Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ibigay ang katangian ng panitikan sa bawat panahon bigyan ito ng paliwanag.

1. Panahon ng Katutubong Pilipino

Ang panitikan sa Panahon ng Katutubong Pilipino ay umiral na bago pa man dumating ang mga
Kastila sa Pilipinas. Karamihan ng katangian ng panitikan noon ay pasalin-dila at may roon ring nasusulat
sa mga piraso ng kawayan , matibay na kahoy at makinis na bato. Ang mga panitikang pasalin-dila ay
gaya ng mga bulong, tugmang bayan, bugtong , epiko, salawikain at awiying bayan na anyong patula,
mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyanat mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan
bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Mahihinuha na dahil wala pang maayos na sistema ng
edukasyon at produksiyon ng mga papel kung kaya ang ating mga katutubo ay gumagamit ng mga bagay
sa paligid gaya ng bato at kahoy ung iukit ang kanilang ideya, karansan at nais ikwento gayundin namn
ang pag gamit ng bibig upang bigkasin ang makakahulugang tula at kwento. Ngunit iilan na lamang ang
mga natagpuang panitikan na naisulat at naiukit sa kahoy at bato ayon sa mga arkeologo (archeologists)
sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa
paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

2. Panahon ng Kastila

Ang katangian ng panitikan sa Panahon ng Kastila ay nahahati sa dalawa, una ay pamaksang


pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon. Dahil sa
pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa
panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang
senakulo,santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng
konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga
pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at
Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.

Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa
ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at
pagiging madamot ng mga Kastila. Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at
Feliza ni Padre Modesto de Castro.

Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 – ang Successos Felices
(Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na May 14 na pahina. Ngunit noong Agosto 8, 1811 lamang nalathala
ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior Govierno na umabot hanggang labinlimang
tomo.

Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; angDoctrina Christiana na nalimbag noong
1553 na isang panrelihiyong aklat.

Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila,


karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino
sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga
Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng
mga prayle at pamahalaang Kastila.

Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang mga
pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na
naglalayong“matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at
pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga
Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.”

Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat
upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na
makasulat.

Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng
pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na
unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas
laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino
at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.

3. Panahon ng Amerikano

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga
Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.

Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing
ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino
na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.

Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog
at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910
dahil sa mga bagong silang na manunulat.

Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal;
Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati; si Lope K. Santos na sumulat ng
obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na
tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na ‘Huseng Batute;’ at si Jose dela Cruz na may
panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang
pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng
Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at
maraming-marami pang iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong
Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at
nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.

Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang


panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil
na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng
Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga
artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting naisantabi
pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng
pelikulang-tahimik.

Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa pagsabog ng mga
bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng pagka-ignorante ng mga
Amerikano sa mga katutubong Pilipino.

Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng kanyang
dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang pelikulang
Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene. Ngunit ang pinakaunang
pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose Nepumuceno hango sa dulang panteatrong
Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan.

Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin
naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.

Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na
paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay
alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at
sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – ang Tanikalang Ginto. Inakyat ng
mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda.
Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang
Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang
paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang
pangalan ng kanyang may-bahay.

4. Panahon ng Hapon

Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong
Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang
Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa
ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan
gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang
masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.

Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng
Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng
panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.

Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo
at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento.

Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa
taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga(maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng
pantig ay 7-7-7-7)

5. Kasalukuyang Panahon

Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng
mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang
pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay
ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva
Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan
dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas.

Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for
Litetature.

Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ’80
at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at
Quintin Perez.

Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo, telebisyon at sinehan.
Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita,
Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na naging laman ng mga jukebox. Mga
lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (may-akda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka
(tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-
Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata). Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna,
Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.

Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang Filipino dahil sa trend o
pinauso na dulot ng media.

Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla muli sa OPM.
Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano, Siakol, Green Department, the
Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang
ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of the Philippines ang
Eheads dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting kinilalang
imortal sa panahong ito ay ang Huling El Bimbo, Iskin, Banal na Aso Santong Kabayo,Himala, Silvertoes,
Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda,
kinilala rin ang mga musika ni Jolina Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling
ng makabagong melo-musika ng bansa.

Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na angBatibot, Ang TV at 5 and up. At
mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda. Puspusan din ang produksyong
pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga
awit, tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Naipanganak din ang
maraming genre ng pelikula gaya ngindependent flims at cinema veritae film.

Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi
lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa
pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video
clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi
mandin.

Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang
iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng
gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan
ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga
manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa
pagtaguyod ng panitikan ng lahi.

You might also like