Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mabini Colleges, Inc.

Daet, Camarines Norte

GEC11 – Panitikan ng Pilipinas


Pagsasanay 1
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod sa isang payak at makabuluhang pangungusap na
binubuo ng apat (4) hanggang anim (6) na pangungusap. Bigyang pansin sa pagsulat ang wastong balarila
at gramatika.

1. Bumuo ng SARILING pangpapakahulugan sa Panitikan

1.) Ang panitikan ay ang pagbibigay ng sariling saloobin patungkol sa mga pangyayari sa
kanyang ginalawan.
2.) Ang panitikin ay ang gabay ng sangkatauhan sa nakaraan upang magbalik tanaw at
magbigay aral patungkol sa mga pangyayari at kaganapan sa mga nagdaang henerasyon.
3.) Ang panitikan ay siyang sumasalamin at humuhubog sa kabuhayan ng isang mamayan.
4.) Ang panitikan ay siyang dahilan sa kung paano tayo namumuhay sa kasalukuyan.
5.) Ang panitikan ay nagsisilbing libangan, pamatay oras at aliw sa mga mamamayan.
6.) Ang panitikan ay ilaw na magbibigay liwanag sa ating daaan at upang tuluyang tayong
mamulat sa mga tulog nating kaisipan tungkol sa kung ano ang katotohanan.

2. May praktikal o realistikong katuturan ba ang panitikan sa buhay mo bilang isang mag-aaral?
Ipaliwanag.

1.) Oo, dahil ang mga akdang pampanitikan na naisulat at nailimbag ng mga tao ay
nagsisilbing aral, aliw at humuhubog sa aking buong pagkatao.
2.) Oo, dahil ang panitikan ang magsisilbing pagkakakilanlan at repleksyon ng aking lahi at
kultura.
3.) Oo, dahil bilang isang mag-aaral ito ang magsisilbing pag-aalaala at pagbibigay ng
importansya sa mga yumaong manunulat.
4.) Oo, dahil ang pag-aaral ng panitikan bilang mag-aaral ay upang mapayabong ang aking
kaisipan patungkol sa ating sariling panitikan.
5.) Oo, dahil ang pag-aaral ng panitikan ay mahalagang usapin bilang mag-aaral dahil
magsisilbi ito indikasyon kung mayroon ba talaga tayong alam patungkol sa sariling
panitikan.

3. Kung bibigyan ka ng kapangyarihan kaugnay sa Panitikan, ano ito at para saan mo ito gagamitin?

1.) Teleportasyon, dahil gusto kong balikan kung sa papaanong pamamaraan at kaisipian
naisulat at nailimbag ang mga sikat na babasahin ngayon, gaya na lamang ng Bibliya.
2.) Pagka-imortal, dahil gusto kong masaksihan mismo ng aking sariling mga mata ang
pagbago-bago ng mga kaganapan at pamumuhay ng mga tao sa iba’t - ibang mga
henerasyon.
3.) Pagbasa ng isip ng tao, dahil gusto ko na malaman mismo sa sarili ko kung ano ba ang
nasa isipan ng isang tao kung bakit niya naisulat, nailimbag o nagawa ang isang obra.
4.) Pagkaalam ng lahat ng lenggwahe, sa ganitong paraan mababasa at malaman ko ang
lahat na mga akdang pampanitikan hindi lamang ang bansang Pilipinas kundi sa ibang
bansa rin.

You might also like