Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

De La Salle University- Dasmariñas

College of Engineering, Architecture and Technology


Graphics Design and Multimedia Department

Acosta, Samuel Angelo M. Kursong Rizal


MMA32 Jumel G. Estrañero

Epekto ng Pagkamatay ni Rizal sa Pagiging Makabayan ng Kabataan

Introduksyon

Si Jose Rizal ay ang ating pambansang bayani. Matapos ang lahat ng kanyang pinagdaanan at
nagawa para sa ating bayan, natapos ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpapatay sakanya
sa daan ng pagbaril. Ngunit bago it mangyari lahat, nakapagsulat pa si Rizal ng mga tula, na
pinangalanan nyang “Mi Ultimo Adios” o “Huling Paalam”. Si Rizal ang sagisag o simbolo ng
pagiging makabayan at ang kanyang pagkamatay sa pamamagitan ng pamamaril dahil sa
kanyang paghihimagsik at pag sindi ng apoy ng mga Pilipino, ito ay nagkaroon ng epekto sa mga
tao, lalo na noong mismong pagkamatay niya. Posible na magkaroon ng epekto ang pagkamatay
ni Rizal sa pagiging makabayan ng mga kabataan dahil ang kanyang buong talambuhay ay
napapagaralan sa iba’t ibang antas ng edukasyon at mas maraming nakakaalam tungkol sa mga
pangyayari noon at mas maraming nakakakilala ng tunay kay Rizal at sa mga nagawa nya para sa
Pilipinas, mas malaki ang epekto ng kanyang kamatayan sa pagiging makabayan ng mga
kabataan. Sa pagkakakilala ng mga guro at propesor kay Rizal, sila din ang maglalahad ng buhay
ni Rizal sa mga bagong henerasyon. Ito ay kaya importante na maganda ang pagkakaturo
patungkol kay Rizal sa mga Pilipino dahil naapektuhan din nito ang paglalahad ng kasaysayan sa
mga susunod na henerasyon; at ang simbolo ng pagiging makabayan; ang simbolo ng pagiging
tunay at tapat na Pilipino ay nakasalalay sa pagtuturo ng mga guro at propesor upang
mapalaganap ang pagiging nasyonalismo at pagiging makabayan ng mga kabataan sa hinaharap.

Katawan

Ang buhay ni Rizal ay dumaan ng pangmabilisan lamang. Kahit siya ay parte ng mayamang
pamilya at may pribilehiyo dahil siya ay binibilhan ng kahit anong gusto nya ng kaniyang mga
magulang, ginamit niya lahat ito para sa kaniyang bayan. Ang kaniyang mga kaalaman na nkuha
nya sa pagaaral sa ibang bansa, pagiging arkitekto at inhinyero upang makatulong sa pagplano at
pag gawa ng mga bagong gusali at bahay para sa kanyang mga kawpa Pilipino. Ang pag aaral at
pagtatapos ng medisina upang makatulong sa pag-gagamot at pag preserba ng buhay ng kanyang
mga kababayan. Ito ay kaunti lamang sa lahat ng mga nagawa ni Rizal para sa Pilipinas. Isa sa
mga pinaka importante na nagawa ni Rizal ay ang kanyang pagka “exile” sa Dapitan. Dito
nagsimula ang karamihan ng ginawa niyang maganda para sa mga residente ng Dapitan. Sa pag-
tuturo niya sa ibang tao patungkol sa kaniyang kaalaman sa agrikultura at pag-tatanim at sa
De La Salle University- Dasmariñas
College of Engineering, Architecture and Technology
Graphics Design and Multimedia Department

kaniyang pag-gagamot sa mga may sakit noon, hanggang sa pagpapatayo niya ng paaralan para
sa kabataan ng Dapitan na wala masyadong kaya para lamang makapag aral ang mga ito.
Namuhay rito si Rizal ng simple na buhay, dito niya rin nakilala ang kaniiyang napangasawa na
si Josephine Bracken. Kahit simple lang man ang buhay ni Rizal dito, nagawa niya pa din na

mapalaganap ang Dapitan at makatulong sa kapwa niyang Pilipino sa pamamagitan ng maraming


paraan, pagtulong sa iba’t ibang tao. Hindi lamang ito, dahil si Rizal din ang sindi ng apoy ng
rebolusyon sa pamamagitan ng kaniyang mga sulatin; nobela at tula. At dahil sa mga
magagandang nagawa ni Rizal at sa pagpapabagsak ng korap na gobyerno, ang kamatayan ni
Rizal ay isang trahedya na ikinalungkot ng lahat marahil siya’y lubos na nakatulong sa kanyang
kapwa Pilipino.

Masasabing may epekto ang pagkamatay ni Rizal sa pagiging makabayan ng kabataan dahil
kapag naturo na sa mga estudyante ang mga nagawa ni Rizal noong sa kapanahunan niya, pwede
itong mag instilo ng magandang pagiisip at magbigay insperasyon sa mga kabataan na maging
mabuting taong bayan sa pamamagitan ng pag-hanga at pagsunod sa mga tamang halimbawa na
ipinakita ni Rizal at mga natutunan nila galling sa kanilang mga klase.

Pagsusuri

Sa pagsusuri ng akda ng tesis na ito, masasabi na mayroong epekto ang pagkamatay ni Rizal sa
pagiging makabayan ng kabataan dahil ang lahat ng naituturo ng mga eskwelahan sa kanilang
estudyante ay umiikot lamang base sa pagkakaturo ng kanilang mga guro. Dahil sa mga
magagandang gawain ni Rizal na naituro sa mga iba’t ibang antas ng edukasyon, sana ay
magsilbi ito bilang inspirasyon para sa kabataan at sa mga estudyante sa hinaharap na maging
mabuting ehemplo at halimbawa sa mga mas bata sa kanila. Na matupad muli ang tanging
layunin ni Rizal noon, ang masindihan ule ang “passion” ng mga Pilipino at mabuhay muli ang
kanilang pagka-nasyonalismo at patriyotismo; lumaganap ang kanilang pagmamahal sa bayan at
magkaroon ng lakas upang maipaglaban uli ang kanilang bayan na minamahal.

Rekomendasyon

Isang rekomendasyon para sa akdang ito ay ang pakikinig pa ng mabuti at pagaaral pa ng muli sa
mga akdang ugnay kay Rizal upang malaman pa ang ibang mga bagay na nagawa ni Rizal noong
kaniyang kapanahunan at makabasa pa ng iba pang mga nobela at tula na gawa ni Rizal na hindi
ganoong ka sikat pero ganoon din kalakas, kaseryoso at kaimportante and mensahe tulad ng
kaniyang mga gawa na pinagaaralan ngayon tulad ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Sa
De La Salle University- Dasmariñas
College of Engineering, Architecture and Technology
Graphics Design and Multimedia Department

paggawa nito, mas lalong mapapahalagahan ng mga estudyante at ng kabataan ang kasaysayan
ng Pilipinas, lalo na kapag kasama si Jose Rizal. Ang pag-aral ang pag-tuto ng mga aralin na
naka ugnay kay Rizal hindi dahil sa Rizal Law na kailangan ito pag-aralan ngunit dahil sa
sariling kusa dahil sa sariling pag-uusisa at kagustuhan na matutunan ang mga bagay na
patungkol kay Rizal.

Konklusyon

Mayroong direkta na epekto ang pagkamatay ni Rizal sa pagiging makabayan, patriyotismo at sa


nasyonalidad ng mga kabataan ngayon. Ito ay dahil sa kanilang pagaaral ng mga akdang
patungkol kay Rizal at sa kanilang mga guro at propesor na patuloy na nilalahad ang buhay ni
Rizal at ang kaniyang mga magagandang gawain noong kaniyang kapanahunan. Sa pamamagitan
ng paglalahad ng mga bagay na nagawa ni Rizal na nagpatuloy sa kaniyang pagiging
pambansang bayani, pwede ito maging inspirasyon ng kabataan na maging mas alerto pagdating
sa mga mas seryosong akda tulad ng politiko upang hindi maka-boto ng opisyal na hindi naman
tapat upang hindi magkaroon ng korap na gobyerno.

Sanggunian

Museo ni Jose Rizal, Dapitan. (n.d.). GOVPH. https://nhcp.gov.ph/museums/rizal-shrine-


dapitan/
Javier, J. S. (2021, July 1). What Rizal Did in Dapitan: Collecting Local Fauna, Establishing a
Boarding School, and Healing the Sick. Esquiremag. https://www.esquiremag.ph/long-
reads/features/rizal-in-dapitan-a2653-20210701-lfrm
Rizal in Dapitan. (n.d.). Thelifeandworksofrizal.
http://thelifeandworksofrizal.blogspot.com/2012/02/rizal-in-dapitan.html
Jose Rizal: Filipino Political Leader and Author. (2022, June 15). Britannica.
https://www.britannica.com/biography/Jose-Rizal
Ang Halaga ni Rizal sa Ating Buhay. (n.d.). cco14.wordpress.
https://cco14.wordpress.com/2012/07/22/ang-halaga-ni-rizal-sa-ating-buhay/
MNLtoday.PH. (2018, December 28). Jose Rizal in Dapitan. MNLtoday.
https://mnltoday.ph/2018/12/28/rizal-sa-dapitan/
Jose Rizal Biography. (n.d.). Joserizal. https://www.joserizal.com/
Ravin, T. B. (2001, February). Jose Rizal, Philippine National Hero and OpthalmologistI.
JAMA Opthalmology. https://jamanetwork.com/journals/jamaophthalmology/fullarticle/265463
De La Salle University- Dasmariñas
College of Engineering, Architecture and Technology
Graphics Design and Multimedia Department

Mensahe Para sa Guro


Hi po sir. I hope this message finds you well po. Thank you po for teaching us despite the
circumstances that we’re dealing with right now. Hoping to see you po on campus when f2f
comes back po hehe. Ingat po kayo sir palagi and Godbless.

You might also like