AS3 Filipino9-NOLIMETANGERE

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance

Learning)

Pangalan: Petsa: Iskor:

FILIPINO 9
Kuwarter 4– Linggo 3

Kasanayang Pampagkatuto:
➢ Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela
➢ Naisusulat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang
monologo tungkol sa isang piling tauhan
➢ Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay -katangian

NOLI ME TANGERE - Kabanata 16 – 23

Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin sa worksheet na ito, ikaw ay inaasahang:

a. Nasusuri ang kahalagahan ng mga tauhan sa binasang kabanata

b. Nakalilikha ng isang masining na iskrip mula sa monologo ng napiling
tauhan sa kabanata
c. Nailalarawan ang katangian ng mga tauhan gamit ang angkop na pang-uri

KONSEPTO
Ang paggamit ng tamang pang-uri ay mahalaga sa paglalarawan at
pagbibigay katangian sa mga tauhan, mula sa kabanata ng nobelang Noli Me
tangere. Natutukoy din ang mahahalagang papel na kanilang ginagampanan
sa bawat kabanata nito.

Buod ng Kabanata 16 - 23
Samantala si Sisa ang ina ng dalawang sakristan ay nagluluto at naghanda
ng hapunan para sa mga anak. Siya’y bata pa rin at mapagkikilala sa bakas ng mukha
na siya’y naging maganda at kabigha-bighani. Kinapos–palad siyang makapag-asawa
ng isang walang pusong lalaki. Si Sisa nama’y siyang nagmalasakit bumubuhay sa
kanilang mga anak. Nang gabing yaon, dumating ang asawa at inubos ang masarap
na hapunang inihanda ni sisa para sa mga anak. Nang malamang darating sina
Crispin at Basilio, pinagsabihan si Sisang ipagtira ng halagang piso mula sa suweldo
ni Basilio .

1
Kuwarter 4 : Linggo: 3 Competency Code: F9PN-IVc-57, F9PU-IVc-59, F9WG-
IVc-59. Kasanayan: Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela,
Naisususlat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang manologo
tungkol sa isang piling tauhan, Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay –
katangian.
Upang di mainip sa paghihintay nagdasal si Sisa, ngunit di ito matapus-tapos dahil sa
pag-aalala sa anak. Bigla siyang kinilabutan nang marinig ang sigaw. Binuksan niya
ang pinto at nagulumihanan nang makita ang duguang si Basilio na nag-iisa. Naiwan
sa kumbento si Crispin dahil pinaratangan ito ng kura nanagnakaw ngunit di ipinaalam
sa ina ang pagpa- pahirap na ginawa sa kapatid. Nang sila’y matulog na, napaginipan
ni Basilo si Crisping pinarurusahan ng kura at Sakristan–Mayor. Hindi niya ipinagtapat
ang napaginipan sa halip sinabi niyang ayaw na niyang magsa-kristan. Papasok na
lang siyang pastol ng mga baka ni Crisostomo Ibarra at papag -aralin si Crispin.
Sinang-ayunan naman ni Sisa ang magandang balak nito, ngunit nalungkot ito ng hindi
isinama ni Basilio ang kanyang ama.
Kinabukasan, matamlay at parang maysakit si Padre Salvi. Hindi niya pinansin
ang mga manang at manong, upang magmano at itanong kung sino kina Padre
Damaso, Padre Martin at Coadjutor ang magsesemon sa kapistahan ng bayan. Nasa
ganito silang pag-uusap nang dumating si Sisa na may sunong na bakol na punung-
puno ng mga gulay. Maysakit noon ang kura at di maaaring kausapin gayundin wala
roon si Crispin. Tumakas ito pagkatapos magnakaw ng maraming bagay. Ipinagbigay-
alam ng kura ang nangyari sa mga guwardiya-sibil. Napahagulgol si Sisa kaya’t
ipinagtulakan siya ng katulong na papalabas ng kumbento.
Noon nama’y nag-uusap si Ibarra at ang guro sa isang gulod. Itinuro ng guro kay
Ibarra kung saan itinapon ng sepulturero ang bangkay ni Don Rafael. Napag-usapan
din nila ang mga suliranin ng guro sa pagtuturo at pakikialam ng kura at magulang sa
pamaraan ng pagtuturo. Nagalit ang mga ito nang alisin ng guro ang pamamalo bilang
pamaraan ng pagtuturo. Napansin niyang naibigan ito ng mga bata dahil marami ang
pumapasok. Subalit nang ang guro’y magkasakit ibinalik ng humalili sa kanya ang
pamamalo kaya’t maraming batang tumigil sa pag-aaral. Ipinilit naman ng bagong
kurang ipasaulo sa mga bata ang mga aklat na panrelihiyon kahit di nauunawan ng
mga ito. Pinayuhan naman ni Ibarra ang gurong may malasakit sa mga mag-aaral na
huwag mawalan ng pag-asa malasakit sa mga mag-aaral na huwag mawalan ng pag-
asa.
Nagpatawag ng pulong si Kapitan Basilio, bilang paghahanda sa nalalapit na
kapistahan ng bayan ng San Diego. Dumating ang dalawang Partido ng bayan, ang
lapian-conservador, mga may edad na at lapiang- liberal, mga kabataan sa
pamumuno ni Don Filipo na siya rin tenyente mayor ng bayan. ni Don Filipo na siya rin
tenyente mayor ng bayan. Tuwing nagpupulong ang dalawang partidong ito ay hindi
nagkakasundo sa mga nais nilang imungkahi sa gagawing pagdiriwang. Kaya’t
humihingi ng pahintulot ang
kapitan na makapagsalita ngunit ang mga salita niya ay kung saan-saan pumunta,
paikot-ikot at walang pinagkatapusan. Sa bandang huli nanguna pa rin ang lapiang
conservador na labis na ikinatuwa ang pagkatalo ng kalaban. Gulung-gulo naman ang
isip ni Sisa habang tumatakabong pauwi mula sa kumbento. Nanginginig ang buo
niyang katawan ng matanaw niya ang guwardiya sibil. Matuling lumakad si Sisa pauwi.
Pagpasok niya sa kanilang bahay tinawag si Crispin at Basilio .Panhik-panaog niyang
hinanap ang kanyang mga anak. Kinabukasan, si Sisa’y nakita nang lalabuy-laboy,
kumakanta at nakikipag-usap sa lahat ng nilalang ng kalikasan.
Madilim pa’y masiglang naglalakad sina Maria Clara at mga kaibigan kasama ang
kanilang mga magulang patungo sa lawa. Masasaya ang lahat ng sumakay sila ng
bangka, nasa gitna sila ng lawa nang biglang nagkagulo dahil sa isang buwayang
lumitaw sa baklad, napatay sana ng buwaya ang Piloto ng bangka kundi dahil sa
maagap na pagtulong ni Ibarra. Nagpasamat naman ang Piloto sa binata.

2
Kuwarter 4 : Linggo: 3 Competency Code: F9PN-IVc-57, F9PU-IVc-59, F9WG-
IVc-59. Kasanayan: Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela,
Naisususlat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang manologo
tungkol sa isang piling tauhan, Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay –
katangian.
GAWAIN 1
PAHALAGAHAN MO
Panuto: Tukuyin ang kahalagahan ng bawat tauhan sa binasang Kabanata.

Natukoy nang wasto ang kahalagahan ng bawat tauhan sa

3 puntos
kabanata.
Natukoy nang wasto ang kahalagahan ng bawat tauhan sa
2 puntos
kabanata ngunit kulang sa lima.
Natukoy ngunit kulang at iilan lamang ang wasto sa
1 puntos
kahalagahan ng bawat tauhan sa kabanata.

Sisa Basilio Prayle Guro Don Filipo

GAWAIN 2 MONO - SKRIP

Panuto: Nakalilikha ng isang masining na iskrip mula sa monologo ng napiling

tauhan sa kabanata.

Nakalikha ng isang angkop at masining na iskrip mula sa

3 puntos
monologo ng napiling tauhan.
Nakalikha ng isang masining na iskrip mula sa monologo
2 puntos
ng napiling tauhan ngunit kulang.
Di gaanong nakalikha ng masining na iskrip mula sa
1 puntos
monologo ng napiling tauhan.

3
Kuwarter 4 : Linggo: 3 Competency Code: F9PN-IVc-57, F9PU-IVc-59, F9WG-
IVc-59. Kasanayan: Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela,
Naisususlat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang manologo
tungkol sa isang piling tauhan, Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay –
katangian.
Halimbawa ng Iskrip:
Monologo ni Sisa

Ako si Sisa, isang simpleng maybahay. Palagi akong minimaltrato ng aking asawa
ngunit wala akong magawa. Mahal ko siya. Hindi ko siya kayang iwanan ngunit natatakot
di ako sa kanya. Pero nandiyan naman ang mga anghelko, sina Crispin at Basilio.
Mababait sila at mapagmahal. Bilang isang ina’y maipagmamalaki ko sila ! Oo nga
pala! Uuwi ngayon mula sa kumbento ang akingmga anghel.Kamusta na kaya sila? Halos
isang linggo ko rin silang hindi nakita. Mabuti pa at ipagluluto ko sila. Naku! Paniguradong
gutom na gutom ang mga iyon. Pagkatapos kong maihain ang hapunan, dumating ang
aking asawa at kinain niya na dapat ay para sa aking mga anak. Kaawa-awa naman ang
mga anghel ko!

Iskrip ng napiling tauhan:

GAWAIN 3
ILARAWAN MO

Panuto: Nailalarawan ang katangian ng mga tauhan gamit ang angkop na

pang-uri . Gamitin ang grapikong presentasyon (Graphic Organizer)

Nagamit nang lubos ang pang-uri sa pagbibigay-katangian ng bawat

3 puntos
tauhan sa kabanata .
Nagamit ang pang-uri sa pagbibigay-katangian ng bawat tauhan sa
2 puntos
kabanata ngunit kulang.
Di gaanong nagamit ang pang-uri sa pagbibigay-katangian ng bawat
1 puntos
tauhan sa kabanata.

Tauhan Pang -uri Paglalarawan

ssS Sisa uliran/martir

4
Kuwarter 4 : Linggo: 3 Competency Code: F9PN-IVc-57, F9PU-IVc-59, F9WG-
IVc-59. Kasanayan: Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela,
Naisususlat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang manologo
tungkol sa isang piling tauhan, Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay –
katangian.
malupit/
mapanakit

Sacristan Mayor

mabait/
mapagmahal

Basilio

matamlay/
malungkot

Padre Salvi

masikhay/
mapagmalasakit

Sanggunian :
http//panitikan/noli-me-tangere/obra -maestra/

Inihanda ni:
MENCHITA Z. GODANI
(ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL)
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

Maribel A. Diaz Marvin A. Valiente Ignacio L. Salvador Jr.

Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

WERLITO C. BATINGA
Superbisor, Filipino/MTB-MLE

5
Kuwarter 4 : Linggo: 3 Competency Code: F9PN-IVc-57, F9PU-IVc-59, F9WG-
IVc-59. Kasanayan: Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela,
Naisususlat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang manologo
tungkol sa isang piling tauhan, Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay –
katangian.
6