Professional Documents
Culture Documents
Panukalang Kurikulum para Sa M.A. Fil. - PNU-Min2
Panukalang Kurikulum para Sa M.A. Fil. - PNU-Min2
OBGTEC PARA SA
MASTER SA SINING NG FILIPINO
na may Integrasyon sa Pagiging
Mutlikultural Hub
Inihanda nina:
DR. FE S. BERMISO
Faculty, PNU-Mindanao
Page 2 of 14
A. RASYUNAL
Ang kasalukuyang mga reporma at pagbabago ng mga palisiyang pang-edukasyon ay
nagtulak sa mga institusyong pang-edukasyon sa iba't ibang antas, partikular na, ang mga
pamunuan ng edukasyon upang muling bisitahin at pag-aralan ang iba't ibang mga programa sa
edukasyon, mga sistema, mga proseso at mga kalakaran, para sa layuning makalikha ng mas
napapanahon at tumutugon sa mga pagbabago ng konteksto sa edukasyon vis-à-vis sa mga
hinihingi at pambansang hamon at pandaigdigang kaunlaran. Sa lahat ng mga pagsisikap, reporma
at mga inisyatibo, partikular na ng wika at literaturang Filipino, tumaas ang hamon para sa mga
kasalukuyang tagapamahala at pamunuan ng edukasyon na mas pagtibayin pa ang pundasyon ng
edukasyon sa pamamagitan ng pagdebelop ng mga edukador na may lubos na kasanayan sa
Filipino, na itinuturing bilang isang mahalagang kasangkapan sa pagpapatatag ng wikang
Pambansa at magpapalaganap ng mga literaturang magkakanlong sa kultura ng rehiyon at ng
bansa upang makaagapay sa mga pandaigdigang pagbabago at pag-unlad.
Sa konteksto ng PNU-Mindanao bilang Multicultural Education Hub, ang programa ay
hindi lamang tutugon sa mga unibersal na tunguhin ngunit malinaw na huhulmahin nito ang mga
gradweyt na magkaroon ng malalim na oryentasyon sa pagkakaiba-iba ng kultura na naiukit sa
wika at literatura ng rehiyon at ng bansa , na simula ng pagsusulong ng gawaing mag-aangat sa
halaga ng preserbasyon ng natatanging kultura ng Mindanao.
B. DESKRIPSYON NG PROGRAMA
Ang Master ng Sining sa Filipino ay isang programang pangmaster ng Pamantasang
Normal ng Pilipinas-Mindanao na nangangailangan ng tesis. Sinasaklaw nito ang paghahandog
ng mga kasanayan sa pagkatuto/paggamit ng Filipino bilang isang wika , bilang isang disiplina,
at bilang kultural na komponent ng lipunan. Tiyakang pinaglilingkuran ng programa ang
pangkalahatang mga pangangailangan ng mga guro at praktisyuner ng Filipino.
Komprehensibong sinasakop ng digri ang lahat ng batayang aspekto ng Filipino bilang isang
disiplina tulad ng istruktura ng wika, literaturang Filipino, panitikang pangkalikasan, poklor,
pagpaplanong pangwika, leksikograpiya at mga bagong kalakaran at mga isyu sa wika tulad ng
barayti at barasyon ng Filipino, mga lokal na wika, kultura at wika kasama ang kulturang
Page 3 of 14
popular, linggwistikang aplayd, at mga kaugnay na mga larangan. Binibigyan ng empasis ang
pagsasagawa ng riserts sa lahat ng kursong akademiko.
C. FREYMWORK NG PROGRAMA
Ang Pamantasang Normal ng Pilipinas bilang Pambansang Sentro ng Edukasyong
Pangguro (RA 9647) ay may katungkulan ayon ng batas na magtatag ng may katuturan at
tumutugon na mga istruktura ng programa ng kurso na may naaangkop at kanais-nais na mga
sistema, proseso, at mga gawi na tutugon sa inaasahang mga resulta sa gitna ng mga hamon at
hinihingi ng kaunlaran sa rehiyonal, pambansa at internasyonal na konteksto.
Lilinangin ang malalim na kaalaman sa edukasyong pangwika at literatura gayundin sa
pedagohiya sa larangan ng wika at panitikang Filipino. Binibigyang-tuon din ng programa ang
pananaliksik-pangwika at panitikan na makapag-aambag sa ikasusulong ng wikang Filipino sa
larangan ng edukasyon na magpapakita ng inisyatiba na magsulong ng adbokasiya sa pagiging
intelektuwalisado ng wikang Filipino at pagpapatatag sa panitikang Filipino bilang tagapag-ingat
ng kulturang Pilipino. Upang matugunan ang layuning ito, ang programa ay naghahain ng mga
kursong may kaalaman sa aspektong panlinggwistika (nilalaman), at pedagohikal na pangwika at
pampanitikan at pananaliksik pangwika at pampanitikan. Nakapaloob sa programa ang
pagbibigay ng mga napapanahong kaalaman, paglalapat ng teorya sa mga pananaliksik, at
kasanayan tungo sa pagiging dalubhasa sa pagtuturo sa larangang pangwika at pampanitikan
upang maging tulay sa ganap na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.
anc
mm
tio
der l ed om
Co ed o eratu
cri rs in ing
ho
un ech o po in la on
lea ica ec
ntr n re re
n
r lit
ica
b
l a the Lear
ibu se edu
M.A. Ed in
tes arc ca
lyt nce ong
n a gy uil
s
t
ELE / Ph.D.
t
nd
ana nflue Lifel
ica s o
inf
l
h
Linguistics bilingual
orm
/ Ph.D. in Ed
ati
n
Linguistics
ti
I
on
din e and
g
Edukasyong
M.A. Ed sa Pangwika, at M.A. Ed in
Pagtuturo ng Panliteratura Multilingual
Filipino / Ph.D. Ed
Ab da
st e
edg
ER
pe
RE
sa Pagtuturo ng
le
P
t
S
AR new m i
rea to in cipli ual a
on
lab ca
rsh obl dres s cu
ti
and in th
Le ssing that ondu TI
ora
al
col edu
te
M.A. Ed in
CH kn n en
s
M.A. Ed in
ip ems ses
pre earch and c RAC
ade pr ad ct
and
Reading / Litt / Ph. D.
SC owl rich
Ph.D. in in Litt
res ives RT P
in
Page 4 of 14
for ne uto
is
HO edg ing
Reading Ed
rce E
LA e an
Pe EXP
t
R d
Manifests broad theoretical backgrounds
no
for understanding past and future field
my
experiences in language and literature
education
Ethical and professional
understanding
D. BUNGA NG PROGRAMA
PAMUMUNO SA EDUKASYON
ISKOLAR SA PANANALIKSIK
Page 5 of 14
- Nakapagpapakita ng
disenyo, praktika, at
siyentipikong pamamaraan
sa pananaliksik.
- Nakapagpapakita ng
malinaw na interpretasyon
at implikasyon sa mga
pananaliksik pangwika sa
larangan ng edukasyon.
F. ESTRUKTURA NG KURIKULUM
MGA BATAYANG KURSO (Basic o Core Courses)- 12 na mga yunit
Kowd Deskriptibong Pamagat Bilang ng
Yunit
MAFil 701 Paglinang ng Filipino at Pahambing na Pag-aaral ng Pangunahing Wika 3
sa Pilipinas (Development of Filipino and the Comparative Studies of
the Major Languages in the Philippine)
ED702 Kwantitatibong Pananaliksik Pangwika(Qualitative Research Methods 3
in Language/Literature Research)
ED703 Kwalitatitong Pananaliksik Pangwika (Qualitative Research Methods in 3
Language/Literature Research)
Page 6 of 14
Pananaliksik
PT-FIl 2 Pangangalap, Analisis at Interpretasyon ng Datos, Pagsusuring Pang-etika, 3
Oral na Pagdepensa, at Pagsusumite ng Kompletong Pananalikisik
aaral.
MAFil Paglinang ng Kurikulum at Ang kursong ito ay may layuning maihanda ang mga mag-aaral sa
Paghahanda ng mga mga simulain patnubay upang maging mahusay na guro. Tatalakayin
706
Kagamitang Pangkurikulum sa
Filipino ang pag-aayos ng mga pampaaralang kurikulum, kagamitan at
instrumentong tutulong sa guro at mag-aaral upang madaling
unawain at maging magaan ang pag-aaral ng Filipino. Gagamit ng
mga aklat at magasin batay sa simulain, pamamaraan at teknikong
sangkap sa pagtuturo.Saklaw sa kurikulum ang mga gawain sa
pakikinig, pagbigkas, pagbasa at pagsulat. Ang mabisang sangkap sa
pagpapayaman ng talasalitaan at makabagong terminolohiya ay
bibigyang pansin. Kasama rin ang iba’t ibang panteknikong gamit,
tulad ng makabagong computer at mga lawak nito sa pagsulat at
pananaliksik. Isang malinaw at makabuluhang pamanahong papel
ang kailangan sa katapusan ng kurso
MAFil Kritikal na Pagsusuri ng mga Layunin ng kurso ang malalim na pagtalakay sa mga teorya at dulog
Panitikan ng Pilipinas (Tula, pampanitikan at magagamit ang mga ito sa kritikal na pagsusuri sa
707
Maikling Kwento, Dula at
Sanaysay) iba’t ibang genre ng panitikang Filipino.
MAFil Lingwistika (Linguistics) Ang layunin ng kursong ito ay mailarawan ang makabagong
708 pagtuturo ng Filipino sa makabagong oryentasyon ng linggwistika.
Tatalakayin ang kasaysayan ng linggwistika. Bibigyan ng pokus ang
pag-aaral ng kayarian o estruktura ang wikang Filipino bagama’t
pahapyaw na isasali ang pag-aaral ng mga wika at wikain sa
Pilipinas. Tatalakayin dito ang makabuluhang mga tunog, tuldik at
bigkas ng mga salita.
MAFil Ang Sining at Pagsasaling- Ang layunin ng kursong ito ay pag-aralan ang kasaysayan ng
wika/The Art of Translation pagsasalingwika. Tatalakayin ang mga isinagawang pagsasalin sa
709
Bibliya at mga akdang klasika, maging patula, tuluyan at mga
awitin. Mapalawak ang pananaw sa mga simulain ng pagsasalin at
mabigyan ng mga patnubay, panuntunan at mabuting sanggunian
lalo na sa bahagi ng panghihiram sa mga katawagang pang-agham at
panteknolohiya. Isang pamanahong papel tungkol sa pagsasalin ang
gagawin ng mga mag-aaral.
MAFil Pagsusulit-Wika at Panitikan Layunin ng kursong ito ang malinang ang kakayahan ng mga guro sa
710 paghahanda ng iba’t ibang uri ng ebalwasyong pangwika at
pampanitikan na kailangan sa higit na pagpapaunlad ng kasanayan
ng mga mag-aaral.
MAFil Mga Kayarian sa Filipino/The Ang kursong ito ay tungkol sa makabagong simulain at pamamaraan
Page 11 of 14
H. TALAAN NG FAKULTI
Pangalan Pinakamataas na Degri/Institusyon
BERMISO, FE S. Doktor sa Pilosopiya ng Filipino
Faculty, Philippine Normal University-Mindanao
PAYAPAYA, RACHEL C. Doktor sa Pilosopiya ng Filipino (Kandideyt)
Faculty, Philippine Normal University-Mindanao
DAUG, VIVINIA B. Ph.D. Education, Major in Educ’l Mgt
Master sa Sining ng Pagtuturo ng Filipino
Faculty, Philippine Normal University-Mindanao
BAYLON, MA. TERESA P. Ph.D. Educ. Major in Educ’l Mgt
Master sa Sining ng Pagtuturo ng Filipino
Faculty, Philippine Normal University-Mindanao
QUISIL, FE A. M.A. -Filipino Literature (Kandideyt)
Faculty, Philippine Normal University-Mindanao
BELZA, CONCEPCION G. Doctor of Arts Literature & Communication
Faculty, Philippine Normal University-Mindanao
ABREA, ADELYN C. Ph.D. Education, Major in Educ’l Mgt
M.A. – Literature
Faculty, Philippine Normal University-Mindanao
Page 14 of 14
PART TIME
SAMARCA, ANNIE Y. Doktor sa Pilosopiya ng Filipino
Faculty, Surigao del Sur State University
BUCJAN, ERWIN Doktor sa Pilosopiya ng Filipino
Faculty, Surigao del Sur State University