Gawain 6 (Modelong Panggramatika at Morpolohiya)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Marycris L.

Lapitan

BSE Filipino I-1

MODELONG PANGRAMATIKA

Si Avram Noam Chomsky ay isang Amerikanong linggwista, pilosopo at social critic. Kilala
siya bilang "Ama ng Modernong Linggwistika." Nag-aral ito ng lingguwistika, matematika at
pilosopiya sa Unibersidad ng Pennsylvania. Nasa mahigit 700 na mga artikulo at mahigit 100
libro ang naisulat ni Chomsky ngunit mas kilala ang kaniyang Syntactic Structures at Aspects of
the Theory of Syntax na tumatak sa mundo ng linggwistika.

Ang maagang pagsasaliksik ni Chomsky ay nagbunsod ng isang huwarang rebolusyon sa


larangan ng linggwistika. Ang istruktural na linggwistika na nagmula pa noong unang bahagi ng
ika-20 siglo ay nakatuon sa pag-aayos ng mga pangunahing elemento ng mga wika ng tao.
Tinuring ng istruktural na linggwistika ang wika bilang static na sistemang magkakaugnay na
mga yunit gamit ang paraan ng "corpus of utterances” na isang pagtatangka upang masuri ang
mga elemento ng corpus sa iba't-ibang mga antas ng wika gaya ng ponema, morpema, atbp.

Ayon kay Chomsky, ang pamamaraan na ito ay sapat para sa ponolohiya at mopolohiya
ngunit kulang para sa pagpapaliwanang ng mga sintaksis o pangungusap. Ang kaniyang pagpuna
sa istrukturang linggwistika ay humantong sa kaunlaran ng generative grammar na nagbigay
daan upang mabago ang layunin ng linggwistika at nakasentro na sa paglikha ng isang hanay ng
mga patakaran na maaaring makabuo sa lahat ng mga pangungusap ng isang wika at
maipaliwanag ang ugnayang pangwika sa pagitan ng tunog at kahulugan ng sistema ng isang
wika.

1. Pabuod na Kasaysayan ng Dalawang Modelo

Syntactic Structures (1957)

 1951- 1955

Nagkaideya si Chomsky habang nag-aaral sa Harvard University bilang isang fellow


tungkol sa pag-aaral ng sintaks o palaugnayan ng isang wika ay maaaring isagawa sa
autonomous na paraan o hiwalay sa ibang antas ng wika. Bago rito ang interes ni
Chomsky ay tungkol sa tinatawag sa Ingles na “mathematical theory of formal
languages.”
 1957
Nagpalabas si Chomsky ng isang monograp na may pamagat na Syntactic Structures na
nagpayanig sa pundasyon ng Istrukturalismo sa Amerika. Ito ay naglalarawan sa
kaniyang matibay na paniniwala na ang gramatika ay mapag-aaralan nang hiwalay sa
kahulugan.

Noong nag-aaral pa lamang si Chomsky taong 1951 at 1955 ay nagkaroon siya ng ideya
na ang pag-aaral ng sinataks ng isang wika ay maaaring isagawa sa hiwalay sa ibang antas ng
wika o autonomous. Dahil sa “Mathematical Theory of Formal Languanges” ay nagkaroon siya
ng interes sa pag-aaral ng pagbuo ng wika. Taong 1957, nagpalabas si Chomsky ng isang
monograp na ang pamagat ay SYNTACTIC STRUCTURES ng siyang nagpatibay sa kaniyang
paniniwala na ang gramatika ay mapag-aaralan nang hiwalay sa kahulugan. Subalit hindi niya
naman isinantabi ang semantika sapagkat tinanggap niya ang relasyon ng sentakis at semantika
na maaaring pag-aaralan pagkatapos pag-aralan nang hiwalay ang sinatakis.

Nayanig ang pundasyon ng Istrukturalismo nang inilabas ni Chomsky ang Syntactic


Structures sa Amerika. Magugunita na ang mga panahong iyon ang daigdig ng linggwistika sa
Amerika ay nadodominahan ng Istrukturalismo na pormal na nagsimula nang ipalathala ni
Bloomfield ang kaniyang aklat na LANGUANGE noong 1933 kung saan naging laganap ang
istrukturalismo sa Amerika ng dalawampung taon.

Ang mga istrukturalista ay nagbibigay-diin sa istruktura o anyo at hindi sa kahulugan.


Para sa kanila, ang semantika ay hindi lubhang mahalaga bagama’t hindi nila kailanman
itinanggi na ang wika ay binubuo ng tunog (sound) at kahulugan (meaning). Ayon kay
Bloomfield “in human speech, different sounds have different meanings. To study this co-
ordination of certain sounds with certain meanings is to study language” Subalit may mga
pagkakataon na si Bloomfield ay nagsasawalang- kibo na lamang kapag hindi niya maipaliwanag
ang maka-agham na pamaraan ang tungkol sa semantika ng wika. Maaaring ito ang isa sa mga
dahilan kaya’t ang ilan sa kaniyang mga gawa ay patungkol sa ponolohiya o palatunugan na
nagpapatotoo sa sabi ng makabagong mga linggwista na si Bloomfield at ang kaniyang mga
ksama sobra ang ginagawang pagpapahalaga at pagaaral sa palatunugan o phonetic bias.
Sa katunayan, ayon sa mga neo-Bloomfieldians o mga bagong linggwista na naniniwala
pa rink ay Bloomfield ay nagsasabing ang iba’t ibang antas ng wika ay maaaring pag-aralan nang
hindi na kailangan isaalang-alang pa ang kahulugan. Katulad ni Harris isang kilala bilang
transitional figure na isa sa mga naniniwala na sa instrukturalismo at sa transpormasyonalismo
ay nakilala pa rin nitong dakong huli dahil sa kaniyang PHILOSOPHICAL REDUCTIONISM na kung
saan sa pamamagitan lamang ng mga tunog inilalarawan niya ang isang wika.

Sa aklat ni Chomsky ay nagpakita siya ng isang modelo ito’y isang paraan ng


paglalarawan ng ‘Competence’ ng isang tao sa paggamit ng wika. Katumbas nito ang tinatawag
ni Humbolt na ‘Form’. Ayon kay Chomsky ang anyo ng wika ay yaong walang pagbabagong salik
na nagbibigay-buhay at kahalagahan sa bawat particular na pagsasalita. Sa pamamagitan
lamang ng kaalaman sa panloob na representasyon ng anyo maaaring agkaroong ng kakayahan
ang isa tao sa pag-unawa at paggamit sa isang wika. Sumasagot ito sa tanong na kaya
nagkakaroon ng unawaan ang dalawang taong nagtatalastasan ay sapagkat kapwa nila alam ang
panloob na anyo na kanilang ginagamit. Para kay Chomsky, ang panloob na anyong ito ng wika
ang siyang kailangang mailarawan sa isang gramatika.

“A generative grammar is an attempt to represent, in a precise manner, certain aspects


of Form of language, and a particular theory of generative grammar is attempt to specify those
aspects of form that are a common human possession.” ayon kay Chomsky.

Sa librong ito tinitignan ni Chomsky ang wika sa isang paraang matematikal. Ginamit
niya ang kaalaman sa probalistic theory, set theory, finite state theory, concatenation algebra,
graph theory at iba pa. Ang kaalaman niya rin sa computer languages at symbolic language ay
nakatulong sa pagbuo ng Structures, 1957. Ayon kay Chomsky ang kaniyang modelo sa
gramatika ay tulad ng isang automaton na magpapalabas (generate) ng lahat ng maaaring
palabasing tamang pangungusap sa isang partikular na wika.

Ang paraan ni Chomsky ay itinuturing na hindi natural na paraan ng paglalarawan sa


wika, lalo na sa mga taong di nakakaunawa ng kaniyang ginagawa.

Sa katunayan, tinangka ni Chomsky na bumuo ng isang modelong panggramatika sa


antas ng sintakis na tinawag niyang ’phrase structure’. Ang kaniyang gramatika ang
magpapalabas (generate) ng mga parilala. At kung susuriin ang kaniyang modelo naroon pa rin
ang paraang ginagamit sa modelong Immediate Constituent naiba lamang sa paraan ng
paglalarawan. Suhestyon ni Chafe sa modelo ni Chomsky “Chomsky’s notion of phrase structure
seemed to me at best to a caricature of the IC model as I understood it”.

Sa gramatikang ‘phrase structure’ ay itinangka ni Chomsky na ayusin ang alam ng


karamihang kakulangan sa modelong IC sa pamamagitan ng paggamit niya ng mga
transpormasyon.

Halimbawa:

(1) The man hit the ball.

(2) The ball was hit by the man.

Mapapansing ang ikalawang halimbawa ay anyong passive ng anyong active ng kernel


sentence. Ayon kay Chomsky, ang ikalawang halimbawa ay mabubuo sa pamamagitan ng
paggamit ng opsyunal na tuntuning passive transformation.

Ibinigay din niya ang tinatawag na phrase structure rules ng halimbawa sa taas.

Pagkatapos ipakita niya kung paanong ang pangungusap na The man hit the ball ay
nahango sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nabanggit na tuntunin. Ang mga bilang na
arabiko sa gawing kanan ay tumutukoy sa bilang ng tuntunin sa ikatlong halimbawa (3).
Ayon kay Chomsky ay mapadadali at magagawang payak ang paglalarawan sa mga
pangungusap na Ingles kung lilimitahin o magmumula ang paglalarawan sa mga pangungusap
na kernel at mula rito'y bubuo ng iba pang mga pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng
mga transpormasyon.

Ang pangalawang component ng modelo ni Chomsky ay binubuo ng mga tuntuning


transpormasyonal. Ito ang mga sumusunod:

1. permutasyon pagbabagong ayos ng mga salita sa pangungusap, e.g. ang pangungusap


na tahas (active) ay gagawing balintiyak (passive)
2. pagdaragdag (adjunction) - pagdaragdag ng mga salita sa pangungusap
3. pag-ugnay (conjuntion) - pagsasama ng dalawang pangungusap
4. pagbabawas (deletion) - pagkaltas ng mga salita sa pangungusap
5. pagpapalit (substitution) - pagpapalit sa isang salita o parirala ng ibang salita o parirala.

Pinag-uri-uri ni Chomsky sa dalawa ang lahat ng transpormasyon. Una ay ang singulary


transformation na isa-isang ginagamit ang mga tuntunin upang makabuo ng pangungusap
katumbas ng unsang pangungusap. Kung ang active na pangungusap gaya ng 'The man hit the
ball' ay gagawing passive, magagamit ang opsyunal na tuntuning passive transformation gaya
ng sumusunod:

Sa pamamagitan ng halimbawa na nasa taas, nalaman natin na kung gagawing passive ang
isang active na pangungusap, kailangan na pagpalitin ang posisyon ng NP, at NP; idagdag ang
wastong anyo ng pandiwang be at ang preposition na by sa pagiran ng Vat ng NP.

Ang ikalawang uri naman ay ang generalized transformation. Ito ay ang pagbuo ng isang
pangungusap na ang isang tuntuning transpormasyonal ay nagagamit sa dalawang phrase
markers. Ani ni Chomsky, ang isang modelong nagbibigay-diin sa balangkas at hindi sa
kahulugan ay makapagbibigay ng maling pangungusap gaya ng Colorless green ideas sleep
furiously.

Ang panghuling component sa modelong 1957 ni Chomsky ay binubuo ng isang set ng mga
tuntunin morpoponemiko na nagtuturo kung paano bibigkasin ang pangungusap. Mapapansin
mo na mahalaga rito ang pagsusuno-sunod ng mga tuntunin. Tingnan ang mga halimbawang
binigay ni Chomsky

Halimbawa, kailangang mauna ang Tuntunin (ii) sa Tuntunin (v) o (vii) upang hindi lumabas
ang anyong / tykt / para sa anyong pangnakaraan ng take. Malalagom ang modelong Structures
gaya ng sumusunod:

Pagsusuri sa Dalawang Modelong panggramatika ni Chomsky (istraktura at aspekto)

Pagsusuri Ayon sa Istruktura

Istrukturalismo

 nagsimula sa paglathala ni Bloomfield ng kanyangaklat na may pamagat na “ Language”


noong 1933.

Istrukturalista

 nagbibigay-diin sa istruktura o anyo at hindi sakahulugan.


 ang semantika ay hindi lubhang mahalaga bagamathindi nila kailanman ikinakaila na
 ang wika ay binubuo ng tunog at kahulugan.
Bloomfield (1933)- “in human speech, different sounds have different meaning. To study this
coordination of certain soundswith certain meanings is to study.

Phonetic bias- sobra ang ginagawang pagpapahalaga at pag-aaral sa palatunugan

Neo- bloomfieldians

 Pangkat ng mga makabagonglinggwista na naniniwala kay bloomfield.


 Nagsasabing ang iba’t ibang antas ngwika ay maaaring pag-aralan nanghindi na
kailangang isaalang-alang paang kahulugan.

Harris

 Kilala bilang “transitional figure”dahil sa kanyang “ philosophicalreductionism”


nanangangahulugang sa pamamagitanlamang ng mga tunog inilalarawanniya ang isang
wika.

Competence

 Tinatawag ni Humbolt na “ Form” ang anyo ngwika ayon kay Chomsky, yaong walang
pagbabagong salik na nagbibigay-buhay atkahalagahan sa bawat partikular na
pagsasalita.
 Sa pamamagitan lamang ng kaalaman sa panloob na representasyon ng anyo
maaaringmagkaroon ng kakayahan ang isang tao sa pag-unawa at paggamit sa isang
wika.

Sabi ni Chomsky:

“Ang anyo ng wika ay yaong walang pagbabagong salik na nagbibigay-buhay atkahalagahan sa


bawat partikular na pagsasalita.”

Sa pamamagitan ng kaalaman sa panloobna representasyon ng anyo, maaaringmagkaroon


ngkakayahan ang isang tao sa pag-unawa at paggamit ng isang wika.

Pagsusuri sa Isang Tagalog na Pangungusap

Susuriin ito ayon sa dalawang bersyon ng modelong transformational-generative grammar ni


Chomsky ang pangungusap na:

(8) Humingi ng tubig si Nena para sa aso.


Paghahambing ng Dalawang Modelo:

1. Pangkalahatang Komentaryo. Naging malaki ang ambag ng gramatikang


transpormasyonal ni Chomsky sa larangan ng linggwistika. Gayunpaman, may mga
nabanggit na ng mga nagdaang modelo ng istruktural ang ilan sa mga pahayag na
pinaglalaban ni Chomsky. Sa katunayan, maraming mga punang natanggap si Chomsky
sa dalawa niyang odelong panggramatika. Ayon kina Pullum at Gerald Gazdar, mga
linggwista ng Britanya, ang context-free phrase structure grammar sa Syntactic
Structures ay maaaring mathematically flawed o nakabase sa mga maling obserbasyon
at interpretasyon ng data. Sa standard theory ng Aspects, pinuna nila ang deep
structures na bigo itong maglaan ng sapat na impormasyon upang matukoy kung ano
ang mga ugnayan ng saklaw sa isang partikular na pangungusap ng wika gaya ng Ingles.
Dagdag pa ng ibang palaaral, ang deep structures ay nagbibigay ng maling
impormasyon.

2. Pagkakaiba ng Dalawang Modelo. Malalagom ang mga pagkakaiba ng dalawang modelo


ni Chomsky-Syntactic Structures (1957) at Aspects of the Theory of Syntax - gaya ng mga
sumusunod:

a. Sa modelong 1965, ang base component at binubuo ng categorical subcomponent at


leksikon. Makikita rin ang mga set ng mga tuntunin sa modelong 1957 na tinawag na
phrase-structure rules ngunit binansagang categorial subcomponent sa modelong
1965. Ang categorial rules ng dalawang modelo ay may pagkakaiba. Sa modelong
1965, hindi naglalagay ng mga salita sa tinatawag na underlying phrase marker na
taliwas sa makikita sa modelong 1957.

b. Ang tinatawag na ‘tripartite component’ ng wika – ‘syntactic component,


phonological component, semantic component’ na matatagpuan sa modelong 1957
ni Chomsky ay matatagpun din sa kaniyang modelong 1965.

c. Kapwa sinasabi sa dalawang modelo na ang sinatakis o semantika ay magkahiwalay,


bagama’t masasabing higit na pinag-ukulan ng pansin ni Chomsky ang semantika sa
kaniyang modelo 1965 upang maayos ang mga pagkakamali at kahinaan sa
modelong 1957. Sa modelong 1957 maaring lumabas ang maling pangungusap tulad
ng Sincerity frightens the cat habang sa modelong 1965 hindi mangyayari ito dahil sa
‘subcategorization’ at ‘restriction rules’. Nagiging tiyak ang pangungusap sa
pamamagitan ng paglalagay ng ‘semantic component’ o ‘lexical features’ katulad sa
halimbawa. Ang ‘lexical features’ ay magsisilbing pansala upang hindi lumabas ang
tinatawag na ‘deviant lexical items’ o mga maling salita.Sa modelong 1965, hindi
lalabas ang mga maling pangungusap dahil sa subcategorization at restriction rules
na idinagdag taliwas sa modelong 1957 na may posibilidad na magpalabas ng mga
maling pangungusap.

d. Ayon sa mga semantisista, hindi na kailangan ang deep structures na iprinisenta ni


Chomsky at sinabing pabigat lang ito sa modelong 1965. Mas maraming natanggap
na puna ang modelong 1965 kaysa sa modelong 1957.

e. Sa pagsusuri sa modelong 1957 ay hindi sistematiko habang sa modelong 1965


naman ay mas sistematiko. Gayunpaman, inaasahan ng mga tagapuna na maaaring
una pang lilipas ang modelong 1965 kaysa modelong 1957.

f. Sa modelong 1957 ay may binabanggi si Chomsky na sapilitan (obligatory) at di-


sapilitan (optional) na mga transpormasyon. Sa modelong 1965 ito ay naging
sapilitan sapagkat ang ‘base structure’ na resulta ng antas na ‘deep structure’ ay
nagbibigay ng instruksyon kung anong transpormasyon ang gagawin. Isang
halimbawa ay kapag natagpuan ang simbolong NEG sa ‘base structure’ ang ibig
sabihin nito ito’y sapilitan ang ‘negativization’. Kung saan naging resulta
ngpagkawala na rin ng mga pangungusap na ‘kernel’ at ‘nonkernel’ na maituturing
na leitmotif ng modelong 1957.

g. Sa modelong 1965 ay hindi na rin binabanggit ni Chomsky ang ‘singulary’ at


‘generalized transformations’. Sa halip ang binibigay ang binibigay niya ay mga
‘phrase markers’ na kilala rin sa tawag na ‘structural trees’.

h. Katulad ng sinabi ni Chomsky sa kaniyang modelong 1957 na sa kaniyang modelong


1965 ay pinaninindigan din niyang ang transpormasyon ay hindi nakapagpapabago
sa kahulugan ng orihinal na pangungusap. Ayon kay Jackendoff, isa sa kaniyang mga
eskwela, nagbabago ang kahulugan ng pangungusap na nasa ‘active voice’ kapag ito
ay ginagamitan ng transpormasyon at ginawang ‘passive’. May pagkakaiba sa
kahulugan, ayon kay Jackendoff ang dalawang sumusunod na pangungusap:

27. Many men read few books.


28. Few books are read by many men.
Sa bahaging ito’y makapagbibigay tayo ng higit sa simpleng halimbawa upang
maipakita na ang transpormasyon ay sadyang nakapagpapabago ngkahulugan.
Tingnan ang mga sumusunod:

29. Tumatakbo ang bata.


30. Tumatakbo ba ang bata?

i. Ang pangungusap na nasa (29) ay nasa anyong ‘declarative’ habang ang


pangungusap na nasa (30) ay patanong pagkatapos gamitan ng question
transformation’ kung mapapansin magkaiba ang kahulugan ng dalawang
pangungusap. Sa unang pangungusap ay may katikayakan na ang bata ay tumatakbo
habang ang panglawang pangungusap ay hindi sigurado kung tumatabo ang bata.

j. Ang modelong 1957 at modelong 1965 ay parehong nakatuon sa sintakis kung saan
ito ay nagsisimula sa pagsusuri. Ang pagkakaiba lamang ng dalawang modelo ay sa
Modelong 1957 ang pagsusuri ay walang direksyon, di –sistematiko at hindi natitiyak
kung anong hakbang anong isusunod o hihinto habang sa modelong 1965 ito ay mas
sistematiko.

k. Di-iilang mga palaaral ang naniniwalang hindi napabuti ng modelong 1965 ang
modelong 1957. Sa katunayan maraming nagsasabi na higit na konsistent si Chomsky
sa kaniyang modelong 1957. Kung sabagay, naniniwala rin ang manunulat na ito na
ang ideya ni Chomsky patungkol sa ‘deep structure’ ay hindi makatotohanan at
walang ‘direct psychological reality’.

Implikasyon sa Pagtuturo

Bilang isang mag-aaral na hindi lubhang maalam sa matematika, mahirap para sa akin na
intindihin ang modelong gawa ni Chomsky. Komplikado man ito para sa mga mag-aaral ngunit
dapat nating ipalagay na habang ginagawa ni Chomsky ang kaniyang mga modelo, hindi niya
naisip na ang mga ito ay magagamit sa paaralan. Sa katunayan, maaaring magamit bilang
hamon sa katalinuhan ng mag-aaral lalo na 'yung mga sawa na sa paggamit ng modelong
istruktural, pwede rin na ito'y gamitin sa matataas na antas ng pag-aaral. Ngunit 'di
maipagkakaila na ang mga modelong gawa ni Chomsky ay nagbigay ng malaking kontribusyon
sa larangan ng linggwistika. Ang kontribusyon ng transformational generative grammar ay
magtakda ng nauugnay na impormasyon o data na maging basehan ng manunulat ng libro o
textbooks upang mas maging sapat ang deskripsyon ng kanilang mga gawa. Ayon kay Thomas
(1976), mas mabuting ituro muna ang mga pangungusap na kernel (simple, declarative, active
with no complex verb or noun phrase) sa mga mag-aaral at kalaunan ay tuturuan kung paano
magsagawa ng passive at negative na mga pangungusap.

Sa kalagitnaan ng aking pagsusuri, natuklasan ko na wala pala tayong modelong


panggramatika na maayos na magagamit sa ating pagtuturo ng wika. Dahil diyan, kailangan
natin ng isang modelong pampagtuturo na angkop sa kakayahan ng ating sariling wika.
Samakatuwid, kung ikaw a isang guro, mas mabuting ituro mo ang mga modelong matematikal.
ni Chomsky na mas simple upang mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral.

Ang Morpolohiya at ang Morpema

F. MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng


mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set
ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa
pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema.

Katuturan ng Morpema

Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang
Griyego – morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit
na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit
ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema
ay maaaring isang salitang-ugat o isang panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay
dapat na ikulong sa { }.

Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at ang
salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang “marami ng isinasaad ng
salitang-ugat”. Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nito’y
“maraming kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay
hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig
lamang na walang kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng
pantawag na hoy, ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy.

Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad ng mabait, ay
binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang
hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa
babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigay tayong kahulugan sa baba at
aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa babae.

Uri ng Morpema

May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa halimbawang


pangungusap sa ibaba.

Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.

1. Mga morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang mga morpemang tinatawag ding
pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay nangangahulugan na ang
morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin siyang kahulugan na hindi na
nangangailangan ng iba pang salita. Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang mga
salitang magaling, sumayaw, Rik, siya, nanalo, dance at olympic ay nakakatayo nang
mag-isa dahil nauunawaan kung ano ang kanilang mga kahulugan. Kabilang sa uring ito
ang mga salitang pangngalan, pandiwa, pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng mga
sumusunod:

Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter

Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo

Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis

Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami

Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon


2. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga morpemang walang
kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang
maging makahulugan. Ito ang mga salitang nangangailangan ng iba pang mga salita
upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap. Tulad ng halimbawang pangungusap
sa itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay hindi makikita ang kahulugan at gamit nito
sa pangungusap kung wala pang ibang salitang kasama. Ngunit ang mga salitang ito ay
malaking papel na ginagampanan dahil ang mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng
pangungusap. Hindi naman maaaring sabihing, Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance
olympic. Kasama sa uring ito ang mga sumusunod:

Pang-angkop: na, -ng

Pangatnig: kaya, at, o saka, pati

Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay

Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina

Anyo ng Morpema

May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay sa kanyang
anyo o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga sumusunod:

1. Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa


Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang
binabanggit ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita.
Halimbawa ng salitang propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa
pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay
makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang “kasariang pambabae.” Samakatwid,
ito ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang morpema:
{propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa:

Doktora - {doktor} at {-a}


Senyora - {senyor} at {-a}

Plantsadora - {plantsador} at {-a}

Kargadora - {kargador} at {-a}

Senadora - {senador} at {-a}

Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may
morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo
lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na
ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing
morpemang {-o} at {-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din
sa pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga salita na may iisang morpema lamang:

Bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a}

Kusinero - na hindi {kusiner} at {-o} o {-a}

Abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a}

Lito - na hindi {lit} at {-o} o {-a}

Mario - na hindi {mari} at {-o} at {-a}

2. Morpemang salitang-ugat (su). Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay


mga salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito:

Tao silya druga payong jet

Pagod tuwa pula liit taas

Basa laro aral kain sulat

3. Morpemang Panlapi. Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat. Ang mga
panlapi ay may kahulugang taglay, kaya’t bawat isa ay isang morpema. Halimbawa, ang
panlaping {um-}/{-um-} ay may kahulugan “pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-
ugat. Sa pandiwang umaawit, ang {um-} ay nangangahulugang “gawin o ginawa ang kilos
ng pag-awit. Tulad ng mga sumusunod:

Mag-ina - {mag-} at {ina}

Maganda - {ma-} at {ganda}

Magbasa - {mag-} at {basa}

Bumasa - {-um-} at {basa}

Aklatan - {-an} at {aklat}

Pagsumikapan - {pag-, -um-, -an} at {sikap}

MGA SANGGUNIAN:

https://www.scribd.com/document/491565652/Pagsusuri-sa-Dalawang-Modelo-ni-Chomsky-
BANTE

http://siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/ang-morpolohiya-at-ang-morpema.html?m=1

You might also like