Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

URDANETA CITY UNIVERSITY

1 San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan

Kolehiyo ng Pagkaguro sa Edukasyon


Kapisanang Filipino

YUNIT IV. Unang Bahagi: Batayang Kaalaman sa Mga


Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang
Pilipino

• Mga Diskurso sa Nasyonalismo


• Marxismo at Kritikal na Diskurso sa
Globalisasyon

Rogelio Y. Sibayan Jr.


FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA Instruktor
MGA DISKURSO SA NASYONALISMO

Ang pagiging makabansa ng bawat tao ay


nakapaloob sa nasyonalismo na kung saan
ito ay kinapapalooban ng mga diskurso o
isang paglalahad ng impormasyon sa mas
mabisang pamamaraan gamit ang mga salita
o argumento.
MGA DISKURSO SA NASYONALISMO

Napakahalagang mabatid at matalakay ang mga


aralin na siyang magiging salig upang mapatibay
ang nasyonalismo. Sa murang edad ay
kinakailangang maisadiwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga sa bayan. Kinakailangan magkaroon
ang mga susunod na henerasyon ng kamalayan sa
lahi na siyang naging ugat sa pagkakaroon ng isang
relihiyon, wika, kultura, kasaysayan, paniniwala,
saloobin at pagpapahalaga.
Mga Nasyolistang Pilipino:

1. Jose Protacio Rizal


2. Andres Bonifacio
3. Emilio Jacinto
4. Renato Constantino
Ilan sa mga halimbawa ng diskursong
nasyonalismo ay ang mga sumusunod:

Ang mga kaisipang dapat malaman ng mga


tagalog, ang kartilya ng kilalang kilusan
na katipunan, ang apat na bilang ng himagsik ni
Balagtas, at ang pagmamahal sa lupang tinubuan
na kung saan ang mga nasabing diskurso ay
naglalaman ng iba’t ibang pahayag hinggil sa
malalim na pagmamahal sa inang bayan gayundin
ang mga gawi upang maipaglaban ito.
MGA DISKURSO SA NASYONALISMO

Ang pag-aaral ng kasaysayan na siyang


ugat ng ating lahi ay hindi dapat kalimutan.
Kinakailangang maging bahagi ang bawat
aralin at bigyan ng pagpapahalaga sa bawat
mag-aaral.
LAB KO ANG PINAS!

Panuto: Hahatiin ng guro ang klase sa bawat grupo. Bawat


grupo ay binubuo ng limang miyembro na kung saan
susulat at bubuo sila ng awitin na may kasamang RAP
na ang paksa ay “Lab Ko ang Pinas”. Ang gawaing ito ay
patungkol sa pagmamahal sa bayan.
Pagkamalikhain sa pagsulat ng liriko ng kanta 10 pts.
Orihinalidad ng nabuong Rap 6 pts.
Kaugnayan ng awitin sa paksa 7 pts.
Partisipasyon sa gawain 2 pts.
MARXISMO

Ito ang teorya na binuo ni Karl Marx. Ang


paniniwala na dapat pantay pantay ang mga tao. Sa
teoryang ito walang classes at walang feudal
system; walang proletariat o working class at
walang bourgeois, ang mga businessman. Lahat ng
tao ay pantay-pantay and dami ng kita at ari-arian.
MARXISMO

KARL MARX
Prussian-Aleman na pilosopo,
ekonomista, sosyologo, historian, hornalista, at
rebolusyonaryong sosyalista. Ang kanyang mga
ideya ay gumampan ng isang malaking papel sa
pagkakatatag ng agham panlipunan at pagkabuo
ng kilusang sosyalista.
MARXISMO

PROLETARIAT O WORKING CLASS


-ay isang salitang panturing sa uri ng tao na
pinapasahod sa isang kapitalistang lipunan kung saan
ang tangi nilang mahalagang papel ay ang lakas o
kakayahan nila sa paggawa.
BOURGEOIS
-ay ang taong nasa gitnang antas ng lipunan na
naging makapangyarihan at maimpluwensya sa
ekonomista.
MARXISMO

Ang marxismo ay isang pandaigdigang


pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon
sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng
lipunan na gumagamit ng materyalistang
interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at
diyalektikong pananaw ng pagbabago ng
lipunan.
MARXISMO

Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-pulitikal


na pag-uusisa ang metodolohiiyang marxista na
siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng
pag-unlad ng kapitalismo at ang ginagampanan
ng tunggalian ng uri sa sistematikong
pagbabagong pang-ekonomiya.
MARXISMO

Mahalagang magkaroon ng kamalayan ang


mga mag-aaral sa mga pangyayari sa lipunan,
ang mga sanhi, at bunga ng mga pangyayari sa
kanilang bansa sa ekonomiya, ang kanilang
gampanin bilang isang mamamayan na
bumubuo sa lipunan.
TATSULOK by Bamboo

Panuto: Pakinggan ang awitin ni


Bamboo na may pamagat na
“TATSULOK”. Basahin at
analisahing mabuti ang liriko nito.
Iugnay ito sa Teoryang Marxismo ni
Karl Max. Pagkatapos masuri ay
bigyan ito ng isang talatang
repleksyon kaugnay sa nilalaman
nito. 20 PTS.
Kritikal na Diskurso sa Globalisasyon

Ang kritikal na diskurso sa globalisasyon


ay ang pagiimpluwensya at interaksyon ng
iba’t ibang organisasyon, kumpanya at
mga negosyo sa buong mundo. Ito ay
naglalayon ng pag-unlad at pagpapalago
ng ekonomiya.
Mingarine, Gerdalitz G., Dela Cruz, Julie B., Espino, Jocelyn V. (2018), Filipino sa
Iba’t Ibang Disiplina (Daluyan ng Mapanlikhang Kaisipan), Sanayang Aklat ng
Unibersidad ng Urdaneta
https://www.slideshare.net/nwied/globalisasyon-week-1-paunlarin

https://prezi.com/p/h0ecchsspoat/fildis/?frame=8da7d74da1237ada98b482b40d415
630aad11287
https://www.panitikan.com.ph/mga-diskurso-sa-nasyonalismo

MGA BABASAHIN AT SANGGUNIAN


MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!
-Sir ROGE

You might also like