AP5 Q4 Summative-Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DAVAO
LUNGSOD NG DAVAO

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5


IKAAPAT NA KWARTER
SY 2021-2022
PANGALAN __________________________________ ISKOR ______________
PANGKAT __________________________________ PETSA ______________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik
ng tamang sagot sa bawat bilang.
1. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nagkaroon ng pormal na edukasyon sa mga
pamantasan sa loob at labas ng Pilipinas?
a. bayani b. ilustrado c. pari d. repormista
2. Paano natin maipapakita ang damdaming nasyonalismo?
a. Pag-alis sa bansa sa panahon ng krisis.
b. Hindi makikialam sa mga pangyayari sa bansa.
c. Hindi makikisama sa mga pandaigdigang kalakalan.
d. Pakikiisa at pagtaguyod ng mga pagbabago sa lipunan.
3. Ano ang kilusang itinaguyod ng mga paring Pilipino upang ipagtanggol
ang kanilang karapatan?
a. Kristiyanismo c. Pilipinisasyon
b. Liberalisasyon d. Sekularisasyon
4. Ano ang pinakamahalagang salik na nagpausbong sa damdaming nasyonalismo?
a. Pagpatay sa tatlong paring martir
b. Pagsibol ng kaisipang liberal ng mga Pilipino
c. Pakikipagkaibigan ng mga Pilipino sa mga Espanyol
d. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan
5. Alin ang sistemang tumutukoy sa paniniwala o ideolohiyang politikal ng pagiging
makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon nang may
pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa at ng paglunggating matamo ang
pambansang pagsulong?
a. Imperyalismo c. Komunismo
b. Kolonyalismo d. Nasyonalismo
6. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nagkaroon ng pormal na edukasyon sa mga
pamantasan?
a. Sekularisasyon c. Kalakalan
b. Ilustrado d. Epanyol
7. Ano ang tawag sa paglalagay ng mga sekular sa parokya?
a. Suez Cana c. Sekularisasyon
b. Obispo d. Roma
8. Sa anong bansa matatagpuan ang Suez Canal?
a. Egypt b. Pilipinas
c. Epanya d. Europa

9. Ilang buwan na lamang ang inabot sa paglalakbay ng mga dayuhang


mangangalakal mula sa Europa patungong Pilipinas nang mabuksan ang Suez
Canal?
a. dalawa b. apat
c. isa d. tatlo
10. Paano nakaambag ang pamamahala ni Gobernador Heneral de la Torre sa
pagmulat ng kamalayang pambansa ng mga Pilipino?
a. Nakatulong ng malaki sa pag-unlad ng nasyonalismo sa puso ng mga
Pilipino, nabigyan ng ilang kalayaan at karapatan ang mga Pilipino.
b. Mabagal sa pag-unlad ng nasyonalismo ng mga Pilipino na nabigyan
ng ilang kalayaan at karapatan ng bawat Pilipino.
c. Hindi nakatulong sa pag-unlad ng nasyonalismo sa puso ng mga
Pilipino, nabigyan ng ilang kalayaan at karapatan ang mga Pilipino.
d. Mabilis ang pag-unlad ng nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino,
nabigyan ng ilang kalayaan at karapatan ang mga Pilipino.
11. Ano ang sistemang pamahalaan ng mga Muslim?
a. Barangay c. Kolonyalismo
b. Sultanato d. Nasyonalismo
12. Ano ang tawag sa pinuno ng sultanato?
a. sultan. b. bichara c. rajah d. kapitan
13. Ang relihiyong Islam ay hindi lamang isang relihiyon na sinasamba ng mga
Muslim kung hindi ito rin ay _______________.
a. isang relihiyon na sinasamba lamang ng mga matatanda
b. isang relihiyon para sa mga mayayamang Muslim
c. isang paraan ng kanilang pamumuhay
d. isang kakaibang relihiyon
14. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang pulo ng Mindanao?
a. Malawak ang lugar na ito.
b. Hindi interesado ang mga Espanyol dito.
c. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungong Mindanao.
d. Nagkaisa ang mga Muslim na labanan ang mga Espanyol.
15. Mga katangian ng mga Muslim na napapanatili at napapatibay ang kanilang
kalayaan sa gitna ng pananakop.
a. katapangan b. pagkamalikhain at katapangan
c. pagkakakaisa d. pagkakaisa at pagkamalikhain
16. May iba’t ibang pananaw at paniniwala ang mga Katutubong Muslim tungkol sa
kalayaan maliban sa isa.
a. Gusto nilang masakop sa mga dayuhan.
b. Ayaw nilang magpapaalipin sa mga dayuhan
c. Hindi nila gustong sumailalim sa kapangyarihan ng dayuhan.
d. Handa nilang ipaglaban ang kanilang teritoryo sa kahit anumang
kahinatnan ng labanan.
17. Malaki ang respeto nila sa kanilang pinuno. Anong pagpapahalaga ang
ipinapakita rito?
a. Pinunong Sultan o Datu c. Teritoryo
b. Relihiyon d. Kultura
18. Ang iba’t ibang pananaw at paniniwala ng mga Katutubong Muslim ay mahalaga
sa kanila upang mapanatili nila ang kanilang _________.
a. kasaganaan c. kasipagan
b. kagitingan d. kalayaan
19. Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa pagsupil sa mga Pilipinong Muslim?
a. May malawak na lupain ang Mindanao.
b. Kulang ang mga Espanyol ng mga sandata.
c. Matatapang ang mga Muslim at hindi sila nakikipagsundo sa mga
dayuhan.
d. Hindi nakapasok sa Mindanao ang mga Espanyol dahil wala silang
sasakyang gagamitin.
20. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga Muslim?
a. Hindi nila inabot ang lugar ng mga Muslim.
b. Hindi nila masupil ang mga ito.
c. Mayayaman ang mga Muslim.
d. Masunurin ang mga ito.
21. Hindi lang sa Luzon nagkaroon ng pakikipaglaban. Sino ang babaeng Ilongga
ang nakipaglaban sa mga Espanyol?
a. Gregoria Montoya c. Teresa Magbanua
b. Gregoria de Jesus d. Melchora Aquino
22. Sino ang babaeng taga-Batangas na nagbigay ng tulong pinansiyal na suporta
sa himagsikan, naging espiya laban sa Espanyol at nagpahiram ng barko kay
Aguinaldo?
a. Melchora Aquino c. Trinidad Tecson
b. Josefina Rizal d. Gliceria Marella Vicencio
23. Matanda na siya subalit hindi ito ang naging hadlang upang siya ay tumulong sa
mga Katipunero. Sino ang kahangahangang babaeng ito na tinaguriang
“Tandang Sora”?
a. Melchora Aquino c. Agueda Kahabangan
b. Gregoria de Jesus d. Benita Rodriguez.
24. Alin sa mga pangyayari ang hindi kabilang sa Pag-aalsang Panrelihiyon?
a. Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo c. Pag-aalsa ng mga Itneg
b. Pag-aalsa ni Bancao d. Pag-aalsa ni Tamblot
25. Nahahati ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga Filipino sa tatlong
pangunahing kadahilanan. Ano-ano ang mga ito?
a. Politikal,Panrelihiyon, at Agrikultura
b. Politikal, Basi Revolt,at Agrikultura
c. Politikal,Rebolusyong Almazan,at Ekonomiko
d. Politikal,Panrelihiyon,at Ekonomiko
26. Ang sumusunod ay magandang epekto ng pakikilahok ng mga babaeng Pilipino
sa pakikibaka para sa bayan, MALIBAN sa isa, alin dito?
a. Lumaki ang ulo ng mga babaeng Pilipino
b. Maraming mga taong tumulong sa mga Katipunan
c. Naging mas matapang ang mga iba pang mga Pilipino
d. Nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino
27. Bakit kaya napakaraming pag-aalsa ang naganap noon sa iba’t ibang rehiyon
laban sa mga Espanyol?
a. Mababa ang pagtingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
b. Laganap ang himagsikan noong panahon ng Espanyol dahil sa maling
pamamalakad nito.
c.Nais nilang wakasan ang lumalalang kalagayan ng Pilipinas noon sa kamay
ng mga Espanyol.
d. Lahat nang nabanggit
28. Paano ipinakita ng Kilusang Agraryo ang kanilang pagtutol sa mga orden?
a. Sinalakay nila ang mga hasyenda at pag-aari ng mga relihiyosong orden.
b. Hindi sila nagsimba sa mga parokya ng mga orden na nang-agaw ng lupa.
c. Hindi sila sumunod sa mga opisyal ukol sa mga pagbabawal sa paggamit
ng lupa.
d. Nagsulat sila ng mga artikulo ukol sa mga abuso ng mga orden na nang-
agaw ng lupa.
29. Ang pagkamatay ng Gomburza pagkatapos ng paghihimagsik sa Cavite ay
naging inspirasyon para sa sumunod na kilusang pambansa laban sa mga
Espanyol. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang mga namuno sa paghihimagsik sa Cavite ay mga Katipunero.
b. Nagdulot ng paglaya ng Pilipinas ang paghihimagsik sa Cavite noong
1872.
c. Ang paghihimagsik sa Cavite ang simula ng rebolusyon laban sa mga
Espanyol.
d. Bagama’t hindi nagtagumpay ang paghihimagsik, ito ay isa sa mga
kaganapang nagdulot ng panimula ng nasyonalismo.
30. Bakit umusbong ang mga rebelyong may kaugnayan sa pulitika at kabuhayan?
a. Sadyang mahilig lamang ang mga Pilipino na tumutol sa mga namumuno.
b. Hindi naging patas o makatarungan ang marami sa polisiya ng mga
Espanyol.
c Hindi pa naiintindihan ng mga Pilipino ang konsepto ng sistema ng
dayuhang pamamahala.
d. Nais na ng mga nagsipaghimagsik na magkaisa ang mga Pilipino at
magdeklara ng kalayaan.
31. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pag-alsa ng maraming katutubong Pilipino
laban sa mga Kastila?
a. Malaking hirap c. Pang-aabuso
b. Pagmamalupit d. Lahat ng nabanggit ay tama
32. Bakit hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol maliban sa isa?
a. Wala silang pinuno.
b. Salat sa pagkain
c. Kulang sa kaalaman at kakayahan.
d.Walang sapat na armas at pagkakaisa.
33. Ano ang naging bunga ng pagmamalupit at pagmamalabis ng mga Kastila laban
sa mga Pilipino?
a. Sumiklab ang damdaming makabansa ng mga Pilipino.
b. Sumuko ang mga Pilipino sa mga Espanyol.
c. Pumanig ang mga Pilipino sa mga Espanyol.
d. Tumakas sa ibang bansa ang mga Pilipino.
34. Bakit mahalaga pa rin ang naganap na pag-aalsa ng mga katutubong Pilipino
kahit ito ay hindi nagtagumpay?
a. Ipinapakita nilang sila ay matatapang na mandirigma.
b. Hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas.
c. Napilitang umalis sa bansa ang mga Espanyol patungong Espanya.
d. Pinatunayang may pagmamahal sa bansa, kapwa Pilipino at kalayaan.
35. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng partisipasyon ng iba’t- ibang
rehiyon at sektor sa pagsulong ng damdaming makabayan?
a. Pagmamahal sa kalayaan at pagsilang ng damdaming makabansa.
b. Pagkakaisa at pagsasama-sama upang matamo ang mga nilalayon.
c. Pagpapahalaga sa mga kababaihan sa kanilang kakayahan sa kabila ng
kanilang kasarian, pantay-pantay ng karapatan ng kababaihan at
kalalakihan at pag-angat ng kanilang moral sa pakikipaglaban.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
36. Alin sa sumusunod ang epekto sa mga pandaigdigang pangyayaring pumukaw
sa kamalayang Pambansa ng mga Pilipino?
A. Pagdating ni Gobernador Heneral dela Torre sa bansa
B. Pagbubukas ng Suez Canal
C. Sekularisasyon at Gomburza
D. Lahat ng nabanggit ay tama
37. Ang sumusunod ay mga dahilan ng pagkabigo ng sinaunang pag-aalsa,
MALIBAN sa isa. Alin dito?
a. Maayos ng pagpupulong ang mga Pilipino.
b. Hindi sapat ang kaalaman at kakayahan.
c. Watak-watak ang mga katutubong Pilipino.
d. Kulang ang armas at pagkakaisa.
38. Ano ang naging bunga ng partisipasyon ng mga rehiyon at sektor ng bansa sa
damdaming makabansa?
a. Pantay na karapatan ng mga lalaki at babae.
b. Sumuko ang mga Pilipino sa mga Espanyol.
c. Umanib ang mga Pilipino sa mga Espanyol.
d. Nakapag-aral ang lahat ng mga kabataan.
39. Bakit mahalaga pa rin ang naganap na pag-aalsa ng mga katutubong Pilipino
kahit ito ay hindi nagtagumpay?
a. Napatunayan nilang sila ay matatapang na Pilipino.
b. Ipinapakita nila ang kanilang pagiging nasyonalismo.
c. Napaalis nila ang mga Espanyol sa bansa.
a. Wala sa nabangit
40. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng partisipasyon ng mga rehiyon at
sektor sa pagsulong sa damdaming makabansa?
a. Pagmamahal sa kalayaan at pagsilang ng damdaming makabansa.
b. Pagkakaisa at pagsasama-sama upang matamo ang mga nilalayon.
c. Nagkaroon ng malayang kalakalan sa loob at labas ng bansa.
d. Pagpapahalaga sa mga kababaihan sa kanilang kakayahan sa kabila ng
kanilang kasarian, pantay-pantay ng karapatan ng kababaihan at
kalalakihan at pag-angat ng kanilang moral sa pakikipaglaban.
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DAVAO
LUNGSOD NG DAVAO

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5


IKAAPAT NA KWARTER
SY 2021-2022

SUSI SA PAGWAWASTO
1. B 21.C
2. D 22. D
3. D 23. A
4. A 24.A
5. D 25. D
6. B 26. A
7. C 27. D
8. A 28. A
9. C 29. D
10. A 30. B
11. B 31. D
12 .A 32. D
13. C 33. A
14. D 34. D
15. C 35. D
16. A 36. D
17. A 37. A
18. D 38. A
19. C 39. B
20. B 40. C

Inihanda ni:
 
                  LAILA S. PAJARON
                            Master Teacher I
A. BONIFACIO ELEMENTARY SCHOOL
                           Talomo District B
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DAVAO
LUNGSOD NG DAVAO

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5


IKAAPAT NA KWARTER
SY 2021-2022
TOS
BLG.
BAHAGDAN KINALALAGY
LAYUNIN NG
AN
AYTEM
Natutukoy ang mga pandaigdigang pangyayari *
bilang konteksto ng
malayang kaisipan tungo sa pag-usbong ng
nasyonalismong
10 25% 1-10
Pilipino; at
Naipaliliwanag ang mga salik na nagbibigay- •
daan sa pag-usbong ng
.nasyonalismong Pilipino
Naipaliliwanag ang mga pananaw at *
paniniwala ng mga Sultanato
sa pagpapanatili ng )Katutubong Muslim(
kanilang kalayaan; at
10 25% 11-20
Naiisa-isa ang mga pananaw at paniniwala ng .*
mga Sultanato
sa pagpapanatili ng )Katutubong Muslim(
.kanilang kalayaan
Natutukoy ang partisipasyon ng iba’t-ibang *
rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa
pakikibaka ng bayan; at
Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang * `10 25% 21-30
rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa
pakikibaka ng bayan. ulepermits it to be used in
many different
* Napahahalagahan ang partisipasyon ng iba’t
ibang rehiyon at sector
sa pagsulong ng kamalayang Pambansa.
* Naipahahayag ang damdamin sa kahalagahan 10 25% 31-40
ng pagganap ng
sariling partisipasyon sa pagsulong ng
kamalayang pambansa.

TOTAL 40 100% 40

(LSP 2022)

You might also like