas na Paaralang Neptali A. Gonzales


Kagawaran ng Senior High School

KATITIKAN NG PULONG NG PROJECT SALIKHASIK NG SENIOR HIGH SCHOOL NG MATAAS NA


PAARALANG NEPTALI A. GONZALES
GOOGLE MEET / IKA-1 NG ABRIL / 2:00nh. -3:00nh.

MGA DUMALO:
G. Jhon benedict layoc

Gng. Thricia A. Vallada


Bb. Princess Mikha Eslabra
G. Renee Tepan
G. Alexander Menor

HINDI DUMALO:
Bb. Erica DV. Cayabyab

PAKSA: UNANG PAGPUPULONG UKOL SA PROJECT SALIKHASIK- LAC session ng mga gurong kasapi.

Mga Adyenda
1. Introduksyon ng proyekto
2. Pagtatalakay sa proyekto
3. Mga Gawain/Timeline ng proyekto
4. Task assignment

I. Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong pinamunuan ni G. Jhon Benedict Layoc, Teacher III ng Kagawaran ng SHS
sa ganap na ika-2 ng hapon at ito ay pinasimulaan sa pamamagitan ng isang panalangin mula
kay Gng. Thricia A. Vallada.

II. Introduksyon ng proyekto


Sinimulan ni G. Layoc ang pagpupulong sa pagpapakilala ng proyekto sa mga gurong kasapi
at paglalahad ng Integratibong Gawain nito sa pagitan ng mga guro at mga mag-aaral.

III. Pagtatalakay sa proyekto


Nagpatuloy ang pagpupulong sa paglalahad ni G. Layoc sa mga asignaturang mayroong
kasanayang pampananaliksik sa ilalim ng HUMSS STRAND. Tinukoy ang mga guro ayon sa
kani-kanilang asignatura.

Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa G. Jhon Benedict Layoc


Pananaliksik Gng. Thricia A. Vallada
Practical Research 1 Bb. Mikha Eslabra
Bb. Erica DV. Cayabyab
Statistics and Probability G. Alexander Menor
Reading and Writing G. Renee Tepan
Inihain din ni G. Layoc ang mga layunin ng proyekto:
 Matamo ang mga magkakaugnay na kasanayang pampananaliksik.
 Makabuo ng integratibo at kaisahan ng mga gawaing pananaliksik ng mga mag-aaral
sa bawat asignaturang mayroong kasanayang pampananaliksik at/o may kinalaman
sa pananaliksik.
 Makaisip ang mga guro at makabuo ang mga mag-aaral ng integratibong awput sa
bawat asignaturang magkakaugnay ang kasanayang pampananaliksik.
 Palakasin at pagyabungin ang pananaliksik para sa ikauunlad ng lipunan.

Inilahad ni G. Layoc ang konsepto ng Innovation, Intervention and Strategy ayon sa mga
sumusunod:
 Competency Mapping- ang mga gurong kasapi ay tutukoy ng mga piling
compentecy/ kasanayan na maaaring iugnay sa mga kasanayan ng ibang asignatura.
 Pag-iisip at pagplaplanong gawain para sa mga magkakaugnay na kasanayan-
maghahain ang mga gurong kasapi ng mga gawain para sa mga mag-aaral.
 Awput ng mga mag-aaral- pagkuha ng mga awput mula sa mag-aaral na magagamit
din ng ibang gurong kasapi sa kani-kanilang asignatura.
 Pagtutulay sa susunod na antas/semester- Irerekomenda ng mga guro ang
pananaliksik na isinagawa ng mga mag-aaral para sa susunod na antas/semester.

IV. Mga Gawain o Timeline ng Proyekto


Ibinigay ni G. layoc ang daloy ng pagsasagawa ng proyekto.
Pebrero Pagkokonsepto ng Gawain

Pinal na plano ng Gawain


Marso LAC Session ng mga gurong kasapi
Abril LAC session ng mga gurong kasapi

Oryentasyon ng mga mag-aaral

Pagpapatupad at paggamit ng mga


nabuong integratibong gawaing
pananaliksik

Focus Group Discussion sa mga piling


mag-aaral at pagbuo ng google classroom
para sa mga awput

Mayo Pagtataya sa mga awput na nabuo


Pampinid na Gawain Oral na presentasyonng mga pananaliksik
(research festival)

Presentasyon ng mga integratibong awput


ng bawat asignatura.
V. Task Assignment
Inilatag ni G. Layoc ang mga nakaatas para sa mga sumusunod na gawain:

Documentation- Gng. Thricia A. Vallada


Progress/ Monitoring Report- Per subject/ per teacher
Interpretation of Data- Per subject/ per teacher
Pagkonsepto ng pampinid na gawain- lahat ng gurong kasapi

VI. Iba pang pinag-usapan/ mga tanong mula sa mga gurong kasapi
Pinag-usapan/ Mga Tanong Napagkasunduan
Itinanong ni G. Renee Tepan ang Napagkasunduan na nasa mga mag-aaral
paggamit ng wika na gagamitin ng mga ang pagpili ng wikang gagamitin.
mag-aaral ( Ingles o Filipino).
Itinanong din ni G. Renee Tepan ang Napagkasunduan na magkakaroon ng sari-
Criteria sa pagtse-tsek ng mga Gawain ng sariling criteria ang mga guro.
mga mag-aaral.
Itinanong ni Bb. Princess Mikha Eslabra Napagkasunduan na ito ay gagawing per
ang tungkol sa pagbibigay oryentasyon sa subject/ Per teacher at isasagawa sa loob
mga mag-aaral kung ito ba ay gagawin sa ng buwan ng Abril.
bawat section o bawat asignatura.

VII. Pagtatapos ng Pulong


Natapos ang pagpupulong sa ganap na 2:20 ng hapon.

Inihanda ni:

Gng. Thricia A. Vallada


Teacher I, SHS

Nagpatotoo:

G. Jhon Benedict Layoc


Teacher IIII, SHS

Binigyang-pansin ni:

Dr. Henry A. Sabidong


Punong-guro IV, MPNAG
Mga Larawan

You might also like