AP 5 Semi Detailed Ang Klima Sa Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

GRADE SCHOOL DEPARTMENT

PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS


Socially Responsible Leaders Making a Difference

Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan 5

Antas Ng Baitang 5
Learning Area Araling Panlipunan
Markahan Ikatlo
Paksa Klima sa pilipinas
I. Layunin
 Ang mag aaral ay …
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa dalawang uri ng klima ng pilipinas.

 Ang mag-aaral ay…


nailalarawan ang epekto ng klima sa bansang pilipinas
 Ang mag-aaral ay…
Matutukoy ang pinagkaiba ng klima at panahon

II. Nilalaman A.Klima


Tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan ng panahong umiiral sa isang lugar

 Klima at Panahon sa Pilipinas

Matatagpuan ang Pilipinas sa mababang latitude, sa itaas ng equator, sa sonang tropikal. Ang lokasyong ito
ng Pilipinas ang dahilan sa pagkakaroon nito ng dalawang panahon-- ang tag-araw at tag-ulan. Nararanasan
ang tag-ulan mula Huno hanggang Nobyembre. ang tag-araw naman ay mararanasan mula Disyembre
hanggang Mayo.
 Pangunahing uri ng klima

Tag-ulan - ito ang panahon kung saan labis labis na pag-ulan ang ating
nararanasan. Ang tagulan ay nangyayari mula sa buwan ng Mayo
hanggang Oktubre.

Tag – init – Ito ay nangyayari mula sa buwan ng Nobyembre hanggang Abril.

 Mga Epekto ng Klima


Sa Pagtatanim
Ang pagtatanim ay karaniwang ginagawa bago ang tag-ulan.  Ang pag-
aani naman ay tuwing tag-init.
Sa Damit
Makapal na damit ang isinusuot kapag tag-ulan. Kailangan din magdala ng
raincoat at payong.Kapag tag-init naman ay manipisna damit ang isinusuot.
Kailangan
din ng payong, sumbrero o sunglasses para maproteksyunan ang balat at
mata.

Sa Uri ng Bahay
Madalas gawa sa bato ang mga bahay na madalas daanan ng bagyo, tulad
ng Batanes.Sa mainit na lugar ay gawa sa kahoy (tulad ng bamboo) ang
mga bahay.

Sa iba’t ibang Gawain


Ang mga gawain (activities) ng mga tao ay nagbabago din depende sa klima.
Iniiwasan ang pangingisda kung may bagyo o malakas na ulan at hangin.
Iniiwasan din ang pagpapagawa ng gusali at kalsada tuwing tag-ulan.

III. Learning Resources  References: https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf


 Other Learning Resources: Power Point Presentation , Larawan, Video Presentation

IV.Pamamaraan

Panimula  Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban
 pagbibigay ng pamantayan sa klase
 Pagganyak
 Balik - aral sa nakaraang aralin

Kasalukuyan  Pagtatalakay
 Ipaliliwanag ng guro ang Klima at Panahon sa Pilipinas
 Ipaliliwanag ng guro ang mga epekto ng klima
 Ipaliliwanag ng guro kung paano nakakaapekto ang klima sa gawin ng mga mamamayan
 Paglalahat
Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap o pahayag. Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag at
Mali kung hindi wasto ang isinasaad

1.Tumutukoy sa "pangmatagalang kalagayan ng panahong"


umiiral sa lugar
2.Dalawang uri ng panahon sa Pilipinas.
3.Ang "Klima ng Pilipinas" ay ________ dahil sa pagkakaroon nito ng dalawang (2) uri ng panahon.
4.Mga sinusuot sa tuwing tagulan
5.Ito ay nangyayari mula sa buwan ng Nobyembre hanggang Abril.

Pagkatapos ng Aralin Magbibigay ang guro ng limang tanong at sasagutin kung ito ay tama o mali.
V.Pagbubuod  Magtatawag ang guro ng tatlong bata na magsasabi ng kanilang natutunan sa aralin
 Ibibigay ng guro ang buod ng kanyang aralin

VI. Takdang – Aralin  Gumawa ng graphic organizer sa iyong kwaderno at ilahad ang iyong naunawaan sa talakayan.

Prepared by:

MS. Sylvia Ardiente


Araling Panlipunan Teacher

You might also like