Suliraning Panlipunan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Filipino 7

I. Layunin:

1. Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa akda.


F7PN-IVc-d-19
2. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na
dapat mabigyang solusyon. F7PB-IVc-d-21

II. Nilalaman

Paksa: Suliraning Panlipunan


Sanggunian: Learner’s Packet (LeaP) Ikaapat na Markahan
https://fb.watch/cYL9DQcRVi/
https://rb.gy/by9zus, https://rb.gy/q6khvq, https://rb.gy/lrmr4y
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom, Google Form, Word Wall, Youtube,
Facebook

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati/Maikling Kumustahan
3. Pagtatala ng liban sa klase

B. Balik-Aral
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at igrupo ang mga ito kung nagbibigay katangian sa
korido o tumatalakay sa kahalagahan ng pag-aaral ng akdang Ibong Adarna. Sagutan gamit ang
Word Wall. https://wordwall.net/resource/31029371

C. Paglalahad
1. Pagganyak
a. Tukuyin ang suliraning panlipunan batay sa napakinggang dayalogo ng mga mag-aaral at
mangmungkahi ng solusyon upang malutas ito.

1. 2.
3.

Pagtalakay
• Tatalakayin ang tamang paraan sa pagbibigay ng mungkahi
• Ilalahad ang wastong pahayag sa pagbibigay ng mungkahi
o Higit na mainam…
o Makabubuti kung…
o Sikapin mo…
o Maaari kang…
• Panonoorin ang bidyo patungkol sa ilang bahagi ng akdang Ibong Adarna na nagpapakita
ng iba’t ibang suliraning panlipunan na kinaharap ng mga tauhan.
https://fb.watch/cYL9DQcRVi/
https://fb.watch/cYOJ3qEI_h/

Gawain ng Pagkatuto Bilang 1:


Panuto: Bigyang-solusyon ang sumusunod na suliraning panlipunang binanggit sa akdang Ibong
Adarna. Sagutan gamit ang Google form.
https://forms.gle/25ajq2NT7bJTB3Nt9

D. Paglalapat
Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Suriin ang pangyayari sa akda na nagpapakita ng
suliraning panlipunan. Maglahad ng halimbawa kaugnay sa napapanahong suliraning panlipunan
na may kaugnayan sa suliranining nasa akda.

Unang Grupo
Suliraning Panlipunan sa Akda: Pagkakasakit ni Don Fernando buhat ng siya ay managinip.

• Humanap ng isang awiting Tagalog na ang mensahe ay tumatalakay sa kasalukuyang

suliraning panlipunan na may kaugnayan sa suliraning nakatalaga sa inyong grupo. Awitin

ang ilang bahagi nito at ipaliwanag kung bakit ito ang napiling awit.

Pangalawang Grupo
Suliraning Panlipunan sa Akda: Pagiging sunod-sunuran ni Don Diego sa kagastuhan ni Don
Pedro kahit pa ang iniuutos nito ay nakasasama.
• Iguhit ang napapanahong suliraning panlipunan na may kaugnayan sa suliraning
nakatalaga sa inyong grupo. Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa akda.

Pangatlong Grupo
Suliraning Panlipunan sa Akda: Paggamit ng dahas o pagiging bayolente ni Don Pedro at Don
Diego sa bunso nilang kapatid na si Don Juan upang sila ang makapagdala ng Ibong Adarna sa
kaharian ng Berbanya.
• Gumawa ng sariling tula na mayroong dalawang saknong at apat na taludtod na pumapaksa
sa suliraning panlipunan na kinakaharap sa kasalukuyang panahon na may kaugnayan sa
suliraning nakatalaga sa inyong grupo. Ipaliwanag ang mensahe nito.

E. Paglalahat
Panuto: Magbigay ng mga suliraning panlipunan mula sa akdang Ibong Adarna at magmungkahi
ng solusyon upang ito ay malutas.

V. Pagtataya
Panuto: Magsaliksik pa ng ibang pangyayari sa akdang Ibong Adarna na nagpapakita ng
suliraning panlipunan at iugnay ang pangyayaring ito sa kasalukuyang suliraning panlipunan na
ating kinakaharap. Magmungkahi ng solusyon na sa tingin mo ay makatutulong upang malutas
ang suliraning ito.

Suliraning Panlipunan sa Kasalukuyang Suliranin na Mungkahing Solusyon


Akda may Kaugnayan sa Akda

Inihanda ni: Ipinasuri kay:

Ma. Angela Vernise L. Bombay Gng. Kris Abad

Gurong-Nagsasasanay Guro II - Filipino

Gng. Lucina Pamintuan

Dalubguro I - Filipino

You might also like