Panitikan Finals

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SETYEMBRE 16, 2021

FI NALS

SAGUTIN:

1) IBIGAY ANG KAHULUGAN NG PANITIKAN AT IPALIWAG ITO.

Ayon kina Lalic, E.D. at Matic, Avelina J (2004) ang “panitikan ng isang lahi
ay ulat na nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito.” Tulad ng
talaan ng nilalaman ang ating panitikan ay maituturing na talaan ng ating buhay –
mataming salita, maraming bahagi at maraming pahina. Ito ay sa kadahilanang tayo ay
nakapagsusulat at nakagagawa ng akda base sa sarili nating naging karanasan, mga
nakikita at mga napagmamasdan sa ating kinaroroonang kapaligiran.

Nabanggit din ni Salazar (1995) na ang panitikan ay nagpapakilos sa alinmang uri


ng lipunan Minsan na nating naging batayan sa kung ano ang tama o mali at doon ay
magbabase tayo ng kung paano dapat tayo kumilos. Ito rin ang pinagmumulan ng ating
pagtatatag ng mga kultura at paniniwala. Gaya nga ng madalas na mabanggit, ang
panitikan ay salamin ng pinagmulan ng ating lahi. Kung paano tayo kumilos at maniwala,
nakikita iyon sa pamamagitan ng pagbabasa ng iba’t ibang uri ng panitikan sa panahong
yaon.

Sa mas madaling salita ang panitikan ay ang naging pamamaraan nating mga tao
upang palayain ang ating mga nakakulong na kaisipan, ideya at damdamin. Isa sa mga
naging tulong ng ating pagkamit ng kalayaan ay ang pagbukas ng mumunting kulungan
ng ating dati ay nakapiit na mga saloobin at paniniwala. Kaya kung kaya nating
magpahayag ng sariling pananaw upang makagawa ng akda, dapat din na kayanin nating
intindihin ang likha ng ibang tao batay sa sarili nilang kaisipan at paninindigan.

You might also like