Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ISKRIP NG PROGRAMA PARA SA PAGTATAPOS

PAMBUNGAD NA PANANALITA

“Sa kabila ng Pandemya na kinaharap ng bawat isa, nanatiling matatag ang Parang National
High School at maging ang mga huwarang guro nito sa pagbibigay serbisyo para sa bayan at
gayundin, patuloy ring nagsikap ang mga mag-aaral sa pagsusunog ng kilay dahil batid ng
bawat isa sa kanila ang natatanging kahalagahan ng edukasyon para sa kanilang buhay at ito
ang siyang magiging daan at susi para sa katuparan ng kanilang mga pangarap. Isang
malaking patunay ang espesyal na araw na ito sa matagumpay na pamamalakad ng bawat
kawani ng paaralan at ang aktibong pakikiisa ng mga mag-aaral at ng mga magulang, kung
saan ay masasaksihan nating lahat ang isang makasaysayang pagtatapos ng panuruang taong
dalawang libo’t dalawampu’t isa hanggang dalawang libo’t dalawangmpu’t dalawa sa
pinakamamahal nating paaralan.”

PAGBATI

“Bago ang lahat, nais ko munang bumati ng isang mapagpala at makasaysayang araw para sa
inyong lahat na naririto ngayon sa makasaysayang tagpong ito at MABUHAY! Ngayon araw ay
ating idaraos ang ika_______ na palatuntunang pagtatapos ng Senior High School sa Parang
national High School

PAG-AWIT NG LUPANG HINIRANG

“Sa pagsisimula ng programang ito, inaanyayahan ko ang bawat isa na tumayo at sabay-sabay
na awitin ang Pambansang awit ng Pilipinas.”

SUSUNDAN NG MGA SUMUSUNOD NA GAWAIN

 Panalangin (Pangungunahan isang mag-aaral na nakakuha ng pangatlo sa mataas na


karangalan)
 Himno ng Parang National High School
 Mimaropa March
 Martsa ng Silangang Mindoro
 Calapan City Hymn
PAMBUNGAD NA PANANALITA

“Sa pagkakataong ito, ating matamang pakinggan ang pambungad na pananalita ni (mag-aaral
na nakakuha ng pangalawa sa mataas na karangalan), mag-aaral mula
sa_________________”

MENSAHE NG PUNONGGURO

“Ngayon naman ay sama-sama nating pakinggan ang ating butihing Punongguro ng paaralan
na si ____________________________________ para sa makabuluhang mensahe na
kanyang handog para sa ating lahat.”

PAGPAPAKILALA SA PANAUHING PANDANGAL

“Isang malaking karangalan ang mapaunlakan sa programang ito, kaya naman malugod kong
ipinakikilala sa inyong lahat ang ating panauhing pandangal na kapawa mayroon ding
mahalagang mensahe na nais ipabatid para sa mahalagang tagpong ito, siya ay walang iba
kung hindi ang kagalang-galang na si___________________________________”

PRESENTASYON AT PAGKUMPIRMA

“Maraming salamat sa mensaheng naging sisidlan ng karunungan, motibasyon, at inspirasyon


na ipinaabot ng ating mga kagalang-galang na panauhin para sa mga mag-aaral na
magsisipagtapos sa araw na ito. Nawa’y tumatak sa isipan ng bawat isa ang bawat salita na
kanilang binitiwan at nawa’y maging gabay rin ang mga ito tungo sa inyong tagumpay.”

PAGPAPAKILALA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS

“Dumako na tayo sa pinakahihintay ng lahat. Ngayon naman ay sama-sama nating kilalanin ang
mga mag-aaral na magsisipagtapos sa pangunguna ng kanilang gurong tagapayo.”

(Malugod na ipakikilala ng mga gurong tagapayo ang mga mag-aaral na magsisipagtapos.)

PAGKILALA SA MGA MAG-AARAL NA NAGTAMO NG KARANGALAN

“Sa yugto ng pag-aaral sa paaralan, hindi nawawala ang mga natatanging mag-aaral na
namamayagpag sa klase dahil sa hindi matatawarang pagsisikap at pagpupursigi na kanilang
ipinamamalas. Naririto ang mga natatanging mag-aaral na nagkamit ng mga karangalan.”

(Babanggitin ng tagapagsalita ang pangalan at seksyon ng mga mag-aaral na may karangalan.)


-With Honors
(Babanggitin ng tagapagsalita ang pangalan at seksyon ng mga mag-aaral na may mataas na
karangalan.) – With High Honors

(Babanggitin ng tagapagsalita ang pangalan at seksyon ng mga mag-aaral na may


pinakamataas na karangalan.) – With Highest Honors

MENSAHE NG PASASALAMAT

“Ngayon ay dumako na tayo sa inihandang talumpati ni


________________________________. Siya ay isa sa mga mag-aaral na mula sa
______________________ na maglalahad ng isang taos-pusong mensahe ng pasasalamat.”

ALAY NA AWITIN PARA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS

“Hindi kumpleto ang araw na ito kung hindi natin maririnig ang boses ng mga mga mag-aaral na
magsisipagtapos ngayon. Kaya naman sa bahaging ito ay sabay-sabay nating pakinggan at
damahin ang kanilang handog na awitin sa mahalagang araw ng kanilang pagtatapos na
pangungunahan ni ____________________________mula sa___________.”

PANGWAKAS NA PANANALITA

“Muli, malugod naming binabati ang bawat isang mag-aaral na nagsipagtapos ngayong
panuruang taong dalawang libo’t dalawampu’t isa hanggang dalawang libo’t dalawangmpu’t
dalawa sa Parang National High School. Lubos na pasasalamat at pagbati rin ang handog
namin para sa mga magulang na nagsikap upang maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga
anak. Pakilala rin ang nais ipaabot sa mga guro na umagapay sa mga mag-aaral na naririto
ngayon dahilan upang sila ay umabot sa puntong ito. Pinatunayan ng bawat isa na naririto
ngayon na kayang kaya natin lampasan ang anumang hamon na dumating sa ating buhay kaya
naman huwag tayong magsasawa na dumulog palagi sa itaas para humingi ng gabay sa
Kanya.”

MGA KARAGDAGANG ANUNSIYO

(Ang tagapagsalita ay bibigyan ng pagkakataon na maihayag ang mga karagdagan pang


anunsiyo.)

You might also like