Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Name: Jose Angelo R.

Loyola
Course & Section: BIT32
Subject: Kursong Rizal
Professor/Instructor: Ginoong Jumel G. Estrañero
University: De La Salle University – Dasmariñas

“ANG MGA PABORITONG PAGKAIN NG ATING PAMBANSANG BAYANING


SI DOCTOR JOSE RIZAL”

I. INTRODUKSYON
Si Dr. Jose Rizal ay kinikilala bilang isang matalinong Pilipino na lumaban para sa ating
kalaayan. Ang kaniyang mga nobelang isinulat na Noli Me Tangere (1887) at ang El
Filibustersimo (1891) ang naging paraan upang maipakita sa ating mga Pilipino ang mga
katiwaliang nangyayari sa ating bayan. Ang mga nobelang ito ay ilan lamang sa mga naging
dahilan upang mamulat ang mga mata ng ating mga kababayang Pilipino para ipaglaban ang
kalayaan na ating natatamasa ngayong panahon. Pero kung iisipin natin ay hindi maisusulat
ni Dr. Jose Rizal ang mga nobelang ito kung siya ay nagugutom at hindi niya matutupad ang
mga iba niya pang nagampanang tungkulin para sa ating bayan kung kumakalam ang
kaniyang sikmura. Anu-ano kaya ang mga paboritong pagkain ni Dr. Jose Rizal na kinain
niya noong unang panahon na naging rason upang lumaki siyang malusog at matalino?

II. KATAWAN

Ang mga Paboritong pagkain ni Dr. Jose Rizal


 Tinola
Ang Tinola ay isang pagkain na karaniwang nagsisilbing pampagana. Ito ay gawa sa
malasang sabaw na may luya, bawang, patis, at karne ng manok. Maraming mananalaysay ang
naniniwala na ang Tinola ay isa sa mga paborito ni Rizal; sa kanyang pagkakatapon sa Dapitan,
isusulat ng doktor ang kanyang ina na si Teodora Alonso, at hihilingin sa kanya na dalhin sa
kanya ang ulam.
Ginamit pa ang Tinola bilang simbolo sa pulitika at panlipunan sa kanyang nobelang Noli Me
Tangere. Sa nobela, naghanda ng hapunan si Kapitan Tiago para sa pagbabalik ni Crisostomo
Ibarra at ginanap ito sa Calle Anloague. Sa hapunan sa Tinola, masama ang loob ni Padre
Damaso dahil nakuha niya ang mabutong leeg at matigas na pakpak.

 Pancit
Halos bawat okasyon ng mga Pilipino ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng Pancit, isang
ulam na gawa sa piniritong pansit na nilagyan ng iba't ibang karne, gulay, sibuyas, karot,
bawang, at repolyo. Si Rizal ay mahilig kumain ng Pancit dahil ito ang ulam nila ng kanyang
mga kapwa Pinoy na estudyante sa Madrid pagkatapos ng klase.

 Ginisang Munggo

Bukod sa paghiling sa kanyang ina na dalhan siya ng isang plato ng Tinola, humingi din
si Rizal ng isang mangkok ng Munggo o mung bean soup. Sinabi ni Francisco Rizal Lopez,
isa sa kanyang mga inapo, na minsang pinagsilbihan ng ipinatapon na bayani si Munggo ng
mga batang dahon ng ampalaya sa kanyang mga bisitang pamangkin.
 Foie Gras
Mahilig din si Rizal sa mga pagkaing Europeo, isa sa mga paborito niya mula sa rehiyon ang
foie gras. Maraming mananalaysay ang naniniwala na ang ulam ay nagpaalala kay Rizal ng
kanyang pagbisita sa studio ni Juan Luna sa Paris.
 Champorado
Maraming naiambag si Rizal sa larangan ng panitikan at medisina, ngunit hindi alam
ng maraming Pilipino na ang bayani rin ang henyo sa likod ng paboritong almusal ng
bansa: ang Champorado o Filipino chocolate rice porridge. Ayon sa isang aklat-aralin ng
Departamento ng Edukasyon (DepEd) noong 1950s, noong bata pa lamang si Rizal, hindi
niya sinasadyang nailagay ang isang umuusok na mug ng mainit na tsokolate sa kanyang
plato ng kanin at tuyong isda. Nang tawagin siya ng kaniyang mga kapatid na babae, sinabi
niya: “Sinasadya ko iyon. Kapag naghalo ka ng kanin at tsokolate mayroon kang
Champorado.”
Walang pangunahing mapagkukunan upang suportahan ang katotohanang ito.
Naniniwala pa rin ang ilan sa mga eksperto na ang pinagmulan ng Champorado ay
nauugnay sa kalakalang Galleon sa pagitan ng Mexico at Pilipinas. Dinala ng mga
mangangalakal mula sa Mexico ang kaalaman tungkol sa champurrado, isang mainit at
makapal na sopas na nakabatay sa tsokolate na hinahain kasama ng churros.
 Tuyo

Endemic o matatagpuan lamang sa Laguna de Bay, ang tuyo ay inihain sa iba't ibang
paraan, na may kasamang kanin. Isinalaysay din ito sa kanyang nobela na Noli Me Tangere
kung saan isinulat niya ang "ang ayungin ay mabuti para sa sinigang; iwanan ang biya para
sa escabeche, ang dalag at ang buan-buan para sa pesa." Talagang tipikal na pagkaing
Pilipino ang mga ito at maipapakita dito ang kaniyang pagkahilig sa pagkain.
 Bistek
Ito ay Beef Steak (Bistek Tagalog). Ang Beef Steak o bistek ay isang ulam na gawa sa mga
sibuyas at piraso ng sirloin beef na dahan-dahang niluto sa toyo, at katas ng calamansi. Isa
ito sa mga paboritong pagkain ni Dr. Jose Rizal.

III. PAGTATASA
Aking ilalahad ang mga natutuhan ko sa mga pagkaing ito. Una ang pagkahilig ni Jose
Rizal ang nagbigay sa kanya ng ideya upang maisimbolo ito sa kanyang nobela gaya ng
tinola. Pangalawa natutunan kong di tayo nalalayo sa pagkain na paborito ni Jose Rizal
dahil natitikman pa din natin ito sa kasalukuyan. Nagbigay ito sa akin ng kaalaman na ang
mga pagkain na nakakain natin ngayon ay hindi gaanong nag-iba kumpara noon kagaya ng
tuyo at munggo na pareho pa din ang mga sangkap kumpara sa mga kinakain ni Dr. Jose
Rizal noon. Napatunayan nito na kayang ipreserba ang mga lutuin at pagkain na ito at
maipasa sa susunod na henerasyon.
Nakakamanghang isipin na sa paglipas ng mga panahon ay meron pa din palang hindi
nagbabago sa mga lutuing ito. Dapat ay ipagpatuloy natin ang pag preserba sa mga ito
upang maipasa pa natin ang mga pagkaing ito sa mga susunod na henerasyon. Sa pag
papasa ng mga lutuing ito ay maipapasa din natin ang mga mayayamang kultura ng ating
bansa kagaya ng pagsasaliksik sa mga pagkaing ito, nabigyan tayo ng liwanag na hindi
pala imposible ipreserba ang mga lutuing ito basta tayo ay magsasaliksik lamang nang
tama.

IV. REKOMENDASYON
Rekomendasyon para sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas
Para sa mga mamayan ng bansang Pilipinas, ating aralin kung paano iniluluto ang mga
pagkain na ito upang matikman natin ang mga paboritong pagkain ng ating pambansang
bayani. Mahalaga na maipasa pa natin ang mga pagkaing ito sa mga susunod na henerasyon
kaya nawa ay gawin natin ang tungkulin natin sa pag preserba nito.

Rekomendasyon para sa mga mag-aaral


Para sa mga mag-aaral, kung bibigyan tayo ng pagkakataon mag-aral ay pagbutihin
natin ito. Alamin kung saan tayo magaling at kung ano talaga ang gusto natin sa paglaki.
Ang buhay ay hindi isang karera ngunit hindi ibig sabihin nito ay magpapahuli ka na.
Habang maaga pa ay dapat tuklasin natin ang mga bagay na magpapasaya sa atin at kabilang
sa mga pagtuklas ng mga ito ay ang ating kasaysayan kagaya ng mga pagkain natin. Ating
aralin ang kasaysayan ng ating mga pagkain at lutuin upang malasahan natin ang nakaraan.
Rekomendasyon para sa mga kapwa mananaliksik
Para sa aking mga kapwa mananaliksik, nawa ay magsilbing gabay ang papel na ito
upang mabigyan kayo ng kaunting ideya o kaalaman ukol sa mga paboritong pagkain ng
ating pambansang bayani. Sana ay makatulong ang aking kaunting nasiyasat upang kayo ay
may matutunan sa kasaysayan ng mga pagkain sa ating bansa. Maari niyo pang dagdagan
ang papel na ito upang punan ang mga pagkukulang na maaring makatulong pa sa ibang
mananaliksik.

V. KONKLUSYON
Tungkulin natin bilang makabagong henerasyon na ipreserba at aralin ang ating
kasaysayan kabilang na dito ang mga putahe o mga lutuin noong unang panahon dahil parte
ito ng napakayaman nating kultura mula sa nakaraan. Sa pagpasok ng modernong panahon
unti-unti nang nagbabago ang ating bayan kasama na dito ang mga pagkain na
naiimpluwensyahan na ng ibang bansa. Mahalaga na panatilihin natin ang mga lutuin at
pagkain na dito lamang sa atin matatagpuan dahil mula ito sa mga pinagsama samang
karanasan ng ating bansa na dapat ay matikman din ng mga susunod pang mga henerasyon.
Kaya nasabi ni Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan ay dahil alam niyang
matututo tayo sa mga kaganapan sa ating nakaraan. Itutuloy lang natin ang mga tama huwag
tutularan ang mga mali, huwag natin hahayaang matakluban ng dilim ang ating kasaysayan at
iliko ito upang pumabor sa mga may kapangyarihan. Kahit gayahin pa ng mga dayuhan ang
ating mga lutuin at pagkain mananaig pa din ang orihinal na nanggaling sa atin.
VI. SANGGUNIAN
What's on a Hero's Plate? 5 Of Dr Jose Rizal's Favourite Dishes by Jove Moya Kinuha
noong July 2, 2022 mula sa https://www.tatlerasia.com/dining/digest/jose-rizals-favourite-
dishes
Discovering Rizal through his favorite food by Yvette tan Kinuha noong July 2, 2022
mula sa https://tulay.ph/2019/09/24/discovering-rizal-through-his-favorite-food/
Kinuha noong July 2, 2022 mula sa
https://www.backpackingphilippines.com/2014/06/jose-rizals-favorite-food-153rd.html
Kinuha noong July 2, 2022 mula sa https://www.filipinochow.com/recipes/beef-steak-
bistek-tagalog/

VII. MENSAHE PARA SA AKING GURO


Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong naituro sa’kin at sa markang inyong
ibinigay sa akin. Ngayong semestre ay nakaranas ako ng depresyon na naging sanhi nang
pagbaba ng aking mga grado ngunit kayo po ay isa sa mga nagpa alala sa’kin na kaya ko
pang lumaban. Noong nagbukas ako ng student portal ay kayo lamang ang nagbigay ng
mataas na marka sa akin na naging simbolo upang bumangon ako mula sa aking pagkadapa.
Maraming maraming salamat sir sa pagiging liwanag sa buhay naming mga estudyante at
salamat sa pagiging mabuting guro sa amin. Napatunayan niyo po na malaki ang epekto ng
kabutihan natin sa buhay ng ibang tao. Muli salamat po at nawa ay mas marami pa kayong
matulungang estudyante sa susunod pang mga taon.

You might also like