Halik Sa Hangin

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Buod: Halik sa Hangin

Ang Halik sa Hangin ay isang romantikong pelikula na may halong


misteryosong elemento. Ang pelikulang ito ay umiikot kay Mia na naulila sa
kaniyang ina at naninirahan sa pangalawang pamilya ng kaniyang ama. May
nahanap siyang isang gitara sa isang abandonadong bahay. Ang pangyayaring
ito'y naging tulay sa pagkilala niya sa isang lalaking bumihag sa kaniyang puso,
na nagngangalang Gio. Ang dalawa'y pawang nagmamahalan at bumuo ng mga
masasayang ala-ala.

Ngunit, sa hindi inaasahan, dumating ang araw na bigla na lamang naglaho


si Gio na parang bula. Naging desperado sa Mia na para bang nawala na siya sa
tamang pag-iisip, dahilan kung bakit nais ng kaniyang pamilya na ipa-konsulta
siya sa isang espesyalista. Itininanggi niyang siyay nababaliw kaya't ipinakita niya
sa kanila ang kaniyang mga guhit na ginawa niya habang kasa-kasama si Gio.
Subalit, imbis na hugis-tao, nakapagtatakhang nagmukha lamang kalansay ang
mga ito. Ngunit, nangingibabaw pa rin ang tatag ng loob ni Mia at ang kaniyang
paniniwalng hindi lamang ilusyon ang lahat. Pinapunta ni Mia ang kaniyang
pamilya sa lugar na kung saan palagi silang nagtatagpo. Nagulat sila nang isang
sementeryo ang kanilang nadatnan.

Sa tulong ni Alvin na kaniyang kaibigan na may lihim na pagtingin sa


kaniya, nalaman nilang isa lamang palang multo si Gio. Nais pala nitong kunin at
isama sa Mia sa kabilang buhay dahil minsan na rin siyang iniwan sa ere ng
kaniyang kasintahan noon nang silay nagplanong magpatiwakal.

May mga lagim na pinaranas si Gio kay Mia at sa kaniyang pamilya na


siyang hudyat na kukunin na niya ang dalaga. Nagtangka si Alvin na siya'y iligtas
subalit lalo lamang nagalit si Gio. Sa kawalan ng pag-asa, sumuko na lamang si
Mia kay Gio. Ngunit, napagtanto nito na mali ang kaniyang kagustuha kaya
tuluyan na lamang niyang nilubaybayan ang dalaga. Dahil ang katotohanan, hindi
kailanman magtatagpo ang mundo nilang dalawa.

You might also like