Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Modyul (Fil Ed 223) Pangalan: Dungganon, Kristine Joy D.

Programa/Taon: BSE 2B Petsa ng Pagpasa: 05/30/22


Pagsasanay Blg. 5.2

Panuto: Gamit ang Balangkas A ng Pagsusuri ng Akdang Pampanitikan, magsuri ng


isang (1) Pabula at isang (1) Parabula.

Balangkas A (Pabula)
I. Pamagat ng Akda: Ang Palakang walang utang na loob
II. May-Akda (Ilahad ang talambuhay kung mayroong nalimbag)
III. Mga Tauhan: (Bigyang Paglalarawan)
 Palaka- ang trumaidor sa ahas, hindi siya marunong tumanaw ng utang na
loob siya ang inampon ng ahas at inalagaan.
 Ahas- siya an mabait na umampon sa palaka at inalagaan niya ito ng
maayos.
IV. Buod/Lagom ng Akda: (Maikli lamang)
 Noon, ang palaka at ang ahas ay magkasama dahil ang palaka ay inampon ng
ahas noong ito ay maliit pa. Ang ahas ay mabait sa palaka. Katunayan,
pinangunguhan pa ng ahas ang palaka ng pagkain. Habang lumalaki ang palaka,
siya ay tinuruan ng ahas kung paano manguha ng ikabubuhay. Ngunit dumating
ang panahon na tumanda at humina na ang ahas. Dahil dito, hindi na siya
makakuha ng kanyang sariling pagkain. Sa umpisa, ipinangunguhan siya ng
pagkain ni palaka, ngunit sa katagalan, mga tira-tira na lang ang ibinibigay ng
palaka sa ahas. Minsan, nang wala ang palaka at nakaramdam ng matinding
gutom ang ahas at hindi rin siya makahanap ng pagkain dahil hindi siya makakita
at makarinig dala ng katandaan. Umisip siya ng paraan upang magkaroon ng
pagkain. Ang naisip ng ahas ay ikalat ang kanyang malagkit na dagta sa daan
upang kung sino man ang daraan ay madikit doon at hindi na makakaalis at
siyang magiging pagkain niya. Di-nagtagal, mayroon ngang nabitag.
Naramdaman ng ahas na may gustong kumawala. Nilapitan niya ito para kainin.
Ang hindi niya alam, dahil sa kalabuan ng kanyang mga mata at kahinaan ng
kanyang mga tenga, ang pagmamakaawa ng palaka ay hindi na niya namalayan.
Mismong ang palakang ampon niya pala ang kanyang hinapunan.
V. Pagsusuri:
a. Panahong kinabilangan
Panahon ng ika-16 na siglo
b. Sariling Puna
Ang aking sariling puna ay dapat bago namatay o kinain ang palaka dapat
naka hingi na siya ng tawad sa ahas at dapat nagsisisi na siya sa kaniyang
ginawa.
c. Gintong Kaisipan/ Balyus na nakapaloob sa Katha
Ang gintong aral o kaisipan ay pahalagahan natin ang mga taong nandiyan
sa atin, mga taong umalaga at gumabay sa atin. Dapat marunong tayong
magbigay utang na loob sa kanilang sakripisyo para sa atin.
d. Mga mungkahi (Kung mayroon upang lalong mapaganda at mapaunlad ang
katha)
Ang aking mungkahi ay dapat naging masaya silang dalawa na namuhay,
nagbago si palaka at siya naman ang umalaga.
Balangkas A (Parabula)
I. Pamagat ng Akda: Ang Don at ang pulubi
II. May-Akda (Ilahad ang talambuhay kung mayroong nalimbag)
III. Mga Tauhan: (Bigyang Paglalarawan)
Don- isang mayaman na tao at nabubuhay araw-araw sa karangyaan.
Lazarus- isang pulubi at maraming sugat sa katawan
IV. Buod/Lagom ng Akda: (Maikli lamang)
V. May isang Don na nakadamit ng kulay-ubeng de ilo na nabubuhay araw-araw sa
karangyaan. Sa kanyang tarangkahan, nakahambalang ang isang pulubi, si
Lazarus. Kumikirot ang buong katawan ni Lazarus dahil tadtad siya ng
sugat. Kumakalam din ang kanyang sikmura dahil sa sobrang gutom.
Nakatanghod siya at tumatakam sa mga pagkaing nahuhulog mula sa mesa ng
Don. Sa halip na lapitan siya ng sinuman sa mga nagsisikain para bigyan siya
ng pagkain, ang lumapit sa kanya ay mga aso para dilaan ang kanyang mga
sugat. Dumating ang panahon, namatay ang pulubi. Kinuha siya ng mga
anghel, dinala siya’t iniluklok sa tabi ni Abraham. Gayundin ang Don, namatay
at inilibing. Sa impiyerno ito napunta at pinarusahan. Napatingala ang Don
at nakita sa malayo si Abraham katabi si Lazarus. Nanawagan ito:
“Amang Abraham, maawa kayo sa akin. Papuntahin ninyo rito si Lazarus para
idawdaw ang dulo ng kanyang daliri sa tubig nang malamigan naman ang dila
ko. Hirap na hirap na ako sa apoy na ito.” “Anak, naaalala mo ba noong
nabubuhay ka pa? Tinanggap mo nang lahat ang mabubuting bagay,
samantalang lahat ng masasaklap ay napunta kay Lazarus. Kaya ngayon, sa
kanya naman dapat ang paglingap, at sa iyo, ang paghihirap. Isa pa, naging
napakalaki na ng agwat natin, kaya mahirap nang matawid mo pa ang layo mula
riyan hanggang dito, dili kaya ay matawid ninuman ito mula rito hanggang
diyan,” ang sagot ni Abraham. Nagmakaawa uli ang Don. “Maawa na kayo,
Ama, papuntahin ninyo si Lazarus sa bahay ng aking limang kapatid na lalaki.
Paalalahanan ninyo sila nang hindi sila mapasunod pa sa lugar na ito.”
Tumugong muli si Abraham. “Naroroon si Moses at ang mga Propeta, hayaan
mong makinig sila sa kanila.” “Hindi, Amang Abraham,” sabi pa ng Don. “Pag
mula sa mga namatay na ang pupunta sa kanila, tiyak magsisisi sila.
“Bueno……” talima ni Abraham sa Don, “kung ayaw nilang makinig kay Moses
at sa mga Propeta, hindi rin sila makukumbinse kahit sa kaninumang namatay
pang ibabalik.” 

VI. Pagsusuri:
a. Panahong kinabilangan
b. Sariling Puna
Wala akung mapupuna sa parabulang ito dahil maganda ang nilalaman ng
kwento.
c. Gintong Kaisipan/ Balyus na nakapaloob sa Katha
Ang gintong kaisipan ay gumawa ng kabutihan habang nabubuhay pa,
huwag hintayin ang panahon na wala ka ng magagawa o hindi mo na
maibabalik sa dati sapagka nasa huli ang pagsisisi. Maging mabuti sa kapwa
dahil ito ang tamang gawain, at tulungan ang mga taong nangangailangan at
naghihirap.
d. Mga mungkahi (Kung mayroon upang lalong mapaganda at mapaunlad ang
katha)
Wala akung maging mungkahi dahil napaka ganda ng kwento at maayos ang
pagka sunod-sunod nito. Marami ding aral ang makukuha.

You might also like