Sa Likod NG Sibilisasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SA LIKOD NG SIBILISASYON

ni Kristine Bernadette Gatdula

Pagmasdan kung gaano kapayapang tignan ang larawang ito.


Isang larawang puno ng buhay at kulay. Ang mga punong
naka-ugat sa mga matatabang lupa na siyang naging pipi ng
saksi ng mga lumipas na panahon. At kung papalarin ay
maging saksi pa rin sana ng mga dadaan pang mga taon.

Ang mga bulaklak na ligaw na malayang humahanay


kasama ang mga luntiang damong nagsisilbi ring tahanan
para sa ilang insekto. Diba't kay gandang pagmasdan ng
mga ito? Isama pa riyan ang pagpapasariwa nila sa hanging
kasing lamig ng hamog sa Disyembre ng gabi. Nangungulila
ka ba sa simoy na iyon?

Marahil lahat ng tao ay muling nais matamasa ang kabirhenan


ng hangin at mga damong sumasaliw sa lilim. Dahil sa
paglipas ng panahon, at sa pagsibol ng sinsabi nilang
sibilisasyon tila ikinubli na sa baul ang halaga ng ng mga puno
halsman at sakahan. Pagmasdan mo na lamang ang nasa gilid.
Matatanaw mo ang pabrika at sala-salabit na kable ng
kuryente.

Sa likod ng sibilisasyon naging basehan ng ating pag-unlad ay


unti-unting pagkawasak ng ipinagmamalaki nating yaman.
Ang unti-unting pagdami ng estraktura sa bansa, pabrika
man o bahayan ay siyang nagbubunga rin sa pag-unti ng
makukulay na halaman sa paligid. Sa likod ng sibilisasyon y
ang unti-unting pagkalat ng polusyon. Ngayon tatanungin
kita, sibilisasyon bang matatawag kung kahit isang alitatap
ay hindi mo na mahagilap?

You might also like