Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Lizzie Ann Carbonel

BSED ENG 1-1

May 14, 2022

Modyul 4 Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika

Gawain/Pagtataya

1.Bakit mahalaga ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika?

Mahalagang malaman ang mga pamantayan sa pagsasaling wika upang


ang mga salita, pahayag, at mensahe ng teksto ay hindi maligaw.Totoong mayroong mga
pagkakataon na mahirap o mali ang proseso ng pagkakasalin, dahil iyon sa kakulangan
ng tao sa kaalaman sa pamantayan na dapat sundin. Sa kabuuan, ito ang
pinakamahalagang batayan upang ang tagapagsaling-wika ay makamit ang tama at
pinakawastong salin ng bawat pahayag at mensahe ng orihinal na akda.Ito ang
pamantayan ng pinakamabisang paraan upang masabi na ang isang salin ay angkop na
salin.

2. Magbigay ng sariling halimbawa sa bawat pamantayan sa pagsasaling -wika.

• Ang salitang magkasingkahulugan ay maaaring iangkop sa sinasabi ng teksto.

halimbawa

Ingles: Choose the correct answer

Salin: Piliin ang tamang sagot.


Piliin ang wastong sagot.
• Maging matipid sa paggamit ng salita

Halimbawa

Ingles: Create a beautiful artwork.

Salin: Gumawa ka ng isang magandang likhang sining.


Lumikha ka ng magandang sining.

• Kung magkaroon ng ibang pagpapakahulugan, umisip ng maaring ipalit dito

Halimbawa

Ingles: The word used is right

Salin: Ang salitang ginamit ay kanan.


Ang salitang ginamit ay tama.

• Piliin ang salitang madaling maunawaan ng mambabasa

Halimbawa

Ingles: He passed through the tortuous road

Salin: Nakalampas siya sa masalimuot na daan.


Nakalampas siya sa mahirap na daan.

• Tandan na ang isinasalin ay ang kahulugan hindi lang ang salita

Halimbawa

Ingles: You will pass the test when pigs fly.

Salin: Makakapasa ka sa mga pagsubok kapag lumipad na ang mga baboy.


Impossibleng makapasa ka sa pagsubok.

You might also like