Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikatatlong Markahan- Modyul 5:
Panitikang Luzon:
Dulang Sosyo-Historikal

Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ruth P. Agalot


Editor: Lindo O. Adasa, Jr.
Tagasuri: Ruben D. Escudero, Jr
Maricel B. Jarapan
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO V
Oliver B. Talaoc, Ed. D.
Ella Grace M. Tagupa, Ed.D.
Dr. Jephone P. Yorong, Ed.D.
Lindo O. Adasa Jr.
Alamin
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

❖ Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konsteksto ng


napanood/nabasang dulang pantelebisyon (F7PD-IIIf-g-15)

Inaasahan din na ikaw ay nakapagsusuri ng dula batay sa panannaw


sosyo-historikal.

Balikan

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga tanong.

Isa sa pinakamasustansiyang prutas ang saging dahil malaki ang


naitutulong nito sa ating kalusugan. Ayon sa karamihan, ang saging
ay hindi prutas kundi isang “berry.” Maituturing na “herb” ang punong
ito. Nagtataglay rin ng sustansiyang tumutulong sa pagpapabilis ng
pagbuo ng mga nasirang “tissue” sa ating katawan ang saging.

1. Ano ang pangunahing kaisipan sa teksto?


A. Maituturing na “herb” ang puno ng saging.
B. Isa sa masustansiyang prutas ang saging dahil malaki ang
naitutulong nito sa ating katawan.
C. Ang saging ay hindi prutas kundi isang “berry.”
D. Malaki ang naitutulong ng saging sa ating katawan.
2. Ito ay mensaheng napapaloob sa larawan o sa isang sanaysay. Sinasabi nito
kung ano ang ibig sabihin ng kabuuang larawan, ng mga pangungusap, o ng
teksto.
A. Pangunahing kaisipan C. Pamagat
B. Pantulong na kaisipan D. A at B

Ang ningning ay madaya. Ito ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin.


Sa ating pag-uugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at
pagtakwil sa liwanag.
3. Batay sa teksto sa loob ng kahon, alin ang pangunahing kaisipan?
A. Ito ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin.
B. Pagtakwil sa liwanag.
C. Sa ating pag-uugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning.
D. Ang ningning ay madaya dahil ito’y nakasisilaw at nakasisira sa
paningin.
4. Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon, kaisipan o mga detalye o mga
susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap.
A. Pangunahing kaisipan C. Pamagat
B. Pantulong na kaisipan D. A at B

5. Bakit mahalagang kilalanin ang mga detalyeng nagbibigay-suporta sa


pangunahing kaisipan?
A. Dahil ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing
kaisipan.
B. Dahil nakatutulong ang mga ito upang madaling matandaan ang
mahahalagang impormasyon sa isang teksto.
C. Upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto.
D. A, B, at C

Aralin
Dulang Sosyo-Historikal
5

Tuklasin
Panuto: Punan ang kahon ng mga salitang maiuugnay mo sa salitang
nasa loob ng gitnang kahon.

KULUNGAN
Panuto: Iguhit ang star kung ang pahayag ay may kaugnayan sa
salita at krus kung wala.

_____ 1. Kahirapan ang mararanasan ng isang tao sa loob ng piitan.


_____ 2. Ang mga taong nakakulong ay wala nang nakaatang na responsibilidad
sa kanilang pamilya.
_____ 3. Maging masaya ang mga taong walang patutunguhan sa buhay.
_____ 4. Maraming bilanggo ang nadapuan ng sakit sa loob ng kulungan.
_____ 5. May mga taong nagbago ang pananaw nang sila ay nakaranas ng
pagkakulong.

Suriin

Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Walang Sugat
Ni: Severino Reyes

Unang Bahagi

IV TAGPO
(musika)
Koro at Lukas

LUKAS: Tayo na’t ating dalawin, mga tagarito sa atin.


KORO: Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.
ISANG BABAE: Naubos na ang lalaki.
LAHAT NG BABAE: Lahat na’y hinuhuli; mga babae na kami.
LUKAS: Marami pang lalaki.
LAHAT NG LALAKI: Huwag malumbay….kami’y nasa bahay at nakahandang tunay, laan sa
lahat ng bagay
LAHAT NG BABAE: (sasalitain) mga lalaking walang damdam, kaming babae’y pabayaan, di
namin kayo kailangan.
ISANG LALAKI: Makikita ko si Tatang.
ISANG LALAKI: Kaka ko’y gayundin naman.
ISANG BABAE: Asawa’y paroroonan.
ISANG BABAE: Anak ko’y nang matingnan.
LAHAT: Tayo na’t sumakay sa tren, bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin
masarap na pagkain.
MGA BABAE: Tayo na, tayo na
LAHAT: Sumakay sa tren
MGA LALAKI: Doon sa estasyon.
LAHAT: Ating hihintin.(Papasok lahat)( Itataas ang telong maikli)

V TAGPO
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilannggong nakatali sa mga
rehas)
(Ang mga prayle at si Marcelong Alcalde)

Salitain

RELIHIYOSO 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito’y tagaroon sa amin; masamang tao ito…
MARCELO: Mason po yata Among?
RELIHIYOSO 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagkat kung siya’y
sumulat maraming K, cabayo K.
MARCELO: Hindi po ako kabayo, Among!
RELIHIYOSO 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang
kabayo, may K, na lahat ng C, pinapalitan ng K. Masamang tao
iyan, mabuti mamatay siya.
RELIHIYOSO 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz,
ay daragdagan ng rasyon.
MARCELO: Hindi sila makakain, eh!
RELIHIYOSO 2.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang
pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga
mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang
palo, maraming palo ang kailangan.
MAECELO: Opo, Among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po
namang magsidaing, isang lingo na pong paluan ito, at isang lingo
namang walang tulog sila!
RELIHIYOSO 2.0: Loko ito! Walang awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro que duro.
awa-awa. Ilan kaban ang rasyon? Ang rasyon nan palo, ha.
MARCELO: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan,
ngayon po’y limang kaban, at makalima po sa isang araw.
RELIHIYOSO 2.0: Samakatuwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay Huston
625 (binibilang ang daliri). Kakaunti pa! (Bibigyan si Marcelo ng
kwalta at tabako)
MARCELO: Salamat po, Among!
RELIHIYOSO 1.0: Kahapon ilan ang namatay?
MARCELO: Wala po sana, dapatwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.
RELIHIYOSO 1.0: Bakit ganon? (Gulat)
MARCELO: Dahil po si kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.
RELIHIYOSO 1.0: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitan. Putin,
at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon
ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo?
MARCELO: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang
dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na
ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.
RELIHIYOSO 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?
MARCELO: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.
RELIHIYOSO 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo, huwag mong kalilimutan, na si Kapitan
Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang
ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?
MARCELO: Opo, Among. ( Sa mga kasama niya) Compaῆeros, habeis traido el
dinero para el Gobernador?
RELIHIYOSO 2,3,4: Si,si, hemos traido.
RELIHIYOSO 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.
MARCELO: Hindi po makalakad eh!
RELIHIYOSO:1.0: Dalhin dito pati ang papag. Mana Putin, mana dalaw,
parito kayo.
(magsisilabas ang mga dalaw)
VII TAGPO
TENYONG: Tatang ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…..
INGGO: Huwag na… anak ko…hindi na maari…luray-luray na ang
katawan…Tayo’y maghihiwalay nang walang pagsala! Bunso
huwag mong pabayaan ang inang mo!Putin, ay Putin….Juana-
Julia…kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga. Sa
kanila…ang kaluluwa ko’y ihahain
ko na kay Bathala.
TENYONG: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t iyong ipinagkaloob ang
ganitong hirap? Inang masdan mo po at masama ang lagay ni
Tatang. Inang tingnan mo’t naghihingalo…Tatang…Tatang…
PUTIN: Inggo ko…Inggo…
TENYONG: Patay na!
(Magsihagulhol ng iyak)

IX TAGPO

(Tenyong at mga kasamang lalaki)


TENYONG: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.
ISA: Ako’y mayroong iniingatan.
ISA PA: Ako’y mayroon din
TENYONG: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
ISA: Nalalaman mo bang silang mangagsilulan?
TENYONG: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila at nabatid ko
tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagababarilin
na.
ISA: Mga tampalasan!
ISA PA: Walang patawad!
JULIA: Tenyong… Tenyong…
TENYONG: Julia, di maaari ang ako ay di-pasa-parang; ako ay hinihintay ng
mga kapatid. Tumugtog na ang oras ng pananawagan na
naaaping ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang ina natin ay
nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y
tumitimo ang nakalulunos na niyang himutok,
ang nakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,” aniya, ngayo’y
kapanahunan ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami”. Oras na,
Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigit sa tatlong
daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang….mga iaanak
natin ay magising pa sa pagkalagim-lagim na pagkaalipin.
JULIA: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling
tagubilin!

(Tugtuging nagpakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay


maririnig ang sigawan sa loob. Mga Prayle at mga kasama ni Tenyong at si
Tenyong)
Sa loob
Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo; oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama
ko-Perdon! Walang utang na di pinagbabayran! (Hagaran at mapapatay ang
mga Prayle, isa ay mabibitin na sasama sa tren.
Yaman ng Pamana, Wika at panitikan
Alam mo ba?

Ang dula ay akdang tuluyan na naglalahad ng isang kuwento ng


dalawa o higit pang tao at ito’y itatanghal sa mga dulaan o tanghalan. Ito ay
mayroong tatlong bahagi ang simula, gitna at wakas.
Sa simula -mamalas dito ang tagpuan, tauhan at sulyap sa
suliranin. Ang tagpuan ay kung kailan at saan naganap ang mga panyayari.
Tauhan naman ang mga kumikilos at nagbibigay –buhay sa dula. Bawat
dula ay may suliranin, ito ay ang kinakaharap na problema ng pangunahing
tauhan
Sa gitna matatagpuan ang saglit na kasiglahan na naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa suliranin. Ang
tunggalian naman ay ang pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan sa
mga suliranin kahaharapin na maaring sa sarli, kapwa o kalikasan. at
kasukdulan matatagpuan natin ang pinakamadulang bahagi kung saan
magtatagumpay ba o mabibigo ang pangunahing tauhan.
Ang wakas naman ay nagtataglay ng kakalasan at ang kalutasan. Sa
kakalasan unti-unting natutukoy ang kalutasan sa mga suliranin.
Nawawaksi at natatapos naman ang mga suliranin at tunggalian sa dula sa
kalutasan.
Historikal-sosyohikal kung inilalahad dito ang kalagayang
panlipunan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol. Ang isang
taong ayaw sumunod sa kanilang patakaran ay agad hinuhuli at
ikinukulong. Pinapatungan din nila ng ibang kaso hanggang mamatay sa
loob ng kulungan. Ipinapakita dito na kakampi ng mga prayle ang
mayayaman at mga makapangyarihan. Ang mga mahihirap ay itinuturing
nilang mangmang, walang puwang sa lipunan. Ito ang lipunan natin noon na
inilalarawan sa dulang ito.
Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
( 1 puntos bawat bilang)

1. Ano ang nagtulak kay Tenyong upang makilahok sa


pakikipaglaban?
A. Nais lang niya ipakita ang pakikisama sa kapwa
B. Dahil sa namatay ang kanyang Tatang sa loob ng kulungan
C. Para ipaglaban ang kanyang mahal sa buhay

2. Aling bahagi ng dula ang tumutukoy sa pagmamalabis ng


makapangyarihan laban sa mahihina?
A. Ang pagbibigay ng rasyon kay Tatang Inggo limang beses
B. Ang pagdalaw ni kapitana Putin kay Tatang Inggo
C. Ang pagsalakay nina Tenyong sa mga Prayle

3. Anong kalagayan ng lipunan ang masasalamin sa teksto?


A. Malaya sa kamay ng mga dayuhan
B. Masaya at walang kinatatakutan
C. Kahirapan sa panahon ng pananakop ng mga Prayle

4. Tukuyin kung anong uri ng pamumuhay ng mga Pilipino ang


ipinapakita sa dula.
A. Sunud-sunuran sa mga Prayle
B. Kahirapan ang nararanasan sa panahon ng Espanyol
C. Sagana sa mga pagkain
Gawain
Gawain A.

Panuto: Suriin ang mga elemento ng dula. Piliin ang mga salita/
pahayag mula sa loob ng kahon at isulat sa graphic organizer.( 5
puntos)

Walang Sugat

tauhan tagpuan

Simula:

Gitna:

Wakas:

Gawain B.

A. Nangunguna si Tenyong sa pakikipaglaban laban sa mga prayle


para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Tatang Inggo.
B. Tenyong
C. Tatang Inggo
D. Guiguinto
E. Kulungan
F. Binibigyan ng rasyon si Tatang Inggo tatlong kaban at maikatlo
sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y limang kaban, at
makalima po sa isang araw.
G. Sumakay sila sa tren para dalawin si Tatang Inggo at ang kanilang
mga kababayan sa kulungan.
Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pangyayari.lagyan ng
tsek kung ito ay batay sa pananaw sosyo -historical at ekis kung hindi.

____ 1. Nag-alala si Julia sa pag-alis ni Tenyong.


____ 2. Nangulo si Tenyong sa mga kalalakihan para salakayin ang mga Prayle
____ 3. Pinagmalupitan si Tatang Inggo ng mga Prayle sa loob ng kulungan.
____ 4. Umibig si Julia kay Tenyong.
____5. Pinaratangang filibuster si Tatang Inggo at ang kanyang mga kasamahan.

Isaisip

Natutunan ko sa modyul na ito na ang dula ay ___________________________

______________________________________________________________________________.

Mayroon itong tatlong bahagi ang _________________, ___________________ at


___________.

Sosyo-historikal kung ilalahad dito ____________________________________

noong panahon ng Espanyol. ________________________________ ay agad hinuhuli


at ikinukulong. Ipinapakita dito na _____________________________ang __________

at _______________________. Ang mga mahihirap ay itinuturing nilang __________

___________________________________.
Tayahin

I. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

___1.) “Huwag malumbay….kami’y nasa bahay at nakahandang tunay, laan sa


lahat ng bagay. ” Anong elemento ito?
A. simula B. gitna C. wakas D. kasukdulan

___ 2. Anong bahagi ng dula ang pahayag? “Oo, walang pagsala, narinig ko ang
salitaan nila at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na
tayo’y pagbabarilin na.”
A. simula B. gitna C. wakas D. kasukdulan

___ 3. “Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon
po’y limang kaban, at makalima po sa isang araw.” Anong bahagi ito ng
dula?
A. simula B. gitna C. wakas D. kasukdulan

___ 4. May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon? Anong


elemento ng dula ang sinalungguhitan salita?
A. tagpuan B. tauhan C. tunggalian D. kasukdulan

___ 5. Anong uring dula ang binasa?


A. pangkalikasan B. kritikal C. sosyo-historikal D. mapanuri

II. Panuto: Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang sumusunod. Isulat
kung itoy simula, gitna, o wakas.

____________ 6. Natatapos at nawawaksi ang suliranin sa dula.

____________ 7. Kailan at saan naganap ang mga panyayari


____________ 8. Pakikipagsapalaran ng tauhan sa mga suliranin kahaharapin na

maaring sa sarli, kapwa o kalikasan.

____________ 9. Sa bahaging ito makikita ang gumaganap sa dula.


____________ 10. Matatagpuan natin ang pinakamadulang bahagi kung saan

magtatagumpay ba o mabibigo ang pangunahing tauhan


Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang dulang pantelebisyong napanood mo. Suriin din ito
ayon sa mga elemento at sosyo-historikal na konteksto nito.

Pamagat ng dulang Pantelebisyon

Ano ang nilalaman ng dula? Simula:

Gitna:

Wakas:

Ano–ano ang panlipunan at


historikal na kaugnayan na
konteksto ng napanood?
RUBRIK SA PAGSULAT NG PAGSUSURI

Pamantayan 5 3 1

Organisayon Maayos at Hindi Lumihis sa


malinaw ang masyadong ipinapagawa
organisasyon maayos at sa dapat
ng mga ideya malinaw ang ipapahayag
organisasyon
ng mga ideya

Gramatika Wasto ang May 1-5 mali Mayhigit sa 5


pagkakagamit sa mali ang
ng wika at pagkakagamit pagkakagamit
gramatika ng wika at ng wika at
gramatika gramatika

Mekaniks Walang Kakitaan ng Higit sa 5 ang


pagkakamali sa 1-5 pagkakamali
mga bantas at pagkakamali ng bantas at
pagbaybay ng bantas at pagbaybay
pagbaybay
Susi sa Pagwawasto

Gawain A

Tauhan

1. Tenyong,
2. tatang Inggo

Tagpuan

Kulungan

Guiguinto

Simula: Sumakay sila sa tren para


dalawin si Tatang Inggo at ang
kanilang mga kababayan sa
kulungan

Gitna:Binibigyan ng rasyon si
Tatang Inggo tatlong kaban at 4. B
maikatlo sa isang araw na 3. C
tinutuluyan, ngayon po’y limang 2. A
kaban, at makalima po sa isang 1. B
araw.
Pagyamanin
Wakas: Nangunguna si Tenyong sa 5.
pakikipaglaban laban sa mga 4.
gitna 10. prayle para mabigyan ng 3.
simula 9. katarungan ang pagkamatay ni 2.
gitna 8. Tatang 1.
simula 7.
wakas 6. Tuklasin
C 5. Gawain B 5. D
B 4. 4. B
B 3. 1. × 3. D
C 2. 2. ∕ 2. A
A 1. 3. ∕ 1. B
Tayahin 4. × Balikan
5..∕

Sanggunian:

Elvira R. Liwanag,. (2010).Yaman ng Pamana:Wiak at Panitiakn . Filipino IV. Pilipinas: Vibal Publishing House Inc., pp.
23-32
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like