Professional Documents
Culture Documents
Unang Lagumang Pagsusulit Sa Filipino Sa Pilin
Unang Lagumang Pagsusulit Sa Filipino Sa Pilin
Abstrak
Ang papel na ito ay naglalayong maging batayan upang higit na maunawaan ang pagiging deboto gamit
ang mga liham pasasalamat. Ang mga liham ay nakuha mula sa naimbak na liham simula pa noong 1948
bilang patunay sa Ina ng Laging Saklolo. Nirapat na humingi ng pahintulot ng mananaliksik sa mga akda
ng liham para sa pap-aaral na ito. Mula sa nakopyang 937 na liham ay hanggang labinlimang maikling
sipi lamang ang nasusi. (Binigyan ng karampatang atensyon ang mga liham na may malawak na
pagsasalaysay ng kuwentong-buhay kung kaya't marami ang hindi naisama sa malapitang pagsusuri.)
Nalaman na ang debosyon sa Inang Maria, bilang partikular ay isang gawaing pangkomunikasyon ng mga
Pilipino. Sa pamamagitan ng debosyon ay naibabahagi ng deboto ang kanyang pang-araw araw na
karanasan na saklaw ng pananampalataya. Naipakita na ang debosyon ay hindi lamang isang personal na
gawain, bagkus ay may kinalaman sa mga isyung domestiko, pagkalinangan at panlipunan.