Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 60

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Sariling Linangang Modyul
Ikalawang Markahan:

DIVISION OF ANGELES CITY


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 1: Ako at ang Aking Kapwa

Pangalan: _______________________________________ Q2W1

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)

Ang kapwa ay isang konsepto na


tumutukoy sa ibang tao. Ang lahat ng tao na
kasama ng isang indibidwal sa isang lipunan ay
maituturing na kaniyang kapwa. Ang isang
lipunan ay binubuo ng mga taong may
pangangailangang makipag-ugnayan sa isa’t-
isa. Ayon kay Dr. Manuel Dy, Jr., isang
espesyalista ng sosyolohiya at pilosopiya sa
Ateneo de Manila University, ang tao ay isang panlipunang nilalang at hindi lamang ito dahil
kasama niya ang kapwa kundi dahil ang lahat ng bagay na kaniyang ginagawa at iniisip,
maging ang pagpapaunlad at pagbuo ng sarili, ay mula sa kapwa at para sa kapwa.
Mahalagang maunawaan ng isang tao na kailangan niya ang kaniyang kapwa. Ito ay
dahil nabubuhay siya sa pamamagitan ng kapwa at nagkakaroon ng kahulugan ang kaniyang
buhay dahil sa mga natutuhan niya mula sa kaniyang kapwa. Kinikilala ng tao ang
kahalagahan ng iba sapagkat ang kaniyang mga pangangailangan ay nagmumula sa ibang
tao at natutugan ng ibang tao.

Ang tao ay isang panlipunang nilalang at hindi lamang ito dahil kasama niya ang kapwa
kundi dahil ang lahat ng bagay na kaniyang ginagawa at iniisip, maging ang pagpapaunlad
at pagbuo ng sarili, ay mula sa kapwa at para sa kapwa.

1
Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa; at
2. nasusuri ang mga impluwensya ng iyong kapwa sa iyo sa aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at pulitikal.
(EsP8PIIa- 5.1, EsP8P IIa- 5.2)

Subukin

Panuto: Batay sa inyong nabasa sa batayang konsepto, ano ang inyong nalaman? Sagutin
ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel at isumite ito upang maiwasto
ng guro.

1. Sino ang kapwa?


2. Ano ang bumubuo ng isang lipunan?
3. Ayon kay Dr. Manuel Dy, bakit ang tao ay isang panlipunang nilalang?
4. Bakit mahalagang maunawaan ng isang tao na kailangan niya ang kanyang kapwa?
5. Bakit kinikilala ng tao ang kahalagahan ng iba?

Balikan
Sa unang markahan, ating natalakay na ang pamilya ay isang natural na
institusyon. Ang pamilya ay may misyon na magbigay ng edukasyon, humubog ng
pananampalataya, at magbigay-gabay sa mga pagpapasiya natin sa buhay. Ang ating
pamilya ay siya ring huwaran ng ating pagkatao at pakikipagkapwa. Sila ang ating unang
kapwa. Sa markahang ito, atin namang mapag-uusapan ang makabuluhang pakikipagkapwa.

Tuklasin

Panuto: Humanap ng sariling larawan at idikit ito sa pinakagitnang bahagi ng bilog na


nakalarawan sa ibaba. Isulat sa unang bilog kalapit ng iyong larawan ang mga pangalan ng
mga taong kabilang sa iyong pamilya. Sa ikalawang bilog naman ay isulat ang mga pangalan
ng iyong mga kakilala mong kapitbahay at kabarangay. Sa ikatlong bilog, isulat naman ang
mga pangalan ng mga naging guro, kaklase, at kakilala sa paaralan. Sa ikaapat na bilog,

2
isulat mo ang mga pangalan ng lahat ng taong kilala at nakilala mo mula sa ibang paaralan,
bayan, lalawigan,at maging sa ibang bansa. Sagutin ang mga gabay na tanong. Gawin ang
mga ito sa sagutang papel at isumite upang maiwasto ng guro.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ilan ang mga naisulat mong pangalan sa loob ng mga bilog? Nasiyahan ka ba
matapos maisulat ang mga ito? Bakit?
2. Masaya ka ba na nakilala mo ang mga taong naisulat mo sa loob ng bilog? Bakit?
3. Ano ang maaari mong gawin para sumaya o maging maligaya ang mga tao sa paligid
mo?

Suriin

Panuto: Subukan mong isipin kung paano napaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa ang
iyong pagkatao sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at political. Isulat ang
mga pagbabagong naranasan sa bawat aspekto at tukuyin ang mga tao na nakatulong sa
pagpapaunlad sa mga nasabing aspekto. Gamiting gabay ang talahanayan sa ibaba para sa
iyong sagot. Pagkatapos sagutin ang mga gabay na tanong.Gawin ang mga ito sa sagutang
papel at isumite upang maiwasto ng guro.

Aspekto Napaunlad ko ang Ito ay dahil sa


kakayahan ko na… tulong ni…

Intelektwal
(Ang kakayahang mag-isip nang mapanuri,
malikhain, at mangatwiran)

3
Pangkabuhayan
(Ang kaalaman at kakayahang matugunan
ang mga pangangailangan ng sarili at kapwa)
Politikal
(Ang kaalaman at kakayahang makibahagi sa
pagbuo at pagtamo ng makatao at
makatarungang lipunan)

Panlipunan
(Ang kakayahang makipag-ugnayan ng isang
tao sa ibang taong nakapaligid sa kanya)

Mga Gabay na Tanong:


1. Makakaya mo bang mapaunlad ang mga nabanggit na aspekto kung walang tutulong
sa iyo? Pangatwiranan.
2. Gaano kahalaga ang pagtulong ng kapwa mo sa paghubog at pag-unlad ng iyong
pagkatao? Ipaliwanag.

3. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong o makapaglingkod ka sa mga taong
tumulong sa iyo? Ilarawan.
4. Ano ang maaaring mangyari sa iyo kung hindi mo matututuhang makipag-ugnayan
nang maayos sa iyong kapwa? Ipaliwanag.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Ibigay ang iyong pananaw ukol sa kahalagahan ng pakikipagkapwa. Gumamit ng


mga larawan o simbolo na may kaugnayan sa iyong pananaw. Ilagay ito sa isang short bond
paper at ipaliwanag ang kahulugan ng naiguhit na larawan o simbolo. Siguraduhing malinis at
kaaya-aya ang iyong orihinal na gawa. Halimbawa ng simbolo ay guhit-puso o tala.
Rubrik sa Paggawa ng Simbolo

Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos

Nilalaman at Lubhang Naging Hindi Hindi naging


Presentasyon malinaw ang malinaw ang gaanong malinaw
mensahe ng mensahe ng malinaw ang mensahe ng
simbolo simbolo mensahe ng simbolo
simbolo

4
Organisasyon Buo ang May Konsistent, Hindi ganap
kaisipan kaisahan at may ang
konsistent, at may sapat na kaisahan, pagkakabuo,
kumpleto ang detalye at kulang sa kulang ang
detalye ang malinaw ang detalye at detalye at di-
simbolo simbolo hindi malinaw ang
gaanong simbolo
malinaw ang
simbolo
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi Hindi angkop
sa Paksa angkop ang simbolo sa gaanong ang simbolo sa
simbolo sa paksang angkop ang paksang
paksang natalakay simbolo sa natalakay
natalakay paksang
natalakay
Pagkamalik Lubos na Naging Hindi Walang
hain nagpamalas malikhain sa gaanong ipinamalas na
ng paghahanda naging pagkamalikhain
pagkamalik- ng gawain malikhain sa sa paghahanda
hain sa paghahanda ng gawain.
paghahanda ng gawaain
ng gawqin
Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Ibigay ang mga hinihingi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel at isumite ito
upang maiwasto ng guro.

1. Ibigay ang kahulugan ng lipunan.


2. Ipaliwanang ang konspeto ng kapwa.
3. Ilarawan ang tao bilang isang panlipunang nilalang,
4. Ipahayag kung bakit kailangang kilalanin ng tao ang kahalagahan ng iba.
5. Ipaunawa kung bakit mahalagang maunawaan ng isang tao na kailangan niya ang
kanyang kapwa.

5
Sanggunian:

Rallama, Zenaida. Ang Tao: Ugat ng Pakikipagkapwa (Edukasyon sa Pagpapahalaga II),


Valenzuela City: Gabay Eskwela Publishing House, 2008
Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Department of Education, 2006
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learners Material, Department of Education, 2017
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum
Guide
Pagpapakatao, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Kagawaran ng
Edukasyon, 2018
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020

Inihanda ni:

KHRISTINA CARLA M. CASAYURAN


Teacher I, Angeles City National High School

Isinumite kay:
G. EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 2: Ang Tao bilang Panlipunang Nilalang

Pangalan: _______________________________________Q2W2

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Masasabi mo bang maaari kang mag-isa sa mundo? Ito ba ay posible?
Ang tao ay likas na panlipunang nilalang. Siya ay namumuhay sa tulong ng kapwa at
siya namumuhay rin para sa kapwa. Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging
bahagi nito ay isang likas na katangian na ikinaiba ng tao sa
ibang nilalang. Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng
Diyos; binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang; at
binigyan siya ng taong makakasama at makakatulong.
Niloob ng Diyos na ang tao ay mamuhay nang may kasama
at maging panlipunang nilalang o social being at hindi ang
mamuhay nang nag-iisa o solitary being. Kaya’t ang
panlipunang aspekto ng pagkatao at ang kakayahan ng tao
na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa ay likas sa kaniyang pagkatao o social nature of
human beings (Pontifical Council for Justice and Peace, 2004).
Ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa
pagpapatatag ng pakikipagkapwa. Kaya nga, una munang kailangang matugunan ang
pagbibigay ng nararapat sa kapwa. Kailangan ang katarungan upang maibigay ang nararapat,
na walang iba kundi ang paggalang sa kaniyang dignidad. Subalit mayroong mga bagay na
maaari nating ibigay nang higit pa sa itinatakda ng karapatan at katarungan, ito ay ang mga
bagay na ayon sa ating pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa (Dy, 2012).
Ang pakikipagkapwa ay nakatutulong upang maibigay ang iyong pangangailangan na
magkaroon ng kasama. Mahirap mabuhay nang nag-iisa. Hindi ito ang kalikasan ng iyong
pagkalalang. Bilang tao, natural sa iyo na maghanap ng makakaugnayan at natutugunan ang
pangangailangang ito ng iyong pakikipagpakwa. Nagkakaroon ka ng pagkakataong
makaranas, gumawa, lumago, maghanap, at tumuklas kasama ang iba. Nagkakaroon ka rin
ng pakiramdam na ikaw ay bahagi ng isang pangkat at kalipunan ng mga nilalang na katulad.

7
Magtatagumpay ka sa layuning mapaunlad at maging makabuluhan ang iyong
pakikipagkapwa kung maipamamalas mo ang mga inaasahang kasanayang pampagkatuto
sa modyul na ito.
Malaki ang maitutulong ng mga gawaing nakapaloob dito upang lalo mong
maunawaan ang nilalaman ng aralin ito.

Ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa


pagpapatatag ng pakikipagkapwa.
Ang pakikipagkapwa pagkakataong makaranas, gumawa, lumago, maghanap, at
tumuklas kasama ang iba. Nagkakaroon ka rin ng pakiramdam na ikaw ay bahagi ng isang
pangkat at kalipunan ng mga nilalang na katulad.

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. nahihinuha na:
a. ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag- ugnayan siya sa
kanyang kapwa upang malinang siya sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at political,
b. ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa
pagpapatatag ng pakikipagkapwa,
c. ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa - ang
tunay na indikasyon ng pagmamahal; at
2. naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o
kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, o pulitikal.
(EsP8PIIb- 5.3, EsP8PIIb- 5.4)

Subukin

Panuto: Gamit ang kahon sa ibaba, tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat
ang titik ng iyong sagot. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay ba tanong. Gawin ang mga
ito sa sagutang papel at isumite ito upang maiwasto ng guro.

A. Panlipunang Nilalang D. Kusa at Pananagutan

8
B. Lumago E. Katarungan at Pagmamahal

C. Pakikipagkapwa F. Dignidad

Gabay na Tanong:
1. Ano ang nakatutulong sa tao upang maibigay ang kaniyang pangangailangan na
magkaroon ng kasama?
2. Ano ang kalikasan ng tao kung kaya’t siya ay namumuhay sa tulong ng kapwa at siya
namumuhay rin para sa kapwa?
3. Ano ang nalilinang o nararanasan ng tao sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng
pagkakataon na makasama ang iba?
4. Ano ang unang dapat igalang ng tao sa kanyang kapwa upang maibigay niya ang
nararapat na katarungan nito?
5. Ano ang dalawang birtud na kinakailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa?

Tuklasin

Panuto: Marami kang taong nakakasalamuha sa buhay. Tukuyin ang sampung tao na
itinuturing mong kapwa. Kompletuhin ang hinihingi ng nasa tsart at gamiting bagay ang
halimbawa sa ibaba at pagkatapos, sagutin ang mga gabay na tanong. Gawin ang mga ito sa
sagutang papel at isumite upang maiwasto ng guro.
Buong Pangalan Siya ay aking: Natulungan ko siya sa: Tinulungan niya ako sa:

1. Maricar S. David Nanay Gawaing-bahay Pagiging masinop

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Mga Gabay na Tanong:


1.Sino-sino ang itinuturing mong kapwa? Gaano sila kahalaga at ano ang bahaging
ginagampanan nila sa iyong buhay?
9
2. Kaya mo bang mabuhay nang walang kapwa? Sang-ayon ka ba sa pahayag na
“no man is an island”? Ipaliwanag.
3. Ano ang iyong nararamdaman kapag tinutulungan ka ng iba sa iyong mga
pangangailangan? Ano naman ang iyong nararamdaman kapag nakatutulong ka
sa iba?
4. Maliban sa mga taong isinulat mo sa taas, sino-sino pa ang itinuturing mong
kapwa at paano mo sila paglilingkuran?
5. Sa iyong palagay, batay sa iyong mga naging sagot naipakita mo ba na ikaw ay
marunong makipagkapwa-tao? Ipaliwanag.

Suriin

Panuto: Tumahimik sandali at alalahanin ang lahat ng tao sa iyong paligid. Suriin at isipin
kung sino ang limang may pinakamalalim na pakikipag-ugnayan sa iyo at ibigay ang dahilan
kung bakit. Gamiting gabay ang tsart na nasa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na
tanong. Gawin ang mga ito sa sagutang papel at isumite upang maiwasto ng guro.
Taong may malalim na pakikipag-ugnayan Dahilan ng inyong malalim na pag-
sa iyo uugnayan

1.

2.

3.

4.

Mga Gabay na Tanong:


1. Nasiyahan ka ba matapos mong maisulat ang mga tao at dahilan ng iyong malalalim
na pakikipag-ugnayan sa kanila? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay, ano ang dahilan kung bakit mayroon kang malalim na pakikipag-
ugnayan sa mga taong iyong nabanggit sa itaas?
3. Sa anong aspekto ng pakikipagkapwa ka nila naimpluwesyahan? Ipaliwanag.
4. Sa paanong paraan mo maibabalik sa kanila ang kanilang ginawang kabutihan sa
iyo?
5. Sa iyong palagay, makakamtan ba natin ang kaganapan ng ating pagkatao sa
pamamagitan ng pakikipagkapwa? Ipaliwanag.

10
Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Gumawa ng sariling recipe ng pakikipagkapwa. Itala rito ang mga mahahalagang
sangkap na kailangan upang maging malalim at makabuluhan ang pakikipagkapwa. Gamitin
ang mga terminolohiya na ginagamit sa mga karaniwang recipe katulad ng: isang tasa, isang
kilo, isang kutsara. Lagyan ito ng disenyo at ilagay ang mga pamamaraan upang maisabuhay
ang mga ito. Gawin ito sa isang malinis na construction paper o bond paper at isumite upang
maiwasto ng guro. May inihandang halimbawa para sa iyo.

3 tasa ng pagmamahal
2 kilo ng katapatan
5 tasa ng pagpapatawad
6 kutsara ng pag-asa
2 kilo ng pagtutulungan
1 bariles ng tawanan

Isa-isang ilagay ang mga sangkap sa iyong malaking puso.


Paghalu-haluin nang mabuti ang lahat ng mga sangkap ng walang
pag-aalinlangan.
Gamitin ang mga ito nang panghabambuhay sa lahat ng mga
makakasama o makakasalamuha.

Rubrik sa Paggawa ng Recipe ng Pakikipagkapwa

Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos

Nilalaman, Lubhang Naging Hindi gaanong Hindi naging


Presentasy malinaw ang malinaw ang malinaw ang malinaw ang
on at mensahe ng mensahe ng mensahe ng mensahe ng
Pagka- recipe at lubos recipe at recipe at hindi recipe at hindi
malikhain na napamalas naipamalas gaanong naipakita ang
ang pagka- ang pagka- naipamalas pagka-
malikhain. malikhain. ang pagka- malikhain.
malikhain.
Organisasy Buo ang May Konsistent, Hindi ganap
on kaisipan, kaisahan at may kaisahan, ang
konsistent, may sapat ngunit kulang pagkakabuo,
kumpleto ang na detalye sa detalye at kulang ang
detalye at ang recipe at hindi gaanong detalye at di-
malinaw ang pamamaraan malinaw ang malinaw ang
recipe at recipe at recipe at
pamamaraan pamamaraan pamamaraan

11
Kaangkupa Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
n sa Paksa angkop ang ginawang angkop ang ang ginawang
ginawang recipe recipe at ginawang recipe at
at pamamaraan pamamaraan recipe at pamamaraan
sa paksang sa paksang pamamaraan sa paksang
natalakay natalakay sa paksang natalakay
natalakay
Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Gamit ang kahon sa ibaba, tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat
ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel at isumite ito upang maiwasto ng guro.
A. Lumago B. Panlipunang Nilalang C. Kusa at Pananagutan

D. Pakikipagpakwa E. Dignidad F. Katarungan at Pagmamahal

1. Ito ay nararapat na bigyan ng katarungan upang maipakita ang mabuti at makabuluhang


pakikipag-ugnayan sa kapwa.
2. Ito ang katangian ng tao kung kaya’t kakaiba siya sa lahat ng nilikha.
3. Ito ay makakamtan sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga bagay-bagay kasama ang iba.
4. Ito ay nakakatulong upang matuto tayong tumugon sa pangangailan ng iba at mahubog
natin ang pakikipag-ugnayan sa iba.
5. Ito ay ang mga dapat nating linangin sa pagsasakatuparan ng isang matibay na ugnayan
sa mga taong nakapaligid sa atin.

Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Grade 8 Learners Material, Department of Education, 2006

Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 8 Learners Material, Department of Education, 2013

Pagpapakatao, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Kagawaran ng Edukasyon, 2018

MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakata Curriculum Guide

EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020

12
Inihanda ni:

NIŇA MARIE B. OCHOA


Teacher I, Angeles City National High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 - EsP

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 2


Subukin:

5. E 4. F 3. B 2. A 1.C

Tayahin:

5. F 4. D 3. A 2. B 1.E

13
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 3: Mabuting Pakikipagkaibigan,Tunay na Kayamanan

Pangalan: _____________________________________ Q2W3

Seksiyon: _____________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Ang tao ay likas na nakikiugnay sa iba. Ang
pakikipagkapwa ay isa sa kaniyang mga katangian
bilang isang tao. Mayroon siyang mga likas na
kakayahan para makatugon sa pangangailangan ng
iba at mapaunlad ang kaniyang pakikipag-ugnayan.
Isa sa tinatawag niyang kapwa ay ang kaibigan.
Si Aristotle, isang Griyegong pilosopo, ay
nagbigay ng makabuluhang pananaw sa
pakikipagkaibigan. Ang sabi niya, “Ang tunay na
pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang
pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Ito’y isang natatanging damdamin para sa espesyal na
tao na mas higit ang halaga sa isang ordinaryong kakilala lamang. Hindi ito pumapanig sa
kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa. Naiaangat nito ang antas ng buhay tungo sa
positibong ugnayan ng isang lipunan.” Ayon din kay Aristotle (Sadler, 2013), may tatlong uri
ng pakikipagkaibigan na makatutulong upang masuri natin ang uri ng pakikipagkaibigan na
ating inaalay para sa mga pinili nating maging kaibigan. Ang mga ito ay:
1. Pakikipagkaibigang bunga ng pangangailangan. “Kaibigan kita dahil kailangan
kita” ito ang mga kataga na madaling makapaglarawan sa napakababaw na uri ng
pakikipagkaibigan. Kinakaibigan mo ang isang tao pagkat may pangangailangan
ka sa kapwa mong ito. Ang uri ng pakikipagkaibigan na ito ay salat sa kabutihan,
katarungan, pagmamahal, at pagpapahalaga.
2. Pakikipagkaibigang bunga ng pansariling kasiyahan. “Kaibigan kita dahil
masaya kang kasama at kausap” simpleng paglalarawan upang maunawaan mo
ang pangalawang uri ng pakikipagkaibigan. Ang uri ng pakikipagkaibigan na ito ay
mas mataas sa nauna ngunit hindi pa rin pangmatagalan sapagkat iilang bahagi
lang ng tao ay iyong ginugusto at hindi ang kabuuan niyang pagkatao.
3. Pakikipagkaibigang bunga ng kabutihan. “Kaibigan kita dahil magkasama
tayong may nagagawang mabuti” ito ay batay sa pagkagusto at paggalang sa isa’t
isa. Ito ay mas tumatagal at mas may kabuluhan kumpara sa dalawang nauna.
1
Ang pagkakatulad ng mga pagpapahalaga, layunin, at pananaw sa buhay ay ang
nagpapatibay ng kanilang pakikipagkaibigan.

Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan


at pakikisalamuha sa lipunan. Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng
mabuting pakikipagkaibigan- ang pagpapaunlad ng pagpapakatao at pakikipagkapwa at
pagtatamo ng mapayapang lipunan.
Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at
pakikisalamuha sa lipunan.. Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng
mabuting pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at
pagtamo ng mapayapang lipunan/pamayanan.

Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan niya
mula sa mga ito; at
2. nasusuri ang kanyang mga pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng
pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle.
(EsP8PIIc- 6.1, EsP8P IIc- 6.2)

Subukin

Panuto: Pagtapat-tapatin. Iugnay ang mga salita na nasa Hanay A sa kanilang mga
kahulugan o pagkakakilanlan sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

1. Kaibigan A. Siya ang iyong makakasama na makatutulong sa


2. Aristotle pagpapa-unlad ng iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa.
3. Pakikipagkaibigan B. Ito ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na
4. Nakabatay sa Pansariling pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan.
Kasiyahan C. Ito ang pinakamataas na uri ng pakikipagkaibigan
5. Nakabatay sa kabutihan D. Siya ang Griyegong pilosopo na nagbigay ng
makabuluhang pananaw sa pakikipagkaibigan.
E. Ito ay ang uri ng pagkakaibigan na hindi pangmatagalan
sapagkat iilang bahagi lang ng tao ay iyong ginugusto at hindi
ang kabuuan niyang pagkatao.
F. Ito ang pinakamababang uri ng pakikipagkaibigan.

2
Balikan
Sa nakalipas na linggo, ating natuklasan kung sino-sino ang ating mga itinuturing
na kapwa. Atin ding napag-aralan na ang ating mga kapwa ay mahalaga sapagkat sila ay
nagbibigay ng impluwensya sa ating buong pagkatao. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa,
napauunlad natin ang ating pagkatao.

Tuklasin

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Magtala ng pangalan ng mga kaibigan at tukuyin mo ang
mga dahilan kung bakit mo sila naging kaibigan. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na
tanong sa ibaba. Gawin ang mga ito sa sagutang papel at isumite upang maiwasto ng guro.

Pangalan ng mga taong itinuturing na Mga dahilan kung bakit itinuturing


kaibigan silang mga kaibigan

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang madalas na nagiging dahilan o batayan ng iyong pakikipagkaibigan sa
kanila? Bakit?
2. Ano ang pinakamababaw na dahilan na iyong naitala? Ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, alin sa mga nasabing dahilan ang mabuting batayan sa
pakikipagkaibigan? Bakit?
4. Alin sa mga naitalang dahilan ang nagbunga ng mas malalim na pagkakaibigan para
sa iyo? Ipaliwanag.
5. Alin sa mga itinalang mga dahilan ang nagpabago ng iyong pananaw tungkol sa
pagkakaibigan? Ipaliwanag.

3
Suriin

Panuto: Suriin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Ano ang iyong gagawin o isasagawa
upang maipamalas ang mabuting pakikipagkaibigan? Pagkatapos, sagutin ang mga gabay
na tanong. Gawin ang mga ito sa sagutang papel.
Ano ang gagawin mo kung:
1. Naikwento sa iyo ng iyong kaibigan na hihinto na siya sa pag-aaral.
2. Hinikayat ka ng iyong kapangkat na huwag ng makiisa sa inyong gawain.
3. Nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng iyong matalik na kaibigan.
4. Nakita mo ang iyong kaklase na nagbahagi ng hindi kaaya-ayang larawan sa
social media.
5. Niyayaya ka ng mga kababata mo na maglibot sa inyong barangay sa kabila ng
pandemya.

Mga Gabay na Tanong:


1. Naging madali ba o mahirap ang pagtugon sa mga sitwasyon na nabanggit?
Ipaliwanag.

2. Sa anong sitwasyon mo naipakita na ikaw ay kaibigang nakabatay sa kabutihan?

3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maiuugnay mo batay sa iyong sariling


karanasan? Paano mo ito napagtagumpayan?

4. Ano-ano ang iyong isinaalang-alang sa pagsagot sa mga sitwasyon na nasa itaas?

5. Sa iyong palagay, naipakita mo ba sa iyong mga sagot kung anong uring kaibigan ka
batay kay Aristotle? Ipaliwanag.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang “Wanted: Best friend” poster. Gawin ito sa oslo paper. Maaari
itong lagyan ng mga larawan na nagpapakita ng mga pangyayari na nais mong maranasan
sa isang kaibigan (hal. nagbabasa sa library, naglalaro ng chess na magkasama,
nagpapasaya ng mga bilanggo o mga matatanda sa “home for the aged” o nagsisimba nang
magkasabay.) Itala dito ang mga mabubuting katangian na iyong hinahanap sa isang matalik
na kaibigan. Gamitin ang pagiging malikhain sa paggawa nito. Maaaring ibahagi ang
ginawang panawagan sa social networking site tulad ng facebook, twitter at iba pa.

4
Rubrik sa Paggawa ng Poster
Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos

Nilalaman at Lubhang Naging Hindi Hindi naging


Presentasyon malinaw ang malinaw ang gaanong malinaw
mensahe ng mensahe ng malinaw mensahe ng
poster poster ang poster
mensahe ng
poster

Organisasyon Buo ang May Konsistent, Hindi ganap


kaisipan kaisahan at may ang
konsistent, at may sapat kaisahan, pagkakabuo,
kumpleto ang na detalye at kulang sa kulang ang
detalye ang malinaw ang detalye at detalye at di-
poster poster hindi malinaw ang
gaanong poster
malinaw
ang poster

Kaangkupan sa Angkop na Angkop ang Hindi Hindi


Paksa angkop ang poster sa gaanong angkop ang
poster sa paksang angkop ang poster sa
paksang natalakay poster sa paksang
natalakay paksang natalakay
natalakay

Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi Walang


nagpamalas ng malikhain sa gaanong ipinamalas
pagkamalikhai paghahanda naging na pagka-
n sa malikhain sa malikhain sa
paghahanda paghahanda paghahanda

Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Gamit ang kahon sa ibaba, tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat
ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
A. Aristotle B. Nabatay sa Kabutihan C. Pakikipagkapwa

D. Kaibigan E. Nakabatay sa Pansariling Kasiyahan F. Pakikipagkaibigan

5
1. Sino ang may kakayahan na matugunan ang iyong pangangailangan at mapaunlad
ang iyong pakikipag-ugnayan?
2. Anong uri ito ng pakikipagkaibigan kung saan kinakaibigan mo siya dahil masaya
siyang kasama at kausap?
3. Ano ang uri ng pakikipagkaibigan ang nakabatay sa pagkagusto at paggalang sa isa’t
isa?
4. Ano ang magpapaunlad sa iyong pagpapakatao, pakikipagkapwa at pagtatamo ng
mapayapang lipunan?
5. Sino ang pilosopong nagbigay ng pagkakahulugan ng tatlong uri ng
pakikipagkaibigan?

Sanggunian:
Rallama, Zenaida. Ang Tao: Ugat ng Pakikipagkapwa (Edukasyon sa Pagpapakatao II),
Valenzuela City, Gabay Eskwela Publishing House, 2008

Edukasyon sa Pagpapahalaga II, Department of Education, 2006


Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 8 Learners Material, Department of Education, 2017

MELCs-Most Essential Learning Competencies,Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum

Guide

EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020

Inihanda nina:

KHRISTINA CARLA M. CASAYURAN


Teacher I, Angeles City National High School

NIŇA MARIE B. OCHOA


Teacher I, Angeles City National High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1: EsP

6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 4: Ang Pakikipagkaibigan
Pangalan: _______________________________________Q2W4
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Wow! 1,000 na ang friends ko! Nakamamanghang pananalita ng mga kabataan sa
kasalukuyan. Minsan tuloy ang reaksyon ng ilang tao, “Ako nga hirap
na hirap makahanap ng isa, tapos sila 1,000 na. Hayyy…
napakasuwerte naman niya.” Pero kung titingnan nang mas malalim,
ano ba ang kahulugan ng friend para sa kanila? Yung friend sa
facebook? Yung follower sa twitter? Ganito ba ang tunay na kahulugan
ng pagkakaibigan? Ganito lang ba kadali makahanap ng kaibigan? Sa
nakaraang aralin tiyak na naunawaan mo na likas sa isang tao ang
maghanap ng kapwa na kaniyang makakaugnayan dahil siya ay likas na panlipunang nilalang.
Ngunit ang ating ugnayan sa ating kapwa ay nagkakaiba ng lalim at lawak. Ang simpleng
magkakilala ay maaaring maging malalim na magkaibigan sa hinaharap dahil sa pagsisimula
ng mas malalim na ugnayan. Ano nga ba ang halaga ng isang kaibigan sa iyo? Bakit
mahalagang bumuo ng malalim na ugnayan sa isang kaibigan? Paano magkakaroon ng
malalim na ugnayan sa isang kaibigan? Ito at marami pang ibang tanong ang sasagutin sa
aralin na ito. O ano, kaibigan, handa ka na ba? Halika na … ating ipagpatuloy na lakbayin
ang malawak na mundo ng pakikipagkaibigan.
Ang pakikipagkaibigan ay isang kapangyarihang ugnayan. Nakapagdudulot ito ng
positibo, makatotohanan, at matibay na pundasyon ng ating pagkakakilanlan at pagkatao. Sa
aklat ni Joy Carol (2008) na The Fabric of Friendship, tinukoy ang maraming bagay na
naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao.
1. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili. Kapag may mabuting ugnayang
namamagitan sa inyo ng iyong kaibigan, ang kakayahang magbahagi ng taglay na mga
katangian sa isa’t isa ay nakapagpapasaya sa atin.
2. Natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig. Madalas, lalo na sa mga
kabataan, mahirap ang maglaan ng panahon at pasensya na makinig sa mga hinaing o
suliranin ng kapwa.
3. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng
mga tunay na kaibigan. Sabi nga, malalaman mo lamang ang tunay na kaibigan at hindi

7
kung mayroon kang parehong pagdanas dito. Hindi madali ang landas patungo sa
paghahanap ng tunay na kaibigan.
4. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa
kabila ng ilang di pagkakaintindihan. Ang mga suliranin ang nakapagpapatatag sa isang
tao at sa pagitan ng magkaibigan ang mga suliranin din ang maaaring maging instrumento
upang mas mapatatag ang kanilang samahan.
5. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan. Kahit
pa may malaking bilang ka ng mga kaibigan sa paaralang iyong pinapasukan, sa inyong lugar,
sa mga organisasyong iyong kinabibilangan. Ito’y isang sorpresa sa ating buhay; ang
pagkakaroon ng pagkakataon na makaunawa ng bagong pananaw, bagong pamamaraan ng
pakikitungo, at bagong pakikipagkaibigan.
PAGPAPATAWAD: Batayan ng Kabutihan at Pagmamahal
Ayon kay George Washington, “Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa
ilang matitinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng pakikipag-
ugnayan.” Hindi nga natin makikilala nang lubos ang Ang mabuting pagkakaibigan ay
mga kaibigan kung hindi natin mararanasan ang mapagpatawad at handing ipakita
ang kababaang loob.
ilang krisis kaugnay sa pakikipagkaibigan. Lahat ay
nagkakamali. Ang paghingi ng kapatawaran ay hindi
kahinaan kundi kalakasan ng isang tao. Kailangan ang lakas ng loob sa pag-amin ng
kamalian. Ang mabuting pagkakaibigan ay marunong tumanggap sa katotohanan, handang
ipakita ang kababaang-loob at magpatawad.
Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at
pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at pagpapaunlad ng
pakikipagkapwa.

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. nahihinuha na:
a. ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na
pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan,
b. maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at
pagtatamo ng mapayapang lipunan/pamayanan,
c. ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan
at pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at
pagpapaunlad ng pakikipagkapwa; at
2. naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan
8
(hal., pagpapatawad) at makipagkaibigan sa mga nangangailangan nito.
(EsP8PIId-6.3- EsP8PIId-6.4)

Subukin

Panuto: Basahin mabuti ang tanong at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng
malalim na pagkakaibigan?
a. pagpapayaman ng pagkatao
b. simpleng ugnayang interpersonal
c. pagpapaunlad ng mga kakayahan
d. pagpapabuti ng personalidad
Para sa bilang 2-4. Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin
ang mga tanong.
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Zeny at Cely sa paaralang kanilang
pinapasukan. Nagustuhan ni Cely ang pagkamasayahin, makuwento, at maalalahanin ni
Zeny. Masaya sila sa kanilang relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang
tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian pati na rin ang
ilang kapintasan. Para kay Cely, lubos at walang kondisyon ang kaniyang pagmamalasakit sa
kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin niya na kapag natataasan niya ang iskor ni Zeny sa
kanilang pagsusulit, naiinis ito. Kapag ang kanilang guro ay pumupuri sa magagandang
gawaing naipamalas ni Cely, sa ibang kaklase sumasama ang huli. Nasasaktan si Cely pero
wala siyang lakas ng loob sabihin ito kay Zeny. Ang lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili
na lamang niya.
2. Kung ikaw si Cely ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang
katayuan ng kaniyang pakikipagkaibigan kay Zeny?
a. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiinggit sa kaniya.
b. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan
c. Ipakita kay Zeny na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na
ipinamamalas sa kaniya
d. Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa
negatibong asal / ugali ng kaibigan.
3. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Zeny sa kaniyang
kaibigan?
a. Hindi niya mahal ang kaniyang kaibigan
b. May nabubuong kompetisyon sa kanilang dalawa
c. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase
d. Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan

9
4. Mula sa kuwento ng pagkakaibigan nina Zeny at Cely, alin sa sumusunod na konsepto ang
angkop dito?
a. Ang tunay na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang
ugnayang namamagitan.
b. Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao ngunit ang
mga ito’y maaaring maging dahilan ng ating paglago.
c. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng kapalit sa mga
bagay na hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
d. Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaaasahan sa
kanila na makakatulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
5. Matagal nang inuunawa ni Lyka ang pagiging palaasa ni Jovelle. Madalas sa klase, si Lyka
ang kinokopyahan ng mga takdang aralin ng kaibigan. Minsan, sinabi nito kay Jovelle na
mas makabubuting pag-aralan niya na gawing mag-isa ang mga proyekto at iba pang
gawain sa klase ngunit hindi pa rin niya ito ginawa. Kaya, nagpasiya si Lyka na hindi na
siya magpapakopya sa kaibigan. Mula noon, hindi na siya pinansin ni Jovelle. Anong uri
ng pagkakaibigan ang ipinakitang halimbawa ni Jovelle?
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
c. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
d. Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang interpersonal

Balikan

Ating natalakay sa nakaraang sesyon na si Aristotle, isang Griyegong pilosopo, ay


nagbigay ng makabuluhang pananaw sa pakikipagkaibigan. Ang sabi niya, “Ang tunay na
pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang
pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Ito’y isang natatanging damdamin para sa espesyal na
tao na mas higit ang halaga sa isang ordinaryong kakilala lamang.

Ating Tandaan
Mahalaga ring bigyang-pansin ang tatlong uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle.
Makatutulong ito upang masuri ang uri ng pagkakaibigan na iyong iniaalay Ang mga ito ay:
1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan.
2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan.
3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan.

10
Tuklasin

Sa gawaing ito, simulan nating isa-isahin ang iyong mga kaibigan at suriin ang
kabuluhan ng iyong ugnayan sa kanila.
PROFILE NG AKING KAIBIGAN
Panuto:
1. Gamit ang mga recycled na materyales sa inyong mga tahanan, gumawa ng scrapbook
page at isa-isahin ang iyong mga kaibigan ito ay magiging reprentasyon sa mga
mahahalagang alaala ng iyong kaibigan.
2. Ang scrapbook page ay nararapat na naglalaman ng sumusunod na impormasyon:
a. Pangalan ng iyong kaibigan.
b. Pag-iisa-isa ng kaniyang mga katangian
c. Maikling pagkukuwento ng pinakamahalagang pangyayari tungkol sa inyong
pagkakakilala at pagiging malapit sa isa’t isa
d. Mga bagay na iyong natutuhan mula sa kaniya (mga naging impluwensiya niya sa iyo
–halimbawa, sa paggawa ng mabuting pagpapasiya)
e. Mga konsepto tungkol sa pagkakaibigan na natutuhan mo mula sa kaniya
f. Pangkalahatang kabutihang naidulot niya sa iyo
Mga Gabay na Tanong: Sagutin sa sagutang papel.
1. Batay sa iyong isinagawang pagsusuri tungkol sa iyong mga itinuturing na kaibigan,
ano ang konsepto tungkol sa pagkakaibigan ang natutuhan mo mula sa
kaniya?
2. Ano ang iyong pananaw tungkol sa pagkakaibigan bago mo siya nakilala? Ipaliwanag.
3. Mayroon bang naidulot na pagbabago sa iyong pananaw tungkol sa pagkakaibigan
mula nang siya ay iyong nakasama? Ano-ano ito?
4. Ano-ano ang nabago sa iyong sarili mula ng dumating siya sa iyong buhay? Isa-isahin.
5. Ano ang halaga ng iyong kaibigan sa iyo bilang tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Suriin

Panuto:
1. Ngayon naman ay balikan ang lahat ng iyong mga naging kaibigan noon at ngayon.
Maaaring ito ay simulan mula pa noong ikaw ay bata. Balikan mo ang sinumang kaibigan na
iyong naaalala. Malalim man o mababaw ang pagkakaibigan na inyong nabuo, mahalagang
maisama ang lahat dito.
2. Lumikha ng timeline at ilapat ang pangalan ng iyong mga kaibigan dito. Ang pagtaas o
pagbaba ng linya ay ibabatay sa antas o lalim ng iyong nabuong pagkakaibigan sa kanila.
11
Matapos itong maisa-isa ay isulat mo naman sa babang bahagi ng kanilang pangalan ang
dahilan o mga dahilan kung bakit mo sila naging kaibigan.
Magsasagawa ka ngayon ng paghahambing sa naging antas ng iyong turing sa kanila bilang
kaibigan. May inihandang halimbawa para sa iyo: Isulat ito sa malinis na papel.

Naging magkaibigan
kami dahil sabay
kaming nagrerecess
Naging magkaibigan sa eskwelahan.
kami dahil
Naging magkaibigan magkatabi lang ang
kami dahil lagi
Naging magkaibigan bahay namin at
kaming magkasabay
kami dahil palagi nagrereview kami
umuwi.
kaming naglalaro ng magkasabay.
pagkatapos ng pasok
sa eskwelahan.

Mga Gabay na Tanong: Sagutin sa sagutang papel.


a. Ano ang iyong natuklasan sa pagsasagawa ng gawain?
b. Ano ang magkakaibang dahilan na iyong naitala sa pagbuo ng iyong
pagkakaibigan? Ipaliwanag ang bawat isa.
c. Ano ang pinakamababaw na dahilan na iyong naitala? Ipaliwanag.
d. Ano ang pinakamalalim at pinakamakabuluhang dahilan na iyong naitala?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
e. Alin sa mga naitalang dahilan ang nagbunga ng mas malalim na pagkakaibigan
para sa iyo?
f. Alin sa mga itinalang mga dahilan ang nagpabago ng iyong pananaw tungkol sa
pagkakaibigan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto:

1. Makikita sa ibaba ang tseklis ng mga palatandaan na nagpapatunay ng pagsasabuhay ng


pakikipagkaibigan ayon kay Isaacs (2001).
2. Suriin kung iyong tinataglay ang sumusunod na palatandaan. Lagyan ng tsek (✓) sa tapat
ng bawat aytem kung ito ay iyong taglay at lagyan naman ng ekis (×) kung hindi. Isulat ito sa
sagutang papel.

12
Mga Palatandaan Ako ito Hindi ako ito

1. Lahat ng bagong kakilala ay pinaniniwalaan


kong maaari kong maging kaibigan sa
hinaharap.
2. Upang mabuo ang pagkakaibigan kailangang
may pagkakatulad at iisang interes o hilig.

3. Interesado ako sa aking kaibigan sa kabuuan


ng kaniyang pagkatao at hindi lamang sa mga
bagay na kami ay may pagkakatulad.

4. Naniniwala akong mahalaga na mayroong


regular na pakikipag-ugnayan sa mga pinipiling
maging kaibigan.

5. Nauunawaan ko na ang kalidad ng


pagkakaibigan ay tataas batay sa dami ng
pagpapalitan ng mga tanong na maglalapit sa
isa’t isa at magbubukas sa kanilang sarili at
maging sa kanilang magkaparehong interes na
makilala ang isa’t isa.
6. Mulat ako na ang pakikipagkaibigan lalo na
sa katapat na kasarian ay mayroong limitasyon.

7. Nauunawaan ko na upang maging mabuting


kaibigan ako sa aking kaibigan at upang maging
mabuting kaibigan din sila sa akin, kailangan
naming magsikap na mapagyaman ang ilang
mga birtud.
8. Nagpapakita ako ng pagmamalasakit sa
aking kaibigan sa maraming mga paraan (Hal.
pagbisita sa kaniya kapag maysakit, hindi
nagsasalita ng masama laban sa kaniya, atbp.)

Paraan ng Pagmamarka
Bilangin ang kabuuang iskor ng kolum sa AKO ITO at HINDI AKO ITO. Tingnan sa
ibaba ang paglalarawan / interpretasyon sa bilang ng iskor upang matukoy ang antas ng iyong
pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan.

13
Paglalarawan/ Interpretasyon ng Iskor
0 – 2 - Hindi pa naisasabuhay ang tunay na pakikipagkaibigan
3 – 4 - Nangangailangan ng paglinang sa kakayahan sa pagsasabuhay ng tunay na
pakikipagkaibigan.
5 – 6 - May kasanayan sa pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan
7 – 8 - Napakabuti sa pagsasabuhay ng tunay na pakikipagkaibigan.

Ang nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat na bigyan ng negatibong
interpretasyon. Ang layunin ng gawaing ito ay upang tulungan kang tayahin ang iyong
kakayahan at maging bukas ka sa pagbabago. May magagawa ka pa upang ito ay
mapaunlad. Kasabay ng unti-unting pag-unlad ng kakayahan dito ay makikita mo ang unti-
unti ring paglago ng iyong ugnayan sa iyong mga kaibigan. Kilos na kaibigan!

Ano ang Batayang Konsepto na nahinuha mo sa Modyul? Gabay mo ang sagot sa


mahalagang tanong na: Ano ang kabutihang maidudulot ng pakikipagkaibigan? Bakit
mahalaga ang pagpapatawad? Isulat sa sagutang papel ang sagot gamit ang graphic
organizer sa ibaba. ________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
PAKIKIPAGKAIBIGAN

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

Ang pagpapatawad ay ____________________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Basahin ng mabuti at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang ____________________ ay isang kapangyarihang ugnayan. Nakapagdudulot ito ng
positibo, makatotohanan, at matibay na pundasyon ng ating pagkakakilanlan at pagkatao.
14
a. Pagpapatawad
b. Pagkakaibigan
c. Birtud
d. Pakikipagkapwa
2. Hindi ito madaling mabuo, nangangailangan ito ng mas mahabang panahon kung
ikukumpara sa ibang uri ng pagkakaibigan ito ay mas tumatagal at mas may kabuluhan.
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pakikipagkaibigang nakabatay sa Pansariling Kasiyahan
c. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
d. Wala sa mga nabanggit.
3. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao
na masaya kang kasama o kausap.
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pakikipagkaibigang nakabatay sa Pansariling Kasiyahan
c. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
d. Wala sa mga nabanggit.
4. Ito ay pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao rito.
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pakikipagkaibigang nakabatay sa Pansariling Kasiyahan
c. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
d. Wala sa mga nabanggit.
5. Ang mga sumusunod na katanungan ay mga halimbawa ng uri ng pagkakaibigan. Piliin ang
P Kung ang (Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan), PS Kung ang
(Pakikipagkaibigang nakabatay sa Pansariling Kasiyahan), at K Kung ang
(Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan).

________a. Si Bing at sila Ella ay magkababata lagi silang nandiyan sa oras ng kalungkutan
at kasiyahan.
________b. Ang kaklase ni Angel na si Monic ay lagi silang magkasama at makatabi sa upuan
ngunit kapag may pagsusulit si Angel ay nangongopya kay Monic.
________c. Si James at Noel ay laging naglalaro ng basket ball tuwing uwian galling
eskwelahan.
________d. Sa tuwing may problema si Joshua doon niya lang na aalala ang kaniyang mga
kaibigan.
________e. Si Juddy at Angel ay magkaibigan ngunit nawalay sila sa kadahilanang lumipat
ng tahanan si Juddy pero sa oras ng pangangailangan nandyan si Angel para
making sa mga problema ni Juddy.
15
Sanggunian:

MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learners Material, Department education, 2017
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikawalong baitang Modyul Para sa Mag-aaral Unang
Edisyon, 2013.
https://sancarloscollege.edu.ph/clarion/features/

Inihanda ni:
OLIVER Y. GALANG
Teacher I, Sitio Target Integrated School.

Isinumite kay:
EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 - EsP

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 3:


Subukin

5. C 4. E 3. A 2. D 1. B

Tayahin

5. A 4. F 3. B 2. E 1. D

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 4;


Subukin

Tayahin

5e. K 5d. P 5c. PS 5b. P 5a. K 4. A 3. B 2. C 1. B

16
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 5: Epekto sa Kilos at Pagpapasiya ng Wasto at Hindi Wastong
Pamamahala ng Pangunahing Emosyon

Pangalan: _______________________________________Q2W5

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Naranasan mo na bang tumalon dahil sa isang
magandang balita? O maiyak dahil sa larawan ng isang batang
may kanser? O makapagpasalamat dahil sa galak? Ikaw, na
sa sobrang kaba ay hindi mo nasagot ang mga tanong ng iyong
guro? Ito ay iilan lamang sa mga pagkakataon na nagpapakita
ng paraan ng pagpapahayag ng emosyon. Paano mo
mapamamahalaan nang wasto ang iyong emosyon upang
mapagbuti mo ang iyong ugnayan sa iyong kapwa? Sa
pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral
ng tao. Ang aspektong emosyonal ng tao, katulad ng pagdamdam, paggusto, pagmamahal at
pagkapoot ay hindi nababatay sa katwiran o anopaman. Ang damdamin, ibig sabihin, kagyat
na may kaugnayan ito sa mga obhetong tinatawag na mga pagpapahalaga.
Ang emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang
impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyon mga krisis, suliranin, o
pagkalito. Nabalitaan mon a ba ang mag-aaral na nakasakit ng kamag-aral dahil sa selos? O
kaya’y ang isang tatay na nagmukmok at tila Nawala sa sariling katinuan dahil natanggal siya
sa trabaho dala ng pandemyang ating nararanasan? Nagbubunga ng reaksiyon hindi
maganda sa sarili at sa pakikipagkapwa. Ngunit, kung napamamahalaan natin ng wasto ang
ating emosyon at nagdudulot ito ng katiwasayan sa sarili at pagkakaroon ng magandang
ugnayan sa ating kapwa. Nakagagawa tayo ng maayos na pagpapasiya at madaling
makabangon sa mga pagsubok sa buhay.
Mahalaga na makapagbalangkas ka ng pamamaraan upang makayanan at
mapagtagumpayan mo ang mga emosyon bunga ng iyong pinagdaraanan at mga karanasan.
Ilan sa mga mungkahing paraan upang mapamahalaan ang mga ito ay (Moratό, Jr., 2007):
a. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-dapat o mas
pipiliin kong gumawa ng makabubuti?” Hindi lamang ang sarili ang nagiging biktima sa ating
maling pamamahala ng ating emosyon. Mahalagang naipahahayag natin ito nang maayos

2
upang mapanatili natin ang ating mabuting ugnayan sa ating kapwa.
b. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot, ngunit isipin na mayroon pang higit
na magandang mangyayari. Maging positibo sa pagharap sa hamon ng buhay.
c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman, kapangyarihan, at pagiging
tanyag kung hindi sa kakayahan na mamuhay nang may pagpapahalaga at dangal.
d. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay na mayroon tayo, tao
man o bagay. Hindi naman ito nangangahulugan na magiging wala kang pakialam o wala
silang halaga sa iyo.
e. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may mga taong maaari mong
pagkatiwalaan at mahingan ng tulong. Buksan ang isipan at kalooban na kaya mong makamit
ang hangarin sa buhay.
Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahan na makakamit ng mga kabataang tulad
mo ang malalim na pag-unawa sa emosyon at ang kahalagahan sa wastong pamamahal sa
mga ito.
Ang pamamahala natin ng wasto nang ating emosyon at nagdudulot ito ng katiwasayan sa
sarili at pagkakaroon ng magandang ugnayan sa ating kapwa. Nakagagawa tayo ng
maayos na pagpapasiya at madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay.

Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ng wasto at hindi wastong
pamamahala ng pangunahing emosyon; at
2. nasusuri kung paano naiimpluwensyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa
isang sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito.
(EsP8PIIe-7.1- EsP8PIIe-7.2)

Subukin

Panuto: Basahin mabuti ang tanong at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagama’t nakapasa siya
sa pagsusulit para sa iba’t ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang pinakamainam
niyang gawin upang mapili niya ang angkop na kurso para sa kaniya?
a. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda.
b. Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit.
c. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng panahon sa pag-iisip.

3
d. Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi magsisi
sa huli.
2. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon
Mahalaga na tayo ay malibang. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng
pagre-relax?
a. paglakad-lakad sa parke
b. paninigarilyo
c. pagbabakasyon
d. panonood ng sine
3. Ano ang palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman?
a. ang ating mga opinion
b. ang ating mga kilos o galaw
c. ang ating ugnayan sa kapwa
d. ang mabilis na pagtibok ng ating puso
4. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil nagalit ka nang makita mong ginamit niya ang iyong
bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
a. nailabas mo ang iyong sama ng loob
b. hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
c. gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
d. nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid
5. Kinausap ng kaniyang guro si Hilda na kailangan niyang dagdagan pa ang kaniyang
pagsisikap upang makakuha ng mataas na marka sa susunod na markahan. Ito ay dahil
hindi naging kasiya-siya ang kaniyang grado sa nakaraan. Nag-aalala ng lubos si Hilda
dahil baka hindi siya makapasa. Sa ganitong pagkakataon, anong pagpapahalaga ang
dapat patibayin upang mapagtagumpayan ang pagsubok na ito?
a. sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon
b. tanggapin na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito
c. magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito
d. humingi ng paumanhin sa guro sa naging pagkukulang sa klase

Balikan

Sa nakaraan na modyul ay tumatalakay sa aspeto ng pakikipagkaibigan kung


paano mo mapapaunlad ang pakikipag-kapwa tao at kung paano suriin ang mga ibat-ibang
tao sa ating paligid. Ang modyul na ito ay tumatalakay kung gaano kahalagaan ng emosyon
sa pakikipagkaibigan kung paano mapapalawak ang ating isipan at damdamin sa ibang tao.

4
Tuklasin

Gawain: Pagsusuri ng epekto ng iyong emosyon sa kilos at pagpapasiya


Panuto: Buuin ang Tsart ng Emosyon sa pamamagitan ng pagpuno sa hinihingi ng bawat
kolumn. Pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na gabay na tanong. Gawin ito sa
sagutang papel.
Sitwasyon sa iyong Epekto ng emosyon
buhay na naging dahilan sa iyong kilos at
ng emosyong pagpapasiya
Halimbawa: naramdaman

Niregaluhan ako ng Masayang


Pagmamahal aking Tatay nagpasalamat kay
Tatay.
M
Pag-asam
G

A Pagkagalak

E Pag-asa

M
Pighati
O

S
Pagkagalit
Y

O
Pagkatakot
N

Kawalan ng
pag-asa

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang maaaring maging epekto ng iyong naging damdamin sa iyong mga kilos at
pasiya?
2. Batay sa iyong mga sagot, napamahalaan mo ba nang wasto ang iyong emosyon?
Pangatwiranan.

5
3. Sakaling hindi mo napamahalaan nang wasto ang iyong emosyon, ano ang
posibleng idulot nito sa iyo at sa iyong pakikipagkapwa?
4. Ano ang iyong natuklasan pagkatapos mong nasagutan ang iyong Gawain?
Nakaapekto ba ang iyong emosyon sa kilos at sa iyong pangpapasiya? Ipaliwanag.

Suriin

Kadalasan, nagkakaroon ka ng suliranin sa pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa mga


taong iyong nakakasama sa iba’t ibang gawain (hal., kamag-aral, kaibigan at pamilya).
Maaaring ito ay dahil sa paraan ng iyong pagpapahayag ng iyong emosyon. Natanong mo na
ba sa iyong sarili kung bakit? Ang gawain na ito ay maaaring makatulong sa iyo upang masuri
ang iyong kakayahang emosyonal upang higit mong maunawaan ang kahalagahan ng
pagkakaunawa sa sariling emosyon at sa iba at sa gayon ay mapanatili ang magandang
ugnayan mo sa iyong kapwa. Handa ka na ba?
Panuto:
1. Suriin ang bawat aytem at tukuyin kung kalimitan, paminsan-minsan o bihira mong
nararamdaman o nagagawa ang mga ito.
2. Lagyan ng tsek ang angkop na kolum. Gawing gabay ang halimbawa sa unang
bilang. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong. Gawin ang mga ito sa
sagutang papel.

Talaan ng damdamin at kilos Kalimitan Paminsan- Bihira


minsan lamang
1. Nakatuon ang aking buong atensyon sa taong ✓
kausap.
2. Ako ay hindi nababahala sa negatibong emosyong
nararamdaman ng iba.
3. Madali kong maramdaman na may bumabagabag
sa aking kapwa o mahal sa buhay.
4. Hindi ako nababahala sa tuwing nakararamdam
ako ng kalungkutan, galit o takot.
5. Binibigyan ko ng atensyon ang aking
nararamdaman tuwing ako ay gumagawa ng pasiya.
6. Madali kong maipahayag ang aking damdamin sa
iba.

6
7. Madaling bumaba ang lebel ng aking stress.

8. Nalilibang ako tuwing ako ay laging tumatawa,


naglalaro at nakikipagbiruan.
9. Hindi ako mapakali kung mayroong hindi
pagkakaunawaan sa iba.
Iskor

3. Bilangin ang iyong mga sagot sa bawat kolum at tukuyin kung aling kolum ang may
pinakamaraming tsek, ang pangalawang pinakarami, at alin ang pinakamababa.
4. Matapos malaman ang resulta sa gawaing ito ay sagutin ang sumusunod na tanong:
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang iyong natuklasan pagkatapos mong nalaman ang resulta ng iyong
pagsusuring ginawa?
2. Paano makatutulong ang resulta ng iyong ginawang pagsusuri sa pamamahala mo
sa iyong emosyon?
3. Ano ang epekto sa iyong ugnayan sa iyong kapwa kung bihira mo lamang ginagawa
ang karamihan ang mga nasa talaan?
4. Kung mapamamahalaan mo nang wasto ang iyong emosyon, ano ang kabutihang
dulot nito sa iyo at sa iyong pakikipagkapwa?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Sa gawaing ito, gunitain ang hindi malilimutang karanasan at damdamin. Magbigay
ng tatlong magkakaibang karanasan na nagdulot ng iba’t ibang emosyon at punan ang
hinihingi ng bawat kolumn. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong. Gawin ang mga
ito sa sagutang papel.
Karanasan Hindi Anong Bakit Epekto ng Mga pagkatuto
malimutang ginawa? ginawa? iyong ginawa sa pangyayari
emosyon
Halimbawa: Pagkatakot Inilihim sa Upang hindi Nagalit ang Magsasabi ng
Nabasag aking ako magulang at iba totoo upang
mo ang magulang mapagalitan ang hindi
pinggan napagbintangan mapagbintangan
ang iba at

7
magiging
maingat sa
paggamit ng
kasangkapan.

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit hindi mo makalimutan ang mga damdaming iyong tinukoy?
2. Paano mo nabigyan ng solusyon ang mga negatibong damdamin?
3. Papaano naiimpluwensiyahan ng iyong emosyon ang iyong mga kilos at pagpapasiya?
4. Nakabubuti ba ito sa iyong ugnayan sa sarili at sa iyong kapwa? Ipaliwanag.
5. Ano-anong mga birtud at pagpapahalaga ang dapat na isaalang-alang sa tuwing
nararamdaman ang mga ganitong emosyon upang hindi na magdulot nang pagkasira
ng iyong relasyon sa iyong kapwa

Tayahin

Panuto: Basahin ng mabuti ang tanong at isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.
1. Ano ang mga hakbangin na maaaring maisaalang-alang upang mapamahalaan natin
nang wasto ang ating emosyon?
2. Ayusin ang mga letra sa ibabang bahagi upang mabuo ang tamang salita kung paano
mapauunlad nang wastong pamamahala ng emosyon sa iyong sarili at ang iyon
pakikipagkapwa at ang kabuluhan ng birtud sa wastong pamamahala ng iyong
emosyon.

1. AALKIALGP- 9. A W U A G K A T P
2. HAALMAPAAM- 10. T O A K T G A P A K -
3. NMOBSATIYO- 11. S A P A G A -
4. AUANGAPW- 12. G M A T A A T
5. NAUGAYN- 13. T I L G A P A K A G -
6. HGPMAAMLAA- 14. I P A G A A D D M A L H A -
7. AGPAAHNDHAG- 15. N K A I N A H U A H N -
8. HIAKUMGAP-
9. AWUAGKATP-

8
Sanggunian:

MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


EsP-DepEd Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learners Material, Department education, 2017
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikawalong baitang Modyul Para sa Mag-aaral Unang
Edisyon, 2013.
https://www.smartkids.co.uk/collections/seal

Inihanda ni:

OLIVER Y. GALANG
Teacher I, Sitio Target Integrated School.

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 - EsP

9
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 6: Wastong Pamamahala ng Emosyon
Pangalan: _______________________________________Q2W6
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Walang iisang kahulugan ang salitang emosyon. Gayunpaman, ang emosyon ay
nagbibigay ng buhay, kulay, at saysay sa buhay ng tao. Ang emosyon ay likas na reaksiyon
ng tao na dulot ng pinagsama-samang aspektong pagkapukaw o pagkagising ng katawan,
mga pangkaisipang proseso, mga panghusga o pagtaya, at mga kilos o galaw ng katawan.
May apat na bahagi ang depenisyon na kung pagsasamahin ay magbubunga ng isang
emosyon. Una, reaksiyon ng katawan tulad ng tibok ng puso, blood pressure, laki ng
balintataw sa mata, bilis ng paghinga, at sidhi ng tensiyon ng mga kalamnan. Pangalawa,
pangkaisipan tulad ng iyong pinaniniwalaan, kaisipan, opinyon, mga inaaasahan, at mga
sinasabi mo sa iyong sarili na siyang magdidikta ng uri at tindi ng emosyonal na reaksiyon.
Pangatlo, pagkilos tulad ng iyong gagawin, malumanay man o hindi, tulad ng iyong
pagsimangot, pananalitang nangungutya, pagbagsak ng telepono o paghagis ng libro sa
bintana. Pangapat, ang pagtataya o paghuhusga kung ang iyong pakiramdam ay mabuti o
masama.
Napakaraming iba’t ibang emosyon ang maaari mong maramdaman. Ang kaalaman
at kakayahan mong kilalanin ang iyong tunay na
nararamdaman ay mahalaga upang ito ay iyong
mapangalagaan at mapamahalaan ng tama.
Mayroong walong pangunahing emosyon ang tao
(Shaver et al., 2001) upang lalo mong maunawaan
ang iyong nararamdaman at ito ay ang mga
sumusunod; pagkagalit (anger), pagkamuhi
(disgust), pagkalungkot (sadness), pagkagulat
(surprise), pagkatakot (fear), pangtanggap (acceptance), pagkagalak (joy) at pag-asam
(anticipation). Ang ating emosyon, positibo man o negatibo, ay dapat matutuhan nating
kilalanin, unawain, at pamahalaan nang mabuti, Ito ay nangangahulugan na dapat makilala at
maunawaan mo kung paano nakaapekto ang emosyon sa iyong gampanin, kakayahan,
pagpapahalaga, pakikipag-ugnayan sa iyong kapuwa.

10
Nakita ng ilang siyentipiko tulad nina Salovey, Gardner, at Goleman ang kahalagahan
ng pamamahala ng emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapuwa. Kapag
napagtagumpayan ng tao ang pamamahala ng kaniyang emosyon, nangangahulugan na
mataas ang kanyang EQ o Emotional Quotient na kilala rin sa tawag na Emotional Intelligence.
Ano ng aba ang EQ? Ang Emotional Quotient (EQ) ay ang mataas na kamalayan at
epektibong kasanayan upang mapangasiwaan ang emosyon nang may makatuwiran at
maliwanag na pag-iisip, para sa mapanagutang pakikipagkapuwa. Ito ay ang kakayahang
kumilala, umalam, at umunawa ng mga emosyong pansarili at ng ibang tao at kakayahang
gamitin ang kapangyarihan at kagalingan ng mga emosyong ito upang magdulot ng mga
makatao at positibong enerhiya, impormasyon at impluwensiya.
Anumang uri ng emosyon ay nangangailangan ng wastong pamamahala. Sa mga
pagkabagabag ay kailangan mong maging matatag. Ang katatagan ng loob (fortitude) ang
nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang hirap at takot na nararamdaman. Ito
ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok,
balakid, at labanan ang walang tuwid at malinaw na batayan kalaban ng maayos na
pamumuhay. Sa tuwing nakakaramdam ka ng galit sa iyong kapwa at iniisip mong gumanti,
mahalaga na maging mahinahon. Ang kahinahunan (prudence) ay ang kakayahan ng tao
na pagnilayan ang sitwasyon, at pag-isipang mabuti ang pinakamainam na gawin upang
maiwasan ang pagsisisi sa huli. Ang maingat na paghuhusga ay mahalagang birtud upang
mahusay na mapamahalaan ang ating mga emosyon. Ang pamamahala ng emosyon sa
pamamagitan ng pagtataglay ng mga birtud ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng sariling at
pakikipagkapwa. Ayon kay Sto Tomas de Aquino, ang matalinong paghusga ay hindi lamang
tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng tao sa pagharap sa mga krisis sa buhay, kung
hindi kakayahang makagawang pasiya sa napapanahong paraan.

Upang lalo nating maunawaan ang araling ito, ating pagnilayan at isabuhay ang
Batayang Konsepto na nakapaloob sa kahon sa ibaba.

Ang talinong pang-emosyon ay may malaking kahalagahan sa pag-unlad ng sarili


at pakikipag-ugnayan sa iba. Ang mabuting pamamahala ng emosyon ay nagdudulot
ng maayos na pangangasiwa ng sarili at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Ang
mga kasanayan sa epektibong pangangasiwa ng iba’t ibang uri emosyon ay
makakatulong upang maisabuhay ang makatwiran at mapanuring pagpapahayag at
pangangasiwa nito.

11
Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. napangangatwiranan na:
a. ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga
birtud ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa,
b. ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) ay nakakatulong upang
harapin ang matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit; at
2. naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang wasto ang emosyon.
(EsP8IIf-7.3, EsP8PII-7.4)

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang mga sagot sa kahon na
nasa ibaba. Isulat lamang ang titik ng napiling sagot sa sagutang papel.

A. Katatagan ng loob (Fortitude) B. Kahinahunan (Prudence)


C. Emosyon D. Maingat na paghuhusga E. Emotional Quotient

1. Ito ay ang mataas na kamalayan at epektibong kasanayan upang mapangasiwaan ang


emosyon nang may makatuwiran at maliwanag na pag-iisip, para sa mapanagutang
pakikipagkapuwa.
2. Ito ay likas na reaksiyon ng tao na dulot ng pinagsama-samang aspektong pagkapukaw
o pagkagising ng katawan, mga pangkaisipang proseso, mga panghusga o pagtaya,
at mga kilos o galaw ng katawan.
3. Ang ____________ ay mahalagang birtud upang mahusay na mapamahalaan ang ating
mga emosyon.
4. Ang ____________ ang nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang hirap at
takot na nararamdaman.
5. Ang ____________ ay ang kakayahan ng tao na pagnilayan ang sitwasyon, at pag-
Isipang mabuti ang pinakamainam na gawin upang maiwasan ang pagsisisi sa huli.

Balikan
Sa mga nakaraan mga gawain, natukoy natin ang mga epekto sa kilos at
pagpapasya ng wasto at hindi wastong pamamahala ng iba’t ibang emosyon at nasuri
natin kung paano naimpluwensyahan ng isang emosyon ang pagpapasya sa isang

12
sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito. Sa pagpapatuloy ng araling ito,
mauunawaan mo ang kahalagahan ng epektibong pangangasiwa ng emosyon tungo
sa pag-unlad ng sarili at sa mahusay na pakikipag-ugnayan sa kapuwa.

Tuklasin
Panuto: Gamit ang talaan o graphic organizer sa ibaba isulat ang mga pangunahing
emosyon ng tao. Pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na gabay na tanong. Gawin ito
sa malinis na papel.

Mga Pangunahing
EMOSYON

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang kahulugan ng Emosyon?
2. Anu-ano ang walong pangunahing emosyon ng tao?
3. Ano ang kahulugan ng Emotional Quotient?
4. Ano ang tungkulin ng emosyon sa pagpapasiyang gagawin?
5. Paano ang maayos na pagpapahayag ng emosyon?

Suriin

Panuto:
➢ Magbalik-tanaw ka ngayon. Isipin ang mga emosyon na madalas mong maramdaman
na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa iyo at sa iba.
➢ Isulat ang mga ito sa loob ng bawat bahagi ng bilog.
➢ At sa bawat kahon, tumutukoy ng mga maimumungkahi mong paraan upang
mapamahalaan mo ito kapag muling maramdaman. Maaaring higit pa sa dalawang
pamamamraan ang maibabahagi mo.

13
➢ Sagutin ang mahalagang Tanong sa ibaba ng talaan o graphic organizer
➢ Gawin ang mga ito sa sagutang papel.

Halimbawa:
1. Magrelax muna tulad ng 1. ______________________
pag-eehersisyo
2. Magpalamig muna ng ulo 2. ______________________
upang hindi na lumala ang
alitan

Halimbawa:
GALIT

1. _______________________ 1. _______________________

2. _______________________ 2. _______________________

Mahalagang Tanong
Bakit mahalagang mapangasiwaan ang emosyon batay sa makatwiran at malinaw na pag-
iisip?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto 1. Pagnilayan at kilalanin ang iyong mga kahinaan tungkol sa pamamahala


ng emosyon. Gumawa ng tiyak at tamang pamamaraan sa pamamahala ng iyong emosyon
upang mapagtagumpayan ang iyong kahinaan. Gawin ito sa sagutang papel.

14
Mga kahinaan tungkol sa pamamahala Tiyak at makatuwirang pamamahala
ng emosyon ng emosyon

Rubrik sa Pagpupuntos
Pamantayan 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos
Mga tiyak na Nagpakita ng Nagpakita ng Nagpakita ng
pamamaraan iba’t iba at tiyak mangilanngilang isang tiyak na
ng na pamamaraan tiyak na pamamaraan ng
pamamahala ng pamamahala pamamaraan ng pamamahala ng
ng emosyon ng emosyon pamamahala ng emosyon.
emosyon
Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: A. Ipahayag ang iyong pag-unawa sa bawat konsepto sa pamamagitan ng tinukoy


na pamamaraan. Pumili lang ng isa mula sa mga sumusunod na mga paraan. Isulat ang mga
sagot sa sagutang papel.
1. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pangangasiwa ng emosyon.
2. Ilarawan ang pamamaraan ng pagpapaunlad ng Emotional Quotient EQ. Maaari
itong isagawa sa pamamagitan ng isang awit, maikling tula, o biswal na
paglalarawan.
3. Ipaliwanang kung bakit nangangailangan ng mapanuri at makatwirang pamamahala
sa matitinding emosyon

Panuto B. Ihayag ang pinakamahalagang kaalamang natutuhan sa aralin at kung paano


mo isasabuhay ito. Isulat ang iyong sagot sagutang papel.

15
Ang mga natutuhan
ko sa araling ito
ay…______________
____

Sanggunian:
MELCs- Most Essential Learning Competencies, EsP 8 Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learners Material, 2013
Pagpapakatao – Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao, 2018
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang edisyon 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:

JEAN Y. MEMPIN EDGARDO S. NUNAG


SST-III, Rafael L. Lazatin Memorial High School EPSvr 1: EsP

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 5:

Subukin

Tayahin

PAGDADALAMHATI PAGKATAKOT PAGKAGALIT

PAGHAHANGAD PAGKAMUHI PAG-IWAS PAGKATUWA PAG-ASA MATATAG

PAGMAMAHAL PAMAMAHALA MOTIBASYON PAG-UNAWA UGNAYAN PAGKILALA

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 6:


Subukin
5. B 4. A 3. D 2. C 1. E

16
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 7: Kahalagahan ng Pinuno at Tagasunod

Pangalan: _______________________________________ Q2W7

Seksiyon: _______________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
May twitter account ka? Ilan na ang nasundan mo? Ilan na ang followers mo? Kung
ikaw ay walang twitter, may ka grupo ka ba?, may kasamahan sa pangkat?, ikaw ba ang
sinunsunod o ikaw ang sumusunod sa kanila? Kadalasan, ang mga sikat at hinahangaang
artista at mang-aawit ang maraming followers o tagasunod. Ano kaya ang katangiang
mayroon sila at sila ay sinusundan?

Abraham Lincoln Mother Teresa

Ramon Magsaysay Jovito Salonga Jesse Robredo


Ikaw, masasabi mo bang lider ka o tagasunod? Kapag may mga pangkatang gawain
sa tahanan, sa paaralan, at maging sa lipunan, minsan ikaw ang namumuno, di ba? Pero may
mga sitwasyon na mas gusto mong ikaw ang tutulong at susunod sa lider. Kahit ano pa man
ang iyong gampanin, ang tagumpay ng pangkat ay nakasalalay sa pagtupad ng iyong
tungkulin bilang kasapi nito. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, malilinang at
maipamamalas mo ang mga inaasahang kasanayang pampagkatuto. Magsisilbi rin itong
gabay sa pagsasagawa ng isang gawaing magpapaunlad ng iyong kakayahang maging

1
mapanagutang lider at tagasunod upang mapatatag ang iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa
at ang iyong pagkakaroon ng makabuluhang buhay sa lipunan.
Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod
Lider ka ba o tagasunod? Sa mga pangkatang gawain, minsan ikaw ang namumuno,
di ba? Pero may pagkakataon din na ikaw ang sumusunod sa lider. Mahirap paghiwalayin ang
pagtalakay sa mga konsepto ng pagiging lider at tagasunod. Kung walang tagasunod, walang
halaga ang pagiging lider. Kailangan din naman ng isang pangkat ang lider na magbibigay ng
direksyon. Hindi rin naman puwede na lahat ng miyembro ng pangkat ay lider. Minsan,
mayroon na ngang lider at may tagasunod, hindi pa rin magkasundo at nagkakaroon ng
suliranin sa pakikipag-ugnayan ang pangkat.
Alalahanin mo na ang pagkakaroon ng isang ugnayang may kapayapaan at
pagkakaisa ay isa sa mga paraan upang malinang ang iba’t ibang aspeto ng iyong pagkatao
tungo sa iyong pagiging ganap. Makapaglilingkod ka at makapagpapakita ng pagmamahal sa
kapwa kung malilinang mo ang iyong kakayahan na gampanan ang iyong tungkulin batay sa
hinihingi ng sitwasyon, maaaring bilang lider o maaaring tagasunod. Kung ikaw ay magiging
mapanagutang lider at tagasunod, ano ang maaari mong maibahagi sa pangkat o lipunang
iyong kinabibilangan?
Kahalagahan ng Pamumuno at ng Lider
Sa iyong buhay, maraming pagkakataon na nakararanas ka ng pamumuno ng isang
lider – mga karanasang hindi mo malilimutan dahil marami kang natutuhan dahil naiinis ka o
nasaktan ka sa mga pagpapasiyang kaniyang ginawa. May mga bagay na kahit gusto mong
gawin, hindi mo magawa dahil walang lider o taong mamumuno o aalalay sa iyo. Ang madalas,
kailangan mo ng isang tao na magbibigay sa iyo ng lakas ng loob at inspirasyon upang
maisakatuparan mo ang mga bagay na gusto mong gawin. Minsan ay naghahanap ka ng
isang tao na susundin mo dahil magkatulad kayo ng pananaw o dahil ang taong iyon ay may
taglay na katapangan at katatagan na kumatawan sa pananaw ng nakararami at handang
ipaglaban ang katotohanan para sa kabutihang panlahat.
Mga Katangian ng Mapanagutang Lider
May kakayahan ang lider na makakita at makakilala ng suliranin at lutasin ito.
Nangunguna siya, lalo na kapag may mga sitwasyong kailangan ng dagliang aksyon o
emergency at gagawin ang mga bagay na dapat gawin, madalas ay sa tulong ng iba.
Nangangailangan ng tibay at lakas ng loob ang pagiging lider lalo na sa paggawa ng mga
pagpapasiya para sa ikabubuti ng pangkat na kaniyang kinabibilangan. Dahil dito nagiging
instrumento siya tungo sa pagbabago. Isang bagay na may magagawa ka bilang kabataan.
Dahil ikaw ay may kalakasan ng pangangatawan at pag-iisip, ang maging isang
mapanagutang lider ay hindi imposible.

2
Ang Kahalagahan ng Pagiging Tagasunod
Kapag napag-uusapan ang pamumuno, hindi maitatanggi na kailangan ding pag-
usapan ang tungkuling ginagampanan ng mga tagasunod o iba pang kasapi ng pangkat. Hindi
lahat ng naging lider ay lider sa lahat ng pagkakataon. Tagasunod din ang marami nating mga
lider, lider sila pero mayroon pa ring nakatataas sa kanila na dapat nilang sundin. Marami ang
natututong maging lider dahil sa kanilang kakayahang sumunod. Kahit ikaw, may mga
pagkakataong naging lider ka at naging tagasunod, di ba? Ang iyong kaalaman at kakayahang
mamuno ay kasing-halaga rin ng iyong kaalaman at kakayahang maging tagasunod. Hindi
magiging matagumpay ang isang samahan kung walang suporta mula sa mga kasapi at
tagasunod nito.
Ayon kay Barbara Kellerman ng Harvard University (nabanggit sa
www.leadershipkeynote.net), nakagagawa at naisasakuparan ng epektibong pangkat ng
tagasunod ang layunin ng samahan.
Mga Tungkulin ng Tagasunod o Follower
Maraming naghahangad na maging lider ng isang samahan. Pero, mas marami ang
kuntento at kusang pinipili na tumulong sa lider at maging tagasunod.
Kung susuriin ang mga resulta ng pagsasaliksik tungkol sa mga dahilan kung bakit
mas pinipili ng tao ang sumunod, nangingibabaw ang pagkakaroon ng tiwala sa lider. Kapag
nawala ang tiwala ng tagasunod sa lider, dumarating ang panahon na nawawala ang kaniyang
interes sa paggawa, lumalaban siya o nagrerebelde, o tuluyang umaalis sa pangkat.
Tungkulin ng tagasunod o follower ang magsulong at gumawa ng aksyong tugma sa
ipinatutupad ng lider upang makamit ang layunin ng samahan. Gumagawa siya ng aktibong
pagpapasiya upang makatulong sa pagsasakatuparan ng mga gawain ng pangkat.
Nagpapakita siya ng interes at katalinuhan sa paggawa. Siya ay maasahan at may
kakayahang gumawa kasama ang iba upang makamit ang layunin. Kinikilala niya ang
awtoridad ng lider at nagpapataw siya ng limitasyon sa kaniyang mga kilos, pagpapahalaga,
mga opinion, at pananagutan sa maaaring ibunga ng kaniyang gawa (Kelly, 1992).
Ating isaisip, isapuso, at isabuhay ang Batayang Konsepto ng Aralin na ito na
nakapaloob sa kahon sa ibaba.

Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-


aaral?
Ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang pakikipag-ugnayan sa
kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan.

3
Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod; at
2. nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama,
naobserbahan o napanood.
(EsP8PIIg-8.1, EsP8PIIg-8.2)

Subukin

Panuto: Gamit ang kahon sa ibaba, tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat
ang titik ng iyong sagot sa iyong sagutang papel.
A. Harvard University D. Barbara Kellerman
B. Suliranin E. Pagkakaroon ng Tiwala sa Lider
C. Lider
1. Sino ang nangunguna kapag may mga sitwasyong kailangan ng dagliang aksyon?
2. Ano ang nakikita, nakikilala, at nalulutas ng isang lider?
3. Ano ang nangingibabaw na dahilan kung bakit pinipili ng tao ang sumunod?
4. Kanino nanggaling ang ideya na nakagagawa at naisasakatuparan ng epektibong
pangkat ng tagasunod ang layunin ng samahan?
5. Saang pamantasan nanggaling ang taong sinagot mo sa Numero 4?

Tuklasin

Panuto: Gumuhit ng isang bagay na sumasagisag sa ipinapalagay mong isang mahusay na


lider at katrabaho. Ipaliwanag sa pamamagitan ng pagtatala ng lima (5) na salita sa paligid
ng iyong ginuhit kung bakit kumakatawan ang bagay na ito sa ipinalalagay mong mahusay
na lider at katrabaho. Sagutin din ang mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin ang mga
ito sa sagutang papel.
Simbolo ng Lider at Katrabaho
Lider o Pinuno Katrabaho

4
Mga Gabay na Tanong:
1. Sino ang iyong naiisip na mahusay na lider/pinuno at katrabaho/tagasunod?
2. Bakit mo napili ang mga bagay na iyong iginuhit na sa palagay mo ay sumasagisag
sa isang mahusay na lider/pinuno at katrabaho/tagasunod?
3. Anu-ano ang mga katangian ng mga mahuhusay na lider/pinuno at
katrabaho/tagasunod?
4. Bakit mahalaga ang mga mahuhusay na lider/pinuno at katrabaho/tagasunod?
5. “United we stand; divided we fall.” May katotohanan ba ang katagang ito sa iyong
palagay? Ipaliwanag ang sagot.

Suriin

Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin at isulat kung ang papel na
ginagampanan mo sa bawat sitwasyon ay isang Pinuno o Tagasunod. Sagutin din ang mga
gabay na tanong pagkatapos. Gawin ang mga ito sa sagutang papel.
1. Sumusunod ka sa mga alituntunin ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at mga health
workers upang maproktektahan ang sarili at kapuwa.
2. Ipinapaala mo sa iyong mga kamag-aral na magsuot ng face mask tuwing aalis ng
bahay, lalo pa’t ikaw ay dating pangulo ng iyong seksyon.
3. Inaanyayahan mo ang iyong pamilya na manalangin gabi-gabi para sa ikapapanatag at
ikakaayos ng sarili at ng bayan.
4. Tumutulong ka sa mga gawaing bahay araw-araw, lalo na kapag katapusan ng Linggo.
5. Patuloy kang nagiging responsable sa social distancing.

Gabay na Tanong:
• Ano ang pinakamahalagang bagay o aral na natutunan mo sa pagiging lider at
kasapi mo?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Maghanap sa Internet o sa mga pahayagan at mga aklat ng isang pinuno at isang
katrabaho na kinilala at pinarangalan dahil sa mapanagutang pagganap sa kanilang tungkulin
na nagresulta ng mabuti sa kanilang pangkat at sa lipunang kanilang kinabibilangan. Isulat

5
ang buod ng nakuhang artikulo o balita. Sagutin din ang mga gabay na tanong pagkatapos.
Gawin ito sa isang malinis na papel .
Mapanagutang Pinuno Mapanagutang Katrabaho

Larawan Larawan

Pangalan: ____________________ Pangalan: ____________________


Artikulo Artikulo
__________ _______________ __________ _______________
__________ _______________ __________ _______________
__________ _______________ __________ _______________
__________ _______________ __________ _______________
Sanggunian o Pinagkunan: Sanggunian o Pinagkunan:
Petsa: Petsa:

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit sila ang napili mong halimbawa ng isang mapanagutang pinuno at
katrabaho?
2. Ano ang kanilang ginawa na nagpatunay ng kanilang pagiging mapanagutang
pinuno at katrabaho?
3. Paano nakatulong ang kanilang ginawa sa pagtatagumpay ng layunin ng kanilang
samahan at sa ikabubuti ng nakararami sa lipunan?
4. Anong katangian ang gusto mong gayahin galing sa pinuno/lider na pinili mo?
5. Anong katangian ang minimithi mong gayahin mula sa pinili mong
tagasunod/katrabaho?

Tayahin

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Anong katangian ng isang lider at isang tagasunod ang gusto mo pang palaguin
o makamtan para sa iyong sarili?
2. Bilang isang lider, paano mo pag-iisahin ang mga kasapi ng iyong pangkat na
may iba’t-ibang pagkatao at talento?
3. Ano ang maaari mong maibahagi sa pangkat o lipunang iyong kinabibilangan
bilang isang lider at tagasunod?

6
Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, ESP – Edukasyon sa Pagpapakatao
Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learners Material, Department of Education, 2013
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learners Material, Department of Education, 2018
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teachers Guide, Department of Education, n.d.
http://www.nobelpeacesummit.com/project/mother-teresa-of-calcutta/
https://www.history.com/topics/us-presidents/abraham-lincoln
https://kashjo.blogspot.com/2015/07/ramon-magsayasay-just-award-or-renowned.html
https://moralheroes.org/jovito-salonga/
https://newsinfo.inquirer.net/630155/jesse-robredo-a-good-example

Inihanda ni:

JOSE RAPHAEL P. MORALES


Teacher - I, Rafael L. Lazatin Memorial High School

Isinumite kay:
EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 - EsP

7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 8: Ang Mapanagutang Pinuno at Tagasunod

Pangalan: _______________________________________ Q2W8


Seksiyon: _______________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Maging sa isang maliit at di-pormal na samahan, karaniwang may lumalabas na
pinuno na hindi rin pormal na itinalaga ng kanyang mga kasamahan. Ang mahusay na
pamumuno ay kailangan sa pag-unlad ng isang bansa at sa kaligtasan nito mula sa mga
nagbabantang panganib. Nakasalalay rin sa mabuting pamumuno ng lider ang
pagtatagumpay ng isang grupo, institusyon, o iba’t-ibang sector ng lipunan. Maraming misyon,
adhikain, at plano ng mga organisasyon o samahan ang naipatupad sa pamamahala ng isang
mahusay na pinuno. Ang mabisang pamumuno ng mga magulang ay nagbibigay-daan sa
kanilang mga anak na lumaking maayos at maging produktibo sa kanilang pagtanda.
Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng isang pinuno na may kakayahang
makapanghikayat ng kasapi at kapuwa upang matupad ang isang layunin.
Kung walang mga pinuno, ang mga nasasakupan at lipunan ay walang patutunguhan.
Maaaring maisulong ng isang lider ang katuparan ng layunin ng samahan, na
makapagdudulot ng kabutihan ng bawat kasapi at lipunang kinabibilangan.
Magtatagumpay ang pangkat kung
gagampanan ng bawat isa, lider man o
katrabaho, ang kani-kaniyang tungkulin.
Mahalaga ang gampanin ng katrabaho o iba
pang kasapi ng pangkat. Hindi magiging
matagumpay ang isang samahan kung
walang tulong mula sa mga kasapi na hindi
lamang basta sumusunod bagkus ay kritikal
na nag-iisip kung tama at makatuwiran ang direksyon na tinatahak ng pinuno.
Ayon nga kay Barbara Kellerman ng Harvard University (nabanggit sa
www.leadershipkeynote.net), nakagagawa at naisasakatuparan ng epektibong pangkat ng
tagasunod ang layunin ng samahan. Ang nagiging pinakamahusay na lider ay ang mga taong
naging pinakamahusay na tagasunod, wika naman ni Alexander Haslam.

8
Kung anu-ano ba ng mga katangian ng isang mapanagutang pinuno o lider ay ating
matutukoy ngayon. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mapanagutang pinuno.
1. Ang mapanagutang pinuo ay mahusay sa pagpaplano at pagpapasiya. May
kakayahan ang isang lidér na makita at makilala ang suliranin at lutasin ito. Taglày
niya ang tibay at lakas ng loob.
2. Ang pinuno ay may integridad. Ang tiwala at respeto na kinakailangan ng isang
pinuno ay kaniya lang makukuhà kung siya ay patuloy na lalakad ng may
integridad.
3. Ang pinuno ay huwaran at inspirasyon. Huwaran at modelo na tinutularan.
Nagsisilbing inspirasyon sa kaniyang nasasakupan.
4. Ang pinuno ay naniniwala sa kakayahan ng kapuwa. May adhikain na mapaunlad
at mapabuti ang kaniyang nasasakupan.
5. Ang pinuno ay may positibong pananaw at saloobin. Ang mahusay na pinuno ay
may positibong saloobin at makabuluhang tanawin sa buhay.
6. Ang pinuno ay naglilingkod sa kapuwa. Ang isang pinuno ay handang maglingkod
para sa kapakanan ng iba.
7. Ang pinuno ay mahusay sa paglutas ng suliranin. Ang mahusay na katangian. Ng
isang pinuno ay ang kajayahang tukuyin ang suliranin upang ito ay mabigyang
lunas.
8. Ang pinuno ay marunong makipagsapalaran. Matapang sa pagharap sa mga
pagsubok at suliranin.
At ngayong natukoy na natin ang mga katangian ng isang mapanagutang pinuno, ating
itanong kung ano naman ang mga katangian ng isang mapanagutang katrabaho o tagasunod.
1. Ang katrabaho ay ulirang kasapi. Taglay niya ang kritikal na pag iisip at aktibong
pakikibahagi para sa matagumpay na pagkamit ng layunin ng samahan.
2. Ang katrabaho ay mapanuri. Màingat at kritikal niyang pinipili ang pinuno
3. Ang katrabaho ay tapat maglingkod. Aktibo siyang nakikilahok sa mga gawain ng
pangkat.
4. Ang katrabaho ay isinaalang-alang ang kabutihang panlahat. Aktibong nakikilahok
sa pagpapasya upang makatulong sa gawain ng pangkat.
5. Ang katrabaho ay nakikiisa at sumusunod sa pinuno. Ipinapakita niya ang
paggalang at pagkulala sa awtoridad ng pinuno.
Ating isaisip, isapuso, at isabuhay ang Batayang Konsepto ng Aralin na ito na
nakapaloob sa kahon sa ibaba.
Ang tagumpay ng bawat pangkat ay nakasalalay sa pagtupad ng tungkulin ng mga
kasapi nito. Mahalagang malaman at magampanan ang mga katangian ng isang

9
mapanagutang lider at katrabaho sa ikapagtatagumpay ng layunin ng samahan. Ang
mapanagutang pagganap ng pinuno at kasapi ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili
tungo sa mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapuwa at makabuluhang buhay sa lipunan.

Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kaniyang gampanin bilang lider at tagasunod ay
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tyngo sa mapanagutang pakikipag ugnayan sa
kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan; at
2. naisasagawa angmga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging
mapanagutang lider at tagasunod.
(EsP8Pllh-8.3, EsP8Pllh-8.4)

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinaka-angkop na sagot
sa sa bawat bilang. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na katangian ng mapànagutang pinuno ang may kakayahang
makita at makilala ang suliranin at lutasin ito. Tàglay niya ang tibay at lakas ng loob sa
paggawa ng makatwirang pagpapasya para sa pangkat?
a. Huwaran c. Naniniwala sa kakayahan ng kapwa
b. May integridad d. Mahusay sa pagpaplano at pagpapasya
2. Ang mahusay na pinuno ay kilala sa pagiging modelo at tinutularan. Nagsisilbi siyang
inspirasyon sa kaniyàng nasasakupan. Anong katangian ng mapanagutang pinuno ang
ipinapakita nito?
a. Mày integridad c. Naniniwala sa kakayahan ng kapwa
b. Mày posititibong pananaw d. Huwaran at inspirasyon sa kapuwa
3. Anong katangian ng mapanagutang pinuno ang matapang sa pagharap sa mga pagsubok
at suliranin, handa siyang tumuklas at sumubok ng ibat ibang paraan upang magtagumpay?
a. Marunong makipàgsapalaran c. Naglilingkod sa kapwa
b. Mahusay sa paglutas ng suliranin d. May positibong pananaw at saloobin
4. Ang isang mabuting kqtrabaho ay gumagawa ng aksiyon o kilos na tugma sa
ipinapàtupad ng lider, ipinapakita niya ang paggalang at pagkulala sa awtoridad anong
katangian ng mabuting katrabaho ito?

a. Nakikiisa at sumusunod c. Tapat na maglingkod

10
b. Tapat na maglingkod d. Mapanuri
5. Taglay niya ang kritikal na pagiisip at aktibong pakikibahagi para sa matagumpay na
pagkamit ng layunin ng samahang kinabibilangan, anong katangian ng mabuting katrabaho
ang ipinamamalas nito?
a. Ulirang kasapi b. Mapanuri c. Tapat d. Nakikiisa

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa malinis na papel.
1. Gumuhit ng mga simbolo para sa Pinuno at mga katrabaho o Tagasunod.
2. Ibigay mo ang katangian ng bawat simbolo na maikukumpara mo sa isang Pinuno at
Tagasunod

Tuklasin

Panuto: Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili, ugnayan sa kapuwa at sa lipunan


ang mapanagutang pagganap ng tao sa kaniyang tungkulin bilang lider at katrabaho? Isulat
ang iyong limang sagot sa loob ng graphic organizer sa ibaba. Gawin ito sa malinis na
papel.
DULOT NG MAPANAGUTANG LIDER AT KATRABAHO

SARILI KAPWA LIPUNAN


Hal. Pagiging responsable Hal. Paggalang sa Hal. Pagsunod sa mga
sa inatas na Gawain karapatan ng iba alituntunin

Suriin

Panuto: Mag-isip ng angkop na kilos upang mapaunlad ang kakàyahang maging


mapanagutang pinuno at katrabaho. Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba. Gawin ito sa
sagutang papel.

MGA ANGKOP NA KILOS UPANG MAPAUNLAD ANG KAKAYAHANG MAGING


MAPANAGUTANG LIDER AT KATRABAHO
5 Mapanagutang Kilos ng Pinuno 5 Mapanagutang Kilos ng Katrabaho

11
Rubrik para sa Pagpupuntos:
Pamantayan 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos
Mga angkop na kilos Nagpapakita ng iba’t Nagpapakita ng Nagpapakita ng
upang mapaunlad ibang angkop na mangilang ngilang isang angkop na
ang kakayahang kilos upang angkop na kilos kilos upang
maging mapaunlad ang upang mapaunlad mapaunlad ang
mapanagutang lider kakayahang maging ang kakayahang kakayahang maging
at katrabaho mapànagutang lider maging mapànagutang lider
at katrabaho mapànagutang lider at katrabaho
at katrabaho
Makatotohanan ang Makatitohànan ang Hindi gaanong Hindi
paraan sa paraang gagawin makatotohànan ang makatotohànan ang
pagpapaunlad ng para sa paraang gagawin paraang gagawin
kakayahang maging pagpapaunlad ng para sa para sa
mapanagutang kider kakàyahang màging pagpapaunlad ng pagpapaunlad ng
at katrabaho màpanagutang lider kakàyahang màging kakàyahang màging
at kàtrabaho màpanagutang lider màpanagutang lider
at kàtrabaho at kàtrabaho
Kabuuang Puntos

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa pamamagitan ng sanaysay. Gawin ito sa
sagutang papel.
A. Masasabi mo ba na ikaw ay mabuting katrabaho? Bakit? Sa iyong palagay,
magiging mabuting lider ka din ba? Patunayan.
B. Pagnilayan at bigyang kahulugan:
"Ang mabuting lider ay una munang naging mabuting katrabaho.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinaka-angkop na sagot
sa sa bawat bilang. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Itoy katangian ng isang mapanagutang katràbaho na kung saan tapat at taos pusong
paglulingkod upang matamo ang layunin ng samahan. Ano ang inilalarawan nito?

12
a. Ulirang kasapi c. Mapanuring katràbàho
b. Tapat maglingkod d. Nakikiisa at sumusunod
2. Anong katangian ng mapanagutang katrabaho ang aktibong nakikilahok sa pagpapasya
upang màkatulong sa pagsasakatuparan ng gawain sa pangkat?
a. Tapat maglingkod c. Nakikiisa at sumusunod
b. Mapanuring katràbàho d. Isinasalang àlang ang kabutihang panlahat
3. Anong katangian ng mapanagutng lider ang handang maglingkod para sa kapakanan ng
iba, taos puso niya itong ginagawa para sa kapwa?
a. Naglulingkod sa kapwa c. Mahusay sa paglutas ng suliranin
b. Marunong makipagsapalaran d. May positibong pananaw at saloobin
4. Ano ang tawag sa katangian ng isang Mapanagutang pinuno na kung saan ay
naglalarawan sa kanyang katapangan sa pagharap sa mga pagsubok at suliranin?
a. Naglilingkod sa kapwa. c. May positibong pananaw at saloobin.
b. Marunong makipagsapalaran d. Mahusay sa Pagpaplano at pagpapasiya.
5. Ano ang katangian ng isang lider kung saan ay siya ang nagiging simbolo ng grupo?
a Naniniwala sa kakayahan ng kapwa. c. Siya ay may integridad
b. Siya ay ang huwaran at inspirasyon d. Siya ay may positibong pananaw.

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learners Material, Department of Education, 2013
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learners Material, Department of Education, 2018
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020
https://www.hcamag.com/asia/specialisation/leadership/leadership-compassion-gap-revealed-amid-
crisis/227829

Inihanda nina: Isinumite kay:

CATALANA M. BAGALAWIS EDGARDO S. NUNAG


Teacher I, Rafael L. Lazatin Memorial High School EPSvr 1: EsP

REYNALDO S. VILLA, JR.


Teacher I, Rafael L. Lazatin Memorial High School

Susi ng Pagwawasto para sa Modyul 7:


Subukin : 1. C 2. B 3. E 4.D 5. A

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 8:


Subukin: 1. D 2. D 3. A 4. A 5. A
Tayahin: 1. B 2. D 3. C 4. B 5. B

13

You might also like