Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

DULA SA PILIPINAS: KASAYSAYAN, MGA URI AT BAHAGI

Isang Pananaliksik na Iniharap


Kay Dr. Jennifer M. Abellana
Sa Asignaturang Filipino III
Sa City College of Tagaytay
Tagaytay City

Avinañte, Jovelyn
Erna, Jane Marielle R.
Mirando, Marie Beth M.
BSBA MM 2-5

DISYEMBRYE 17, 2019


2

ABSTRAK

Layunin ng pagsusuring ito ang pagpapaliwanag ng mga katangian ng mga dula

sa Pilipinas na katatagpuan ng pananaw o perspesyon ng mga tao sa iba’t-ibang

reyalidad. Sa ganitong pananaw, lalabas ang kwento bilang instrument sa pagbibigay

hugis sa mga karanasang hango sa tunay na buhay o mga pangyayari sa ating bansa. Sa

medaling salita, tesis ng sanaysay na ito ang produkto ang dula sa Pilipinas. Ang

anumang pagtatangka ng manunulat ng maglalarawan ng pangyayari sa bansa o

pinararaan sa naturang sistema sa kumbensiyon ng pagsulat. Sa gayon, ninais man ng

mga manunulat na lumikha ng matapat na salamin ng tunay na pangyayari sa nakaraan,

nagsisilbing limitasyon sa kanilang sining ng produksiyon ang namamayaning sistema na

maaring nagbukal sa naunang anyo ng panatikan. Dahil dito, iba’t-ibang uri ng dula

sinasaniban ng mga ito ang mga artikulasyon ng karanasan na nagtatakda sa paimbabaw

na kahulugan ng teksto.
3

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT...................................................................................................................1
ABSTRAK……………………………………………………………………………..2
TALAAN NG NILALAMAN…………………………………………………………3

KABANATA I RASYONAL AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL


1.1 Panimula……………………………………………………………………………4
1.2 Kaligiran ng Pag-aaral……………………………………………………………...6

KABANATA II LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


2.1Layunin………………………………………………………………………….. …8
2.2 Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………..9

KABANATA III METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN


3.1 Disenyo ng Pag-aaral………………………………………………………………10
3.2 Pamamaraan…………………………………………………………………….. 11
3.3 Kasangkapan…………………………………………………………………… 11

KABANATA IV DISKUSYON
4.1 Kasaysayan ng Dula sa Pilipinas…………………………………………………..12
4.2 Mga Uri ng Dula at Halimbawa……………………………………………………13
4.3 Bahagi ng Dula……………………………………………………………………..14
4.5 Sangkap ng Dula……………………………………………………………………14
4.4 Elemento ng Dula…………………………………………………………………..16
4.6 Eksena at Tagpo…………………………………………………………………….17

KABANATA V LAGOM, KONKLUSYON AT REAKSYON


5.1 Lagom……………………………………………………………………………….18
5.2 Konklusyon…………………………………………………………………………20
5.3 Reaksyon……………………………………………………………………………21
4

KABANATA I
RASYONAL AT KALIGIRAN NG PAG AARAL

1.1 PANIMULA

Bago alamin ang dula sa Pilipinas, makabubuti sigurong alamin muna ang

kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo,

ang ibig sabihin ay pampanitikang komposition na nagkukuwento sa pamamagitan ng

wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring

ipaliwanag sa dalawang paraan.

Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga

unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay

binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, "characterisation", at "internal

conflict." Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan.

Sa kabilang dako, ayon sa mga libro, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na

nabanggit ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang

pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Ang memises ay ang pagbibigay buhay ng

aktor sa mga pangaraw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang

malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula. Inilalarawan sa tunay na Pilipinong

dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura,

paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng

mga katutubong Pilipino. Dito rin pinamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang

pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay


5

ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga

pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito'y nagsisilbing gabay para sa

kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa

mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood

at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga

tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa,

naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa

lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay

wala noon. Ang Pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay panibagong sangkap sa

mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga

Kastila upang mapalaganap ang Katolikismo sa kapuluan. Ang kasaysayan ng dulang

Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga

dayuhang mananakop.

Ayon kay Casanova, ang mga katutubo'y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at

tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa

anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita'y

isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang

ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan,

kamatayan, at iba pa. Bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop ay mayroon ng

ilang anyo ng dula ang mga katutubong Pilipino.


6

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito

ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas

ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng

mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang

buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

1.2 KALIGIRAN NG PAG AARAL

Ang dula ay isang panitikan, ito ay isang aliwan para sa mga tao dahil dati walang

telebisyon, ito ang nagbibigay-diin sa mga nangyari noong panahon ng espanyol,

amerikano at iba pang mga sumakop sa pilipinas.

Ayon kay Cruz (2016), ang panitikan ay nagsisilbing salamin ng mga

nakasanayang kaugalian at mga tradisyong patuloy pa rin nating ginagawa. Ang pagsulat

ng maikling kuwento, mga tula at paglikha ng mga hindi matatawarang mga nobela at

dula ay maituturing na mga bahagi ng ating kultura. Isinasalaysay ng panitikan

ang buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang

kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, pag-asa,

pagkapoot, paghihiganti, pag kasuklam, pagkasindak at pangamba.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit pinag-aaralan ang literatura sa mga paaralan.

Sa isang banda, maituturing ang panitikan na isang `kakaibang karanasan. Ito ay

naglalantad ng mga katotohanang panlipunan, at mga guni-guning likhang-isip lamang.

Si Aristotle ang nagpakilala sa dula bilang “representasyon” ng buhay . Gayundin

tinuring niya ang lahat ng sining--biswal, musikal at berbal bilang mga representasyon.

Binabanggit din ito ni Augusto Boal sa kanyang pagsuysoy sa pag-unlad ng dinamiko


7

atrelasyon ng dula mula sa panahon nina Aristotle hanggang kasalukuyan. Matamang

kinuha ni Tiongson ang ganitong konsepto ng kanyang bigyang depinisyon ang dula

bilang mimesis ng buhay. Sa pag-iisa-isa niya ng mga anyong pandulang bahagi ng pag-

unlad ng dula sa Pilipinas, binigyang-pansin ang mga ritwal, sayaw, duplo, karagatan na

pawang mga katutubonganyong nakilala sa haba ng panahon bilang mga panggagagad a

buhay. Bahagi rin sa pag-iisa-isa ng mga anyong pandula ang mga dramang relihiyoso,

Kanluraning drama, dramapolitikal at simboliko pati na ang mga makabagong anyong

pandulang realistiko at ekspresyonistiko. Sa isang pambungad na sanaysay ni Tiongson

para sa bolyum ng dula sa CCP Encyclopedia of Philippine Art (l994), inilarawan

at binigyang-depinisyon ang dula:

“Philippine theater is the sum total of all mimetic performances developed

and presented through history on occassions and for purposes determined by social purp

ose and need. It ranges from rituals, dances and customs of indigenous cultural

communities, through the folk plays and dramatizations of hispanic influence, the dramas

learned from the West and the contemporary performances of the present.”

Mula sa depinisyon, malinaw na saklaw ng dula ang mga pagtatanghal. .Maging

ang mga tagisang berbal (verbal jousts) tulad ng dupluhan at karagatan ay pawang mgas

salaysay na pasalita. Gayundin, sakop ng pagbibigay-halagang ito ang

pagkilala samarami pang ibang dula na maaaring hindi mabigyan ng sapat

na pagpapahalaga pagkat ang mga ito’y oral at walang nakasulat na iskrip. Gayundin,

marami sa mga dulang protesta na lumabas noong panahong ng dekada ’70 ’80 ay mas

mainam nang hindi ilathala para sa usaping pang-seguridad. Sumakatwid, ang mga
8

anyong ito naitinuturing na bahagi ng kategorya ng dula ay nauna munang bigkasin at

itanghal , at pagkatapos ay saka pa lamang itinala para sa susunod na salinlahi.

KABANATA II

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG AARAL


PANGKALAHATAN AT TIYAK

2.1 LAYUNIN

Pangkalahatang Layunin- Ang layunin ng pag aaral na ito ay maunawaan at

matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng

panonood. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango

sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang

kaisipan. Mahalagang alamin natin na ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng

kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng

katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang

Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang

Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

Espesipikong Layunin

Nilalayon nitong masagot ang mga sumusunod na suliranin:

 Layunin nitong malaman ang kasaysayan ng dula ng pilipinas noon at

kung ito ba ay nagbago sa panahon ngayon.

 Layunin ng pag aaral na ito na masuri ang iba’t ibang mga uri ng dula at

alamin ang pinagkaiba iba nito.


9

 Layunin nitong malaman ang bahagi ng dula at malaman kung ito ba ay

mahalaga sa pagsasagawa ng dula at kung ito ba ay kailangang gamitin sa

dula.

2.2 KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Mahalagang pag aralan at alamin ang kahalagahan ng dula dahil inilalarawan nito

ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng

bayan. Inaangkin ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga

suliranin. Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa

totoong buhay. Tumatatak din sa mga manonood ang bawat sangkap na bumubuo sa

bawat dulang napapanood. Kaya malaki ang paniniwala ng mga mananaliksik na ang

pag-aaral na ito ay magdudulot ng kahalagahan sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral :

Magiging kapaki-pakinabang ito upang magkaroon ng mas malalim na pang-

unawa sa kaisipang nakapaloob sa dula bago pa man sila manood. At makakatulong ito

upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa dula ng pilipinas sa kasaysayan, uri at

bahagi.

Sa mga guro:

Makakapulot ang mga kaguruan ng mga aral na maibabahagi sa kanilang mga

estudyante at makakatulong ito upang lalo pang yumabong ang g kaalaman tungkol sa

napapanahong dula.

Mga mananaliksik sa hinaharap:


10

Magagamit itong basehan sa kanilang gagawing pananaliksik,at magsilbing

sanggunian at pagkukunan ng mga mahahalaga o kapaki-pakinabang na impormasyon

para sa kanilang magiging pananaliksik na kaugnay ng pag aaral na ito.

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay naglalayong maipaliwanag at mailahad ang mga paraang

ginamit ng mananaliksik at nakapaloob dito ang instrumento at disenyong ginamit upang

mabigyan katuparan ang layunin ng pag-aaral.

3.1 DISENYO NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa kasaysayan, mga uri at bahagi ng dula sa

Pilipinas ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik. Ang disenyong paglalarawan o

deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa pagaaral na ito upang

mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananalisksik. Ang

deskriptibong pamamaraan ay pinag-aaralan ang kasalukuyang ginagawa, pamantayan at

kalagayan. Ayon kay Sicat-de Laza (2016), na ang deskriptibong pamamaraan ay

naglalarawan ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng isang pangyayari. Sa pananaliksik

na ito ang dula sa pilipinas sa kasaysayan, mga uri at bahagi ay ginamitan ng

deskriptibong pamamaraan upang makakalap ng iba’t-ibang impormasyon sa

pamamagitan ng paglalarawan, pagtatala, pagsusuri at pagpapaliwanag, paghahambing at

pagpapakahulugan sa kasaysayan ng dula sa pilipinas, mga uri ng dula at mga bahagi


11

nito. Layunin ng ganitong disenyo na sistematikong mailarawan ang sitwasyon at

kundisyon nang makatotohanan at buong katiyakan.

3.2 PAMAMARAAN

Upang maisakatuparan ang pananaliksik, nagsagawa ang mga mananaliksik ng

iba’t ibang hakbang upang maging epektibo ang pangangalap ng mga datos. Ang mga

mananaliksik ay nangalap ng datos sa pamamagitan ng pag aaral ng iba’t-ibang “sources”

mula sa “internet”. Ang mga mananaliksik ay nagtipon-tipon at nagbabagyong-isip

tungkol sa paksa. Ang pamamaraan ng mga mananaliksik ay nararapat na ibigay sa

layunin ng pananaliksik patungkol sa kasaysayan ng dula sa pilipinas, at malaman ang

mga iba’t- ibang uri ng dula at bahagi nito.

3.3 KASANGKAPAN

Ang mga kasangkapang ginamit ng mga mananaliksik ay ginawa ng may pag-

iingat upang maiwasan ang mga pagkakamali at maisagawa ng maayos ang mga pagkalap

ng mga importateng impormasyon na makakatulong sa bawat isa.

1. Pangangalap ng kaugnay na Literatura at Pag-aaral. Ang mananaliksik ay

mangangalap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral mula sa iba’t-ibang

sources mula sa internet. Ang iba’t- ibang literatura na nakalap sa kanilang

pananaliksik ay nakatulong upang malaman ang dula sa pilipinas: kasaysayan, mg

uri at bahagi ng dula. Sa pag-aaral na ito, gumamit ng instrumento ang mga


12

mananaliksik upang mapalawak ang kaalaman ukol sa paksa. Gumamit ang mga

mananaliksik ng dyornal o mga artikulo at mga libro na may kinalaman sa paksa.

Gamit ang mga intrumentong ito, nakakalap ang mga mananaliksik ng mga

impormasyon tungkol sa dula sa Pilipinas sa kasaysayan na mas makatutulong

upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.

KABANATA IV

DISKUSYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga nakalap na resulta gamit ang

instrumento sa pananaliksik. Sa kabanata ring ito ipanaliliwanag ang mga resulta ng

pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay itinala ang bawat lahat ng detalye at

obserbasyon.

4.1 KASAYSAYAN NG DULA SA PILIPINAS

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.

Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa

pamamagitan ng panonood. Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap

ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon.

Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino.

Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.

Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-

unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga

Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang

Pilipino.
13

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong

Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga

katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga

unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin

ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-

awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng

kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian,

pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga

dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino.

4.2 MGA URI NG DULA AT HALIMBAWA

1. Trahedya- ang dulang ito’y may mahigpit na tunggalian. Mapupusok ang mga tauhan

at ginagamitan ng masisidhing damdamin. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay

ng mga pangunahing tauhan.

Halimbawa:

-Moses, moses -Sinag ng Karimlan -Ang trahedya sa balay ni kadil na

- Jaguar -Anghel ni Noel De Leon isinulat ni Don Pagurasa

-Kahapon, Ngayon, Bukas (sarswela)

2. Komedya- ang uring ito’y nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay

nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood.

Halimbawa:

-Sa Pula, Sa Puti

-Plop! Click
14

3. Melodrama- ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t

ang uring ito’y may malulungkot na sangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at

damdamin sa uring ito.

Halimbawa:

-SariManok ni Patrick C. Fernandez

4. Parsa- ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang

katawatawa.

Halimbawa:

-Karaniwang Tao by: Joey Ayala

5. Saynete- ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali. Katulad ng parsa,

ang dulang ito ay may layuning magpatawa.

4.3 BAHAGI NG DULA


1. Yugto – Ang bahging ito ang ipinanghahati sa dula. inilaladlad ang pangmukhang

tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang

mga manonood.

2. Tanghal – Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago

ng ayos ng tanghalan.

3. Tagpo – Ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.

4.4 ELEMENTO NG DULA

1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang

dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip;

walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.
15

Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan

ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.

2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay

sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita

ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga

kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari;

ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

3. Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang

maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at

makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga

linyang binibitiwan ng mga aktor.

4. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay

tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng

isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang

klase.

5. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya

ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng

mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay

dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung

hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang

layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong

makasaksi o makanood.
16

7. TEMA – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang

palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at

pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan.

Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng

dula.

4.5 SANGKAP NG DULA

1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad

sa dula.

2.Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga

pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

3.Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;

mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa

simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng

higit na isang suliranin ang isang dula.

4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning

nararanasan.

5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa

kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o

patung-patong na tunggalian ang isang dula.


17

6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap

na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa

pinakakasukdulan ang tunggalian.

7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa

mga tunggalian.

8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at

tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at

tunggalian sa panig ng mga manonood.

4.6 EKSENA AT TAGPO

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang

ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga

pangyayari sa dula.
18

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REAKSYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, konklusyon at reaksyon ng pag-aaral.

Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “Dula sa Pilipinas: Kasaysayan, Mga Uri at Bahagi”.

5.1 LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang Kasaysayan, Mga Uri at

Bahagi ng Dula sa Pilipinas. Ang dula, maging iisahin o tatluhang yugto ay isang genre

ng panitikang kinagigiliwan ng marami, ito man ay binabasa lamang o itinatanghal. Ang

kaugnayan ng dulang iisahing yugto sa dulang may tatlong yugto ay maihahalintulad

marahil sa kaugnayan ng maikling kuwento sa nobela. Katulad ng maikling kuwento,

ang dulang ito ay matipid, matiim at nag-iiwan ng isang bisang puno ng buhay o drama.

Dinarakip ng manunulat ang isang madulang bahagi ng buhay ng isang tao, sa isang

pook, sa isang panahon at sa tulong ng iba pang sangkap na itinatanghal ngayon. Hindi

ang manunulat ang magkukuwento kundi ang mismong dula; ito ay palaging nagaganap
19

ngayon. Palaging ngayon ay nangyayari, palaging panahunang pangkasalukuyan, mula sa

guniguni ng mambabasa o sa paningin at pandinig ng manonood. Ang mga nakaraan,

gayundin ang mga hinaharap at dinaraan lamang sa mga pahiwatig. Upang matamo ang

iisang impresyon, kailangang iisang nangingibabaw ba paksa o tema ang namamayani.

Ang krisis ay maaaring manggaling sa paglalaban ng tauhan o ng tauhan na

magpapanatili sa kawilihan ng mga mambabasa o manonood sa loobng itatagal ng dula,

na karaniwa’y mula sa kalahati hanggang isang oras humigit-kumulang.

Ang mga makatuturang dula mula noong unang panahon hanggang sa

kasalukuyan ay nananatiling buhay; mula sa dula ng mga Griyego hanggang kina

Shakespeare, hanggang kina Julian Cruz Balmaceda. Ang mga iyon ay higit pa sa

kanilang ginamit na banghay, paksa, tauhan; ang mga iyo’y nag-iwan ng gayuma sa

isipan at damdamin ng mga bumasa at nanood. Ang mga iyon ay lumikha ng maliwanag

na pagkilala ng tao sa kanyang sarili.

Ang paglalarawan ng katauhan ay dapat magsimula sa simula pa lamang ng dula.

Ito’y kailangang maging tuwiran at mabilis. Sa simula pa, ang tauhan ay dapat langkapan

ng motibo o pagnanasa o dahilan na magpapakilos at magpapasalita sa kanya nang gayon.

Katulad ng sa maikling kuwento, ang katauhan ay maaaring ilarawan sa iba’t ibang

paraan, ngunit ang pinakamabisa ay ang mismong mga kilos, pagsasalita at reaksyon na

rin ng tauhan, kasama na ang pag-aayos sa sarili. Ang mime (pantomime)niya ang

pantulong sa paglalarawan.

May mga katauhang kulang sa lalim; sapat na ito sa mga taong pansamantala lamang

nilang makakaugnay. Ngunit sa panghabangbuhay na kasama, mapalilitaw ng mahusay

na manunulat ang lalim ng katauhan.


20

Ang uri ng pakikibaka ng tauhan sa iba’t ibang tauhan sa dula ay magbubunyag

ng kanyang buong katauhan, pang-ibabaw man at pang-ilalim din. Sa isang dula,

maaaring ang banghay ng kuwento at ang paksa o tema ay di-gaanong mangingibabaw sa

bumabasa o manonood, ngunit ang paglalarawang- katauhan o karaterisasyon ay tiyak na

lulutang sapagkat sadyang iba’t iba. Ang paglinang ng katauhan sa dula ang nagbibigay-

halaga rito, ang mananatili nang matagal sa kalooban ng mambabasa o manonood.

5.2 KONKLUSYON

Ang dula ay isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan, sa

pamamagitan ng kilos at galaw, ang isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng

isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Bagamat sinasabing ang dula ay

“imitasyon ng buhay” hindi pa rin maikakailang mahirap talagang mailarawan ang

imitasyong ito sa isang dulang nasusulat o isang dulang itinatanghal. May kasangkapang

gingamit ang isang manunulat ng dula bilang pamalit sa realidad at upang tanggap.

Ang Kombensyon sa Panahon- naniniwala o kunwa’y ang manonood sa loob ng

ilang oras ay nabubuhay siya sa loob ng isang araw, lingo o buwan o taon, na kasa-

kasama ng mga tauhang kanyang pinanonood sa tanghalan.

Ang Kombensyon sa Ikaapat na Dingding- tinatanggap ng manonood na tulad sa

isang tanghalan, sa totoong buhay ay may tatlong dingding lamang ang isang bahay. Ang

ikaapat na dingding ay bukas kayat namamalas at naririnig niya ang lahat ng sinasabi at

ikinikilos ng mga nasa loob ng bahay na nasa kanyang harapan.


21

Ang Kombensyon ng Pananalita o Wika- tinatanggap ng manonood na kung ano

ang pananalitang binibigkas ng mga tauhan sa dula ay gayon ding pananalita ang

kanilang binibigkas at ginagamit sa tunay na buhay.

Ang Kombensyon ng Pagsasalita sa Sarili- ang pagsasalita na parang sa sarili

lamang ng tauhan, ay tinatanggap ng manonood na kailangan o mahalaga upang malaman

niya ang iniisip ng isang gumaganap sa tanghalan at upang maunawaan niya ang ilang

pangyayaring hindi maaaring ipakita o itanghal.

Dahil sa ang bawat manonood ng dula ay may mga ekspektasyon sa dulang

kanyang pinanonood, madalas na nabibigo siya pagkatapos ng pagtatanghal kung hindi

naabot ng dula ang mga ekswpektasyong ito. Dito pumapasok ang kahalagahan ng

kumbensyon ng dula. Dapat malaman at maunawaan ng manonood ng dula na hindi dapat

manaig ang kanyang mga ekspektasyon sapagkat may mga kombensyon o kasunduan sa

pagtatanghal ng isang dula. Kung may sapat na kabatiran ang isang manonood sa

kombensyong ito, higit na magiging kasiya-siya at makabuluhan ang panonood niya ng

dula.

5.3 REAKSYON

Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral, Ang dula sa ating bansa ay kasintada ng

kasaysayan ng Pilipinas. Ang dula ay naging bahagi ng tradisyong nagbibigay ng

identidad sa mga Pilipino. Nagbago ang anyo ng mga dulang Pilipino ngunit iisa ang

layunin ng mga mandudulat: ang aliwin ang mga mamayang Pilipino at higit sa lahat ay

bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino. Napakahalagang pag aralan at

balikan ang kasaysayan ng dula sa Pilipinas bagamat naging bahagi ito ng tradisyon ng

mga Pilipino. Layunin nitong makapagbigay aliw sa mga manonood at magbigay


22

kasiyahan sa mga manonood. Sa pag-aaral na ito, bilang isang mananaliksik at mag-aaral,

nagkaroon kami ng mas malawak ng kaalaman at kaisipan tungkol sa kasaysayan ng dula

sa Pilipinas. Nakakatuwang isipin na ang kasaysayan ng dula sa Pilipinas ay mayroong

impluwensya sa panahon noon at ngayon. Sa pag-aaral din na ito mas nabigyang pansin

ang mga iba’-t ibang uri ng dula at mas lumawak ang ating kaalaman. Nalaman din

nating ang iba’t- ibang bahagi ng dula, sangkap, elemento at iba pa.

You might also like