Professional Documents
Culture Documents
Reflective Essay
Reflective Essay
Pagmamahal muna sa bansa bago sa aking sarili. Ipinakita ni Rizal kung paano maging
mapagmalasakit sa bayan at sa mga mamamayan hanggang sa punto ng kawalang-pakialam niya
sa kahalagaan ng kaniyang sariling buhay. Itinaya niya ang sariling kaligtasan at kapakanan,
maimulat at maipamukha lamang sa Pilipino ang kawalang katarungang paraan ng pamamalakad
ng pamahalaan sa mga minamahal niyang bayan. Kung paanong magpapatuloy ang ating
pagkakulong sa makitid na hawla habang ito ay lumalawak lamang at hindi mabubuksan kung
tayo ay mananatiling walang-alam, walang pakialam at walang pagmamahal sa bayan. Na sa
ngayon ay nakaliligtaan na nating isabuhay. Masiyado tayong nagiging makasarili na
nagreresulta sa mas malaking problema ng bansa.
“There can be no tyrants where there are no slaves” ; salamin ng mga namumuno at mga
Pilipino. Nais maihatid ni Rizal sa atin na walang mang-aapi kung walang nagpapa-api, walang
alipin kung walang nagpapa-alipin. Hindi dapat tayo matakot, dapat nating mapagtagumpayan
ang nararamdaman nating takot kay kamatayan. Sapagkat kamatayan lamang ang pipigil sa
kakayahan nating magsalita at maipaglabaan ang kalayaan. Tulad ng liriko sa ating pambansang
awit “ang mamatay nang dahil sa iyo”, namatay si Rizal dahil sa kaniyang paninindigan at labis
na pagmamahal sa ating Inang Bayan. Hindi karuwagan ang hayaan ang sariling mawalan nang
hininga sa harap ng mga taong sobrang taliwas sa iyo ang mga paniniwala. Ang magtago sa
anino nang mapanlinlang at mapanlamang na mga namumuno, magbulag-bulagan sa
katotohanan at magbingi-bingihan sa iyak ng bayan ay ang simbolo ang tunay na karuwagan.