ESP6 Q4 Week2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________

Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikaapat na Markahan - Ikalawang Linggo
Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad at
Paninindigan sa Kabutihan (Part 2)

I. Panimula

Sa nakaraang aralin ay ating napag-aralan ang mga gawain upang

mapaunlad ang ating ispiritwalidad. Ilan lamang sa mga katangian na
dapat taglayin ng isang batang tulad mo ay ang pagdarasal, pagtulong sa
mga nangangailangan, at pagsunod sa mga kautusan ng ating Panginoon.
Marami pang mga bagay ang dapat nating isapuso upang ating
mapagyabong ang ating buhay pananampalataya.

Isa rin sa mga utos na kailangan nating gawin upang maging kalugod-
lugod sa mga mata ng Diyos ay ang paninindigan sa kabutihan---
paninindigan sa tama ng hindi natatakot sa paninindak ng kasamaan at
pagtakwil sa mga hindi magandang gawa ng tao.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng

sariling kapayapaan (inner peace) para sa pakikitungo sa iba.EsP6PDIVa-i–16
 Paninindigan sa Kabutihan (Making a Stand for the Good)
III. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay

inaasahang:
1. mailalahad ang kahulugan ng ispiritwalidad;
2. maiisa-isa ang mga katangian ng isang taong may maunlad na
ispritwalidad; at
3. makagagawa ng collage, makapagbabahagi ng karanasan, at
makasusulat ng pangako na magpapakita ng paninindigan sa
kabutihan at paggalang sa paniniwala ng iba.

IV. Pagtatalakay

Sa ating buhay pananampalataya, palagi nating isipin na ang Diyos

ay hindi natutulog sa ating mga panalangin. Ang mga unos at sakuna na
dumarating sa ating buhay ay mga pagsubok lamang upang mas lalo pa
nating ilapit ang ating mga sarili sa Kaniya. Ang mga pagsubok na ito ay
ating malalagpasan dahil hindi Niya tayo pababaayaan kailanman. Ito din
ay mga bagay na magpapaunlad sa ating ispiritwal na pamumuhay. Ang
dapat nating gawin ay manampalataya at manalig sa Kaniyang pangalan.
Tiyak na kung may pagsubok man ay may malaking biyaya naman na
ipagkakaloob sa atin.

Halina’t kilalanin ang pamilyang may pananampalataya sa Diyos.

Nawa’y kapulutan natin ng aral ang kuwento.

Ang Pananampalataya ng
Pamilya Santiago
John Carlo D. Dizon

Sa isang lugar sa Barangay San Roque, kilala ang pamilya Santiago sa

pagpapakita ng matibay na pananampalataya sa Diyos. Lahat ng kanilang
kapit-bahay ay humahanga sa kanilang mabuting pag-uugali at maka-Diyos
na gawain. Sila ay laging tumutulong sa mga nangangailangan at mahilig
makilahok sa mga proyekto ng kanilang barangay. Tunay na ginagalang
ang pamilya Santiago sa kanilang pamayanan.

2
Isang araw, habang naglalakad pauwi ang mag-anak ay nasaksihan
nila na nasusunog ang kanilang tahanan. Sa kanilang pagkagulat ay wala
silang nagawa. Sila ay nagmistulang mga estatwa na hindi makagalaw sa
kanilang kinatatayuan. Nagmalasakit at nagtulong-tulong ang kanilang mga
kapit-bahay upang mapatigil ang pagsiklab ng apoy, ngunit huli na ang
lahat dahil hindi na nila ito mapigil sa pagtupok ng tahanan ng pamilya
Santiago. Nilamon ng apoy ang buong bahay at ang mga gamit nila ay
nasunog at naglaho na parang abo.
Dahil sa kagimbal-gimbal na pangyayari, hindi alam ng mag-anak
kung saan sila mag-uumpisa. Bagsak ang kanilang mga katawan at hindi
maipinta ang mga mukha sa pagkabigla sa pangyayaring nasaksihan.
Tinignan nila ang mga gamit na maaari pang mapakinabangan ngunit kahit
isa ay wala silang nakuha. Maging ang kanilang ipon na pera ay nasunog
kasama ng kanilang mga gamit. Pansamantala naman silang pinatuloy sa
tahanan ng isa sa kanilang mga kapit-bahay. Malungkot man ang buong
pamilya, sila ay sabay-sabay pa rin na nagdasal sa Diyos. Sila ay humihingi
ng lakas ng loob upang makabangon muli.

Marami ang naawa dahil sa kanilang sinapit. Ang kanilang mga kapit-
bahay at kamag-anak ay nagka-isa at nagbigay ng tulong sa mag-anak.
Maging ang Kapitan ng barangay ay nagpaabot ng tulong upang
makapagsimula muli ang pamilya Santiago. May nagbigay ng mga bagong
damit, pagkain, at mga materyales na gagamitin upang maipatayo muli
ang kanilang nasirang bahay. May nagbigay din ng pera upang magkaroon
ang pamilya ng panghuhugutan sa mga gastusin. Lubos ang pasasalamat
ng pamilya Santiago sa mga kapit-bahay, kamag-anak, at sa Diyos dahil
hindi sila Nito pinabayaan.

3
Nawala man ang bahay at mga gamit ay hindi naman nawala sa
mag-anak ang matibay na pananampalataya sa Diyos. Taos puso pa rin
ang kanilang pasasalamat at pagdarasal dahil ang lahat ay ligtas sa sakuna
na dumating sa kanilang buhay. Marami ang namangha sa pamilya
Santiago dahil ang kanilang pananalig ay hindi natinag ng unos. Sila ay
nakikita pa rin na nagsisimba tuwing Linggo nang sama-sama. Buong pusong
nagdarasal sa Diyos at nagpapasalamat sa magandang buhay na
ipinagkaloob sa kanilang pamilya.

V. Mga Gawain

Gawain #1: Lunes

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa mga
patlang sa ibaba.

1. Saan nakatira ang pamilya Santiago?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Anong trahedya ang naranasan ng pamilya sa kanilang lugar?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Sino-sino ang mga tumulong sa pamilya upang malagpasan ang unos na

pinagdaraanan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Bakit hinahangaan ang pamilya Santiago sa kanilang barangay?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

4
5. Ano-ano ang mga katangian ng pamilya Santiago ang dapat mong
tularan? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

B. Panuto: Para sa iyo, ano ang kahulugan ng ispritwalidad? Isulat ito nang
pasanaysay sa loob ng kahon sa ibaba. (10 puntos)

__________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Batayan Napakahusay Maayos Nangangailang Puntos
an ng Tulong
10 8 6
NILALAMAN
PRESENTASYON
WASTONG BAYBAY AT
BANTAS
Total/3=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

5
Gawain #2: Martes
A. Panuto: Iguhit ang masayang mukha  kung ang sitwasyon ay

nagpapakita ng gawaing may pananampalataya, at malungkot na

mukha naman  kung hindi.

_______1. Si Mang Juan ay aktibo sa kanilang simbahan.

_______2. Niyaya kong magdasal ang aking kapatid bago kumain.

_______3. Si Rico ay tumutulong sa kapwa upang maging sikat sa

aming barangay.

_______4. Tinutupad ko ang aking mga pangako.

_______5. Hindi kayang ibigay ni Jeya ang kaniyang mga gamit na

pinaglumaan sa mga nasalanta.

_______6. Si Aling Neneng ay nagpamigay ng libreng gulay sa mga

kapus-palad.

_______7. Hinila ni Jun ang aking lapis habang ako ay nagsusulat.

_______8. Tinuturuan kong magdasal ang aking nakababatang

kapatid.

_______9. Pinangungunahan ko ang pagdarasal sa aming klase.

_______10. Tinutulungan ko ang aming guro sa paglilinis ng aming silid-

aralan.

6
B. Panuto: Sagutan ang akrostik na salita. Bawat titik ay lagyan ng
kahulugan na naaayon sa pagpapakita ng paninindigan sa
kabutihan. (10 puntos)

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Napakahusay Maayos Nangangailangan Puntos
Batayan ng Tulong
10 8 6
NILALAMAN
KAAYUSAN
IDEYA
Total/3=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

7
Gawain # 3: Miyerkules
A. Panuto: Isulat ang MAYROON kung ang sitwasyon ay tama, at WALA
naman kung hindi. Kung WALA ang napiling sagot, isulat sa patlang
ang dapat gawin upang maitama ang gawain.

1. Pagsimba tuwing araw ng Linggo.

___________________________________________________________
2. Pagbibinyag sa mga sanggol upang sila ay maging ganap na
Kristiyano.
___________________________________________________________
3. Nakikipaglaro sa loob ng simbahan.

___________________________________________________________
4. Paniniwala sa mga hula.

___________________________________________________________
5. Pagbibigay respeto sa relihiyon ng iba.

___________________________________________________________
6. Pagiging tahimik sa loob ng simbahan bilang paggalang sa
bahay ng Diyos.
___________________________________________________________
7. Pagdalo tuwing Simbang Gabi.

___________________________________________________________
8. Pakikinig ng taimtim sa mga aral ng Diyos.

___________________________________________________________
9. Nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba.

___________________________________________________________
10. Nakikipagkwentuhan sa loob ng simbahan.

___________________________________________________________

8
B. Panuto: Gumawa ng journal at isulat kung paano maipapakita ng isang
batang katulad mo ang paninindigan sa kabutihan. (10 puntos)

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

(2 - Sumasang-ayon 1 – Medyo sumasang-ayon)
PAMANTAYAN PUNTOS
1. Makatotohanan ang nilalaman
2. Makabuluhan ang nilalaman
3. Malinis at maayos ang pagkasulat
4. Nagpakita ng pagka-malikhain sa isinulat
5. Nagpakita ng may maunlad na ispiritwalidad sa isinulat
Total =
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

9
Gawain # 4: Huwebes
A. Panuto: Isulat ang mahalagang konseptong iyong natutuhan sa

pamamagitan ng pagbuo sa talatang nasa ibaba. Piliin ang sagot

sa loob ng kahon.

dumarating gawin man malalagpasan biyaya

relihiyong pababayaan sarili manalig pangalan pagsubok

Sa ating buhay pananampalataya, palagi nating isipin na ang

Diyos ay hindi natutulog sa ating mga panalangin. Ang mga unos at

sakuna na 1. _______________ sa ating buhay ay mga 2. _______________

lamang upang mas lalo pa natin ilapit ang ating mga 3. _______________

sa Kaniya. Ang mga pagsubok na ito ay ating 4. _______________ dahil

hindi Niya tayo 5. _______________ kailanman. Ito din ay mga bagay na

magpapaunlad ng ating ispiritwal na pamumuhay. Ang dapat nating

6. _______________ ay manampalataya at 7. _______________ sa Kaniyang

8. _______________. Tiyak na kung may pagsubok 9. _______________ ay

may malaking 10. _______________ naman na ipagkakaloob sa atin.

10
B. Panuto: Gumawa ng collage na magpapakita ng paninindigan sa
kabutihan at paggalang sa paniniwala ng iba. Humanap at gumupit ng
mga larawan sa google, magazine, o pahayagan at idikit ito sa kahon. (10
puntos)

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Batayan Napakahusay Maayos Nangangailan Puntos
gan ng Tulong
10 8 6
NILALAMAN
(ugnayan sa paksa)
KAIBAHAN
(bagong konsepto)
SINING AT DISENYO
(makulay at maganda)
Total/3=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

11
Gawain # 5: Biyernes
A. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan sa kanilang simbahan. Napansin mo na
iba ang kanilang paniniwala sa iyong nakaugalian. Ano ang iyong
gagawin?
A. Hindi na ako sasama ulit.
B. Igagalang ko ang kanilang paniniwala.
C. Lalabas ako sa kanilang simbahan.

2. Ipinakilala ng inyong guro ang bagong kaklase at nalaman mo na siya ay

may ibang paniniwala. Ano ang dapat gawin ng isang batang tulad mo?
A. Hindi ko na lang siya kakausapin.
B. Makikipagkaibigan ako sa kaniya kahit magkaiba ang aming
paniniwala.
C. Hahayaan ko na lang siya.

3. Dumalaw ka sa bahay ng iyong kaibigan. Nakita mo ang kaniyang nanay

na nagsindi ng kandila sa harap ng altar. Ano ang iyong gagawin?
A. Hihipan ko ito at hindi na sisindihan.
B. Hahayaan ko lang ang kandila at hindi na lang papansinin.
C. Aalamin at irerespeto ko ang ibig sabihin ng pagsindi ng kandila sa
altar.

4. Nag-alay ng bulaklak ang iyong kaibigan sa altar ng simbahan. Nakita

mong kinuha iyon ng isang bata at pinaglaruan ito. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Pagsasabihan ko ang bata at pakikiusapan na ibalik ang bulaklak
sa altar.
B. Hahayaan ko lang siya dahil masaya siyang naglalaro.
C. Pagagalitan ko ang bata sa pagkuha sa bulaklak.

5. Araw ng Linggo at nakita mo ang iyong guro sa loob ng simbahan. Ano

ang iyong gagawin?
A. Magtatago ako sa aking guro.
B. Magkukunwaring hindi ko siya nakita.
C. Pupuntahan ko siya pagkatapos ng misa at magmamano sa
kaniya.

12
B. Panuto: Sumulat ng 10 katangian na mayroon ang isang taong may
maunlad na ispiritwalidad. Isulat ang sagot sa loob ng bilog.

10 Katangian ng Isang
Batang may Maunlad
na Ispiritwalidad

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Napakahusay Maayos Nangangailangan Puntos
Batayan ng Tulong
10 8 6
NILALAMAN
KAAYUSAN
IDEYA
Total/3=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

13
VI. Pagsusulit

I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Naghahabulan kayo ng iyong kaibigan at sa hindi sinasadyang
pagkakataon ay nadapa ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Aalalayan ko siyang tumayo.
B. Tatakbo ako at uuwi sa bahay.
C. Magtatago ako sa malapit na puno.

2. Umalis ang iyong nanay upang mamalengke at naiwan ka kasama ang

iyong bunsong kapatid. Napansin mong inaapoy siya ng lagnat. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Hihintayin ko ang nanay na makauwi kahit alam kong kakaalis lang
niya.
B. Hihingi ako ng tulong sa nakatatanda naming kapit-bahay.
C. Maglalaro kami ng aking kapatid upang hindi siya umiyak.

3. Ang iyong lolo ay may sakit at kailangan na maoperahan. Ano ang

maaari mong gawin?
A. Ipagdarasal ko siya araw-araw na gumaling at lumakas muli.
B. Hihintayin ko ang kaniyang operasyon at doon siya ipagdarasal.
C. Iiyak ako dahil may sakit ang aking lolo.

4. Ikaw ang napiling lumahok sa isang patimpalak sa pagsayaw sa inyong

paaralan. Sa iyong pagtatanghal ay nadulas ka sa entablado ng hindi mo
inaasahan. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatakbo ako at iiyak sa likod ng entablado.
B. Tatayo ako at ibibigay ang aking makakaya.
C. Hindi ako papayag na ako ay matalo.

5. Natamaan ka ng bisikleta ng iyong pinsan nang hindi sinasadya. Ano ang

iyong gagawin?
A. Uuwi ako at isusumbong ko siya sa aking nanay.
B. Hindi na ako ulit sasama sa aking pinsan.
C. Patatawarin ko ang aking pinsan dahil hindi niya ito sinasadya.

14
II. Panuto: Kulayan ng pula ang bilog kung ito ay nagpapakita ng
paninindigan sa kabutihan, kulayan naman ng itim kung hindi.

1. Si Jose ay hindi nangongopya sa klase kahit na ibinibigay na sa

kaniya ang mga sagot sa pagsusulit.
2. Si Anton ay palaging nagsasabi ng totoo sa lahat ng tao.
3. Si Risa ay kumuha ng pera sa pitaka ng kaniyang ina nang walang
paalam.
4. Simple lamang ang buhay nina Aling Rosa at Mang Kiko ngunit
kailanman ay hindi sila nanlamang sa kapwa.
5. Nagsabi si Maya na nabasag niya ang baso kahit alam niyang
mapapagalitan siya.

VII. Pangwakas
Repleksyon:
Panuto: Sumulat ng sariling kuwento o karanasan na nagpakita ng
paninindigan sa kabutihan.

______________________________________________________________

15
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
(2 - Sumasang-ayon 1 – Medyo sumasang-ayon)
PAMANTAYAN PUNTOS
1. Makatotohanan ang nilalaman
2. Makabuluhan ang nilalaman
3. Malinis at maayos ang pagkasulat
4. Nagpakita ng pagka-malikhain sa isinulat
5. Nagpakita ng may maunlad na ispiritwalidad sa isinulat
Total =
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa
pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

16
17
A. A. A.
1. Barangay San Roque
1. MAYROON 1.  2. Nasunog ang kanilang
2. MAYROON 2.  bahay
3. WALA 3.  3. Kapitan, kamag-anak,
4. WALA kapit-bahay, at ang Diyos
4. 
5. MAYROON 4. Dahil sila ay tumutulong sa
6. MAYROON 5.  mga nangangailangan at
7. MAYROON 6.  mahilig makilahok sa mga
8. MAYROON 7.  proyekto ng kanilang
9. MAYROON 8.  barangay.
10. WALA 9.  5. Maaaring magkaiba ang
10.  sagot.
B.
Maaaring magkaiba ang B.
sagot. Tyek ang rubrik sa B. Maaaring magkaiba ang
Maaaring magkaiba ang sagot. Tyek ang rubrik sa
ibaba.
sagot. Tyek ang rubrik sa ibaba.
ibaba.
Gawain #3 Gawain #2 Gawain #1
IX. Susi sa Pagwawasto
Edisyon.
Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad Anuman ang Paniniwala, Unang
Education Curriculum and Instruction Strand.
Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning
Curriculum
(Kagamitan ng Mag-aaral). Butil ng Pagpapahalaga, Batay sa K-12
Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao Ika-anim na Baitang
VIII. Sanggunian
Gawain #4 Gawain #5 Pagsusulit

ang sagot.
sagot. Maaaring magkaiba
ibaba. 10.
Maaaring magkaiba ang
B. sagot. Tyek ang rubrik sa
9.
Maaaring magkaiba ang
B. 8.
10. biyaya
9. man 7.
8. pangalan 6.
7. manalig II.
6. gawin
5. pababayaan 5. C 5. C
4. malalagpasan 4. A 4. B
3. sarili 3. C 3. A
2. pagsubok 2. B 2. B
1. dumarating 1. B 1. A
A. A. I. Pagsusulit

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: John Carlo D. Dizon

Patnugot: Emmanuel C. Reganit, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Bobby P. Caoagdan, EdD
Grace Ann P. Maristela, PhD
Czarina S. Gacias
Carmela M. Santos
Patnugot ng Wika: Allan T. Manalo, PhD
Grupo ng Tagapaglinang: Ronaldo A. Pozon, PhD
Maria Celina L. Vega, CESE
Paulino D. De Pano, PhD

18

You might also like