Professional Documents
Culture Documents
AP 5 Semi Pagbabagong Pangkultura Sa Ilalim NG Kolonyalismong Espanyol
AP 5 Semi Pagbabagong Pangkultura Sa Ilalim NG Kolonyalismong Espanyol
Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan 5
Antas Ng Baitang 5
Learning Area Araling Panlipunan
Markahan Ikatlo
Paksa Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng Kolonyalismong Espanyol
I. Layunin
Content Standard Ang mag aaral ay …
(Pamantayang Pangnilalaman) Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga pagbabago sa lipunan ng sinaunang Pilipino
kabilang ang pagpupunyagi ng ilang pangkat na mapanatili ang kalayaan sa Kolonyalismong
Espanyol at ang impluwensya nito sa kasalukuyang panahon.
IV.Pamamaraan
Panimula Panalangin
Pagbati
Pagtala ng liban
pagbibigay ng pamantayan sa klase
Pagganyak
Balik - aral sa nakaraang aralin
Magpapalaro ang guro ng larong online na kung saan bubuuin ang tamang salita sa mga
naka-jumble na mga letra
Kasalukuyan Pagtatalakay
Ipaliliwanag ng guro ang ibig sabihin ng mga salitang binanggit sa larong bamboozle
Ipaliliwanag ng guro ang pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng Kolonyalismong Espanyol
Ipaliliwanag ng guro kung paano nabago ang panahanan , pananamit,pagpapangalan at lutuin ng sinaunang
pilipino
Paglalahat
Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap o pahayag. Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag at
Mali kung hindi wasto ang isinasaad
1.Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang unang palapag nito sa
bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na kahoy.
2. May pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino noon.
3.Sa pananamit ang naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang tsinelas at sapatos.
4. Madaling natutunan ng mga Pilipino ang pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika tulad ng plauta,
biyolin, harpa, at piano na dala ng mga Espanyol sapagkat kahalintulad ito ng mga instrumentong katutubo
sa kanila.
5. Bago pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay marunong ng gumamit ang mga Pilipino ng kutsara
at tinidor at kutsilyo sa pagkain.
Pagkatapos ng Aralin Magbibigay ang guro ng limang tanong at sasagutin kung ito ay tama o mali.
V.Pagbubuod Magtatawag ang guro ng tatlong bata na magsasabi ng kanilang natutunan sa aralin
Ibibigay ng guro ang buod ng kanyang aralin
VI. Takdang – Aralin Gumawa ng graphic organizer sa iyong kwaderno at ilahad ang iyong naunawaan sa talakayan.
Prepared by: