Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

FILIPINO 4

IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT

MELC ITEM PLACEMENT


Nasasagot ang Tanong sa Binasang Iskrip ng 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11,12
Radyo Broadcasting at Teleradyo (F4PB – IVg-j-101)

Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa 13,14,15,16,17,18,19,20,21,22,23,24,25


pakikipagdebate tungkol sa isang isyu.
Bacnotan District
IKA-APAT NA MARKAHAN
IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO IV
Week 7 and 8
PANGALAN:________________________________________ PETSA:______________
PIRMA NG MAGULANG:______________________________ PUNTOS:____________

A. Basahin ang dula at pagkatapos sagutin ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

ISKRIP NG DULA
"Ang Masayang Pamilya "
Ni:Diane Anunciado
Pangunahing tauhan
*Vena
*Rey
Ibang tauhan:
*Alisa-nurse
*Yap-doktor

EKSENA I
Sa bayan ng San Isidro may mag-asawang nakatira doon na sina Vena at Rey .Lahat ng mga
pangarap nila ay doon na nila tutuparin. Gusto ng mag-asawa na magkaroon ng isang masayang at
kompletong pamilya .Sila ay namuhay ng tahimik at masayang pamilya .Kahit na anong problema ay kaya
nilang malagpasan na magkakasama .Napag-usapan ng mag-asawa ang mga plano nila para sa bubuohin
nilang pamilya at sa kanilang pag-uusap….
(Sa bahay )

Vena: Alam mo Pang ,kailan kaya tayo biyayaan ng anak no? Matagal-tagal na rin na wala pa tayong
anak .(malungkot ang mukha)
Rey: Ako din, Mang para maramdaman naman natin yong pakiramdam na mayroong isang anak.
Vena:Pang! kapag magka-anak ba tayo hindi ka ba magbabago?Mamamahalin mo pa ba ako,gaya ngayon?
Rey: Kahit na ano man ang mangyari Mang hindi kita iiwan kahit na hindi man tayo magka-anak hindi
magbabago ang pagtingin sa iyo.(niyakap ang asawa )
Vena: Ano bang gusto mong anak Pang? (parang natatawa)
Rey: Gusto ko Mang, isang dosena(birong sabi nito )
Vena: Ang dami naman iyan Pang baka mahihirapan tayo niyan ! (natatawang sabi )
Rey: Biro lang ,gusto ko siyempre mayroon tayong isang babae at isang lalaki Mang .
Vena: Manalig lang tayo.
Rey: Oo naman, hindi tayo pababayaan kapag buo ang tiwala natin sa kanya ,at hindi tayo babaliwalain ng
Panginoon.
______1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa iskrip na nabasa?
A. Rey at Vena
B. Alisa at Rey
C. Vena at Yap
D. Alisa at Yap

_____ 2. Saang bayan nakatira ang mag-asawa?


A. San Agustin
B. San Isidro
C. San Juan
D. San Rafael

_____ 3. Ano ang nais ng mag-asawa?


A. biyayaan ng anak
B. biyayaan ng trabaho
C. biyayaan ng ikabubuhay
D. biyayaang ng mahabang buhay
_____4.
Ano ang pamagat ng iskrip?
A. “Ang Masayang Pamilya”
B. “Ang Malungkot na Pamilya”
C. “Ang Masayang Mag-asawa”
D. “Ang Malungkot na Mag-asawa”

_____5. Sino ang sumulat ng iskrip?


A. Diane Anunciado
B. Dianne Grace Anunciado
C. Grace Kim Anne Anunciado
D. Diana Rose Kim Anunciado

EKSENA II

Si Rey at Vena ay parehong mababait at mapagmahal sa kapwa nila .Pero nararamdaman


pa rin nila ang lungkot dahil limang taon na silang walang anak.Masakit man isipin pero ni
minsan hindi nila naging dahilan ito para sumuko na sila at….

Vena: Pero kahit matagal iyan Pang makakaya natin to diba!(positibong nagsasalita)
Rey: Hindi lang tayo mawalan ng pag-asa .
Vena:Ang sarap siguro sa pakiramdam. Ano?

Buwan ang lumipas sa pag-uusap ng mag-asawang Vena at Rey ay biglang nahihilo si Vena
na naging dahilan ng pakataranta ni Rey.

Rey: Mang? okay ka lang ?


Vena: Hindi ko alam Pang bigla na lang akong matutumba, para akong nasusuka.
Rey: Namumutla ka ? Ano bang kinain mo ?
Vena: Wala na man akong kinain na ikakasama ng pakiramdam ko .
Rey: (agad na tumayo) Magbihis ka Mang, pupunta tayo sa ospital para malaman natin kung
anong nangyari sa iyo.( nagmamadali)
Vena: (agad na tumayo at pumunta sa kwarto para magbihis)

______6. Ilang taon na silang walang anak?


A. isa
B. tatlo
C. lima
D. pito

_____ 7. Anong naramdaman ni Vena, isang araw?


A. Nilalagnat at nasusuka
B. Natutumba at nasusuka
C. Sinisipon at inuubo
D. Masakit ang tiyan

_____ 8. Saan pumunta ang mag-asawa?


A. Sa likuran ng hardin
B. Sa pinakamalapit na ospital
C. Sa kanilang mga kamag-anak
D. Sa kanilang mga kakilalang kapit-bahay

EKSENA III

Sa pagdating nila sa ospital agad tumawag si Rey ng nurse….

Nurse: Ano pong nangyari sa kanya sir?


Rey: Bigla nalang siyang nahihilo kanina at parang hindi niya daw alam kung ano ang
pakiramdam niya.

Habang naghihintay si Rey sa labas ng ER hindi niya maiwasan ang mag-alala at takot kung
ano ang nangyari sa asawa niya
Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na ang doktor na tumingin sa asawa niya kaya agad
niya itong nilapitan.

Rey: Dok! Ano po ang kalagayan ng asawa ko?


Doktor: Ikaw ba si Rey?(tanong nito )
Rey: Opo! ako nga po Dok
Doktor: Base po kasi sa kinuha naming test sa asawa mo ay wala naman kaming nakitang
sakit .
Rey: Eh! Ano ba ang nangyari sa kanya dok? Kung wala po siyang sakit ?
Doktor: Sa katunayan nga po sir ay nagdadalang tao po ang asawa mo.
Rey: (hindi makapaniwala)
Pagkatapos mag-usap ni Rey at ang doktor agad itong nagmamadali para puntahan ang
asawa nito .

Vena: Anong sabi ng doktor Pang !


Rey: Wala kang sakit Mang pero,
Vena: Pero ano? (Kinakabahan na)
Rey: Ang sabi ng doktor ay buntis ka at magiging tatay na ako (tuwang hindi maipapaliwanag)
Vena: Totoo ka Pang?(hindi makakapaniwala)
Rey: Oo, Mang(masaya)
Vena: Salamat Panginoon at tinupad niyo ang matagal na naming hiling

_____ 9. Sino ang unang tumingin kay Vena?


A. Albularyo
B. Dentista
C. Doktor
D. Nurse

_____10. Saang bahagi ng ospital isinugod si Vena?


A. Emergency Room (ER)
B. Private Room
C. Ward
D. Outpatient Department

_____11. Anong magandang balita ang sinabi ng doctor kay Rey ?


A. Ang kanyang asawa ay nagdadalang tao
B. Ang kanyang asawa ay may taning na ang buhay
C. Ang kanyang asawa ay may sakit na COVID-19
D. Ang kanyang asawa ay kailangang masalinan ng dugo

____ 12. Ano ang nasambit ni Vena noong sinabi ni Rey na buntis ito?
A. “Salamat Panginoon at tinupad ninyo ang matagal na naming hiling”
B. “Salamat Panginoon at may kasama na kami sa aming buhay”
C. “Salamat Panginoon at magkakaroon na kami ng supling”
D. “Salamat Panginoon sa biyayang ipinagkaloob mo”

_____ 13. Ipinamalas ng mag-asawang Cuevas ang kasipagan. Anong uri ng pangungusap ang ginamit?
A. Paturol
B. Pautos
C. Patanong
D. Padamdam

______14. Kailan inilunsad ng pamahalaan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)?
Anong uri ng pangungusap ang ginamit?
A. Paturol
B. Pautos
C. Patanong
D. Padamdam

______ 15. Halah! Nanganak sa sasakyan ang babae! Anong uri ng pangungusap ang ginamit?
A. Paturol
B. Pautos
C. Patanong
D. Padamdam

______ 16. Naitanim sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng edukasyon.


Ano ang uri ng pangungusap ang ginamit?
A. Patanong B. Paturol C. Pautos D. Padamdam

______ 17. Bakit napili ang pamilyang Cuevas bilang huwarang pamilya?
Ano ang uri ng pangungusap ang ginamit?
A. Patanong B. Pasalaysay C. Pautos D. Padamdam

Ang sarap bumangon sa umaga kapag kompleto ang iyong tulog.


______ 18. Ano ang uri ng pangungusap ang ginamit?
A. Patanong B. Paturol C. Pautos D. Padamdam

______ 19. Ang kalinisan ng kapaligiran ay mahalaga rin sa kalusugan natin___


Ano ang tamang bantas sa pangungusap na ito?
A. . B. ? C. ! D. ,

______ 20. Presko ang aking pakiramdam lalo na’t bagong ligo___
Ano ang tamang bantas sa pangungusap na ito?
A. . B. ? C. ! D. ,

______ 21. Alin ang pangungusap na patanong?


A. Umuwi ka na!
B. Naku! May malaking ahas.
C. Kailan isasagawa ang paglilikas sa mga mamamayan?
D. Patuloy naman ang pag-ikot ng mga awtoridad para matiyak na wala nang mga
evacuee ang pumupuslit sa loob ng permanent danger zone.

______ 22. Alin ang pangungusap na paturol?


A. Umuwi ka na!
B. Naku! May malaking ahas.
C. Kailan isasagawa ang paglilikas sa mga mamamayan?
D. Patuloy naman ang pag-ikot ng mga awtoridad para matiyak na wala nang mga
evacuee ang pumupuslit sa loob ng permanent danger zone.

______ 23. Alin ang pangungusap na padamdam?


A. Patuloy naman ang pag-ikot ng mga awtoridad para matiyak na wala nang mga
evacuee ang pumupuslit sa loob ng permanent danger zone.
B. Kailan isasagawa ang paglilikas sa mga mamamayan?
C. Naku! May malaking ahas.
D. Umuwi ka na!

______ 24. Alin ang pangungusap na pakiusap?


A. Patuloy naman ang pag-ikot ng mga awtoridad para matiyak na wala nang mga
evacuee ang pumupuslit sa loob ng permanent danger zone.
B. Kailan isasagawa ang paglilikas sa mga mamamayan?
C. Pakikuha mo ang bag ko sa ilalim ng lamesa.
D. Naku! May malaking ahas.

______ 25. Alin ang pangungusap na pautos?


A. Patuloy naman ang pag-ikot ng mga awtoridad para matiyak na wala nang mga
evacuee ang pumupuslit sa loob ng permanent danger zone.
B. Kailan isasagawa ang paglilikas sa mga mamamayan?
C. Pakikuha mo ang bag ko sa ilalim ng lamesa.
D. Umuwi ka na!

IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO IV

Key Answers:
1. A
2. B
3. A
4. A
5. A
6. C
7. B
8. B
9. D
10. A
11. A
12. A
13. A
14. C
15. D
16. B
17. A
18. B
19. A
20. A
21. C
22. D
23. C
24. C
25. D
26. B

You might also like