Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ikaapat na Markahan- Modyul 1:

Ispiritwalidad, Susi sa Mabuting Pagkatao

1|Page
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:


1. matutukoy ang mga paraan kung paano maisasabuhay ang pananalig sa Diyos;
2. mailalarawan ang ibat-ibang pangrelihiyong pagdiriwang at gawain;
3. maipaliliwanag kung paano nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.

Pagtalakay
Ang taong may pananalig nang
buong puso sa Diyos ay kaakibat na ang
pagkakaroon ng mabuting kalooban.
Naipakikita niya ito sa paggawa ng
kabutihan sa kaniyang kapwa at sa iba
pang nilalang dito sa lupa. Kusang
lumalabas ang kaniyang kabaitan dahil ito
ang hinubog sa kaniya ng kaniyang
pananampalataya. Ang pagkakaroon niya
ng totoong relasyon sa Diyos ang
tumutulong sa kaniya upang umiwas sa
kasalanan at maimpluwensyahan ang mga
tao sa paligid na maging mabuting tao rin.
Ito ay dahil nakikita sa kaniya ang mga
kaugaliang karapat-dapat kaya siya ay
kinagigiliwan at nirerespeto kanino man
siya makisalamuha.

Tunay ngang kahanga-hanga ang bunga ng ispiritwalidad sa isang tao. Ito ay mas
mapalalalim kapag isinasabuhay ng isang tao ang kaniyang pananalig sa Diyos. Wala ito
sa kasarian, katanyagan, katalinuhan, lahi, kulay ng balat, estado sa buhay o maging sa
relihiyon man. Ito ay nasa puso at kalooban ng isang tao na tunay na nagmamahal at may
mataas na paggalang at pagkatakot sa Diyos.
Paano nga ba naipakikita ang mataas na antas ng ispiritwalidad? Ito ay naipakikita sa
pamamagitan ng ibat-ibang gawain gaya ng:

a. pagtulong sa mga nangangailangan


b. pag-aalaga sa may sakit.
c. pangangalaga sa kalikasan
d. pagtupad nang may katapatan sa mga tungkulin
e. pagsunod sa batas at anumang awtoridad sa tahanan, trabaho, lipunan o sa
simbahan man

2|Page
f. palagiang pagdarasal
g. pananambahan o pagsisimba
h. pagbibigay o pagsuporta sa simbahan o sambahan
i. pagpapatawad
j. pagninilay sa Salita ng Diyos.

Ang pananalig sa Diyos ay hindi lamang sinasabi ng bibig. Ito’y higit na nakikita sa
mga kilos, gawi o pag-uugali ng isang tao. Ang paggalang sa anumang relihiyong
kinaaaniban ng isang tao ay tanda rin ng ispiritwalidad dahil ang tunay na pananalig ay
wala sa relihiyon o anumang sektang iyong kinabibilangan ito’y personal na relasyon mo sa
ating Panginoon.
Sa Pilipinas madalas na iniuugnay ang relihiyon sa ispiritwalidad. Ang mga Pilipino ay
likas na relihiyoso at may malalim na paggalang sa Diyos. Masasalamin ito sa kultura na
ipinakikita sa mga pagdiriwang na halos ay may kinalaman sa pananalig ng mga Pilipino sa
Dakilang Lumikha. Ilan sa mga ito ay ang Pasko, Mahal na araw, pista, binyag, Ati-atihan,
Santakrusan, Pahiyas at iba pa. Para naman sa mga kapatid nating Muslim ay ang
Ramadan. Ito ang pinakamahalaga nilang pagdiriwang. Maging ang ibang relihiyon ay may
kani-kaniya ring pagdiriwang gaya ng anibersaryo ng pagkatatag ng Iglesia ni Cristo na
kinikilala sa buong Pilipinas at ang National Bible Day ng mga Born-again Christians.
Kapag ginaganap ang mga pagdiriwang na ito ay hindi maisasantabi ang pagbibigay-
halaga ng mga Pilipino sa pananampalataya. Palagi nilang hinihingi ang basbas ng Diyos sa
mga araw na ito. Halina at ating talakayin ang ilan sa mga panrelihiyong pagdiriwang na ito.

Pasko

Ang Pasko ay isa sa pinakamasayang


pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ginaganap
tuwing ika-25 ng buwan ng Disyembre.
Inaaalala sa araw na ito ang kapanganakan
ng Panginoong Hesu-Kristo. Tuwing Pasko,
ang mga Kristiyano ay nagbibigayan ng mga
regalo. Ang mga bata ay nagmamano sa
kanilang mga ninong at ninang at sila ay
binibigyan naman ng aginaldo. Sa Pilipinas,
mahaba ang pagdiriwang ng Pasko sapagkat
sa unang araw pa lamang ng Setyembre ay
nagsisimula nang maglagay ng mga palamuti
ang mga tao patungkol dito. Maririnig na rin
ang mga awitin at tugtuging pamasko sa
simula pa lamang ng buwang ito.
Mahal na Araw

Ang Mahal na Araw o Cuaresma ay ang


3|Page
pag-alala sa paghihirap at kamatayan ng
Panginoong Hesu-Kristo sa Krus ng kalbaryo
upang matubos ang mga tao sa kasalanan.
Pista ng Nazareno
Ito ay ginaganap tuwing ika-siyam ng
Enero. Tinatawag din itong Traslacion o ang
paglilipat sa imahen ng Itim na Nazareno
mula sa tahanan nito sa Bagumbayan o
Luneta patungo sa simbahan ng Quiapo.
Maraming debotong katoliko ang naniniwala
na nakapagpapagaling ng mga karamdaman
ang Itim na Nazareno. Naniniwala rin sila na
ang kanilang mga dalangin o kahilingan sa
buhay ay maipagkakaloob. Ito ang dahilan
kung bakit sa araw na ito ay dumadagsa ang
mga deboto na nais makisali sa prusisyon ng
Traslacion o paglilipat sa Itim na Nazareno
mula sa Luneta patungong Quiapo.
Karamihan sa mga taong sumasama rito ay
may mga panata o pangako sa Diyos at para
sa kanila ang pagdalo sa pagdiriwang na ito,
Ramadan gaano man kahirap ay isang pagtupad sa
ipinangako.

4|Page
Ang Ramadan ay ang isang buwang
pag-aayuno ng mga kapatid nating Muslim.
Ito ay ginaganap sa ika-siyam na buwan ng
kalendaryong Islam. Ito ang pinakasagrado
para sa paniniwalang Islam. Ang Ramadan ay
ang panahon na binibigyang halaga ng mga
Muslim ang kanilang relasyon sa Dakilang
Lumikha na tinatawag nilang Allah. Sa
panahong ito sila ay hindi kumakain at
umiinom mula bukang liwayway hanggang
dapithapon. Ginugugol nila ang kanilang mga
oras sa pagdarasal at pag-gawa ng mabuti sa
kapwa.

Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo


Ang anibersaryo ng pagkakatatag ng
Iglesia Ni Cristo ay noong Hulyo 27, 1914.
Kaya ngayon ang Iglesia Ni Cristo ay mahigit
nang isang daang taon. Sa tuwing sasapit
ang araw na ito ang libo-libong miyembro ng
Iglesia Ni Cristo sa bawat panig ng bansa ay
nagdiriwang at nagsasama-sama sa isang
lugar upang doon gunitain at ipagdiwang ang
kanilang araw ng pagkakatatag. Sa panahon
natin ngayon, sila ay nagtitipon-tipon sa
Philippine Arena na nasa bayan ng Sta.
Maria, Bulacan. Ito ay napakalaki at
napakaluwang na lugar para sa kanilang
pinakamahalagang araw.

National Bible Month

Ang National Bible Month ay ginagawa


tuwing buwan ng Enero. Sa bisa ng Republic
Act No. 11163 ideniklara ang huling Lunes ng
buwan ng Enero bilang National Bible Day.
Ito ay nagbibigay pagpapahalaga sa Bibliya
bilang pinaka batayan ng
pananampalatayang Kristiyano. Madalas ay
namimigay ng mga kopya ng Bibliya ang mga
Born-Again Christians at mga Protestante sa
Mga Gawain mga paaralan at ibat-ibang establisimyento
bilang pag-alala sa araw na ito.

5|Page
Panuto: Magsaliksik o magtanong tungkol sa iba’t-ibang gawaing panrelihiyon sa Pilipinas.
Ilarawan ang mga ito ng isa o dalawang pangungusap lamang.

RUBRIK PARA SA PAGGAWA SA GAWAIN 3


ISKOR
PAMANTAYAN
Kumpleto at akma ang mga isinulat na kasagutan. 3
Nasagutan ngunit may ilang maling ideya na naisulat 2
Nakapagsulat ng sagot ngunit may kakulangan at hindi akma sa aralin. 1

2. Mahal na Araw

3. Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo

6|Page
Pagsusulit

A. Panuto: Tukuyin ang gawaing panrelihiyon na inilalarawan sa pangungusap. Guhitan


ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong.

1. Ang (Pasko, Mahal na Araw, piyesta) ay pag-alala sa kapanganakan ng


ating Panginoong Hesu-Kristo.

2. Ang (binyag, Ramadan, kasal) ay ang pinakamahalagang pagdiriwang ng mga Muslim.

3. Ang (Mahal na Araw, Pasko, piyesta) ay ang pag-alala sa kamatayan ng ating Panginoong
Hesu-Kristo.

4. Ang (Pasko, Anibersayo ng Iglesia ni Cristo, Ramadan) ay ang pag-alala sa pagkakatatag


ng Iglesia ni Cristo.

5. Ang (Mahal na Araw, Pasko, National Bible Day) ay ang pagbibigay halaga sa Bibliya
bilang batayan ng paniniwalang kristiyano.

B. Panuto: Isulat ang TAMA PO o MALI PO sa patlang bago ang bilang.

_______1. Dapat nating tratuhin ang Diyos nang may mataas na paggalang.

_______2. Ang pagtulong nang may hinihinging kapalit ay tama lamang.

_______3. Ang paggalang sa relihiyon o paniniwala ng iba ay pagpapakita ng ispiritwalidad.

_______4. Ang pag-alam o pag-aaral sa paniniwala ng ibang relihiyon ay masama at hindi


makatutulong sa pakikipagkapuwa.

_______5. Ang pagsasama-sama ng pamilya sa araw ng Pasko ay mabuting gawain.

7|Page
Susi sa Pagwawasto

8|Page

You might also like