Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL


Guinayangan. Quezon

Araling Panlipunan 10
Modyul 5
Pangalan:
Taon at Pangkat:10-WISDOM
Petsa:

Nilalaman
Layunin:
Modyul 5: MgangIsyung
Sa pagtatapos aralin Pangkapaligiran
ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Aralin 5: Mga Isyung Paghahanda at Pagharap sa Disaster (CBDRRM) Plan
1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa bansa
2. Naiuugnay ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad
3. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan

Panimula at Pagganyak/Hook

Pagdarasal Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng


Espiritu Santo. Amen

Ama namin……
Sa nagdaang aralin ay ating tinalakay ang Kahalagahan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga
Hamong Pangkapaligiran ang Isyu sa Sustainable Development, ngayon naman ay ating tatalakayin ang
Mga Isyung Paghahanda at Pagharap sa Disaster (CBDRRM) Plan. Buksan mo ang iyong aklat sa pahina 92-
123
Ang disaster ay binibigyang kahulugan bilang “malubhang sakuna
o kapahamakang nangyari sa isang pook sanhi ng kalamidad. Ang
disaster ay nagbubunga ng sumusunod na mga epekto sa lugar
(1) Pagkagambala sa kabuong normal na pamumuhay (2) pagkasira
at posibleng pagbagsak ng normal na daloy ng proseso ng pagtugon
sa batayang pangangailangan at serbisyo gaya ng pagkain, tirahan,
kalusugan, transportasyon at komunikasyon, edukasyon at iba pa (3) malubhang pagkasira (serious disruption)
ng kaayusan at sistema ng komunidad, na maaaring magbunga ng malawakang pagkawala ng buhay ari-arian,
kabuhayan, at kapaligiran na higit na naaangkop ng komunidad gamit ang sarili nitong pinagkukunang-yaman;
at, (4) magkakaugnay na impluwensya sa estadong pangkaisipan (mental), siklohikal, espiritwal, sosyo-
ekonomiko, politikal, at kultural ng lugar na maaaring tumagal ng mahabang panahon matapos ang disaster.
Tatlong Elemento ng Disaster
Ang tatlong elemento ng disaster ay ang panganib (hazard), bulnerabilidad (vulnerability), at kapasidad
(capacity). Nabubuo ang disaster sa pagtatagpo ng hazard at bulnerabilidad. Hindi mabubuo ang disaster kung
wala ang alinman sa dalawa. Nagsisilbing “triggering event” o immediate cause ng disaster ang hazard.
Ang Elemento ng Hazards
Ang hazard ay ang anumang mapanganib na pangyayaring pisikal (physical event), penomena, substance,
aktibidadd, o sitwasyon ng tao na may potensyall na magbunga ng pagkawasak at pagkawala ng buhay at ari-
1
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan. Quezon

arian, pagkasugat o iba pang impact na pangkalusugan, pagkagambalang sosyal at ekonomiko, o pagkasira ng
kapaligiran.
Ang Elemento ng Bulnerabilidad
Maituturing na “long term underlying causes” ng disaster ang bulnerabilidad. Nauuna pa ang bulnerabilidad sa
pagtama ng isang hazard. Halimbawa ang bulnerabilidad ang paninirahan ng maraming tao sa mapanganib na
lokasyon na tinukoy sa “disaster prone area” o “hazard zones” at mga gusali at estruktura na di tama ang
disenyo (poor design) at konstruksiyon.
Ang Elemento ng Kapasidad
Itinuturing na panghuling elemento o dimensiyon bilang sanhi sa pagkabuo ng disaster ang di sapat na
kapasidad (insufficient capacity). Halimbawa ng kapasidad ang permanenteng tahanan, pagmamay-ari ng lupa,
sapat na pagkain at pinagkukunan ng kita o kabuhayan, suporta at mabuting pamumuno.
Mga Gawain at Desisyon ng Tao
Nangyyari lamang ang disaster kapag ang natural na hazards (gaya ng baha, lindol, bagyo) ay tumama sa
mga komunidad na may mataas na bulnerabilidad (high vulnerability) gaya ng mga papaunlad at mahihirap na
rehiyon (developing o underdeveloped regions), o sa mga lugar na may mataas na poppulation density, di
maayos na imprastruktura, at limitado o walang disaster preparedness plan. Ang pagtama ng hazard sa mga
kugar o komunidad na may mababang bulnerabilidad (vulnerability) ay napakaliit ang pag-asa na magbubunga
ng disaster gaya ng pagtama ng isang bagyo sa iang disyerto na kkaunti ang naninirahang tao at matatagpuang
ari-arian. Halimbawa, noong Enero 2010, nagdulot ng mahigit na 160,000 pagkamatay ang nangyaring
magnitude 7.0 na lindol sa Haiti. Makalipas ang 8 buwan, tanging 562 pagkamatay ang naging resulta ng 8.8
magnitude na lindol sa Chile sa kabila ng mahigit tatlong milyong katao ang naninirahan sa loob ng 200
kilometro epicenter nito. Ang mataas na bulnerabilidad ng Haiti ang magpapaliwanag kung bakit mas marami
ang namatay bunga ng mas mahinang lindol na tumamarito kompara sa Chile.Pangunahing sanhi ng mataas na
bulnerabilidad sa Haiti ang kawalan ng regulasyon sa konstruksiyon ng mga gusali at di epektibong disaster
management.
Sa huli dapat pa ring tandaan, na hindi kasiguruhan ang mababang bulnerabilidad sa pagkaligtas sa disaster,
gaano man kaunlad o kayaman ang isang lugar gaya ng Japan, Netherlands, at United States. Dapat alalahanin,
ang kalikasan ay hindi maaaring ganap na makontrol ng tao. Maaari lamang maimpluwensyahan ng tao sa
limitadong digri, depende pa rin sa intensidad nito, ang mga pangyayaring dulot ng kalikasan gaya ng natural
hazard na maging disaster.
Iba’t-Ibang Uri ng Kalamidad na Nararanasan sa Bansa
Kung ating susuriin sa Disaster Risk Profile ang pinaka-
malalang disater na ating nararanasan ay ang bagyo (storm)
at ang pinaka mababa ay ang drought o tagtuyot. Isa sa pinaka-
Malalang bagyo na ating naranasan ay ang bagyong Yolanda
na tumama sa ating bansa noong November 8, 2013 na nagkaroon
ng 16,106, 807 bilang ng mga apektadong tao.

Disaster Risk Profile ng Pilipinas

2
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan. Quezon

Maipaliliwanag ang mataas na rango ng Pilipinas sa listahan ng “most disaster prone” na bansa sa daigdig dahil
nasa kanya mismo ang mga elemento ng disaster risk. Pangunahing salik sa mataas na antas ng disaster risk ng
Pilipinas ang lokasyon nito na matatagpuan sa Pacific ring of Fire, ang bahagi ng daigdig kung saan nagtatagpo
ang dalawang tectonic plates nito: ang Pacific at Eurasian Plate. Dahil dito, nakararanas ng humigit-kumulang
20 lindol sa bawat araw ang bansa subalit ilan lamang dito ang malakas ang intensidad na maaaring
maramdaman at makapaminsala. Matatagpuan sa Pilipinas ang 220 na bulkan, kung saan 22 ay itinututring na
aktibo.
Paghahanda sa Harap ng Kalamidad
Apat na yugto ng DRRM sa pagharap sa kalamidad
1.Prebensiyon at Mitigasyon (Prevention and
Mitigation) ito ay ang mga aktibidad o hakbang
na naglalayong magbigay-daan sa permanenteng
proteksiyon mula sa mga panganib (risks) ng
disaster.
2. Kahandaan (preparedness), binubuo ito ng pagpa
plano sa pagtugon (planning to respond) sa
pagtama at epekto ng disaster. Layon ng anumang
emergency preparedness program na makamit ang
mataas na antas ng kahandaan ng pagtugon sa lahat
ng sitawasyong pangkagipitan (emergency situations
sa pamamagitan ng mga programang teknikal at
administribo ng pamahalaan.
3. Pagtugon (response), layon ng bawat search and rescue operatin na na makapagligtas at pagpapanatili ng
buhay, gayon din ang mabawasan ang paghihirap sa pamamagitan ng pagkakaloob ng emergency relief,
pagpapabuti ng kalusugan, at pagpapataas ng sigla morale ng mga apektadong mamamayan; mapangalagaan
ang mga ari-arian; at gawing ligtas ang naapektuhang lugar.
4. Pagbangon (recovery), matapos matugunan ang mga pangangailangang pangkagipitan (emergency needs) at
malampasan ang panimulang pangkagipitan (emergency needs) at malampasan ang panimulang krisis,
nagsisimulang isagawa ang mga aktibidad ng Pagbangon (recovery).
Kahulugan ng CBDRRM
Upang higit na maging epektibo ang ano mang disaster risk reduction and management, isinusulong ng mga
dalubhasa bilang framework sa pagharap sa disaster ang Community Based Disaster Management Risk
Reduction ang Management (CBDRRM) o Communiy BAsed Disaster Management (CBDM).
Kinikilala ng bawat community based approach na matapos ang isang disaster, ay palaging nauuna sa pagtugon
ay nagmumula sa komunidad mismo. Sa CBDRRM naghahanap ito ng mga paraan ng pagtulong sa mga
komunidad upang kanilang epektibong magamit sa lokal na pinagkukunang-yaman at kapasidad para sa
handang pagharap ng disaster. Buksan mo ang iyong aklat sa pahina 112-120, at tunghayan ang mga hakbang
ng CBDRRM sa pagharap sa mga kalamidad.
Mga Ahensiya ng Pamahalaan na Responsable sa Kaligtasan ng Mamamayan sa Panahon ng Kalamidad

3
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan. Quezon

Saligan ng mga polisiya, programa, at pagkilos ng buong pamahalaan sa pagharap sa disaster ang Republic Act
No. 10121 Philippine Disaster Risk Reduction and Management PDRRM Act of 2010. Kinikilala ng batas ang
approach na holistic, comprehensive, integrated, at proactive na may layuning mabawasan ang sosyo-
ekonomiko at pangkapaligirang impact o epekto ng disasters kabilang ang Climate Change. Nagsilbing
pundasyong legal at isntitusyonal ang RA 10121 para sa pagtatatag ng Disaster Risk Reduction Management
(DRRM) sa bansa, na nagsusulong ng pakikilahok at partisipasyon ng lahat ng sektor at lahat ng kinauukulang
stakeholders, sa lahat ng lebel, lalo na sa mga payanang lokal.

Gawain/Activity

Gawain 1
Ngayong natalakay na natin ang CBDRRM, subukin naman natin ang iyong kaalaman. Buksan mo ang iyong
aklat sa pahina 125, at sagutan ang Rebyu sa pagkaunawa sa aralin number 2. Tama o Mali. Isulat ang Tama
sa patlang kapag totoo ang isinasaad ng pangungusap. Kung ito ay mali, palitan ang salitang may
salungguhit at isulat ang tamang sagot sa linya sa ibaba.
a. _______________________________ f.____________________________________
b. _______________________________ g.____________________________________
c. _______________________________ h.____________________________________
d. _______________________________ i. ____________________________________
e. _______________________________ j. ____________________________________
Gawain 2
Ikaw ay isang mamamayan ng Guinayangan, sa ating aralin ay tinalakay natin ang disaster,
hazard, exposure, and vulnerability. Magbigay ng 5 lugar na sa palagay mo ay prone sa
kalamidad o disaster.
Place Hazard Exposure Vulnerability
Halimbawa
Manggagawa Seaside Mga lugar na pwedeng Mga establisyemento, at Pagkasira ng mga
magkaroon ng pagtaas ng bahay na yari sa pawid. pamilihan, at iba pang
tubig kagamitan na ginagamit
sa paghahanapbuhay tula
ng bangka.

4
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan. Quezon

Gawain 3
Magtala ng 3 pangunahing hakbang o yugto na isinasagawa ng CBDRRM komunidad, upang makaiwas o
makatulong sa mga apektado ng disaster.
1.
2.
3.

Pagninilay/Reflection
Bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong sa iyong pamayanan makaiwas sa disaster?

Paglalapat/Transfer
Sumulat ng 3 halimbawa ng disaster na naranasan o nararanasan ng mga tao dito sa Pilipinas. Bigyang
paliwanag ang iyong tatlong napili.
Halimbawa Paliwanag
Covid-19 Sapagkat maituturing nating disaster ang pandemic na ating nararanasan, dahil sa
libo-libong buhay na kinitil nito. Ganun din ang malaking epekto sa ekonomiya ng
bawat bansa.

Sanggunian: Padayon (Mga kontemporaryung Isyu) (Phoenix Bookstore) pahina 88-123.

5
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
Guinayangan. Quezon

Nagampanan mo ang iyong tungkulin sa modyul na ito.


Magkita-kita muli tayo sa susunod na modyul!

Ama. Maraming salamat po sa araw-araw na biyaya na


ibinibigay mo sa aming pamilya. Gabayan mo po nawa kami
lagi, ingatan, at ilayo sa lahat ng uri ng kapahamakan. Salamat
po sa bawat araw na ginagabayan mo kami sa pagsasagot ng
aming modyul at patuloy mo po kaming gabayan. Amen

Lagda ng magulang

You might also like