Q3 Fil9 Worksheets Week1-2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

IKATLONG MARKAHAN: FILIPINO 9 WORKSHEET / WEEKS 1-2

Pangalan___________________________________________ Guro: Bb.FATIMA G. SALMINGO/ Gng. ROSALIE D. RAZONABLE


Antas at Seksyon:_____________________

ARALIN 1:
PANITIKAN: Parabula o Talinghaga | Wika at Gramatika: Pagpapakahulugang Metaporikal

INTRODUCTION/PANIMULA

ALAMIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang (a) nagagamit nang wasto sa pangungusap ang
matatalinghagang pahayag; (b) napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay
sa kasalukuyan at (c) naisusulat ang sariling parabula tungkol sa isang pagpapahalagang kultural sa Kanlurang Asya.

Marahil ay nakabasa ka na ng iba’t ibang halimbawa ng parabula. Ito ay isang anyo ng panitikang maihahalintulad din sa iba
pang anyo ng panitikan tulad ng maikling kuwento, pabula, at iba pa. Naglalaman din ang parabula ng matatalinghagang salita o
pahayag. Sa pagtalakay mo sa aralin, magagamit mo ang paraan ng pagbibigaykahulugan sa matatalinghagang salitang tinatawag na
metaporikal na pagpapakahulugan.

SUBUKIN
Bilang paghahanda sa ating aralin, subukin natin ang inyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Tukuyin ang mga
pahayag sa ibaba.

Pagsasanay 1: (5 puntos)
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego A. Allah B. Hesus C. Zeus


na________. ______4. Ang parabula ay isinalaysay sa paraang _________.
A. pabula B. Proverbs C. parabole D. Psalm A. matalinghaga B. patula C. pakuwento
______2. Dito kadalasang mababasa ang mga parabula. ______ 5. Nililinang ng parabula ang ___________na aspeto
A. Banal na Aklat B. Quran C. magasin ng ating pagkatao.
______3. Ang parabula ay pangyayaring isinalaysay noong A. asal at ugali B. Ispiritwal at moral
panahon ni _____. C. sikolohikal at mental D. lahat ng nabanggit

DEVELOPMENT/PAGPAPAUNLAD
TUKLASIN
Gusto mo pa bang mapalawak ang iyong kaalaman? Basahin nang mabuti ang lektura sa ibaba upang malinang ang inyong
kaalaman sa ating aralin. Tingnan ang mga larawan sa ibaba.

Tama ang iyong sagot kung binanggit mo ang mga pangalan nina Eba at Adan, ang sinasabing unang babae at lalaking nilalang ng
Dakilang Lumikha. Nariyan din sina David at Goliath, ang kuwento nila ay nagpapatunay na hindi dapat maliitin ang kakayahan ng
kapwa batay sa pisikal na anyo. Sigurado akong kilala mo rin si Noah na ipinakilala ang lubos na pananalig niya sa Diyos sa
pamamagitan ng paggawa ng isang arko na magliligtas sa kanila sa delubyo. Ang mga nabanggit ay pawang mga karakter sa mga
tunay na salaysay mula sa Unang Tipan ng Bibliya.
Ano ang Parabula? Ang parabula ay isa ring anyo ng panitikan gaya ng maikling kuwento, pabula at iba pa. Ito ay makatotohanang
pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay
1
mga tao. Ang mga aral na mapupulot dito ay magsisilbing patnubay sa marangal nilang pamumuhay. Ang mga mensahe ng parabula
ay isinusulat sa matatalinghagang pahayag. Ang parabula ay maaaring iugnay sa karanasan at pangyayari sa buhay ng tao o sa
paligid.
Ang parabula ay naglalaman ng mga aral ni Hesus, na nakapaloob sa matatalinghagang pahayag. Ang parabula ay nagmula
sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay na maaaring tao, hayop, lugar o pangyayari para paghambingin. Ito
ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na
mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa
patalinghagang pahayag. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang
ating moral at espirituwal na pagkatao.
Tinatawag ding talinghaga ang parabula. Ayon sa Diksyonaryong Sentinyal ng Wikang Filipino ang talinghaga ay
“parirala, pangungusap o isang salaysay na may malalim o hindi tuwirang kahulugan na kailangang pag-isipang mabuti upang
maunawaan. Sa kahulugang ito maaaring ibilang sa talinghaga ang tayutay, idyoma at parabula. Ang lahat ng ito ay may kahulugang
iba sa kahulugang literal.
Narito ang mga halimbawa ng mga parabula na mababasa sa Ikalawang Tipan ng Bibliya:
1. Alibughang Anak ( Lukas 15: 11-32 ) 4. Parabula ng Nawawalang Tupa ( Lukas 15: 1-7 )
2. Parabula ng Sampung Dalaga ( Lukas 15:11-32 ) 5. Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin ( Mateo 25: 14-30
3. Ang Mabuting Samaritano ( Lukas 10: 25-37 )

SURIIN
Ano ang Matalinghagang Pahayag?
Ang matalinghagang pahayag ay isang mahalagang sangkap ng panitikang Pilipino. Ito ay anyo ng wikang may malalim na
mga kahulugan o ‘di kaya’y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay
ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simile at iba pang uri ng mabubulaklak at nakalilitong mga salita. Alamin mo
naman kung ano ang tawag sa pagpapakahulugan ng matatalinghagang salita? Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-
kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap. Ito ay mas
malalim na pagpapakahulugan.

Mga Halimbawa:
1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal) Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. bola - pagbibiro (metaporikal) Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.

2. a. pawis - lumalabas na tubig sa katawan (literal) Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi ka mapasma.
b. pawis - pinaghirapang gawin (metaporikal) Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa tuition fee mo

ENGAGEMENT/PAGPAPALIHAN

LINANGIN
Sa bahaging ito ay basahin natin ang isa sa mga halimbawang parabula na mula sa Bibliya. Pinamagatan itong “Ang
Talinghaga sa May-ari ng Ubasan”. Unawain nang mabuti ang nilalaman ng parabula upang masagutan ang mga susunod na gawain.
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa
kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya
sa kaniyang ubasan.
Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya
sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga sila.
Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang
mag-ikalima nang hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, Bakit tatayu-
tayo lang kayo rito sa buong maghapon?” Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya,” Kung
gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.” Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang
katiwala, “Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.”

2
Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala
nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga
nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, "Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Sumagot
ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak?
Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?
Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa
iba?” Ayon kay Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli”

PAGYAMANIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: (6 puntos)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan mula sa nabasang halimbawa ng parabula. Isulat ang sagot sa inyong sagutang
papel.
1. Sino ang nagsasalita sa kwento?
2. Ano ang mensahe at aral nan ais iparating binasang parabula?
3. Ano ang ibig sabihin ni Hesus sa sinabi niyang “ Ang nauuna ay nahuhuli, at ang nahuhuli ay nauuna”?

ISAGAWA
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: #Ugnayan sa Buhay (6 puntos)
Panuto: Magbigay ng ilang pangyayari sa binasang parabula at patunayang ito ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan. KOPYAHIN ang tsart sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang papel at idikit ito sa worksheet.

Pangyayari sa Akda Sitwasyon sa Tunay na Buhay


1. 1.
2. 2.
3. 3.

IANGKOP
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kahulugan ay Ibigay. (8 puntos)
Panuto: Ibigay ang metaporikal na kahulugan ng mga matalinghagang salitang hango sa parabula at gamitin ito nang wasto sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. oras
a. Metaporikal na kahulugan: _________________________________________
b. Pangungusap: _____________________________________________________________________
2. manggagawa
a. Metaporikal na kahulugan: _________________________________________
b. Pangungusap: _____________________________________________________________________
3. salaping pilak
a. Metaporikal na kahulugan: _________________________________________
b. Pangungusap: _____________________________________________________________________
4. ubasan
a. Metaporikal na kahulugan: _________________________________________
b. Pangungusap: ____________________________________________________________________

ASSIMILATION/PAGLALAPAT

ISAGAWA (Performance Task)


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: (30 puntos)
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nagsasalaysay ng mga pangyayari ng inyong sariling karanasa sa buhay na maaaring
kapupulutan ng aral ng mga mambabasa. Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng metaporikal na pagpapakahulugan at
salungguhitan ito. Gawiin ito sa inyong sagutang papel. Sundin ang rubriks sa ibaba.
Tandaan: 2 talata lamang

3
ARALIN 2:
PANITIKAN: ELEHIYA | Wika at Gramatika: Pang-Uri na nagpapasidhi ng Damdamin

INTRODUCTION/PANIMULA
ALAMIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang (a) nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa: - Tema -
Mga tauhan - Tagpuan - Mga mahihiwa-tigang kaugalian o tradisyon - Wikang ginamit - Pahiwatig o simbolo - Damdamin; (b)
Nakasusulat ng sariling elehiya para sa isang mahal sa buhay; at (c) Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng
damdamin.
Ang panibagong aralin na ating tatalakayin ngayon ay isa sa mga maituturing na madamdaming akdang pampanitikan. Halika
kayo at ating lakbayin ang mundo ng elehiya!

SUBUKIN
Bilang paghahanda sa ating aralin, subukin natin ang inyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Tukuyin ang mga pahayag sa ibaba.
Karagdagang Gawain 1: (5 puntos)
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

_______1. Ito ay akdang pampanitikang naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguning nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa
alaala ng isang mahal sa buhay.
A. elehiya B. parabula C. pabula D. sanaysay
_______2. Ito ang elemento ng elehiyang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o mga nakasanayang lumutang sa pagbuo nito.
A. damdamin B. simbolo C. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit
_______3. Ito ang dalawang antas ng wikang ginagamit sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan partikular na ang elehiya.
A. patinig at katinig B. tiyak at ‘di tiyak C. pamaraan at panlunan D. pormal at ‘di pormal
_______4. Ito ay mga elemento ng elehiya maliban sa isa.
A. damdamin B. tema C. kabanata D. wikang ginamit
_______5. Ito ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang nakapaloob sa akda.
A. damdamin B. simbolo C. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

ISAGAWA
Ang buhay ng tao ay parang isang mahabang paglalakbay. Maraming nasa at sana, mga tanong na paano at bakit na ibig nating
mabigyan ng mga kasagutan. Marapat na bigyan natin ng pagpapahalaga ang buhay ng bawat isa lalo’t higit ang mga minamahal .
(Sagutan ang Gawain sa Pagkatuto 1, sumangguni sa inyong Learners’ Packet”)

DEVELOPMENT/PAGPAPAUNLAD

SURIIN
Ang isinagawang Gawain sa Pagkatuto 1 ay mayroong kinalaman sa ating paksang tatalakayin. Ito ay ang elehiya. Ngunit bago tayo
tumungo sa ating akdang babasahin ay atin munang bigyang pansin ang kahulugan at mga elemento nito.

Ano ang elehiya?


• Ito ay isang tulang liriko na tumatalakay sa paglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguning nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa
alaala ng isang mahal sa buhay.
• Sa elehiya, binibigyang-halaga ang mga nagawa ng mga namayapang mahal sa buhay.

Mga Elemento ng Elehiya


1. Tema - Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan ito ay kongkretong kaisipan o batay sa karanasan.
2. Tauhan - Tauhang pinapaksa na nakapaloob sa elehiya.
3. Tagpuan - Lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang elehiya.
4. Kaugalian o Tradisyon - Mga paniniwala, gawi o mga nakasanayan na lumutang sa elehiya.
5. Damdamin - Pagpapahayag ng saloobin o emosyon ng manunulat sa akda.
6. Simbolo – Ginagamit upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang nakapaloob sa akda.
7. Wikang Ginamit – Paggamit ng mga salita sa elehiya batay sa dalawang antas:
a. Pormal – Ito ang wikang istandard na kinikilala at tinatanggap ng mga nakapag-aral ng wika.
b. ‘Di Pormal – Wikang kadalasang ginagamit sa pang-arawaraw na pakikipagtalastasan.

4
TUKLASIN
Pagkatapos pag-aralan ang Elehiya at mga element nito, basahin ang halimbawang elehiya na pinamagatang “Dambana” ni Liberty A.
Lotarte.

Dambana
Ni: Liberty A. Lotarte

I. sa kawalan may Sa paanan ng mga gusali


Sa isang buhay alingawngaw Sa kamaynilaan
Sa isang baryo sa Mindoro, na nagmamakaawa VI.
ang iyong buhay IV. Ito ang mapagkumbaba
ay hindi na isang palabas. Sa kalsada itinanghal mo mong dambana
II. ang buhay nilalagpasan, hindi nakikita
Lahat ay totoo ng manggagawa at magsasaka VII.
Kaluskos ng papalapit at sa paulit-ulit na martsa Sa ganito, mananatili ka
na kung sino, lumitaw ang bago mong kulay Sa mundo, sapagkat, kailanman
baril na ikinasa V. Hindi mo itinanghal
III. Sa bawat paglabas Ang iyong kamatayan
Mga punglong mabilis iniiwan mo
na kumakawala Ang anino ng iyong itinanghal

ISAGAWA
Pagkatapos basahin ang elehiyang “Dambana” sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
(Sagutan ang Gawain sa Pagkatuto 3, sumangguni sa inyong Learners’ Packet”)

ENAGAGEMENT/PAGPAPALIHAN

LINANGIN
Sa bahaging ito ay basahin natin ang isa sa mga halimbawang elehiya, pinamagatan itong “Kinalimutang Bayani”. Unawain nang mabuti
ang nilalaman ng elehiya upang masagutan ang mga susunod na gawain.

Kinalimutang Bayani
ni Kaye La Torre

Tila isang kisap-mata,


Saglit. Na animo’y nakayapak Pag-asa’y mas iigting sa paparating na
Mabilis. Lang sa giyera na parak paglaya
Pabigla. Dahil ang magmahal ay pagtanggap
Ni walang bahid ng pagdududa, Sa libong basyo ng bala ng pagkukulang Panghawakan mo,
O kahit konting pangamba Ngunit sa bisig ay tanging paglingap At sa puso ay ukitin,
Ang ibibigay sa sinta mong hinirang Na sa bawat pagkatalo,
Na tumalon Pagibig ay nagwawagi rin.
Kahit di saluhin, At kahit na ihipin ang lampara
kahit nasa dulo ng bangin, Ng paparating na umaga -Labintatlong taon ng kawalang hustisya
kahit mata’y nakapiring Kumutan man ng dilim pero taas kamao pa ring ipagpapatuloy
Ang uniberso’t mga tala ang iyong legasya. Buhay pa rin ang
Dahil ang pagibig sa bayan ay di Tuldukan man ang buhay na regalo ni alaala mo sa nag-aalab kong puso, Tito
nasisindak Bathala Dong. Para sa bayan, sa masang api’t
At mananatiling payak maralita, palagi’t palagi

PAGYAMANIN
Pagkatapos mabasa ang elehiyang pinamagatang “Kinalimutang Bayani” pagyamanin natin ang inyong pag-unawa sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain.
(Sagutan ang Gawain sa Pagkatuto 4 at 5, sumangguni sa inyong Learners’ Packet”)

5
Karagdagang Gawain Bilang 2: #Ugnayan sa Buhay (5 puntos)
Panuto: Basahin at unawain ang mga piling taludtod sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya.” Suriin kung anong elemento ng elehiya
ang ipinahahayag nito, makikita ito sa inyong worksheet. Isulat ang inyong sagot sa ibaba.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya Elemento


1. “Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita, ang masayang panahon ng pangarap”. 1.
2. “Mula sa maraming taon ng paghihirap sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral” 2.
3. “Walang katapusang pagdarasal Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang sa kaniyang 3.
kinahinatnan”
4. “Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at larawan, aklat, talaarawan, at iba pa.” 4.
5. “Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, Ang bukid ay nadaanan ng unos Malungkot na lumisan ang 5.
tag-araw”

IANGKOP
Basahin at unawain nang mabuti ang lektura sa ibaba.
Pagsasanib ng Gramatika/Retorika: Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin

Alam mo ba na……
Sa pagpapahayag ng kaisipan o damdamin, nais bigyan-diin o pangibabawin ang mga pang-uri upang higit na maipahayag ang kaisipan
o bagay nan ais maiparating.
Mga Paraan upang maipahayag ang masidhing damdamin.

1. Pag-uulit ng pang-uri bumibisita sa ating bansa.


Hal. Mainit na mainit ang damdamin ng mga nagtatalo 3. Pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa – ginagamitan ng
kanina mga panlaping: Magpaka-
Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino Halimbawa. Magpakasipag ka sa pagtatrabaho.
kapag binibigkas ang sariling wika. Magpakahusay ka sa iyong napiling kurso

2. Paggamit ng mga panlapi - Ginagamitan ito ng mga 4. Paggamit ng mga pangungusap na walang paksa
panlaping: Napaka- , pagka- , pinaka- , ubod/ubod ng- , Halimbawa: Sugod!
lubhang- at marami pang iba. Kay Hirap ng Buhay!
Ang tapang!
Halimbawa. Napakaganda ng Wikang Filipino. Grabe!
Pagkasaya-saya ng mga dayuhan na

ASSIMILATION/PAGLALAPAT

ISAISIP
Karagdagang Gawain Bilang 3:
Panuto: Mula sa napag-aralang “Mga Pang-Uring nagpapasidhi ng Damdamin, bumuo ng limang pagungusap, gamit ang mga halimbawang
nakalahad. Isulat ang inyong sagot sa ibaba.
1. _____________________________________________________________
2. _____________________________________________________________
3. _____________________________________________________________
4. _____________________________________________________________
5. _____________________________________________________________

ISAGAWA: Performance Task


(Sagutan ang Gawain sa Pagkatuto 6, sumangguni sa inyong Learners’ Packet”)

Sanggunian:
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig: Filipino-Ikasiyam na Baitang Ikatlong Markahan Modyul 1 Unang edisyon; Raboy, Zianessa
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan; FILIPINO 9: IKATLONG MARKAHAN Modyul 1; Salvador, Kenneth C.
Pictures: Google Images
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-mga-panguring-nagpapasidhi-ng-damdamin
https://palawandailynews.com/feature/elehiya-para-sa-kinalimutang-bayani/
https://www.youtube.com/watch?v=2BzGo8ko5Ww
6

You might also like