Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Gawain sa Pagkatuto Bilang

Magbigay ng mga kaisipang lumutang mula sa mga napanood o


nabasang kabanata ng nobela. 
MGA KABANATA KAISIPAN

Kabanata 4: Si Kabesang Tales  Ang kabanatang ito ang nagmulat sa akin


ng katotohanan na ang may kapangyarihan
ang nanalo at ang wala naman ang maging
sunod-sunuran na kung saan makikita sa
kabanata kung anong ginawa ng mga
prayle kay kabesang tales na ginamit nila
ang kanilang katayuan upang alipustahin at
pahirapan ang mga taong gumagawa
naman ng mabuti ngunit wala namang
lakas upang sila labanan sapagkat sa totoo
lamang kahit ano kabaitan mo hangga’t
may mga taong nasa taas sayo ay tatapakan
kanila hanggang sa malubog ka sa lupa.

Gayunpaman, naipakita rin ang


pagmamahalan ng isang pamilya na kung
saan makikita rin sa kabanata at sa iba
pang kabanata kung anong ginawang
aksyon ng bawat isa upang magkaroon
lamang ng kaayusan sa kanilang buhay na
kung saan nandoon ang pagmamahal at
pagtitiwala.

Makikita rin sa kabanata ang pagpapahirap


ng mga kastila sa mga pilipino noon na
nagiging hindi makatarungan sila sa mga
aksyon na ginagawa nila inaabuso nila ang
kanilang katayuan na makikita natin ang
hirap na dinanas nila at ang takot mula sa
mga makapangyarihan.
Kabanata 6: Si Basilio  Ang pagsubok sa buhay ay laging may
solusyon at magkakaroon ka ng lakas
lumaban. Iyan ang makikita sa kabanatang
ito, alam naman natin kung ano ang
paghihirap ang karanasan ni basilio mula
sa mga kamay ng mga kastila noon at kung
paano siya naging ulila mula sa kamay ng
mga mapang abuso.

Ngunit ika nga nila na kahit nadapa ka man


sa iyong buhay kailangan mo parin tumayo
dahil may mga taong tutulong at
nagtitiwala rin sa iyo kagaya na lamang ng
tinulungan ni kapitan tiyago si basilio na
makapag simula muli, pinag-aral niya ito at
binigyan ng oportunidad upang bumangon
ulit naging silbi ng tulay si Kapitan tiyago
upang muling mabuhay ang loob si basilio
na wag sumuko sapagkat ang buhay ay
may paghihirap ngunit sa huli kung ikaw
ay pagpupursige ay magkakaroon ng
kasarapan sa buhay.
Kabanata 7: Si Simoun  Alam natin kung gaano ang pagpapahirap
ng mga kastila noon sa mga pilipino kung
paano nila ginagamit ang kanilang
kapangyarihan upang manapak lamang ng
mga taong nasa baba nila. Ngunit sa
kabanata na ito nagkaroon ako ng
reyalisasyon na kung saan ang
pagkakaroon ng paninindigan na ipaglaban
ang nararapat para sa atin at kalayaan na
dapat nating makamtan at hustisya ang
mananaig. Dito nararamdaman natin ang
galit ni simoun na si ibarra pala ang
kagustuhan nitong makapag higanti.

Mababasa rin natin ang pagtago sa


katotohanan sa ating pagkatao ng itago ni
simoun ang kanyang katauhan kay basilio
na siya si ibarra gayunpaman walang
pagtatago ang hindi nabubunyag.
Nagbibigay sa atin ito ng aral na kung saan
ang pagtatago natin ay pagtatago narin
kung ano talaga tayo, hindi natin alam na
hinahanap na tayo ng taong gusto
magpasalamat kagaya ni basilio.
Kabanata 12: Si Placido Penitente  Sabi nga nila ang edukasyon ang tulay sa
magandang kinabukasan ngunit paano ito
mangyayari kung may humahandalang at
sumisira nito dahil sa mga sariling mga
pananaw at may mga taong ginagamit ang
kanilang kapangyarihan upang bigyan ka
ng dahilan upang tumigil sa iyong gusto.
ganyan ang nangyari kay Placido kung
mayroon lamang na maayos na sistema ng
edukasyon sa mga pilipino noon hindi sila
matatawag na walang alam o isang indyo
sapagkat sila man ay may kagustuhan
makapag aral ngunit wala silang
magagawa kundi kailangan nilang lumiban
dahil sa hindi magandang sistema.

Gayunpaman, makikita rin sa kabanata ang


kagustuhan ni Placido na makapag-aral,
kita rin natin kung ano ang potensyal ni
placido sa pag-aaral ngunit dahil sa hindi
magandang trato ay nawalan ito ng gana sa
pag aaral.
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta  Ang kabanatang ito ang nagmulat sa akin
na lalo nating mahalin ang ating sariling
bansa sapagkat wala na itong katulad at ito
na ang ating sinilangan. kung kaya’t atin
itong mahalin at ipaglaban.

Ito ang mga kaisipan sa kabanata na kung


saan si Isagani ay maagang namulat na
tungkol sa ating bayan at kung paano
naging mahirap ang pamumuhay ng ating
mga kapwa pilipino noon, Ditto
bumabalangkas ang makatotohanang
buhay ng isang pilipino noon.

Ang pag-aaral man rin ay naging isa sa


mga problema kagaya na lamang nang
pagpapatayo ng Paaralan para sa wikang
kastila na kung saan may mga pumabor
ngunit marami rin ang tumutol.

You might also like