Propeta Idris (AS)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Propeta Idris (Enoch)

Si Propeta Idris (AS) ay ang pang-anim na apo ni Propeta Adam (AS). Ang Propeta Idris (AS) ay
matangkad, gwapo, mahinahon, at kapag naglalakad ay hindi nakatingin sa harapan ng kanyang
dinadaanan, Ang Propeta ay nakatungo na para bang laging nag-iisip. Malaki ang kanyang hakbang
katulad ng kay Propeta Muhammmad (SAW). Hindi siya pala-salita, at kapag siya ay
magsasalita,punong puno ng words of wisdom ang kanyang mga sinasabi.

Si Propeta Idris (AS) ay ang kauna-unahang Propeta na natutong magsulat gamit ang isang panulat,
walang nakakaalam sa pagsusulat noon ngunit si Allah (SWA) ay tinuruan ang Propeta kung paano
magsulat at ang Propeta ang nagturo sa mga tao kung paano magsulat.

Dumating si Propeta Idris hindi para pigilan ang mga taong lumalayo sa pananampalataya kay Allah
(SWA), ang tungkulin ng Propeta Idris (AS) ay ang makatulong at mapigilan at mapalayo ang mga tao sa
mga gawain ng korupsyon, papalayo sa mga pagnanasa, pangangalunya (adultery), at pagpatay.

Ang mga tao sa panahon ng Propeta Idris (AS) ay nakagagawa ng maraming kasalanan, at pagiging
ignorante ay kumakalat sa kanila, kaya’t ang Propeta ay nagsikap upang ipaalala at ibalik mga tao sa
tamang direksyon.

Nang makita ng Propeta Idris (AS) ang paglaganap ng korupsiyon lalo na sa mga tao ni Qabil, Ang
Propeta ay nagdeklara ng digmaan laban sa korupsyon. Si Propeta Idris (AS) ang kauna-unahang
Propeta na nagdeklara ng digmaan upang ilaban ang landas ng Allah (SWA) at ibinigay ni Allah (SWA)
ang tagumpay sa Propeta Idris.

Sinabi ng Allah (SWA) sa Quran na si Propeta Idris ay isang matapat na propeta, …, at sa mabubuting
gawa ng Propeta Idris (AS), ibibigay din ng Allah (SWA) ang gantimpala sa mga tao ng kapanahunan ng
Propeta Idris (AS). Kung ganun ang kaso sabi ng Propeta, kanyang hiniling na magkaroon pa ang
Propeta Idris (AS) ng mahabang buhay para makaipon pa ng maraming mabubuting gawain.

Ang Propeta Idris (AS) ay may kaibigan na anghel, kinausap ito ng Propeta at sinabi ang tungkol sa
pakikipag-usap sa anghel ng kamatayan upang humingi ng pahintulot na papahabain pa kaunti ang
buhay ng Propeta Idris (AS). Ang anghel ay pumayag at ayos lang kung susubukan. Ipinasakay ng anghel
ang Propeta sa kanyang pakpak at sila ay lumipad papunta sa langit.
Ang Propeta ay nakatawid sa unang langit, sa pangalawang langiit, sa pangatlong langit, at sa Ika-apat
na langit, Nakita nila ang anghel ng kamatayan na bumababa papunta sa Earth. Sinabi ng anghel na
kaibigan ng Propeta Idris ang tungkol sa pagpapahaba ng buhay ng Propeta. Tinanong ng anghel ng
kamatayn kung nasaan ang Propeta. Sinagot ng anghel na kasama niya ito at nasa Ika-apat na langit
ang Propeta. Ang sabi ng anghel ng kamatayan, “kamangha-mangha!”. Itinanong ng anghel kung ano
ang kamangha-mangha. Sinagot ito ng anghel ng kamatayan na inutusan siya ng Allah (SWA) para
dalhin ang kaluluwa ng Propeta Idris (AS) sa Ika-apat na langit at nagtaka ang anghel ng kamatayan
kung papaano ito gagawin. At iyon, ang Propeta Idris (AS) ay pumunta para sa kanyang intension,
samanatala ang anghel ng kamatayan ay isasagawa ang utos ng Allah (SWA) at nangyari ang gustong
mangyari ng Allah (SWA).

Nang tignan ng anghel ang Propeta Idris (AS) sa kanyang likod, Nakita niyang ang Propeta Idris (AS) ay
pumanaw na, namatay ang Propeta sa Ika-apat na langit.

Pagkatapos ng pagkamatay ng Propeta Idris (AS), ang korupsyon ay nagsimulang tumaas, ng tumaas,
ng tumaas at ang mga tao ay naniniwala pa din sa iisang diyos, ang Allah (SWA). Pagkatapos ng 1000
years nagkaroon ng pagbabago, nagkaroon ng malaking puwang sa pagitan ng kapanahunan ng
Propeta Idris (AS) at sa susunod na Propeta.

Mayroong limang banal na tao na laging pumupunta kay Idris.Nang mamatay ang mga ito, Ang Shaytan
ay nagkaroon ng oportunidad at ma-isagawa ng kanyang misyon at bumulong sa mga isip ng tao
tungkol sa mga bato na kung saan, ang mga bato ang magiging alaala ng mga mabubuting taong
pumanaw. Naisip ng tao na hindi naman sila gumagawa ng mali, naniniwala pa rin sila kay Allah (SWA)
at hindi naman nila sasambahin ang mga bato, kaya’t ang mga tao ay pumayag sa balak ng Shaytan.
Nang henerasyon na yon ang mga tao ay hindi nahulog sa patibong ng Shaytan.

Ang Shaytan ay naghintay hanggang sa dumating ang henerasyong namaling landas ang mga tao dahil
sa mga sinabi ng Shaytan sa kanila tungkol sa ninuno ng mga tao. Nakalimutan ng mga tao kung bakit
nila ginawa ang mga rebulto at nandyan ang Shaytan para i-mali ang landas ng mga tao. Sinabi ng
Shaytan na ang kanilang mga ninuno ay isinasamba ang mga rebulto, kaya’t pagkatapos ng pangalawa
at pangatlong henerasyon, Ang mga tao ay nagsimulang sambahin ang mga rebulto. Tuluyan ng
nakalimutan ng mga tao ang pagsamba kay Allah (SWA), sa halip ang mga tao ay nagsamba sa mga
rebulto ng limang banal na pumanaw sa kapanahunan ng Propeta Idris (AS).

At doon nagsimula ang pagkalimot sa pananampalataya kay Allah (SWA) ng buong mundo. Ito ang
pagkakataong ipinadala ng Allah (SWA) ang kauna-unahang Rasool, Propeta Nuh/ Noah (AS).

You might also like