Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
FVR PHASE 2 ELEMETARY SCHOOL
Brngy. FVR Norzagaray Bulacan

GAWAING PAGKATUTO
SA EPP IV (module 2)
IKA-APAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________Grade/ Section :____________________

Pagleletra, Pagbuo ng Linya at Pagguhit

Ang pagleletra ay malayang ginagawa upang makabuo ng mga letra at numero sa pamamagitan ng
kamay. Ito ay hindi lamang isinusulat kundi sadyang inileletra, sapagkat higit na madali at
mabilis isagawa bukod pa sa bihirang pagkakaroon ng pagkakamali. May iba’t-ibang uri ng
letra. Sa bawat uri nito ay may iba’t-ibang disenyo at gamit. Ang gamit nito ay naaayon din sa
paggagamitan nito. May mga letrang simple at may komplikado ang disenyo. Ang pagleletra ay
may iba’t-ibang disenyo o uri. Ang bawat uri nito ay may gamit. Sa mga pangalan ng
establisamyento tulad ng mga bangko, supermarket, palengke at gusali. Ito ay ginagamitan ng
mga letra upang ito ay makilala, ang mga pangalan ng mga paaralan, simbahan, kalye, at
kalsada. Ito ay ginagamitan ng mga letra ayon sa disenyo at mga estilo. Halimbawa ng may
nakaukit na iba’t-ibang uri ng letra:

 Harapan ng munisipyo  Diploma  Karatula  Lumang gusali

 Antique shop  Lapida  Disenyo sa T-shirt

Mga Uri ng Letra:

1. Gothic - ang pinakasimpleng uri ng letra at ginagamit sa mga ordinaryong disenyo. Ito ay
itinatag noon sa pagitan ng 1956 at 1962. Ito ay rekomendado sa paggawa ng pagtatalang
teknikal. Ito ang uring pinakagamitin dahil ito ay simple, walang palamuti o dekorasyon at ang
mga bahagi ay magkakatulad ng kapal. Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp
Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
2. Roman - may pinakamakapal na bahagi ng letra. Ito ay ginawang kahawig sa mga sulating
Europeo. Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx
Yy Zz
3. Script - noong unang panahon, ito ay ginagamit na pagleletra sa Kanlurang Europa. Ito ay
ginagamit sa pagleletra ng Aleman. Kung minsan ito ay tinatawag na “Old English”. Aa Bb Cc
Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
4. Text - ito ang mga letrang may pinakamaraming palamuti. Ginagamit ito sa mga sertipiko at
diploma. Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy
Zz
Ang bawat uri ng letra ay may kani-kaniyang pinaggagamitan. Ang Gothic bilang
pinakasimpleng uri ng letra ay ginagamit sa ordinaryong panulat, samantalang ang Text ay
ginagamit sa mga pagtititik sa mga sertipiko at diploma.

You might also like