Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ma.

Reynalyn Lacena July 25, 2019

Hebrew 1:10-12 Pinoy Version

¹⁰Sinabi pa niya, Panginoon, nung nagsimula ang lahat, ikaw ang nag-create sa mundo, at mga
kamay mo ang nag-create sa kalangitan.¹¹ Mananatili ka, pero lahat ay mawawala. Parang damit,
silang lahat ay maluluma. ¹²Itutupi mo sila na parang balabal, at gaya ng damit, papalitan mo
sila. Pero hindi ka nagbabago, at walang katapusan ang buhay mo.

“ I CAN ONLY IMAGINE ”


Reflection:

Si God ay omnipotent, powerful at walang imposible sa kanya. Siya ang naglikha sa mundo, ang kalangitan, mga
bundok, mga hayop, mga ulap, lahat, pati tayong mga tao nilikha niya. Kaya, kaya niyang gawin ang lahat dahil
nga Diyos siya. Mahirap man mag imagine ng mga bagay na sa tingin ko ay napaka imposibleng mangyari, pero
sa Diyos kayang kaya niya itong gawin. Kaya niyang gawin higit pa sa mga inaakala ko, higit pa sa iniimagine ko.
Sa sitwasyon ko dati magaling ako mag-imagine, lalo na sa mga bagay na gusto kong mangyari sa buhay, pero
ang lahat ng yun dati para sa akin ay imposible lang mangyari dahil napaka negative kong tao noon, pero ngayong
nakilala kona ang pinakapowerful, lahat ng yun ay naging posible. Posible pala na maging engineer ako, posible
pala na papasa ako, posible pala na mapatawad ako, posible pala na magbago ako, posible pa lang gawin ko kung
ano yung gusto kong mangyari ayon sa plano ng Diyos, posible pala magmahal kahit na nasasaktan na, posible
pala na magpatuloy kahit nahihirapan na. Kaya ngayon kahit na napapagod na ako sa lahat ng bagay,
magpapatuloy pa rin ako sa buhay. Dahil alam kong may tutulong sa akin, dahil alam kong may kayang gumawa
ng mga bagay na hindi kona nakakaya at dahil alam kong may magandang mangyayari kapag magtitiwala ako sa
Diyos na walang imposible sa kanya. Lahat ng nilikha niya ay may purpose. Kaya hindi aksidente na nabubuhay
tayo ngayon. Meron tayong gagawin, meron tayong purpose sa buhay. May problema man o pagsubok na
dumating na dumating, magtitiwala tayo sa Panginoon. Mahirap man yan o madali, masaya man o malungkot,
magpapatuloy tayo hanggang sa dulo.
Application:
Sa panahon ngayon, marami nang sumusuko sa buhay, maraming nadedepressed, maraming nalulugmok sa problema, hindi
na maisip kung anong dapat gawin. Buti na lang may grace pa rin si Lord sa akin para magpapatuloy. Ipinapakita at
pinaparemind pa rin sa akin ni Lord kung gaano kahalaga ang buhay.
1. Ang mag-imagine ng mga imposibleng bagay sa buhay ko.
- May Diyos ako na kayang gawin ang mga imposibleng gusto kong mangyari sa buhay. Magiging positive lang
ako lagi para makapag imagine ako ng mas maganda pang mangyari sa buhay ko.
2.
Philippians 2:5 Gayahin nyo ang ugali ni Jesus Christ
Paano? – Surrender to God, be humble and be obedient
Philippians 2:7 Instead, ginive –up nya lahat ng meron sya, at namuhay na isang alipin. Pinanganak siya bilang tao. At nang
maging tao sya, naging humble sya at masunurin hanggang kamatayan, oo kahit hanggang namatay sya sa krus.

Prayer:
Nagpapasalamat po ako aking Panginoon sa lahat ng bagay. I pray na sana laging maging buo ang loob
ko, lalo na ngayon, para mabigyan kopo kayo ng honor sa buong buhay ko. Gusto ko po kitang mas
makilala pa Panginoong Jesus dahil importante po ito sa akin. Tulungan niyo po ako maging humble
kagaya niyo at sumunod sa lahat ng pinapagawa niyo sa akin. Hindi po ako magwoworry dahil sabi niyo
po ibibigay niyo po lahat ng kailangan ko, galing po sa hindi nauubos na yaman mo, sa tulong ni Christ
Jesus. Sa Diyos at Tatay namin ang papuri magpakailan man, Amen.

You might also like