Literary

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“ANINAG NG LAGUSAN”

I. Sa pa-usbong ng panibagong kabanata ng aking pakikipagsapalaran,


Ako ay humantong at nakarating sa hindi basta-bastang institusyon.
Wari’y nakadama ng takot at pangamba yaring puso
Mga pagsubok ay makakaya ba? Paulit-ulit na tanong na walang
kasiguraduhan kung ano ang magiging sagot.

II. Ako’y naglalakbay sa madilim na gabi


Nangangarap maabot ang matagal nang minimithi
Subalit mga unos ay di naging madali
Ako’y humantong sa pagdama ng pighati.

III. Ngunit sa pagsikap ng bukang liwayway ng aking buhay,


Kasabay din nito ang pagsibol ng aking pag-asa “ Nakilala Kita”
Isa sa pinaka magalak na tagpo na pumawi sa
Lahat ng aking pangamba.

IV. “Ako’y taus-pusong nagpapasalamat”


Mga simpleng salita lang ngunit dalisay kong nadarama
Hatid mo sa aki’y liwanag na walang sawang
Gumagabay sa gitna ng dilim
Inaakay na huwag sumuko sa laban dahil ito’y hindi
magiging madali.

V. Sa tagumpay na aking nakamit


Ikaw ang isa sa matibay na pundasyon
Asahan mong ika’y mananatili saking puso at diwa
Lahat ng aral mo’y magsisilbing aking gabay
Upang maging matagumpay
Salamat sa pagiging inspirasyon at pagiging “ANINAG NG LAGUSAN”
ng aking pakikipagsapalaran.

MINSANANG PAG-IBIG... NAWAGLIT!

I. Sa pagdaan ng panahon na pagsinta ko’y lumalim


Unti-unti ko ring nadama ang iyong paglamig
Di ko wari maisip kung bakit nawaglit
Kumikirot ang puso pag pangalan mo’y nasambit.

II. Sinubukan kong ika’y intindihin


Marahil ika’y pagod lang at may dinaramdam
Ngunit nais sana’y iyo ring mabatid
Na ang iyong hirang ay napapagod at nagtitiis
III. Ang nais lang naman sana ay bigyan ng oras at panahon
Para madama ko rin na ako’y iyong pinapahalagahan at minamahal
Subalit bakit parang ang lahat sayo’y walang saysay
Pagkirot at paghapdi sa puso ay unti-unting nabubuhay.

IV. Ang paglimot sa’yo nang tuluyan ang tanging naiisip


Hindi ko gusto na sarili ko sayo ay ipilit
Salamat na lamang sa maliligayang araw o Giliw
Nawa’y maging maligaya ka at maalala mo na ...
Minsan minahal ka ng isang tulad kong Iyo lamang Pinaasa!

CHATMATE

I. Ang Facebook ko ay naging masigla


Noong saakin ay nagmessageka
Ako’y nagtataka kung bakit ako pa?
Ano ba ang totoong sadya ? Tanong ng dalaga.

II. Ako’y nagugulanta at napapatawa sa tuwina


Lalong-lalo na pagmessenger ko ay puno ng iyong pagmumukha..
Minsan tuloy napagkakamalan kitang bakla
Sadya lang talaga na korny ka kung humanga.
III. Sa pagdaan ng araw, ikaw ay may inamin
Ikaw pala ay may lihim na pagtingin
Subalit ako’y nagtataka kung bakit ang aga pa ata?
Ako ba ay pinaglalaruan mulang, oh Binata?

IV. Ikaw ay nag-emote kumakilan


Naranasan mo palang iwan at saktan
Kaya ika’y aking pinatawa para puso’y gumaan
Tatawagin nalang kitang Besplend na
Gagabay sayo, Asahan!

V. Ngunit pagkakataon sa atin ay nagmalupit


Kinakailangan mong umalis at hindi malapit
Maynila ay tatahasin at di na ata makakabalik
Alam mo bang namimis kitang labis?

VI. Isang kataga lamang ang dapat mong tandaan


ika’y mananatili sa puso ko, O hirang
Maranasan mo mang maghirap at sa loob panghinaan
Lahing isipin na ako’y nandito lamang.
10 Tips to Achieve Anything You Want in Life
Inga Stasiulionyte

1. Focus on commitment, not motivation.


2. Seek knowledge, not results.
3. Make the journey fun.
4. Get rid of stagnating thoughts.
5. Use your imagination.
6. Stop being nice to yourself.
7. Get rid of distractions.
8. Don’t rely on others.
9. Plan.
10. Protect yourself from burnout.

You might also like