Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

DAILY LESSON PLAN PAARALAN ANGEL VILLARICA CENTRAL BAITANG ANIM

ELEMENTARY SCHOOL
GURO DHAREL B. LEYSON Quarter 4
ASIGNATURA FILIPINO PETSA 03/30/2022

Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng


teksto at napapalawak ang talasalitaan

Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng patalastas

Kasanayang Pampagkatuto: Nakagagawa ng patalatas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi
ng pananalita (F6WG-IVb-i-10)

I. LAYUNIN
Kaalaman: Natutukoy ang mga salitang-ugat at panlapi na ginamit sa salita
Pandamdamin: Napapahalagahan ang paggamit ng mga bagong salita sa pang-araw-
araw na buhay
Saykomotor: Nakabubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng salitang-
ugat at panlapi.

II. PAKSANG NILALAMAN


A. PAKSA: Panlapi at Salitang-ugat
B. SANGGUNIAN: Filipino CG, MELCs, F6PT-IIIj-15
C. KAGAMITAN: PowerPoint Presentation

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtetsek ng liban at hindi liban
d. Paglalahad ng layunin
Ilahad ang mga layunin.
f. Balik aral
Natandaan niyo pa ba ang aralin na tinalakay noong nakaraang lingo?
Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng pangatnig at
pang-angkop na salita.
g. Pagganyak
Mahilig ba magkuwento ang inyong nanay at tatay sa inyo? Maari bang
ibahagi kung tungkol saan ito?

Ngayon naman ay may babasahin tayong kuwento. Pansinin ang mga salitang
nakahilig.
Ang Matanda sa Dyip

Mahilig magkuwento ang nanay ko pero ang pinakapaborito ko ay ang


kuwento niyang nangyari noong ipinagbubuntis pa lang niya ako. Pauwi
raw siya galing sa trabaho. Nakapila siya sa sakayan ng dyip. Mahaba ang
pila at dahil sa buntis ay ramdam na niya ang pananakit ng kaniyang mga
paa at binti.

Kakaunting dyip ang dumarating kaya medyo matagal ang paghihintay ng


mga pasahero sa pila. Nagtiyaga lang ang nanay at hindi nagtagal ay
malapit na rin siya sa dulo ng pila. Pero may napansin siya. Ang pangalawa
sa unahan niya ay sumakay pero bumaba rin agad. Sumunod namang
umakyat ang kasunod niya pero tulad ng nauna’y nagmamadali rin itong
bumaba.

Nanay ko na ang susunod. Kahit hindi niyaalam kungano ang iniiwasan ng


mga naunang taong sumakay ay umakyat pa rin siya sa dyip. Iisa na lang
pala ang natitirang lugar sa loob at iyo y malapit sa dulo, sa tabi ng isang
matandang babaeng maraming galis sa katawan. Nakatingin daw ang
ibang tao sa nanay ko at tila ba naghihintay na tulad ng dalawang naunang
pasahero ay bumababa rin agad-agad.

Subalit hindi ang nanay ko. “Lola, patabi po, ha,” ang sabi niya sa matanda
sabay upo sa tabi ng matandang galisin. Nagkatinginan daw ang iba pang
pasahero. Hindi nila akalaing tatabi ang nanay ko sa matandang
pinandirihan ng mga pasahero na naunang sumakay.

Naiyak ang matanda sa ginawa ng nanay ko. “Salamat, anak, at hindi ka


nandiri sa akin. Huwag kang mag-alala, eczema ang sakit ko at hindi ito
nakakahawa,” ang sabi niya sa nanay. Napangiti lang ang nanay.

Nay, bakit po hindi kayo nandiri sa matanda?” tanong ko sa nanay noong


una kong narinig ang kuwentong ito mula sa kaniya. “Tao rin siya, anak. At
hindi naman niya gustong magkaroon ng ganoong uri ng sakit, hindi ba?
Masakit at mahapdi ang mga sugat niya pero mas masakit na
pinandidirihan siya ng iba,” paliwanag ng nanay.

Karaniwang tao lang ang nanay pero bayani siya para sa akin. Paano ba
namay champion ang nanay ko ng mga naaapi.

Pag-unawa sa binasa. Sagutin ang mga tanong.


1. Saan at kailan nangyari ang kuwento ni Nanay?

2. Bakit agad bumaba ang unang dalawang pasaherong sinundan ng


nanay sa pila?

3. Bakit hindi bumaba ng dyip ang nanay at mas piniling maupo sa tabi ng
galising matanda?

4. Ano ang ipinaramdam ng inay sa matanda dahil sa ginawa niyang ito?

5. Anong katangian ang ipinakita ng nanay? Anong bagay ang nagawa


niya kaya itinuring siyang bayani ng kaniyang anak? Ipaliwanag.

B. PANLINANG NA GAWAIN
a. Paglalahad
Italakay sa mga mag-aaral.

Pansinin ang mga salitang nakahilig sa loob ng kahon. Alam mo ba ang


salitang-ugat ng mga ito?
A B C D

Mahilig dumarating sakayan iniiwasan

magkuwento sumakay galisin nagkatinginan

pinakapaborito bumaba tumbasan pinandirihan

pauwi ginawa sukatin pinagtiyagaan

nakapila pinuri unahan kinuwentuhan

mahaba kinuha aralin tinabihan

matagal gumastos puntahan sinukatan

paghihintay iwasan sinang-ayunan

nagtiyaga
napansin

nagtagal

ikuha

 Saan makikita ang dagdag na mga salita o kataga sa bawat hanay?


 Ano naman ang tawag sa orihinal na salitang payak at simple?
 Ano naman ang tawag sa kataga o pantig naidinagdag sa isang salita
upang makabuo ng panibagong salita?

Mapapahaba at makabubuo ka ng mga bagong salita gamit ang salitang-ugat


at mga panlapi.

*SALITANG-UGAT *

Salitang-Ugat – ay ang punong salita na walang kahit anong dagdag na titik,


kataga, o pantig. Samakatuwid ito ay salitang buo ang kilos.

Halimbawa:

Takbo, bango, luto, sayaw, awit, bigat, bilis, hayag, tinig, kaway

Mabilis ang takbo ng bata.

Ang bango ng bulaklak sa hardin.

Ngayon naman ay ating pag-aralan ang uri ng mga Panlapi.

*PANLAPI *

Panlapi- ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa unahan, gitna, o hulihan ng


salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.

Uri ng Paglalapi:

Unlapi- ito ay panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat. Ang madalas


na ginagamit na mga unlapi ay ma -, mag -, na -, nag -, pag -, pala -, atbp.

Halimbawa:

Magtanim = mag+tanim Nahulog= na+hulog

Mahusay = ma+husay Palabiro= pala+biro

Mabigat = ma+bigat Naglakad= nag+lakad

Makatao= maka+tao

Gitlapi- ito ay panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat. Ang madalas


ginagamit na mga gitlapi ay -um- at -in -.

Halimbawa:
Pinasok = pasok+in Tumahol= tahol+um

Ginawa = gawa+in Tumakbo= takbo+um

Gumamit = gamit+um Sumayaw= sayaw+um

Hulapi- ito ay panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat. Ang


karaniwang ginagamit ay -an, - han, - in, - hin.

Halimbawa:

Payuhan= payo+han kainin= kain+in

kumutan = kumot+an sabihin=sabi+hin

Kabilaan- kapag dalawang panlapi ang idinaragdag sa salitangugat, ang uri


ng panlaping ito ay tinatawag na kabilaan.

Halimbawa:

Kalayaan= ka+laya+an

magmahalan= mag+mahal+an

talaarawan=tala+araw+an

palabaybayan= pala+baybay+an

b. Gawain
Gawin Natin
Gawain
Panuto: Buohin ang salita sa pamamagitan ng pagsasama ng salitangugat at panlapi.

1. Sama+ ka= kasama

2. Tayo+um= ______

3. Ilaw+an = ______

4. Sakay+um = _____

5. Sigla+pa+hin = _____

6. Laban+ um = ______

7. Bagoong +in+an = _____

8. Sariwa+in= ______

9. Balita+in+an = ______

10. Daloy+an = ______


C. PAGSUSURI
Balikan ang Gawain.
Ano ang masabi niyo sa ating gawain?
Saan karaniwang nakalagay ang panlaping ginamit?

D. ABSTRAKSIYON
Ibigay ang kahulugan ng panlapi at salitang-ugat.
Ano-ano ang mga uri ng panlapi?

Bakit mahalaga na matutunan natin ang panlapi at salitang-ugat?

E. APLIKASYON
Sanayin Natin
Panuto: Tukuyin ang panlaping ginamit sa bawat salitang may

Salungguhit. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. Naging mainitin ang ulo ng nanay sa kaniyang bunsong anak.

a.ma;in b. in;tin c. ma;tin d. in;in

2. Hinahangaan ng mga turista ang kalinisan sa Lungsod ng Davao.

a.ka;in b. li;in c. ka;an d. ka;nis

3. Nasarapan ang mga bisita sa handa ng nanay.

a.na;sa b. nasa;an c. na;an d. sa;an

4. Masaya ang pagdaraos ng Pasko sa Lungsod ngDavao.

a.ma b. sa c. mas d. ya

5. Binigyan nina Shiela ng regalo ang kaibigan nila bago ito umuwi ng Digos.

a.mu b. wi c. uw d. um

Tandaan
Ang salitang-ugat ay isang salita na payak lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at
walang katambal na ibang salita. Ito ay isang salita na walang dagdag, samakatuwid, ito ay
salitang buo ang kilos.

Ang panlapi ay kataga o pantig na idinaragdag sa unahan, gitna, hulihan at kabilaan ng


mga salitang-ugat upang makabuo ng isang panibagong salita.

Mga uri ng paglalapi: Unlapi, Gitlapi, Hulapi, at Kabilaan


Tandaan ang hin at han ay hinuhulapi lamang sa mga salitang nagtatapos sa patinig.
Samantalang ang -in at an ay hinuhulapi sa mga salitang nagtatapos sa katinig at sa impit
na tunog na itinuturing din na isang ponemang katinig.

IV. EBALWASYON
Panuto:

A: Isulat ang SU kung salitang-ugat at M kung maylapi ang sumusunod na salita.

1. Aklat 6. naglaro

2. Bahay 7. limasin

3. Naubos 8. Pasko

4. Guro 9. taniman

5. Ubusin 10. bukas

B. Panuto: Tukuyin ang paglalaping ginamit sa bawat salitang may salungguhit kung unlapi,
gitlapi, hulapi, o kabilaan.

1. Masayang nagsayawan ang magkakaibigan.

2. Bumili ng bagong sapatos ang ate.

3. Nagmamadaling umuwi ang mga tao sa parke.

4. Nilapitan ng mga bata ang babaeng pulubi sa may simbahan.

5. Inihawak ng mahigpit ang kamay ng bata sa pagtawid.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Punan ng angkop na panlapi ang mga salitang-ugat upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

(unlapi) 1. (hulog) ____ ang aking lapis sa ilalim ng mesa.

(hulapi) 2. Sabay-sabay natin (awit) ____ ang Lupang Hinirang.

(hulapi) 3. (Suklay) ____ mo ng mabuti ang buhok mo.

(gitlapi) 4. (Kagat) ____ ako ng pulang langgam sa aking braso.

(kabilaan) 5. (Sagot) ____ ko ang lahat ng mga tanong sa pagsusulit.

(unlapi) 6. (Luto) ____ kaming masarap na hapunan.

(kabilaan) 7. Mahilig kumain ng prutas ang mga (bata) ____.

(gitlapi) 8. (Bilang) ____ ng guro ang mga sasali sa palaro.


(unlapi) 9. Si Adrianne ang (dala) ____ ng baong kanin.

(kabilaan) 10. Maagang (bukas) ____ ng regalo ang mga anak ni Mang
Cardo.

Prepared by:

_DHAREL B. LEYSON_
TEACHER I
Checked by: NORMA E. ATIS
MASTER TEACHER II

Noted by:

LANI L. TORCULAS, ED.D


PRINCIPAL II

You might also like