Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sa isang bukid may nakatira na nangangalang Berto ang kanyang hanapbuhay ay

magsasaka may asawa si Berto ngunit walang anak. Kahit mahigit sampung taon na
silang nagsama sa kanyang asawa ay hindi sila biniyayaan ng anak. Magpatingin sana sila
sa doktor kung ano ang problema sa kanila kung bakit hindi sila magka anak kaso wala
naman silang pera. Kahit pa man na hindi sila biniyayaan anak mahal na mahal ni Berto
ang kanyang asawa dahil mabait ito at maunawain at maalaga ito sa kanya. Ngunit ang
kanyang asawa ay nagkasakit at hindi nakalaunan ito ay namatay. Bago pa man ito
binawian ng buhay may inahabilin ito kay Berto gusto ng kanyang asawa kapag kunin na
daw siya sa Panginoon ay gusto niyang itago ni Berto ang mahalagang gamit sa kanyang
asawa tanda nang alaala nito kay Berto. Itinago naman ni Berto ang mga mahalagang
gamit sa kanyang asawa at inilagay ito sa baul. Labis ang kalungkutan ni Berto tinuon na
lang niya ang kanyang sarili sa pagtatrabaho sa bukid upang malimutan ang sakit sa
pagkawala ng kanyang asawa.

Pagkalipas ng ilang taon namumbalik na ang saya ni Berto at handa na siyang umibig at
sumubok muli ng panibagong relasyon. May nakilala siyang babae na nangangalang
Maria naging magkaibigan sila at sinabi ni Berto ang kanyang nakaraan pero hindi niya
ikinikwento lahat nito kay Maria dahil maalala lang ni Berto ang kanyang malungkot na
nakaraan. Pagkalipas ng ilang buwan nanligaw si Berto kay Maria at sinagot naman agad
si Berto. Nagmahalan ng lubos sila Berto at Maria at nagsumpaan sila na dapat walang
silang itinatago na sekreto at may tiwala sa isa’t isa. Ngunit hindi sinabi ni Berto kay
Maria na itinatago pa niya ang gamit sa dati niyang asawa na inahabilin ito sa kanya bago
ito namatay at inilagay ito ni Berto sa baul tanda ng kanilang alaala. Masaya naman ang
relasyon nila Berto at Maria at maayos ang pagtrato ni Berto kay Maria bilang nobyo
nito. At hanggang nawala ang kanilang tiwala sa isa’t isa lumabas ang pagka selosa ni
Maria at ito ang dahilan ng kanilang pag-aaway dahil lahat nalang ng kilos at lakad ni
Berto ay inaalam ni Maria at ayaw niyang may maka-usap ng ibang babae si Berto. At
minsan ang kanilang pinag-aawayan ay tungkol sa dating asawa ni Berto na
pinagseselosan pa ni Maria kahit itoy namayapa na. Maraming beses ng silang
nagkahiwalay nang dahil lang sa pagka selosa ni Maria pero bumalik naman ang kanilang
relasyon. Naiintindihan naman ni Berto si Maria kung bakit napakaselosa nito ay dahil
mahal na mahal siya nito.

Pinakasalan ni Berto si Maria at doon sila nanirahan sa bahay ni Berto naging masaya
ang kanilang pagsasama dahil biniyayaan sila ng dalawang anak. Naging masagana ang
kanilang pamumuhay at maayos naman ang trabaho ni Berto sa palayan at malusog ang
kanilang inaalagaan na hayop sa bukid. Lumaking mabait at masunurin ang kanilang
anak at mahal na mahal ito ni Berto. Pero minsan hindi nawawala ang pag-aaway ng
mag-asawa dahil bumalik na naman ang pagka selosa ni Maria kahit matagal na silang
nagsasama ni Berto at lumalaki na ang kanilang mga anak. Pinagseselosan ni Maria ang
lahat ng babae na kasamahan ni Berto sa palayan at ang masaklap pa nito nagseselos pa
din si Maria sa dating asawa ni Berto na namayapa na dahil iniisip niya na mahal pa din
ni Berto ang dating asawa nito.

Isang araw maagang nagising si Berto at naghanda na siya para sa kanyang trabaho sa
palayan. Pinagluto ito ni Maria ng almusal at pinagbalot ng baon para sa kanyang
pananghalian. Sama sama silang kumakain sa hapag kainan kasama ang kanyang
dalawang anak at si Maria. Masaya silang nagkukwentuhan at binalita sa mga anak ni
Berto ang kanilang matataas na marka sa kanilang klase at pinagmalaki naman ni Berto
ang kanyang mga anak.

Sabi ni Berto sa mga anak, ipagpatuloy lamang nyo mga anak ang inyong kasipagan sa
pag-aaral andito lang ako at laging naka suporta sa inyo at mahal na mahal ko kayo. At hindi
namalayan ni Berto sa kanilang pagkukwentuhan tanghali na pala kaya dali dali siyang lumakad
patungong palayan at nag paalam agad siya sa kanyang asawa at mga anak.

O! Siya sige mga anak mauna na ako sa inyo dahil akoy mahuli na sa aking trabaho at
magmadali na rin kayo at baka mahuli din kayo sa inyong klase. Sa pagmamadali ni Berto
nalimutan niyang dalhin ang kanyang baon para sa kanyang pananghalian at dali dali siyang
sinundan sa kanyang asawa at para tawagin Berto! Berto! Nalilimutan mo yong baon mo! At
hindi na naabutan si Berto sa kanyang asawa.

Nang umabot na si Berto sa palayan at may kinuha siya sa kanyang bag napansin ni Berto na
naiwan pala niya ang kanyang baon para sa pananghalian. Ay naku! Nakalimutan ko pala ang
aking baon para sa aking pananghalian at paano ako makakain nito at wala namang nagtitinda
dito na pagkain baka ako’y gutumin. Kaya naisip ni Berto na balikan ang kanyang baon sa
kanilang bahay at dali dali siyang lumakad patungo sa kanila.

Pagdating ni Berto sa kanilang bahay napansin niya na may usok sa likod ng kanilang bahay at
tinawag niya ang kanyang asawa Maria Maria nandiyan kaba sa likod anong ginawa mo at bakit
nag uusok diyan? At hindi sumagot si Maria at patuloy pa rin na nagsasalita si Berto sabi niya
bumalik ako dahil naiwan ko yong baon ko at walang akong makakain sa aking pananghalian at
baka ako’y gutumin wala namang nagtitinda nang pagkain doon sa palayan. Napansin ni Berto
na hindi sumasagot si Maria at pinuntahan ito ni Berto sa likod ng kanilang ng bahay.
Nagulantang si Berto sa kanyang nakita na sinunog ni Maria ang tinatagong baul ni Berto na
naglalaman ito ng mga lumang gamit sa dating asawa ni Berto at pinagalitan ni Berto ang
kanyang asawa.

Maria! Anong ginawa mo at bakit mo sinunog itong baul? Alam mo bang naglalaman yan ng
mahalagang gamit sa dati kong asawa. Sagot ni Maria na umiiyak Oo! Alam ko Berto dahil
nakita ko kung anong laman ng baul! sabi ko na nga ba Berto kaya’t tinatago mo pa ang mga
lumang gamit sa dating mong asawa dahil mahal mo pa siya. Sambit naman ni Berto, Diyos ko
naman Maria patay na yong tao at pinagseselosan mo pa. Kaya ko pa itinago ang mga gamit na
yan dahil inahabilin niya sa akin bago pa siya namatay ay gusto niyang itago ko ang mga
mahalagang niyang gamit dahil yan nalang ang naiwan niyang alaala sa akin. At Oo! Mahal ko
siya Maria pero patay na yong tao at ikaw na ang nakasama ko ngayon at ang mga anak natin at
mahal ma mahal ko kayo at yang mga lumang gamit na yan ay isa na lang alaala sanay
naiintindihan mo.

Nag aaway ng husto si Berto at Maria dahil hindi pa rin naniwala si Maria sa mga paliwanang ni
Berto. Sabi ni Maria hindi ako naniniwala sayo berto alam ko na mahal mo pa rin ang dati mong
asawa at matagal ko nang napansin yan. Kaya naging ganito ako Berto naging napakaselosa sa
lahat ng mga babae na lumalapit sayo dahil nakikita ko sa kanila ang dating mong asawa na alam
kong mahal na mahal mo pa.

Sagot ni Berto nahihibang ka na ba Maria? Huwag mo na ngang ibalik ang mga bagay na wala
na alam mo namang wala akong ibang babae kundi ikaw lang kumakayod ako sa pagtatrabaho
para hindi tayo magugutom at para mabigay ko ang pangangailangan natin dito sa bahay pati sa
mga anak natin.

Sagot ni Maria! O ngayon pinamukha mo sa amin ng mga anak mo na pabigat kami at


nakaramdapa ka sa pagtatrabaho para lang may makakain kami. Samantalang sa dati mong
buhay ay maginhawa ang pagsasama ninyo sa dati mong asawa dahil wala kayong pinapakain na
anak?

Sumagot si Berto nagalit nagalit! Huwag mo yang sabihin Maria kunti lang ang alam mo tungkol
sa nakaraan ko, nung magkasintahan pa tayo at hanggang mag asawa na, hindi ko sinabi sayo
ang tungkol sa mapait kong nakaraan dahil ayaw kong pag-uusapan pa yon. Alam mo bang
masuwerte ako ngayon dahil binibigyan tayo ng anak. Alam mo bang kaya’t hindi kami nagka
anak sa dati kong asawa dahil may sakit siya sa matris at yan ang dahilan ng kanyang
pagkamatay at wala kaming pera para magpagamot siya kaya hindi naagapan ang kanyang sakit
kaya huwag mong sabihin na maginhawa ang buhay ko noon.

Kinalma ni Berto ang kanyang sarili at nag-uusap sila ng mag asawa ng masinsinan. Sabi ni
Berto kay Maria masaya ako sa ating pagsasama kasama ang ating mga anak kaya nga
kumakayod ako sa aking pagtatrabaho para mabigyan ko kayo ng magandang buhay at
nagpapasalamat ako sa diyos dahil biniyayaan tayo ng dalawang anak kaya’t huwag mo nang
pagseselosan ang taong namatay na at ang ispin natin kung ano tayo ngayon paliwanag ni Berto.
Pero hindi pa rin naniniwala si Maria sa mga paliwanag ni Berto.

Nauwi sa matinding pag-aaway ang mag-asawa dahil lamang sa matinding pagseselos ni Maria
sa naunang asawa ni Berto. Ayaw makinig ni Maria kay Berto kahit anong paliwanag nito kung
bakit mahalaga pa rin sa kanya ang mga naiwang alaala ng kanyang dating asawa. Araw-araw
parati na silang nag-aaway naging malamig na ang pagtingin ni Maria kay Berto at hindi na siya
inaalagaan ng mabuti. Hindi na pinapansin si Berto ng kanyang asawa at nawala na ang pagiging
malambing nito sa kanya. Gumagawa ng paraan si Berto upang mawawala na ang galit ni Maria
ngunit hindi pa rin pinapansin si Berto. Kahit anong gawin ni Berto upang bumalik ang loob sa
kanyang asawa at para mapatawad siya pero lalo siyang inaaway ni Maria at lalong lumala pa ito
hanggang humantong sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawa. Nagdesisyon si Berto na umalis
na lang sa kanila dahil hindi na talaga sila magkasundo kahit masakit sa kalooban ni Berto na
iwan ang kanyang mga anak.

Pagkalipas ng ilang buwan nilang hiwalayan nakikita ni Maria ang kanyang mga anak na
naapektuhan ito dahil sa paghihiwalay nila ni Berto. Naisipan ni Maria na makipagbalikan siya
ni Berto dahil naawa na siya sa kanyang mga anak. Inisip niya na hindi naman gaano kabigat ang
kasalanan ni Berto at bakit kailangan silang maghiwalay. Naisip din niya ang kinabukasan ng
kanilang mga anak na lumaking walang ama sapagkat mahal naman din niya si Berto.
Pinuntahan agad niya si Berto at nag-usap silang dalawa at humingi siya ng kapatawaran ni
Berto kung bakit hindi niya naiintindihan kaagad si Berto. Masaya si berto dahil naintindahan na
rin ni Maria ang lahat at humingi rin ng patawad si Berto kung bakit hindi niya nasabi at
naipaliwanag agad ni Maria ang tungkol sa gamit na kanyang itinatago sa dating asawa at
pinatawad naman siya ni Maria. Binibigyan nila ng pangalawang pagkakataon ang isa’t isa
sapagkat pareha silang may pagkakamali at nagkasundo ang mag-asawa.

Nang mapatawad na ni Maria si Berto nakita na niya ang malaking pagbabago nito at may tiwala
na sila sa isa’t isa. At nakalipas ng ilang buwan biniyayaan muli sila ng isang anak at ito ang
nagbibigay tibay sa kanilang pagsasama.

You might also like