Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ARELLANO UNIVERSITY

Andres Bonifacio Campus


Pag-asa St., Caniogan, Pasig City
ARELLANO UNIVERSITY
ELEMENTARY DEPARTMENT

ARALING PANLIPUNAN 2

PANGALAN: PETSA:

BAITANG AT PANGKAT: GURO:

I. Paksang Aralin: Mga Namumuno sa Aking Komunidad

II. Mga Layunin;


a. nakatutukoy ng mga pinuno sa komunidad;
b. nakakabahagi ng mga tungkulin ng mga pinuno sa komunidad; at
c. nakakaguhit ng larawang nagpapakita ng pagtulong sa mga pinuno.

❖ Mga Pinuno sa Komunidad


⮚ Lahat tayo ay nagnanais ng isang mapayapa at maunlad na komunidad. Upang
makamit ito aymahalagang may mabubuti at mahuhusay na pinuno ang isang
komunidad. Mahalaga ang isang lider para sa mapagkaisa niya ang
mamamayang naninirahan dito. Ang mga lider na ito ang nagsisilbing
tagapagpatupad ng mithiin ng mga tao para sa kanilang komunidad.
⮚ Ang isang barangay ay pinamumunuan ng isang kapitan at ng mga kagawad.

⮚ Ang barangay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal sa bansa. Ang


kanilang tanggapan at tinatawag na barangay hall. Sila ay inihahalal ng mga
taumbayan para mamuno sa loob ng ilang taon. Ang isang barangay ay bahagi
ng isang bayan o lungsod. Ang mga namumuno naman dito ay tinatawag na
alkalde o mayor, bise - alkalde, at mga konsehal.

⮚ Katulad ng mga lider sa mga barangay, sila rin ay inihahalal ng taongbayan. Sila
ay maaaring magsilbi sa loob ng tatlong taon. Silang lahat ay may tatlong termino.
Ang ibig sabihin nito ay tatlong beses silang maaaring mahalal sa posisyon na ito.
Ang kanilang tanggapan at tinatawag na munisipyo sa mga bayan at city hall
naman sa lungsod.

⮚ Ang alkalde ay may kapangyarihang pumili ng Kalihim, Ingat - yaman,


Tagapamayapa, at Hepe o Pinuno ng Pulisya para sa munisipalidad.

❖ Mga Tungkulin ng mga Pinuno sa Komunidad


⮚ Ang kapitan at kagawad ng isang barangay ay may tungkuling panatilihin ang
kaayusan ng kanilang nasasakupan. Sila ang nangunguna sa mga programang
magpapabuti ng kanilang barangay.

⮚ Kadalasan ang kanilang mga programa ay tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan


ng barangay. May mga pagkakataon pang nagtatanim sila ng puno o halaman
sa paligid. Ang pagsasaayos ng trapiko sa kanilang barangay ay kanila ring
ginagampanan. Katulong ng mga opisyal ng barangay ang Sangguniang
Kabataan ( SK ) sa paggawa ng mga proyekto na makatutulong sa kanilang
nasasakupan.
⮚ Ang pagpapanatili ng kapayapaan ng buong barangay ay kanila ring tungkulin.
Inaatasan nila ang mga barangay tanod para magronda o umikot sa buong
barangay. Sa ganitong paraan ay mapapanatiling ligtas ang kanilang
nasasakupan.

⮚ Sa panahon ng sakuna ay sila rin ang inaasahang unang tutugon sa


pangangailangan ng mamamayan ng barangay. Halimbawa, sila ang
mangunguna sa pagbigay ng relief goods sa biktima ng sunog at matinding
pagbaha.
⮚ Sa barangay rin unang dumudulog ang mga taong may nakakaalitan. Tungkulin
ng pinuno ng barangay na maging tagapamagitan sa dalawang nag - aalitang
tao.

⮚ Ang mga pinuno naman o Alkalde/Mayor ng isang bayan o lungsod ay may


tungkuling bumuo ng mga programang makabubuti sa kanilang nasasakupan.
Ang lokal na pamahalaan ay nagpapatupad ng mga programang nagtataguyod
ng edukasyon.

⮚ Halimbawa nito ay nag pagtatayo ng gusali at pagbibigay ng mga kagamitan


tulad ng silya at mga lamesa. Binibigyang - pansin din nila ang kalusugan ng
kanilang nasasakupan. Sila ay nagpapatayo ng mga hospital at nagbibigay ng
mga libreng gamot sa mga health center. Sila ay nakikipag - ugnayan sa mga pulis
upang mapanatili ang kaayusan sa buong bayan o lungsod.

⮚ Tungkulin din ng alkalde na ipatupad ang mga batas at ordinansa.

❖ Pagpili ng mga Pinuno


⮚ Ang mga pinuno ng barangay at ng mga bayan at lungsod ay pinipili sa
pamamagitan ng halalan o eleksiyon.

⮚ Ang eleksiyon sa lokal na pamahalaan ay nagaganap tuwing buwan ng Mayo


kada tatlong taon. Ang mga rehistradong botante ay nagkakaroon ng
pagkakataon na pumili ng mga lider sa lokal na pamahalaan. Tuwing ikatlong taon
din ang halalan para sa pinuno ng barangay. Ito naman ay isinasagawa tuwing
buwan ng Oktubre.
⮚ Hindi lahat ay maaaring mahalal na lider ng isang komunidad. May mga
katangiang dapat taglayin ang mga ito bago payagan ng Commission on
Elections ( COMELEC ), ang ahensyang nangangasiwa sa halalan s aating bansa.
Kapag sila ay pinayagan ng COMELEC na maging kandidato ay magsasagawa
sila ng pangangampanya.

⮚ Dito ay kanilang hinihikayat ang taongbayan na iboto sila sa pamamagitan ng


paglalahad ng mga programang kanilang nais gawin. Sa huli, kung sino ang
makakuha nga pinakamaraming boto ang magiging lider ng komunidad.
Pagsasanay/Gawain:

A. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan, pumili sa box at isulat sa


patlang ang iyong sagot.

__________ 1.Tungkulin nitong panatilihin ang kaayusan sa aking barangay.


__________ 2.Tungkulin nitong panatilihin ang seguridad ng barangay at rumonda sa
aking nasasakupan.
__________ 3. Tungkulin nitong tulungan ang Kapitan at mga kagawad sa pag gawa ng
mga proyekto.
__________ 4. Tungkulin nitong magsagawa ng programa, magpatayo ng gusali, health
center, at paaralan. Tungkulin ko ding magpatupad ng batas o ordinansa.
__________ 5. Tungkulin nitong pumili ng mga karapat dapat na maging kandidato na
tatakbo bilang pinuno ng ating bayan o lungsod.

COMELEC
Kapitan

Barangay Tanod
Barangay Hall

Sangguniang Kabataan Alkalde

B. Panuto: Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang larawan na nagpapakita kung


paano tayo makakatulong sa ating mga pinuno. (5 puntos)

You might also like