Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

SOSLIT MODYUL 1

PANITIKAN AT KAHIRAPAN

Pangalan: ____________________________________________
Student Number: ______________________________________

Layunin:
1. Nauunawaan ang iba’t ibang mukha ng kahirapan.
2. Nabibigyang halaga ang tungkulin ng bawat isa sa pagsugpo ng kahirapan.
3. Nakapagbabahagi ng mga halimbawa o isyu na may relasyon sa kahirapan,
Bilang bahagi ng panitikan.

Panuto: Basahin ang teksto at unawain ang mga kasangkot na dahilan hinggil sa
kahirapan.

“KAHIRAPAN SA PILIPINAS”
Ni Zyra Areglado

Kahirapan ang isa sa mabigat na problema ng ating bansa.Ano nga ba ang mga dahilan

kung bakit natin nararanasan ito? Uupo na lamang ba tayo at iintayin ang aksyon ng

gobyerno o tayo na ba mismo ang aaksyon para masolusyonan ito. Bilang isang

mamamayan marapat na tayo ay kumilos upang maiwasan ang kahirapan hindi lang

para sa ating sarili kundi para sa ating bansa. Kaya maraming nakakaranas ng
kahirapan ng dahil narin sa katamaran nila “choic”e natin ang maging mahirap kaya kung

nakakaranas man tayo nito wala tayong dapat sisihin kundi ang sarili natin.Sabi nga nila”

daig ng maagap ang masipag”kaya dapat habang maaga pa lamang ay kumilos na tayo

at gawin ang nararapat. Halimbawa na lang may oportunidad na tayo hindi na dapat tayo

magdalawang isip na gawin ito o kunin ito lalo na kung malaki ang maitutulong nito sa

atin kasi minsan may mga tao talagang mapili o sabihin na natin na maarte na kahit ang

daming paraan para magkatrabaho ay winawalang bahala lang nila ito o baka naman

tinatamad lang sila. Edukasyon ang susi sa kahirapan kaya dapat pinapagbuti natin ang

ating pag-aaral dahil para rin ito sa ating kinabukasan. Meron kasi diyan na kahit

nuknukan ng yaman nuknukan din naman ng tamad kaya ayun sa yaman ng magulang

umaasa.Alam nating mali iyon kaya dapat huwag nating tularan iyon. Maraming paraan

para maiwasan natin ang kahirapan pero na satin ang problema gaya nga ng sabi ko

kanina “choic”e natin ang maging mahirap. Maraming mga kabataan ang hindi

nakakapag-aral ng dahil sa kahirapan o dahil sa kakulangan ng pera, pero hindi nila ito

kasalanan dahil responsibilidad ng mga magulang natin na pag-aralin tayo pero pwede

din maging kasalanan ng kabataan ito lalo na kung tamad ito.Yan ang mga ilan lang sa

mga dahilan kung bakit nakararanas ng kahirapan ang mga Pilipino sa Pilipinas. Isa rin

sa dahilan kung bakit tayo nakararanas ng kahirapan ay dahil hindi nakakapagtapos ng

pag-aaral. Pero para maiwasan ang kahirapan nangingibang bansa ang ibang mga

Pilipino para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya kahit na labag sa

kalooban nila ay nangingibang bansa pa rin sila dahil para maiwasan ang kahirapan at

para rin naman ito sa ikabubuti ng kanilang pamilya.Gaya ng sabi ko kanina huwag na

natin antayin pa ang aksiyonn ng mga gobyerno tayo na dapat ang kumilos para hindi
tayo napagiiwanan ng iba. Kung ayaw natin maranasan ang kahirapan gumawa tayo

kumilos hindi yung puro na lang tayo salita kulang naman tayo sa gawa.Talamak sa

Pilipinas ang kahirapan pero simula ng naging Presidente natin si Pangulong Duterte may

nagbago ba, umunti ba ang mahihirap sa Pilipinas marami pa rin ba ang isang kayod

isang tuka? Ang hirap sagutin di ba kasi ang lagi lang naman binabalita ay puro tungkol

sa droga.Pero umaasa ako na dahil bago na ang ating pangulo ay magbabago na rin ang

ating bansa mas magiging maunlad na ang ating bansa.

“Katamaran” isang salita lang yan pero malaki ang magiging epekto nito sa atin pati sa

ating bansa kung ganyan ang pinaiiral natin hindi naman pwede na magiintay lang tayo

ng swerte at nganganga para bumagsak ito sa atin na parang si juan tamad lang.Pero

minsan hindi lang naman tayo ang may kasalanan minsan yung mga gobyerno ng dahil

sa kasakiman nila naghihirap tayo ng dahil sa kakurapan nila naghihirap tayo tama

naman di ba may kasalanan din sila kung bakit tayo naghihirap.

Sa ating bansa kailangan din natin ng pagkakaisa upang matugunan ang nasabing

suliranin sa ating bansa.Base sa aking karanasan bilang isang mamamayan ng ating

bansa at studyante mahirap talagang makaranas ng pagiging isang mahirap halos lahat

tayong mga pilipino ay nakakaranas nito at nasa atin lang din kung ipag -papatuloy ba

natin .

Ito naman ang nagiging epekto sa atin ng kahirapan.Ang pag sacyber sex mapabata man

o matanda ay gumagawa na nito dahil sa kahirapan at ang mga kabataang nag uubos ng

oras sa kalsada para lang mangalakal at mamalimos upang may makain sa pang araw-

araw sa kanilang murang edad dapat hindi ito ang kanilang inaatupag dapat sa ganyang
nilang mga edad nag lalaro sila at dinaranas dapat nila ang maging isang batang masaya

na hindi kariton ang hawak kundi laruan

Kahirapan ang isa sa mga halimbang problema na kinakaharap ng ating bansa . Paano

kaya ito masusulusyonan ng ating goverment at ng ating pangulo? Ngunit sa ating bansa

ngayon ang laging nasisisi sa kahirapan ang mga mayayaman,politiko at ang ating

gobyerno. Kung hindi raw sakim ang mga mayayaman,kung hindi raw mali ang

pamamalakad ng gobyerno at kung hindi raw kurap ang mga mayayaman ay walang

kahirapan at taong mahihirap kya nga sabi nila”kung walang kurap,walng mahirap”.

ISIPIN MO!

A. Panuto: Mula sa salitang KAHIRAPAN sikaping bumuo ng positibong


pahayag hinggil dito.
K
A
H
I
R
A
P
A
N
B.

1. Batay sa teksto, ano ang sanhi ng kahirapan?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_________________________________________________

2. Ano ang mga hakbang ang maaaring maisagawa upang masugpo ang
kahirapan sa isang lugar?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Sa binasang teksto, anong damdamin ng nagsasalita ang mababanaag?


Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________

4. Ano-ano pa ang mga mukha ng kahirapan ang tinalakay?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________________________________________________________

5. Bilang isang kabataan, ano ang magagawa mo upang mapuksa ang


kahirapan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________
SUBUKAN MO!

Panuto: Kinatawan ka ng paaralang First City Providential College, ikaw ay


naatasang kapanayamin ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Maglista ng
SAMPUNG (10) katanungan na may kaugnayan sa KAHIRAPAN ang nais mong
itanong.

Mga KATANUNGAN NG BAYAN!

1. _______________________________________________________

2. _______________________________________________________

3. _______________________________________________________

4. _______________________________________________________

5. _______________________________________________________

6. _______________________________________________________

7. _______________________________________________________

8. _______________________________________________________

9. _______________________________________________________

10. _______________________________________________________
ISULAT MO!

Panuto: Makatapos mo isagawa ang paglikha ng katanungan para sa Pangulo ng


Pilipinas. Maglista ng SAMPUNG utos upang makaiwas sa pagdanas ng
KAHIRAPAN sa gitna ng PANDEMYA.

ANG SAMPUNG UTOS

You might also like