Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
PLACER WEST DISTRICT

9
ARALING PANLIPUNAN
Unang Linggo
Unang Markahan
Kahulugan at Kahalagahan
ng Ekonomiks

GAWAING PAGKATUTO #1

Address: Villa-Inocencio, Placer, Masbate


Telephone No.: 0907-5193013/0908-8697216
Email address: placerwestdist@gmail.com

1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
VIVENCIO P. CASAS SR., MEMORIAL HIGH SCHOOL

Araling Panlipunan 9
Gawaing Pagkatuto #1
(Unang Linggo, Unang Markahan)

Pangalan: __________________________________________________________
Grado at Seksyon :____________________________________________________Petsa: ______________

I. Panimulang Konsepto
Kahulugan ng Ekonomiks
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano matugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay
nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos ay namamahala
(Viloria, 2000).
• Sambahayan – Pangunahing sektor ng ekonomiya na pinagmumulan ng mga salik sa produksiyon at
komukonsumo ng mga produkto. Ikaw at ang iyong pamilya ay bahagi ng sambahayan.
• Yamang likas – Mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, mga anyong tubig, kagubatan at
mga depositing mineral na mahalagang pinagkukunan ng pangangailangan
• Pangangailangan (needs) – Mga bagay na dapat mayroon ang tao dahil kailangan niya ito sa pang-
araw-araw na gawain tulad ng pagkain, damit at tirahan.
• Kagustuhan (wants) – Ang paghahangad ng higit pa sa ating pangangailangan tulad ng malaking
bahay, masasarap na pagkain at mamahaling damit at mga gadget. Higit ang kasiyahang idinudulot nito sa atin
kaysa mga pangangailangan.

Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin,
paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang
nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan.
Gaano man kalaki ang pera o resources ito’y palaging kulang o limitado dahil may limitasyon ang mga
pinagkukunang-yaman at walang katapusan(unlimited) ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito ang
dahilan kung bakit nagkakaroon ng suliranin sa Kakapusan o Scarcity.

Limited resources Scarcity Unlimited wants


and needs

Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong pinagkukunang –yaman. Sa


Ekonomiks, lahat ng desisyon na may kaugnayan sa paggamit ng anumang resources batay sa apat na
pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat.

2
Kakapusan

Ano ang gagawin? Paano gagawin? Para kanino? Gaano karami

Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-araw-araw na suliraning


kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng bawat indibidwal pati ang mga mag-aaral na
katulad mo.

Kahalagahan ng Ekonomiks
Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng
matalinong desisyon.
Ang ekonomiks, batay sa pinaghanguan nitong salita ay nangangahulugang “Pamamahala ng Tahanan”.
Bagama’t higit na mas malawak ang totoong saklaw ng asignaturang ito, mas mauunawaan ang mensahe nito
sa konteksto ng isang pamilya. Araw-araw gumagawa ng desisyon ang isang pamilya kaugnay ng mga
pangangailangan at kagustuhan ng bawat miyembro nito. Sa kulturang kinamulatan ng marami sa atin, tila
naitakda na ang gampanin ng bawat isa sa pamilya lalo ng magulang. Ang Ina ang gagawa ng mga gawaing
bahay at mag-aasikaso sa pangangailangan ng mga anak habang ang ama ang magtatrabaho para sa
pamilya. Ang pagbabudget ay madalas gampanin ng isang ina habang ang ama ang siyang naghahanapbuhay
at kadalasang nagdedesisyon sa pamilya. Subali’t mahalagang maunawaan na kasabay ng pagbabago ng
panahon ay kaalinsabay din ang pagbabago ng sitwasyong pangpamilya. Ito ay mabisang maipapaliwanag sa
tulong ng kasunod na teksto.
Sa inilabas na survey ng Philippine Commission on Women noong Mayo 2018, tumaas ng 49.7% ang
mga kababaihang nagtatabaho sa bansa. Sa kasalukuyan, mayroong 14.2 milyong kababaihan na kumakayod
at 61.6% sa kanila ay mayroong mga asawa. Malinaw na indikasyon ito na may ilang ama na kinakailangang
magpaiwan sa loob ng tahanan upang gawin ang mga gawaing dating ginagawa ng ina. Tinatawag sila sa
ngayon bilang mga Househusband. Ayon sa Random House Dictionary (2012), ang “househusband” o “stay-
at-home-dad ay isang may asawang lalaki na siyang nananatili sa tahanan upang gampanan ang mga
gawaing bahay. Paliwanag ng mga sosyolohista, ang dumaraming househusband ay indikasyon ng
nagbabagong lipunan kung saan nagkakaroon ng pagpapalitan ng gampanin ang mga miyembro ng pamilya.
Maaari rin itong tingnan bilang tugon o coping mechanism(Sa konteksto ng pamilya, tumutukoy ito sa anomang
desisyon o gawain na ang pangunahing layunin ay makaagapay sa suliraning kinakaharap.) ng isang pamilya
kung saan ay mas may oportunidad ang mga kababaihan na magtrabaho.
Sa isang pag-aaral ukol sa Marriage and Life, lumalabas na nagsimulang tumaas ang antas ng mga
househusband nang magsimulang magtrabaho sa ibang bansa ang mga kababaihan. (Jamilla 2013) Sa inilabas
na pagsusuri ng Institute of Labor Studies (ILS) noong Marso 2014, sinasabing sa 1.9 milyon na Overseas’
Filipino Workers (OFWs) ay 47 porsyento nito ay mga kababaihan. Ayon sa ILS, ito ay isa sa mga naging sanhi
kung bakit maraming mga ama ang napipilitang magpaiwan sa bahay.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs:


Nailapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan
(AP9MKE-Ia-1)

III. Mga Gawain: Sagutan mo na!

Gawain 1:

Panuto: Isaayos ang 4 na pangunahing konsepto sa isang chart bilang pagbubuod sa paksang tinalakay: Ekonomiks,
Kakapusan, Limited Resources, Unlimited wants and needs

3
1. 2.

3.

4.

Gawain 2:

Panuto: Bilang panghuling gawain. Ipagpalagay na ikaw ay isang Brgy Captain sa inyong lugar na may naitatalang kaso ng
COVID-19. Gumawa ng matalinong pagpapasya kung paano gagamitin ang natitirang pondo ng iyong barangay (Php5 milyon)
sa pamamagitan ng pagsagot sa 4 na pangunahing pang-ekonomikong katanungan. Isulat ang iyong sagot sa blangkong chart.

Ano ang gagawin? Paano gagawin?

Php 5 milyong pondo


Para kanino? Gaano karami?

Gawain 3:

Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang ekonomiks ay hango sa griyegong salita na ‘oiko’ at ‘nomos’ na nangangahulugang

a. Pamamahala ng negosyo c. Pamamahala ng yaman


b. Pamamahala ng tanahan d. Pamamahala ng bansa
2. Pangunahing batayan sa pag-aaral ng ekonomiks ay ang suliranin ng kakapusan. Bakit nagkakaroon ng
kakapusan?
a. Dahil sa mapang-abusong paggamit ng likas na yaman
b. Dahil sa mga kalamidad na pumipinsala sa pinagkukunang yaman
c. Dahil sa mapagsamantalang negosyante na minamanipula ang suplay ng mga produkto
d. Dahil limitado ang pinagkukunang-yaman subalit walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
3. Ang paggamit ng bakanteng oras sa pagrereview sa halip na maglaro ng on-line game ay halimbawa ng
matalinong pagtugon sa anong pang-ekonomikong katanungan?
a. Ano ang gagawin? c. Paano gagawin?
b. Para kanino? d. Gaano karami?

4
4. Ang suliranin ng kakapusan o scarcity ay maaaring masolusyunan sa pamamagitan ng
a. Matalinong paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman
b. Pag-iimbak o pagtatago ng maraming pagkain sa panahon ng krisis
c. Pagkakaroon ng maraming pera at ari-arian
d. Pagdarasal na Manalo sa lotto
5. Ito ang Pangunahing sektor ng ekonomiya na pinagmumulan ng mga salik sa produksiyon at komukonsumo ng
mga produkto. Ikaw at ang iyong pamilya ay bahagi nito.
a. Sambahayan b. bahay-kalakal c. pamayanan d. pabrika

IV. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


Ang pagmamarka ay
1-2. unlimited wants & 1. B
nakabatay sa
needs, limited 2. D
pagpapasya ng guro.
resources 3. C
3. kakapusan 4. A
4. ekonomiks 5. A

V. SANGGUNIAN

"Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral." In Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, by Bernard
R. Balitao et.al, 12-23. Pasig City: Vibal Group Inc.
2012. Philippine Council for Health Research and Development. June 13. Accessed June 1, 2020.
http://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/2777-one-person-dies-every-sixseconds-due-to-smoking-who.
2015. Unicef. Accessed June 1, 2020. https://sites.unicef.org/mdg/poverty.html.
Santos, Tomas U. 2012. The Varsitarian. July 6. Accessed June 4, 2020.
https://www.google.com/amp/s/varsitarian.et/filipino/20120706/isa_akong_househusb and/amp.
Jamilla, Enrique. 2013. "Marriage and Life."
2012. GMA News. March 15. Accessed May 24, 2020. https://m.youtube.com/watch?feature=youtu.be&v=Hib4MNAzqiQ.
https://tinyurl.com/yal85555 Date retrieved: May 18, 2020 https://tinyurl.com/yyaf7g4k Date retrieved: May 20, 2020
https://tinyurl.com/yc2g9p8j Date retrieved: May 20, 2020 https://tinyurl.com/y82rkh3e Date retrieved: May 19, 2020
https://tinyurl.com/y98f83xg Date retrieved: May 22, 2020
https://tinyurl.com/yd5xd6wr Date retrieved: May 22, 2020 https://youtu.be/Hib4MNAzqiQ Date retrieved: May 22, 2020

Inihanda nila: Gretchen Gailan-Colongan


Guro

Sinuri nila: Quality Assurance Team

FATIMA LEE C. RAMAS JENER D. MARFIL


Member Member

GRETCHEN G. COLONGAN AL-JAY A. ANTIPUESTO


Member Member

REMEDIOS J. FABRIGA
Chairman

Pasiagon, Placer, Masbate


School ID:302178

5
6

You might also like