Week 19,20,21 Esp 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Aralin 12.

Mga Salik na Nagpapaapekto sa Paglinang ng mg Pagpapahalaga

Ang mga panlabas na salik ng pagpapahalaga ay ang sumusunod: 

1. Pamilya. Ang pamilya ang pinakanatural at makapangyarihang tagapagpaganap


ng pagpapahalaga. 
Ito rin ang itinuturing na una at pinakaepektibong paaralan ng edukasyon sa
pagpapahalaga. Ang ating pamilya o mga magulang ang ating unang guro. Sila ang kauna
unahang taong ating nasilayan. Sila rin ang unang taong nagpadama sa atin ng
pagmamahal. Sila ang mga unang nakarinig ng ating unang salitang binigkas at ang
mgaunang nakaalam ng mga ayaw,at gusto natin. Dahil dito, mapatutunayan natin na sa
pamilya natin unang natagpuan at natutuhan ang pagpapahalaga. 
Ang pamilya rin ang unang nagturo ng kahalagahan ng pakikipagkapwa. Dito rin
tayo natutong magmahal at magpatawad. 
Samakatwid, napakalaki ang ginagampanan ng ating pamilya sa paghubog ng ating
pagpapahalaga. Ditorin makikita ang bigat ng responsibilidad ng mga magulang. Dahil dito,
hinihingi ang kooperasyon ng mga anak upang matugunan ang pangangailangan ng bawat
kasapi ng pamilya. 

Para sa mga magulang: 


 Sikaping maglaan ng panahong alamin o tuklasin ang mga programang
pantelebisyon at mga uri ng pelikulang pinanonood ng mga anak; ang mga
babasahing kinagigiliwan nilang basahin; ang mga larong pinagkakaabalahan nilang
laruin sa kompyuter; at ang mga uri ng musikang kanilang pinakikinggan at inaawit. 

 Paalalahanan ang mga anak tungkol sa napakalaking impluwensiya ng midya at
information technology sa paghubog sa kanilang kaisipan at sa mga panganib na
ibubunga ng di-matalinong pagpili at paggamit ng mga ito. Hindi man sila agad
makinig, subalit sa pamamagitan ng paulit-ulit na paalala ay makikita rin ng mga
anak ang kahalagahan ng inyong sinasabi. 
 Maging mabuting halimbawa ng inyong mga sinasabi. Kayo ang unang-unang dapat
kakitaan ng inyong mga anak ng inyong mga ipinapangaral. 

Para sa mga anak:


 Makipagtulungan sa mga magulang sa kanilang adhikaing turuan kayong maging
mapanagutan sa pagpili at paggamit ng midya at information technology. 
 Kung sakaling may marinig kayong pangaral sa kanila na hindi naman ninyo
nakikitang isinasabuhay nila, huwag na lang ang kanilang ginagawa ang intindihin
ninyo kundi ang kanilang mga ipinapangaral. 

2. Barkada/Mga Kaibigan. Nabanggitnaangisangtaoayisang panlipunang nilalang. Siya ay


may mga pangangailangang hindi matutugunan ng sarili lamang. Kinakailangan niyang
makihalubilo at makipagkapwa-tao upang maging masaya at makabuluhan ang kanyang
buhay. Dahil sa pakikipagkaibigan o pakikipagkapwa, lumalaki ang kanyang mundo at
nagiging masaya ang kanyang buhay. 

r d
1|Edukasyon sa Pagpapahalaga 3 Quarter
Ang kabataang katulad ninyo ay sensitibo sa impluwensiya ng mga kaibigan. Ang
impluwensiya ninyo sa bawat isa ay maaaring makabuti o makasama. Malakas ang
impluwensiya ng mga kaibigan kung kaya't kahit ayaw mong gawin ay napipilitan ka na
lang upang mapabilang at tanggapin ng grupo.

3. Midya o Teknolohiya. Sa kasalukuyan , makikita natin ang napakalakas na impluwensiya


ng midya. Ito ay ang mga babasahin, radyo, at telebisyon. Sinasabing ang mga Pilipino sa
kasalukuyan ay naghihirap. Dubai man o mahirap, makikita natin ang telebisyon o radyo sa
loob ng bahay. Ang midya ay nakapagbibigay-lugod sa atin, kung kaya't kahit naghihirap sa
buhay ay nagsusumikap na makabili ng telebisyon o radyo man lamang. Tunay 
ngang kalugud-lugod ang magbasa, makinig, at manood ng telebisyon. Subalit dahil sa
sobrang pagkaaliw, hindi natin napapansin ang epekto nito sa atin. Totoong napakaraming
positibong naidudulot ang midya gaya ng mga babasahin. Ang mga ito ay nakatutulong
upang madagdagan at mapayaman ang ating bokabularyo at kaalaman. Tayo rin ay
nabibigyan ng kasiyahan. 

Ang radyo ay isang uri ng midya na nakatutulong sa atin upang mapaunlad ang ating
pandinig at komunikasyon. Ito rin ay nakatutulong para mapaunlad ang paraan ng ating
pagsasalita at pakikinig. Higit sa lahat, ang radyo ay tagapaghatid din ng iba't ibang
pagpapahalaga. Mula sa ating naririnig, ito ay nakapagdudulot o nakaiimpluwensiya sa atin
na maaaring mabuti o masama. 
Ang telebisyon ay isang uri ng midya na lubhang kalugud-lugod. Ito ay may malakas
na puwersa na naghahatid ng pagpapahalaga. Ito ay nagbibigay-impormasyon,
nagpapasaya, nagbibigay-linaw sa isipan, at iba pa. Ang telebisyon ay nakatutulong upang
madagdagan ang ating kaalaman. Subalit ito rin ay maaaring magdulot ng hindi mabuti sa
tao. Marami tayong napapanood na nakasisira sa ating pagpapahalaga. Dahil dito, kailangan
ng ibayong pag iingat at pagsusuri sa pinanonood natin. 
Ang mga kompyuter, cellular phone, at iba pa ay magagandang produkto ng
teknolohiya. Napabibilis ng mga ito ang paraan ng pag-alam sa iba't ibang mga pangyayari
kahit saang bahagi ng mundo. Napag-alaman na natin sa nakaraang kabanata ang mabuti at
masamang naidudulot ng mga ito. Kung gagamitin ang teknolohiya sa tunay na pag-unlad
ng tao, mabuting pagpapahalaga ang dulot nito. Kung hindi naman ay kasiraan sa pagkatao
ang epekto ng mga imbensiyong ito.

Samakatwid, ang radyo, babasahin, telebisyon, at teknolohiya ay pawang mga


instrumentong napaghahanguan ng mga pagpapahalaga. 

Ang midya at information technology ay may malaking bahaging ginagampanan sa


paghubog ng kaisipan ng kabataan. Ang kanilang mga damdamin, pag-iisip, wika, at gawi ay
maaaring magkaroon ng kanais-nais o di kanais nais na paghubog, depende sa antas ng
pagkaimpluwensiya sa kanila ng mga umiiral na programa sa radyo, telebisyon, babasahin,
at kompyuter. 

4. Guro. Sa paaralan, kasama ninyo ang mga guro sa araw araw. Sa loob ng silid-aralan o sa
labas man ay nagbabahagi  sila ng kanilang mga kaalaman  at buong sarili sa araw-araw na
pagpapahalaga. Ang mga ito ay madaling makapagbibigay ng impluwensiya at
makaaapekto sa inyo bilang mag-aaral. Kagaya ng naunang pinanggalingan ng
pagpapahalaga, ang mga matututuhan mo ay maaaring  makabuti o makasama.

r d
2|Edukasyon sa Pagpapahalaga 3 Quarter
Samakatwid, ang mga guro ay kailangang maging mabuting huwaran upang makapagbigay
ng mabuting pagpapan pagpapahalaga na pamamarisan ng mga mag-aaral. 

5. Simbahan. Ang simbahan ay isang institusyon upang mapaunlad ang pagpapahalaga. Ito
ay masasabing mabisa dahil ito ay kaugnay sa relihiyon at pananampalataya 
sa Diyos. Ang mga itinuturo sa simbahan ay nagsisilbing kautusan na dapat isaalang alang.
Kung kaya't kinakailangan din ng mga pari at iba pang relihiyoso na maging mabuting
huwaran. Kinakailangan nilang maging consistent sa kanilang itinuturo at ginagawa. Ito ay
magsisilbing malaking hamon sa isa't isa. 

6. Lipunan. Ang lipunan ay isang malawakang kapaligiran na kinakailangan ng lahat ng


mamamayan, komunidad, agham at teknolohiya at industriyalisasyon, institusyon, at iba
pa. Malaki ang sakop nito. At dahil dito, tunay ngang ang pagpapahalaga ay natatagpuan sa
lahat ng dako. 
Kung kaya't ang tao ay walang kawala sa mga pagpapahalagang ito. Bagama't nasa
paligid natin ang mga pagpapahalaga, tayo lamang ang makapagpapasiya sa paggamit ng
ating kalayaan na tanggapin o tanggihan ang mga pagpapahalagang ito. 

Bukod sa panlabas na salik, may panloob na salik din na maaaring makaimpluwensiya sa


paghubog ng pagpapahalaga at ito ang sumusunod: 

1. Konsiyensiya - Gaya ng unang tinalakay, ang konsiyensiya ay ang munting tinig ng


Diyos. Ito ang nagdidikta kung ano ang dapat mong gawin. Kailangang pakinggan ang
idinidikta ng iyong konsiyensiya upang mapanatag ang iyong kalooban. Kung sakaling mali
ang iyong pinili, ikaw ay makararanas ng pagkabagabag. 
2. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan - Ang mapanagutang paggamit ng kalayaan
ay ang pagpili ng makabubuti sa iyong sarili at sa kapwa. 
3. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama –Kailangang pag-isipan ang maaaring
idulot ng aksiyong gagawin. Ang taong matapat ay takot na gumawa ng masama.
Kailangang pagtuunan ang pangkalahatang kabutihan, at ito ay masusukat sa sumusunod: 

a. Layon (end) – Ito ay tumutukoy sa layunin, dahilan, o intensiyon ng kilos.


b. Pamamaraan (mean) - Tumutukoy ito sa kung paano mo isinasagawa ang
aksiyon, kilos, o gawain.
c. Pangyayari (circumstances) - Tumutukoy ito sa oras, lugar, at paraan.
Maaaring itanong ang kailan, saan, paano, o gaano sa paggawa ng isang kilos.
d. Pagsasabuhay sa mga Birtud – Ang magagandang gawi na kinapapalooban
ng mga birtud ay dapat na maisabuhay sa araw-araw na gawain. 

"Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang
taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas at
humangin nang malakas ngunit hindi nagiba ang bahay na iyon. Sapagkat nakatayo sa
ibabaw ng bato. Ang bawat nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay
matutulad sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin. Umulan nang
malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon
at lubusang nawasak." Mateo 7:24-27
r d
3|Edukasyon sa Pagpapahalaga 3 Quarter

You might also like