Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

INTRO

Ang People Power Revolution o mas kilala na EDSA Revolution ay isang makabuluhang pambansang
pangyayaring nakaukit sa puso at isipan ng bawat Pilipino.Ang makabuluhang pangyayari na ito ay
nagbigay sa atin ng matinding pagmamalaki lalo na’t ninais rin ng ibang bansa na tularan kung anuman
ang ipinakita natin sa mundong totoong kapangyarihan ng demokrasya.

LAST

Dito mapapagtanto na sa mata at damdamin ng isang batang halos ay nasa unang baitang pa lamang ng
elementary at mula sa likod ng kamera ng isang mamamahayag, ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan ay
handog ng Pilipinas sa mundo. Ito ang kontribusyon ng aking bansa sa pagsisikap ng daigdig upang
makapagtayo ng isang pantay-pantay, mapayapa at maunlad na sangkatauhan. Totoo na
magpahanggang sa ngayon, pagkatapos ng maraming taon ng pagkakaganap ng People Power ay
napakarami pa rin ang kinakaharap na suliranin ng Pilipinas, nariyan na insureksiyon, kawalan ng
trabaho, mga natural na kalamidad, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at maraming pang iba. Ang mga ito
ay nagsisilbing mga palatandaan na ang pakikibaka ng Pilipino sa EDSA ay hindi pa natatapos. Ang
pagkakaganap ng EDSA Revolution ay unang hakbang pa lamang tungo sa pagkakamit ng isang
progresibo, mapayapa, at maunlad na kinabukasan para sa mga Pilipino. Dapat ay lagi nating isaisip ang
diwa ng EDSA upang lalo pa tayong magkaisa at magbigkis para makamtan ang hinahangad nating
kaunlaran. At sa pakikipagtulungan at kooperasyon ng mga karatig-bansang mapagmahal sa kapayapaan
at kaunlaran na gaya ng Tsina, sama-sama nating harapin ang hamon ng bagong panahon. Muli nating
ipakita sa mundo na magwawagi ang Pilipino, sa pagkakataong ito, laban naman sa kahirapan. Mabuhay
ang Pilipinas!"

You might also like