Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

De La Salle University- Dasmariñas

College of Engineering, Architecture and Technology


Graphics Design and Multimedia Department

PAGAARAL NG KASO PATUNGKOL KUNG BAKIT NATIN KAILANGAN


PAGARALAN SA KOLEHIYO ANG BUHAY NI DR.JOSE RIZAL

Mananaliksik: Asenjo, Elijah Leigh R. , BMMA 32 Pinag-aaralan: Graphics Design

Introduksyon

Sa panahon ngayon, maraming mga paaralan at mga tao ang nagtuturo pa rin tungkol
sa buhay ni Rizal at ang mga akdang kanyang sinulat. Ang iba’t ibang akda ni Rizal ay
may iba’t ibang mensahe at marami sa mga akdang ito ay mahalaga sa ibang tao.
Marami rin sa mga binatilyo ay nagbabasa ng mga libro ni Rizal tulad ng Noli Me
Tangere at ang El Filibusterismo. Ang problema sa mga binatilyo ngayon ay ang
pagrereklamo nila o ang pagsasabi nila na hindi mahalaga ang pag-aaral sa buhay ni
Jose Rizal. Hindi nila nagugustuhan ang pag-aaral sa buhay ni Jose Rizal dahil
nahihirapan sila at hindi rin nila masyado naiintindihan ang mga sinasabi nito. Ngayon,
sasabihin ko sa inyo, mga binatilyo, ang kahalagahan ng pag-aaral sa buhay ni Rizal.

Ang buhay ni Rizal ay importante sa ating mga buhay dahil sa mga nangyari sa kanya
at sa mga mensahe na ibinigay niya noong panahon ng mga kastila. Tinulungan niya
ang mga Pilipino, parehong lalaki at babae, magkaroon ng lakas, pag-asa, at
pagtitiwala sa Diyos. Puwede ring sabihin na sinimulan niya ang paglalaban sa mga
kastila para sa kapayapaan at kalayaan ng Pilipinas. Mahalaga ang pag-aaral nito dahil
maaari na ang mga problema na hinarap ni Rizal at ng mga Pilipino noon ay hinaharap
rin natin ngayon. Dito, malalaman natin kung paano natin lulutasin ang mga problemang
natin sa kasalukuyan. Bukod sa mga problema na hinaharap ng mga tao sa lipunan,
mayroon ring mga sariling problema ang mga tao sa kanilang mga buhay.
De La Salle University- Dasmariñas
College of Engineering, Architecture and Technology
Graphics Design and Multimedia Department

Posible na ang mga problemang ito ay tungkol sa pamilya, sa pagmamahal sa babae,


at sa panloloko ng mga tao sa kanila. Maaari nilang basahin ang mga libro at akda ni
Rizal dahil marami silang aral makukuha sa pagbabasa ng mga akda ni Rizal, at
puwede rin nilang gamitin ito sa pagpapakinabang at sa pagpapabuti sa kanilang mga
buhay. Ang buhay ni Rizal ay tungkol rin sa nangyari dati o sa kasaysayan. Ang mga
interesado sa mga kaganapan sa kasaysayan ay dapat pag-aralan ang panahong ito.
Ang pag-aaral natin sa buhay ni Rizal ay mahalaga sa pag-aaral sa literatura at sa
panitikan. Kapag nabasa mo ang mga libro at mga akda na sinulat ni Rizal, marami
kang matutunan sa pagsusulat at sa pagkritika sa literatura ng wikang Pilipino. Ang
buhay rin ni Rizal ay isang simbolo ng katapangan, galing, at sipag ng mga Pilipino
kahit gaano kahirap ang buhay nila. Hindi mabilis sumuko ang mga Pilipino kahit ano
ang hirap na ibinigay sa kanila ng Kastila dati at ng ibang tao ngayon.

Ang dalawang akda ni Rizal, ang “Mi Ultimo Adios” at “Sa Mga Kababayang Dalaga ng
Malolos”, ay dalawang halimbawa na kumakatawan sa buhay ni Rizal at ng mga tao
noong panahon ng mga Kastila. Ang mensahe ng “Huling Paalam” ay nagsasabi na
malakas at may kaya ang mga Pilipino. Tumayo at lumaban dapat sila sa
diskriminasyon at pang-aabuso ng mga Kastila. Sinasabi rin at ipinapakita ni Rizal na
siya ay mamamatay na at gusto niya malaman ng mga Pilipino at mga tao na gustong
gusto niya ang kalayaan at kapayapaan sa Pilipinas. Sinabi rin ni Rizal sa “Mi Ultimo
Adios” na ang mga kabataan ang pag-asa sa kinabukasan kaya kailangan ng mga
kabataan at binatilyo na mag-aral ng maayos para may kinabukasan ang lahat ng tao.
Sa “Mi Ultimo Adios”, bumukas rin ang mata ng mga Pilipino at sila ay lumaban at
umalsa sa mga Kastila.
De La Salle University- Dasmariñas
College of Engineering, Architecture and Technology
Graphics Design and Multimedia Department

Ang “Sa Mga Kababayang Dalaga ng Malolos” naman ay nagpapakita ng hanga ni


Rizal sa mga babae dahil sa kanilang paglalaban at katapangan para lamang
magkaroon ang mga babae ng karapatan para sa edukasyon. Ang mensahe nito sa
mga tao na dapat lahat ng tao ay lumaban sa sarili nilang karapatan at huwag
magpatalo sa mga pang-aabuso ng iba. Ang lahat ng tao ay ginawa ng Diyos ng
pare-pareho kaya dapat ang pagtatrato natin sa isa’t isa ay parehas at walang mas
mataas o mababa. Makikita mo rito na ang pagkakaiba ng dalawang akda ay ang
mensahe na ibinibigay nila, kanino ni Rizal isinusulat ang akda, at ano ang sinasabi ni
Rizal sa mga tagabasa ng mga akdang ito. Ang pag-aaral ng mga akdang ito ay
importante sa mga kabataan ngayon dahil makakakita sila ng isang siglaw tungkol sa
kasaysayan at sa kahirapan ng buhay dati. Maaari rin nilang ikumpara ang mga
problema dati sa mga problema ngayon. Makikita nila na ang mga problemang ito ay
malala at tutulong rin silang maghanap ng solusyon.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang mga pag-aaral na isinagawa


patungkol kung bakit kailangan pag-aralan ang buhay at ang mga gawa ni Dr. Jose
Rizal sa kolehiyo bukod sa nakasaad ito sa batas.
De La Salle University- Dasmariñas
College of Engineering, Architecture and Technology
Graphics Design and Multimedia Department

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kalahagahan ng pag aaral na ito ay mapatibay ang kaalaman ng mga


studyante na nag aaral patukol sa buhay at mga akda ni Dr. Jose Rizal at para nadin sa
mga taong gustong malaman kung bakit nga ba pinag-aaralan kahit hangang kolehiyo
ang buhay at mga gawa ni Dr. Jose Rizal nung siya pa ay na bubuhay.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw at limitasyong ng pag-aaral na ito ay patungkol lamang kung bakit


natin pinag-aaralan si Dr. Jose Rizal sa kolehiyo at mga pag-aaral na kaso patungkol sa
pag aaral kay Dr. Jose Rizal.

Recomendasyon

Ang mga natutunan ko bilang isang mag-aaral noong inaaral ko ang buhay ni
Rizal ay ang pagiging isang mabuti at masipag na tao. Sa mga akda na sinulat ni Rizal,
siya ay nagpakita ng kasipagan, kabutihan, katapangan, at ang pagbubukas-isip sa
lahat ng bagay. Ukol sa mga ito, natutunan ko rin na ang mga ibang problema na
hinarap dati ay hinaharap pa rin hanggang ngayon. Ang mga halimbawa ng mga
problemang ito ay ang pangungurakot, pang-aabuso, hindi maayos ang pagtatrato sa
isa’t isa, at ang paghihiwalay o walang pagkakasundo sa mga Pilipino. Dahil sa mga
problemang ito, marami pang mga problema ang lumalabas at naaapekto ang mga
ibang inosenteng mamamayan. Noong panahon ni Rizal, marami sa mga prayle at
padre ang nangungurakot at nang-aabuso ng mga Pilipino. Makikita mo ngayon na ang
mga politiko naman ang mga gumagawa nito. Dahil dito, ang mga Pilipino ay madalas
dumaranas ng paghihirap.
De La Salle University- Dasmariñas
College of Engineering, Architecture and Technology
Graphics Design and Multimedia Department

Konklusyon
Dapat lamang na ipagpatuloy natin ang ating pag-aaral sa buhay ni Dr. Jose
Rizal dahil siya ay ang ating pambansang bayani. Dahil sa kaniyang pagpapakita ng
tapang at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng kanyang mga likha at akda,
kinikilala siya bilang unang mapayapang rebolusyonaryo ng Asya, sinundan lamang ng
ilan pang tanyag na Asyano gaya nina Sun Yat-sen at Mahatma Gandhi. Bukod dito, si
Rizal ay initurung din na isang polymath o henyo na maihahanay kina Rene Descartes
at Samuel Taylor Coleridge. Siya ay batikan sa 22 na wika. Isa rin siyang doktor,
siyentipiko, pintor, at makata. Isa din siyang nobelista, at ang kanyang
pinakamahahalagang akda ay ang Noli Mi Tangere at El Filibusterismo. Ang mga ito ay
nagpakita ng pagmamataas ng mag Kastilang pari sa ating bayan. Ang buhay niya at
ang kanyang mga likha ay nagmulat ng mata ng mga Pilipino at nagbigay ng
inspirasyon sa mga Pilipino na dapat maipagmalaki natin ang ating bansa. Tulad ng
sinasabi sa isang palabas, “A man does not die when he is killed, he dies when he is
forgotten.” Hindi malilimutan ng mga Pilipino ang sakripisyo ni Jose Rizal para sa ating
lahat.

Mensahe para sa guro


Magandang araw, gabi o hapon ginno sana masarap ang gising mo maraming
salamat sa pagtuturo sa amin ng buhay ni rizal at salamat sa pagtitiyaga sa amin alam
kong hindi mahirap ang maging isang guro at di biro ang pagiging guro ng mga
kolehiyo na mga estudyante hindi man tayo palagi nag kikita dahil sa puro online lang
ang klase alam kong ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo para makapagturo ng
mabuti saamin maraming salamat po at sana po pag bumalik na sa face to face class
eh makita ko po kayo ingat po kayo palagi.
De La Salle University- Dasmariñas
College of Engineering, Architecture and Technology
Graphics Design and Multimedia Department

Sanggunian

Si Rizal na Makapangyarihan (Ang Kahalagahan sa pag-aaral kay Rizal). (2012, July 24).
Public Player; swong14.wordpress.com.
https://swong14.wordpress.com/2012/07/24/si-rizal-na-makapangyarihan-ang-kah
alagahan-sa-pag-aaral-kay-rizal/

You might also like