Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Ashaena Suaner Dancel 21/06/2022

10- I Delos Reyes


Gawain 6

Pagsulat ng Nobela
Sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo noong Oktubre 1887 habang siya ay nasa Calamba.
Nagrebisa siya ng ilang kabanata noong 1888 sa London, Inglatera at itinuloy ang pagsulat sa Paris.
Lumipat siya sa Brussels, Belgica kung saan mas mura ang gastusin at para mapagtuunang tapusin ang
kanyang aklat. Natapos niya ang kanyang aklat noong Marso 29, 1891 sa Biarritz, France. Sa tulong ng
kanyang kaibigan na si Valentine Ventura, nailimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891 sa Ghent
Belgium.

Buod ng Nobela
Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo na naglalakbay. Lulan nito ang maraming taong
papunta sa Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun, Basilio, Isagani, at ilang mga pari.

Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina nang ito’y makarating sa San Diego. Doon ay
nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Nang magtanggal ito ng salamin ay nakilala niyang iyon si
Juan Crisostomo Ibarra.
Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio upang hindi lumabas ang lihim nito. Ngunit naisip niyang parehas
sila ng kinahinatnan nito kaya hinimok nalang niyang makiisa si Basilio sa planong paghihiganti sa
Pamahalaang Kastila.

Ngunit ito ay tinanggihan ni Basilio. Naghain ng kahilingan sa Kapitan Heneral ang mga mag-aaral na
Pilipino upang makapagtayo ng isang akademya ng wikang Kastila. Ngunit hindi ito pinagtibay dahil mga
pari ang namamahala dito.

Nang muling magkanaig ni Simoun si Basilio ay muli niyang kinumbinsi na umanib ang binata sa
gagawing paghihigmasik.

Plano ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na sapilitang papasok sa kumbento upang agawin si
Maria Clara. Sa kasawiang palad ay hindi ito nangyari dahil binawian din ng buhay ang dalaga
kinahapunan.

Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral, sa Panciteria na pagmamay-ari ng Intsik na si


Quiroga, dahil sa masama ang kanilang loob dala ng pagkabigo ng kanilang kahilingan patungkol sa
pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila.

Nalaman ng mga pari ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
talumpatian sa loob din ng Panciteria. Kinaumagahan ay makikita ang mga paskin sa pinto ng
Pamantasan na naglalaman ng mga paghihimagsik.

Pinagbintangan ang mga mag-aaral na kasali sa kapisanan at dinakip ang mga ito kasama si Basilio. Labis
ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si Huli.

Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya
kay Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang mga mag-aaral maliban kay Basilio.

Hinalay ni Padre Camorra si Huli dahilan kung bakit tumalon sa bintana ang dalaga at agad namatay.

Sa kabilang dako, patuloy parin si Simoun sa kanyang plano na paghihiganti. Upang maisagawa iyon,
sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Ipinagkasundo niyang ipakasal si
Paulita kay Juanito.

Inanyayahan niya sa piging ang mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan. Lumipas ang
dalawang buwan, nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun dahilan kung bakit tuluyan na siyang nakiisa
sa paghihimagsik na balak ni Simoun.
Sinamantala ni Simoun ang mangyayaring piging upang maisagawa ang paghihimagsik. Naghandog siya
ng magarang lampara para sa ikakasal.

Di-lingid sa kanilang kaalaman, ang lamparang iyon ay may lamang nitrogliserina. Sa oras na itaas ang
mitsa ay sasabog ito ng malakas.

Habang nagsasaya ang lahat ay palakad-lakad naman si Basilio sa labas. Hindi siya mapakali dahil alam
niya ang mangyayaring pagsabog.

Nakita niyang lumabas na rin si Simoun sa bahay dahil sa nalalapit na pagsabog ng lampara. Nakita din
niya si Isagani at sinabihan umalis na sa bahay na iyon.

Unti-unti nang lumalamlam ang ilaw ng lampara. Iniutos ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ang
mitsa nito ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon sa ilog.

Hindi natuloy ang plano ni Simoun kaya tumakas ito at nagtungo sa bahay ni Padre Florentino. Uminom
si Simoun ng lason dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga sibil na buhay.

Nagtapat siya kay Padre Florentino ng kaniyang buhay at ang balak niyang paghihiganti.
Noong oras din na iyon ay binawian ng buhay si Simoun.

Tumungo si Padre Florentino sa bato na laging inuupuan ni Isagani malapit sa dagat at itinapon ang lahat
ng kayamanan ni Simoun.

Tema
Ang pinaka tema ng El Filibusterismo at nakatuon sa modelong pamamaraan ng pagkamit ng
pagbabagong panlipunan. Ang El Filibusterismo ay isinulat ng mga apat na taon matapos ang Noli Me
Tangere. Sa aklat na ito ay isiniwalat ni Rizal ang isang mas hinog at di-gaanong umaasang pananaw
hinggil sa politika at kalagayang panlipunan ng sa Pilipinas. Ang kabiguang dinanas ni Rizal sa
pagpupumilit na magkaroon ng pagbabagong panlipunan nang mga panahong iyon ay dumagdag sda
mas mapagbantang tono ng aklat. At mismong si Rizal ay umamin na ang El Fili ay mas maganda at may
higit na lalim na nobela kaysa Noli.

PAMAGAT NG NOBELA/ O INSPIRASYON NG NOBELA


Binigyang depinisyon ni Rizal ang salitang filibusterismo sa kanyang kaibigan na si Ferdinand Blumentritt
dahil hindi nito nauunawaan ang pagkakagamit niya ng salitang ito sa Noli Me Tangere. sa isang liham ni
Rizal ay ipinaliwanag niya na hindi pa gaanong kilala sa masa ang salitang ito. Narinig niya ang salitang
ito noong binitay ang GOMBURZA. Ginamit ang salitang ito ng pahayagang maynila at ng mga Espanyol
sa mga taong pinaghihinalaang rebulusyunaryo. Kinatatakutan itong banggitin ng mga edukadong
Pilipino dajhil nangangahulugan itong "isang mapananib na makabayang kalaunan ay bibitayin" Ang El
Fili ay inihandog ni Rizal sa mga paering GOMBURZA dahil sila ay inakusahan ng pag-aaklas laban sa
pamahalaang Espanyol kung kaya't pinatawan sila ng kamatayan at hindi iyon makatarungan ayon kay
Rizal.

Mga Tauhan
 Simoun
 Ang mag-aalahas na mayaman. Ang tagapayo ng Kapitan Heneral. Ang tunay niyang
katauhan ay si Crisostomo Ibarra na bumalik upang maghiganti.
 Isagani
 Ang kasintahan ni Paulita at pamangkin ni Padre Florentino.
 Basilio
 Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Siya rin ang anak ni Sisa.
 Kabesang Tales
 Naghahangan ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga
prayle.
 Tandang Selo
 Ang ama ni Kabesang Tales na binaril ng kanyang apo
 Senyor Pasta
 Tagapayo ng mga prayle sa suliraning legal
 Ben Zayb
 Mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez
 Placido Penitente
 ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
 Padre Camorra
 Ang paring mukhang artilyero
 Padre Fernandez
 Paring Dominikong may paninindigang malaya
 Padre Salvi
 Paring Fransiskanong dating kura ng San Diego
 Padre Florentino
 Amain ni Isagani
 Don Custodio
 kilala sa tawag na Buena Trinta
 Padre Irene
 Kaanib ng mga kabataan sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila
 Juanito Pelaez
 ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may
dugóng Kastila
 Makaraig
 Mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya
ng Wikang Kastila
 Sandoval
 Kawaning Kastila na sang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
 Donya Victorina
 Napagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina at tiyahin ni Paulita
 Paulita Gomez
 Ang kasintahan ni Isagani na ipapakasal kay Juanito Pelaez
 Quiroga
 Mangangalakan na Intsik na nagnanais na magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
 Juli
 Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio
 Hermana Bali
 naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
 Hermana Penchang
 Mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
 Ginoong Leeds
 Ang Amerikanong nagtatanghal sa perya
 Imuthis
 Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
 Pepay
 Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibígan daw ni Don Custodio.
 Camaroncocido
 Isang Espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na
anyo.
 Tiyo Kiko
 Matalik na kaibígan ni Camaroncocido.
 Gertrude
 Mang-aawit sa palabas.
 Paciano Gomez
 Kapatid ni Paulita.
 Don Tiburcio
 Asawa ni Donya Victorina.
Pagninilay
Naunawaan ko ang mga pangyayari kung bakit ginawa ang El Filibusterismo
Napagtanto ko na ang El Filibusterismo ay isinulat para sa hindi makatarungang pagpatay sa Paring
GomBurZa
Kailangan ko pa nalaman ang buong kwento ng El Filibusterismo

You might also like