Filipino 10-Week 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL


GUINAYANGAN, QUEZON

Pangalan:
Taonat Pangkat:10-WISDOM
Petsa:

Filipino 10
Mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyong Mediterranean
Modyul 5

Nilalaman
Module 5: Ang Munting Prinsipe
Ang Pagsasagawa ng Symposium

Layunin
1. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw ng Humanismo o
alinmang angkop na pananaw
2. Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng salitang simposyum at critique
3. Naimumungkahi ang mga dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng isang simposyum batay sa nabasa sa aklat
o iba pang batis ng impormasyon

Panimula at Pagganyak/Hook
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng
Pagdarasal
Espiritu Santo. Amen

Ama namin……
Noong nakaraang aralin ay ating tinalakay ang sanaysay ni Rebecca, sa paglalakbay niya sa Espanya, ngayon
naman ay ating tatalakayin ang buod ng nobela na may pamagat na Ang Munting Prinsipe. Buksan mo ang
iyong aklat sa pahina 133-140.
Ngayong nabasa mo na ang nobela subukin naman natin ang iyong kaalaman sa iyong binasa, buksan mo ang
iyong aklat sa pahina 142 at sagutin ang Sagutin Natin B. Isulat mo ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. __________
2. __________
3. __________
4. __________
5. __________

Ngayon naman ay ating talakayin ang Pagsasagawa ng Isang Simposyum. Buksan mo ang iyong aklat sa
pahina 148-150, at ating tuklasin ang mga hakbang at mahahalagang detalye sa pagsasagawa ng simposyum.
Ipagpatuloy mo ang pagtuklas at pagpapalalim ng iyong kaalaman sa pagsulat ng critique ng Akdang
Pampanitikan. Tunghayan mo ito sa pahina 152-154.
1
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

Nabasa mo ba ang mga hakbang, na iyong gagawin kapag nagsagawa ka ng isang simposyum?. Ngayon naman
ay subukin natin ang iyong kaalaman sa pagsasagawa ng iyong sariling, inorganisang simposyum. Simulan
nating magsagot sa mga gawain.
GAWAIN/ACTIVITY
Gawain 1
Gamiting gabay ang mga angkop na hudyat sa bawat pangungusap at saka pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari sa Kabanata 21 ng nobelang ang Munting Prinsipe. Lagyan ng bilang 1 hanggang 8 ang mga
linya.

_________ Hindi alam ng munting prinsipe ang ibig sabihin ng napaamo kaya ipinaliwanag ito ng alamid sa
kanya.
_________ Nang maunawaan na ng munting prinsipe ang kahulugan ng napaamo ay hiniling ng alamid na
paamuin siya nito.
_________ Nang muling magkita ang alamid at ang munting prinsipe ay sinabi ng alamid ang kanyang
simpleng sikreto, na sa pamamagitan lang ng puso nakikita ang mga bagay na mahalaga dahil ang
pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata.
_________ Niyaya ng munting prinsipe ang alamid na maglaro sila subalit hindi pumayag ang alamid dahil
hindi pa raw siya napaamo ng prinsipe.
_________ Pinuntahan nga ng munting prinsipe ang mga rosas at doon, sinabi niyang maaaring katulad sila ng
kanyang rosas subalit ang kanyang rosas ang natatangi at pinakamalahalaga dahil ito’y kanya.
_________ Pinaamo nga niya ang alamid at ng malaman ng alamid na malapit ng umalis ang prinsipe ay naiyak
ito.
_________ Sinabi ng alamid sa munting prinsipe na puntahan niyang muli ang rosas at saka siya bumalik upang
sila’y makapagpaalam kung saan isang lihim ang ibibigay niya bilang handog.
_________ Una, nagkakilala ang alamid at ang munting prinsipe sa ilalim ng isang punong mansanas.
Gawain 2
Ngayong nabasa at nagkaroon ka ng mas malawak na kaalaman ukol sa simposyum at critique, subukin mo ang
iyong nalalaman ukol sa mga ito. Punan ng mga salita o konseptong kaugnay ng mga ito ang mga kahon sa
ibaba:

Simposyum Critique

Mga salita o konseptong kaugnay ng Simposyum at Critique

_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________

PAGNINILAY/REFLECTION

2
ST. ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL
GUINAYANGAN, QUEZON

Tulad ng munting prinsipe, paano mo magagawang makabuluhan ang buhay mo para kahit wala ka na’y
maalala ka ng mga tao sa nang may kaukulang paggalang at pagmamahal?

PAGLALAPAT/TRANSFER
Ikaw ngayon ay naatasang maging lider ng inyong organisasyon at magsasagawa kayo ng isang simposyum.
Isaalang-alang ang mga hakbang sa pagsasagawa nito. Magmungkahi ng mga bagay na dapat isaalang-alang sa
isasagawa ninyong simposyum.

Tema ng Symposyum

Petsa at oras: ______________________________________________________________________________


Lugar kung saan ito idaraos: __________________________________________________________________
Mga paksang tatalakayin: ____________________________________________________________________
Magiging mga tagapagsalita: __________________________________________________________________
Ang mga iimbitahan: ________________________________________________________________________
Ang pagmumulan ng pondo: __________________________________________________________________
Ang pangkalahatang lider o pinuno: ____________________________________________________________
Ang magiging pinuno ng bawat komite: _________________________________________________________
 Ang pangakalahatang lider: _______________________________________________________________
 Komite ng pagkain: _____________________________________________________________________
 Komite ng pagrereserba sa lugar at mga kagamitan: ____________________________________________
 Komite para sa programa: ________________________________________________________________
 Komite sa publisidad: ____________________________________________________________________
 Komite sa paghahanda ng bulwagang paggaganapan: ___________________________________________

Sanggunian: Pinagyamang Pluma pahina 129-156

Nagampanan mo ang iyong tungkulin sa moyul na ito.


Magkita-kita muli tayo sa susunod na modyul!

Ama maraming salamat po sa bawat araw, na kami ay iyong ginagabayan sa pagsasagot ng aming
modyul. Umaasa po kami na patuloy mo kaming gagabayan upang magkaron kami ng malawak na
kaalaman sa mga susunod pa naming na modyul. Nawa po ay matapos na ang krisis na nararanasan
namin upang bumalik na sa normal ang lahat at makapag-aral na po muli kami sa aming mga
paaralan. Ganon din po maraming salamat sa bawat araw na hindi mo kami pinapabayaan at lagi
kaming ligtas sa sakit. Ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa iyo ama. Amen.

Lagda ng magulang

You might also like