Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bohol Island State University Calape Campus

San Isidro, Calape, Bohol

Name: Antoniette Niña Yuson

Yr.& Sec.: BEEd 1

Instructor: Stanley O. Rasonabe

Pag-unawa sa Binasa

Ipaliwanag ang mga sumusunod na bahagi ng awitin:

1. Ako'y isang sirena

Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena

Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

Sagot: Sa bahaging ito Ng kanta, sinasabi na kahit anong pangungutya ang kanilang
matatanggap,hinding Hindi siya magpapatalo. Na ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili na kahit syay
bakla , sya ay ubod Ng kagandahan. Sa tingin ko, Hindi lang gandang panlabas ang kanyang ibig sabihin
sa kagandahan, kundi pati narin gandang panloob. Gaya ng kagandahang asal. Ipinapaliwanag sa
bahaging ito Ng kanta na sa kanila ng kanyang kasarian na Hindi tanggap Ng iba, sya ay mananataling
matatag.

2. Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik Drum na may tubig ang
sinisisid

Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

Sagot: Sa bahaging ito ng kanta naman ay nagsasaad Ng kanyang mga naranasan sa kanila ng kanyang
pagiging bakla o sirena kung tawagin. Sya ay nakakaranas ng pagsisid sa drum na may tubig. Sa drum na
punong-puno Ng tubig ay dun sya idinidikdik Ng mga naglalakihang braso. Wala syang kalaban laban
sapagkat sa mga naglalakihang braso ba Naman ng nagpaparusa sa kanya at syay isang sirena na mahina
ang katawan. Marahil Rin na tayo ay bibilib dahil sa kanyang galing sa patagalan Ng paghinga sa ilalaim
Ng tubig. Nakakamangha nga naman ang kanyang tatag at tibay Ng loob sa pagtanggap Ng ganung
karanasan.
3. Ano sa palagay mo ang naging inspirasyon o nagtulak sa manunulat upang gawin ang awiting Sirena?

Sagot: Sa palagay ko ang naging inspirasyon Ng manunulat na gawin ang awiting sirena ay dahil sa
kanyang mga nakikita at naririnig sa kanyang komunidad patungkol sa pagdami Ng mga bakla sa
sosyedad. Naging inspirasyon niya yung mga nakikita nya na nararanasan Ng mga bakla mula sa pang
aalipusta sa kanila ng kapwa dahil lang hindi sila tanggap sa lipunan. Marahil ninais ng manunulat na
iparating sa mga nakikinig ng kanyang kanta na kahit ganyan lang sila, isang bakla pero tao Rin sila.
Nangangailangan din sila Ng respeto sa kapwa at pagtanggap sa kanila. Sapagkat hindi Rin Naman nila
kasalanan na naging ganyan sila.

4. Magtukoy ng pangyayaring totoong nangyari sa lipunan na maiuugnay mo sa akda. Banggitin ang


pamagat ng awit at ipaliwanag ang pagkakaugnay nito sa awitin ni Gloc 9.

Sagot: Kung pagtukoy lang naman, marami akong maiiugnay subalit magbigay nalang ako Ng iisa.
Maiiugnay ko Ang pangyayari Ng aking kapitbahay. Sila rin ay may anak na isang bakla at sa una hindi
nila ito tanggap. Ito ay dahil sya ang kanilang panganay. Kung tutuusin maganda na lalaki ang kanilang
panganay dahil yun Naman ang kadalasan dahil ito ang pumapangalawa sa haligi Ng tahanan.
Nahihirapan sila sa una, lalong lalo na Ang kanilang ama dahil pangarap nya yun. Na magkaroon ng
lalaking anak pero Yun nga pusong babae ang lumabas. Sa una pinaparusahan nila ang kanilang anak
hanggang sa napagod na Rin sila sa pagpaparusa dahil naiiyak Rin sila pag nakikita nila ang kanilang anak
na nahihirapan. Kaya hanggang sa nagbinata ang kanilang anak tinanggap nalang nila dahil wala narin
naman silang magagawa. Ayun, did nagtagal nakapagtapos ang kanilang anak at tinulungan sila sa buhay
dahil nakahanap ito Ng magandang trabaho. Kagaya ng awitin ni Gloc-9 na pinamagatang 'Sirena' sya rin
ay nakakaranas ng matinding pagsubok sa buhay kanilang na Ang hindi pagtanggap ng lipunan sa kanya
lalong lalo na Ang kanyang pamilya. Yun ang nagpapahirap sa kanilang buhay pero nalampasan din nila
yun sa huli at naging matagumpay sa buhay dahil sa kanilang pagiging matatag.

Mungkahing Gawain: Pag-isipan Mo!

Sumulat ng repleksyong papel hinggil sa awitin ni Gloc 9. Gamiting gabay ang sumusunod.

Isulat ang repleksyon nang patalata.

Ang bawat talata ay may hindi bababa sa tatlong pangungusap at hindi lalabis sa anim na mga
pangungusap.

Ang buong sulatin ay may tatlong talata lamang.

Repleksyong Papel:
Hindi ko sinasadyang maparingan ang kantang ito. Pinatugtog lamang ng batang hindi mo aakalain
na maiintindihan ang kantang ito sa youtube . Pinarinig nya sa akin. Pinaringgan ko naman. Sinabi din
nya na, "ang ganda nitong kanta na to. Pero bakit sirena? " Madami syang sinabi mga sampong sako.
Hindi ko na matandaan kung ano ang mga laman nito. Hindi ko sinagot dahil hindi ko rin alam kung bakit
sirena ang hinahalimbawa nila sa Third Sex na kontrobersyal ngayon.

Ginawa nila itong kantang ito upang buksan ang mga mata ukol sa mga third sex na maiinit na
iniintriga ngayon. Sinasabi nila na lalaki at babae lamang ang ginawa ng Diyos kaya't hindi tanggap ng
karamihan ang mga taong nabibilang dito. Kung hindi matanggap, respeto na lang ang kailangan.

Minsan kung sino pa ang Sirenang sinasabi nila ay mas lalaki pa sa tunay na lalaki, ang mas
maaabelidad, responsable sa ibang bagay at nagbibigay kasiyahan sa nakararami na hindi man lang
kinokonsider nang marami upang irespeto at igalang ang mga taong ito. Kailangan din nating respituhin
ang mga bagay na nakatatak sa isip natin ay mali. Kailangan lang natin buksan ang ating mata at
palawakin ang pag-iisip upang respituhin din tayo na sinasabi nilang salot sa lipunan.

You might also like