Lesson 2-Receiving God's Forgiveness

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LESSON 2: RECEIVING GOD’S FORGIVENESS

CONNECT: Madali ba para sayo ang magsabi ng sorry??


Madali- minsan hindi sincere/ hindi na natin minimeant yung totoong meaning ng sorry.
Nakasanayan nalang pero yung sense ng salitang sorry eh minsan wala na. hindi naman
nangyayari to madalas pero may mga instances na ganon na nga.
Mahirap- minsan mahirap magsabi ng sorry kung alam naman natin hindi tayo nakagawa ng
mali sa kapwa natin or minsan yung pride natin yung pumipigil satin para magsabi ng sorry sa
iba. Or di kaya minsan hindi pa tayo ready na humingi ng tawad.

Alam ko nabanggit ko nung nakaraang lesson natin yung tungkol sa totoong essence ng sorry.
Na ang sorry is binabanggit natin hindi lang para humingi tayo tawad dahil nakasakit tayo,
sinasabi rin yung word na sorry kapag alam natin sa sarili natin na hindi na natin uulitin yung
ginawa natin. Kasi once na nagsorry tayo pero paulit ulit lang rin naman yung maling ginagawa
natin, nawawala yung sense ng word na sorry.

POINTERS: kanina, tinanong ko kung madali ba para sainyo na magsabi ng sorry, ngayon naman
ang tanong ko is anong mararamdaman niyo kapag nagsorry kayo sa isang tao pero walang
response sainyo kahit ano??
Paano naman kung yung taong nagawan mo ng kasalanan eh lumapit sayo at sinabing wala ka
ng kasalanan, okay na kahit hindi ka pa humingi tawad eh pinapatawad kana. Sa sarili ko,
masarap yung ganitong pakiramdam na pinatawad tayo ng tao kahit wala pa tayong ginagwa
yet, mapapaisip ako na may konsensya na para bang hindi ko deserve na patawarin dahil wala
manlang akong ginawa. Ganyan yung ginawa ni JESUS sa atin, namatay siya sa krus para
bayaran lahat ng kasalanan natin, para mapatawad tayo. So ayan ang topic nga natin for today
is RECEIVING GOD’S FORGIVENESS.

WORDS TO PONDER:
1 JOHN 1:9
If we confess are sin, He is faithful and just to forgive us our sins and cleanse us from all
unrighteousness.
POINTERS:
 WE NEED TO CONFESS OUR WRONGDOINGS TO JESUS
Sabi sa verse na binasa natin, “IF WE CONFESS ARE SIN” for us to be deserving sa
forgiveness ng Lord we need to confess our wrong doings. One of our nature as human
is to commit sin. Sobrang imposible na wala tayong macommit na kasalanan sa isang
araw. Sa mga kasalanan na nagagawa natin, alam nating hindi pleasing kay Lord yung
mga yon. Kaya naman once na we commit sin, we need to repent, pagsisihan natin yung
kasalanan na nagawa natin, at iconfess natin agad sa Lord, at humingi tayo agad ng
tawad sakanya.

 JESUS IS FAITHFUL AND JUST TO FORGIVE US OUR SIN


Sunod naman sa verse na binasa natin, sabi dyan “HE IS FAITHFUL AND JUST TO
FORGIVE US OUR SIN” Si JESUS lang ang may authority na bigyan tayo ng forgiveness sa
lahat ng mga kasalanan natin. Kahit na minsan unfaithful tayo sakanya, OUR GOD
REMAINS FAITHFUL parin. HE IS JUST, TO FORGIVE OUR SIN.

 RECEIVING FORGIVENESS MEANS WE ARE CLEANSED


Makikita rin natin sa verse na binasa natin yung word na “CLEANSE”. Kasi once we
receive God’s forgiveness meaning we are already cleansed by GOD. Ang kasalanan or
sins, eto yung mga impurity or dumi sa buhay natin na kailangan maeliminate. Compare
nalang natin sa isang bagay, pansin niyo ba na kapag yung isang bagay ay may nakadikit
na dumi tapos pinatagal natin, minsan hindi na natatanggal, or minsan kumakalat or
nadagdagan pa. ganon rin sa buhay natin, na kapag pinabayaan natin na mamuhay tayo
sa kasalanan, masasanay na tayo dyan, mahihirapan na tayong tanggalin. Natatandaan
ko rin yung preaching nung Sunday, sabi ni kuya vj na kapag yung kasalanan paulit ulit
nating ginagawa nawawala na yung konsensya natin eh, sanay na tayo sa kasalanan na
yun. Kaya naman once na nakapagcommit tayo ng sin, iconfess natin kagad kay Lord,
humingi tayo ng tawad, at ng guidance na patuloy tayong baguhin ni Lord.

 UNRIGHTEOUSNESS
Yung huling word naman na makikita natin sa verse ay yung word na
“UNRIGHTEOUSNESS” ano ba ibigsabihin na unrighteousness? It means morally wrong,
wickedness, or simpleng magiisip at pagsasalita natin ng hindi maganda. Kaya naman
God gave us forgiveness para icleasen tayo sa lahat ng unrighteouness na nagagawa
natin at patuloy parin nagagawa.

Sa lesson na to, ang gusto ko lang na matandaan niyo, na kahit ano pang naggawa
nating kasalanan, wag tayong mahiyang lumapit kay Lord at humingi ng tawad. Minsan
kasi may mga taong nakagawa ng kasalanan kay GOD na hindi na lumapit ulit kay Lord,
tapos ang dahilan eh “nahihiya” dahil sa kasalanan na nagawa niya at sinasabi nilang
hindi na sila deserving. Kaya gusto kong tandaan niyo na kahit ano pa man ang magawa
niyo hinding hindi tatalikod si LORD sainyo, tayo ang may will at may choice na
tumalikod kay God. Si GOD lagi lang siyang andyan, open arms na tanggapin at
patawarin tayo. Remember that GOD IS JUST AND FAITHFUL TO FORGIVE US.

You might also like