Professional Documents
Culture Documents
Jhelene Eto Na Oh. Labyuuuu
Jhelene Eto Na Oh. Labyuuuu
Jhelene Eto Na Oh. Labyuuuu
Sa tantiya nila, humigit kumulang 40,000 tonelada ng basura ang nakokolekta sa bansa sa isang
buong araw lamang.
"Sa 42,000 barangays sa buong bansa, 70 percent ay wala pang material recovery facility. Kaya
ang nangyayari, sa mga ilog at daluyan ng tubig itinatapon ang basura," hinaing ni Eligio
Ildefonso, director ng DENR Solid Waste Management unit. (DENR, 2018)
https://news.abs-cbn.com/news/07/04/18/daing-ng-denr-2000-trak-ng-basura-nahahakot-
sa-bansa-kada-araw
Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay ang pangunahing ahensya
na responsable para sa pagtitipid, pamamahala, pagpapaunlad, at pagsisigurado ng tamang
paggamit ng kapaligiran at mga likas na yaman ng Pilipinas.
Noong 2011, nagsabi ang DENR na ang mga tao na nakatira sa Metro Manila ang responsable sa
25% ng basura araw-araw ng Pilipinas. Ito ang epekto ng basura ng buong Metro Manila.
Samantala, noong 2017, may pag-aaral na ginawa ang SWMO ng MMDA na nagpapakita na ang
dami ng basura sa Metro Manila na naitapon nang maayos ay umabot lamang ng 29,645.44 cubic
meters kada araw kumpara sa kabuuang basura na nakokolekta kada araw na of 54,084.86 cubic
meters (datos hanggang Hunyo ng 2017).
Dahil dito, wastong pagtatapon ng basura ang kailangan na matutunan ng bawat Pilipino
upang maiwasan na matambakan ang bansa ng mga plastic at iba pang uri ng basura, lalo pa’t
may epekto ang basura sa kalusugan ng tao. (Daintyexlibris, 2018)
https://brainly.ph/question/1666875
“We are now in the middle of a garbage crisis. If we continue to act only for our independent
interests, continue to spoil our water bodies and fail to responsibly manage our wastes, we will
not be able to sustain our efforts on this campaign,” sabi ni Cimatu.
Sa kanilang datos, ang target na baseline ng basura para sa Metro Manila na 58,000 cubic meters
para sa buong 2019 ay nalagpasan na sa unang dalawang quarter pa lamang ng taon.
Sa unang quarter, nakalikha ang mga taga-Metro Manila ng 34,574.77 cubic meters habang sa
ikalawang quarter ay pumalo ito sa 32,221.17 cubic meters.
Iginiit ni Cimatu na hindi na epektibo ang mga ‘clean-up drive’ partikular sa rehabilitasyon ng
Manila Bay.
Sinabi niya na naging kultura at pag-uugali na talaga ng mga Pilipino ang walang pakundangan
na pagtatapon ng basura.
Sa mga nakalipas na clean-up drives, makalipas ang ilang linggo ay muling bumabalik ang mga
basura dahil na rin sa pagkakalat ng mga residente na patuloy na walang disiplina sa basura.
“We and the following generations will all suffer the consequences if we do not change the way
we behave as an organization and as individuals,” babala pa ni Cimatu.
Nitong Nobyembre, nasa 13,212 establisimiyento sa paligid ng Manila Bay ang ininspeksyon ng
DENR. Nasa 107 dito ay binigyan ng ‘cease-and-desist orders’ dahil sa mga bayolasyon, nasa
2,684 ang inisyuhan ng ‘notice of violation of environment regulations’ habang nasa 1,910 pa
ang idadagdag na isyu.