AP 5 - 3rd Quarter MOdule

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

1|Page ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)

ARALING PANLIPUNAN 5

Ikatlong Yunit
Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo ang mga sumusunod
na kasanayan.
Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol (Hal. Pag-aalsa,
pagtanggap sa kapangyarihang kolonyal/ kooperasyon)
Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol
Natatalakay ang impluwensya ng mga Espanyol sa kultura ng mga Pilipino
Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
Napahahalagahan ang mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili ang
kanilang kasarinlan

Mga Kagamitang Pampagkatuto:


Araling Panlipunan (Modyul)
Lampara LMS
smart phone/laptop

Pangkalahatang Ideya:
Ang pananakop at pamahalaan ng mg Espanyol sa Pilipinas ay nagdulot ng mga pagbabagong kultural sa
mga Pilipino. Ang mga pagbabagong ito ay naramdaman sa mga ipinatupad na patakaran na kinakailangan
sundin ng mga tao bilang mamamayan na nasa ilalim ng kapangyarihan ng pamahalaang Espanyol. Susuriin
sa Yunit na ito ang mga pagbabagong tinanggap at tinanggihan ng mga Pilipino, at kung anu-ano ang mga
naging epekto nito sa lipunan.

Panimulang Pagtataya Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa ating


tatalakayin na aralin sa pamamagitan ng pagsasagot sa

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
2|Page ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
panimulang pagtataya. Para sa pagtataya na ito ay kailangan mong magtungo sa Lampara LMS
upang masagutan ang mga inihandang katanungan. I-klik lamang ang titik ng tamang sagot.

1 PAMAHALAANG SENTRALISADO
O PAMBANSA

P ANIMULA

Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, kinakitaan na nila ng


maayos na pamamahala ang mga Pamayanang kanilang napuntahan. Ang mga
katutubong Pilipino ay pinamamahalaan ng isang pinunong nagtataguyod sa barangay
o pamayanan.
Malayang naipakikita at naipararating ng pinuno sa kaniyang nasasakupan ang
anumang naisipan para sa kapakanan ng lahat. Ngunit,pagdating ng mga Espanyol
nabago ang nakagisnang ito.

PANGKALAHATANG PANUTO: Ang mga Learning Targets ay humihingi ng iyong sagot


batay sa mga emosyong iyong nararamdaman. Lagyan ng tsek ang kolum na may na emoticon
kung mayroon ka nang kaalaman sa ipinahahayag. Lagyan naman ng tsek ang kolum na may
na emoticon kung mayroon ka nang kaunting kaalaman sa ipinahahayag. Panghuli, lagyan ng tsek
ang kolum na may na emoticon kapag wala pang kahit anong kaalaman tungkol sa
ipinahahayag.

Sa araling ito, ang mga sumusunod ay ang mga learning targets na inaasahang matamo ng mga
mag-aaral. Lagyan ng tsek () kung ano ang iyong nararamdaman sa mga layuning nakahayag.
Bago ang aralin Pagkatapos ng
aralin
LEARNING TARGETS

Magagawa kong mailarawan ang pamahalaang


umiiral sa panahon ng mga Espanyol
Magagawa kong makilala ang mga katungkulan at
pinunong nakatalaga
Magagawa kong masuri ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng pamahalaang umiral noon at umiiral
ngayon.

Sa bahaging ito iyong sagutan ang paunang gawain sa susunod na pahina na susukat sa iyong
nalalaman patungkol sa ating aralin. Sundan mo ang panuto.

Panuto: Ayusin mula sa pinakamataas hanggang pinakamababang posisyon ang mga taong
nanunungkulan sa Pilipinas sa kasalukuyang sistema ng pamahalaan. Lagyan ng bilang 1 hanggang 7
ang mga bilog.

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
3|Page ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)

Senador Pangulo

Pangalawang Konsehal
Punong Lalawigan Pangulo

Punong
Punong Lungsod
Barangay

Naisaayos mo ba nang tama ang mga posisyon ng mga nanunungkulan sa bansa? Ganito rin kaya ang
pamunuan noong panahon ng mga Espanyol? Halika’t atin na itong alamin.

Pamahalaang Sentralisado
Ito ang ipinalit ng mga Espanyol na pamahalaan upang mapadali ang pamamahala sa buong
bansa. Ito ay pinamumunuan ng Gobernador-Heneral na siyang pinakamataas na pinunong
Espanyol sa Pilipinas. Siya ang kumakatawan sa Hari ng Espanya. Mayroong kapangyarihan ang
Gobernador- Heneral na panghukuman, pangmilitar, at panrelihiyon. Ang Hari ng Espanya ang
tanging may kapangyarihan na magtalaga at magpalit ng Gobernador-Heneral.
o CONSEJO DE INDIAS - gumagawa ng batas at patakaran na ipinatutupad sa Pilipinas.
o SPANISH CORTES - kongreso ng Espanya
o CUMPLASE - karapatan ng Gobernador-Heneral na huwag ipatupad ang batas na hindi
angkop sa pangangailangan ng bansa.
o ROYAL AUDENCIA - kataas-taasang hukuman na pinamumunuan ng Gobernador-Heneral
o KAPITAN-HENERAL - pinuno ng buong hukbong sandatahan ng mga Espanyol sa Pilipinas.
o KAPITAN-HENERAL - pinuno ng buong hukbong sandatahan ng mga Espanyol sa Pilipinas.
o VICE-REAL PATRON - titulo ng Gobernador-Heneral sa loob ng simbahan.

ANG KATAAS-TAASANG HUKUMAN (ROYAL AUDENCIA)


-Ito ay binubuo ng Gobernador-Heneral, tatlong mahistrado, at isang piskal.
Mga tungkulin:
 dumidinig sa mga kasong kriminal at sibil
 nagsusuri ng pananalapi ng bayan
 nagpapayo sa Gobernador-Heneral
 gumagawa ng batas
 supilin ang katiwalian ng Goberbador-Heneral

ANG PAMAHALAANG LOKAL


Nahahati ang pamahalaang lokal sa alcaldia, pueblo, at barangay o baryo. May mga
tinatawag din na corregimiento at lungsod na kilala rin bilang villa.
Katumbas ng ating lalawigan sa ngayon ang alcaldia. Ito ay pinamumunuan ng alcalde-
mayor o gobernador-sibil. Ang pangunahing gawain nito ay ang pangongolekta ng buwis na siya
ding nagpapatupad ng kautusan ng Gobernador-Heneral.
San Sebastian School. Inc.
Science City of Munoz, Nueva Ecija
4|Page ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
May mga lalawigan naman na tinatawag na pueblo, ito ay pinamamahalaan ng isang
gobernadorcillo. Ito lamang ang posisyong pinakamataas na maaring hawakan ng mga Pilipino na
mula sa pangkat ng principalia.
Ang pinagsama-samang mga dating barangay o baryo ay pinamamahalaan ng mga dating
datu at raha na tinawaga na cabeza de barangay. Kakaunti lamang ang mga baryo noon.
Ayuntamiento ang tawag sa mga lungsod. Ito ang sentro ng lipunan, relihiyon, kultura, at
kalakalan. Pinamamahalaan ito ng dalawang alcalde na binubuo ng isang Pilipino at isang Espanyol,
labindalawang konsehal, isang hepe ng pulisya (alguacil mayor), isang kalihim (escribano), at iba
pang mga kawani.

ANG MGA EPEKTO SA MGA PILIPINO NG MGA


PAGBABAGO SA PAMAMAHALA NG MGA ESPANYOL
1. Mga Pagbabago sa Antas ng mga Tao sa Lipunan
Hindi ipinagkatiwal sa mga katutubo ang matataas na posisyon sa pamahalaan ngunit ang mga
dating datu, raha, at lakan ang nagsilbing gobernadorcillo o “munting gobernadora”. Ang mga
Pilipinong ito ay kabilang sa tinatawag na principalia na nakatataas na uri ng Pilipino sa lipunan
noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
2. Mga Epekto ng Pagbabago sa Konsepto ng Pagmamay-ari ng Lupain
Noong panahon ng pre-kolonyal ang mga katutubo ay walang konsepto ng pagmamay-ari ng
lupa. Nang dumating ang mga Espanyol ang kapuluan ng Pilipinas ay itinuring nilang pagmamay-ari
ng Espanya. Upang magkaroon ng lupang pastulan ng baka, sa ngalan ng Hari ng Espanya ay
ipinagkaloob ng mga naunang gobernadora-heneral sa mga Espanyol sa Pilipinas ang maliliit na
lupain. Dumating ang pagkakataon na kailangang bilhin ito ng mga katutubo sa pagpapalwak ng
kanilang lupain.
3. Mga Pagbabago sa Sistema ng Kalakalan
Bago pa man dumating ang mga Espanyol may sistemang pangkalakalan na ang mga Pilipino.
Ang barter ang sistemang pangkalakalan na hindi ginagamitan ng salapi. Sa pagdating ng mga
Espanyol nagsimula ang bagong sistema ng pamilihan. Napalitan ang barter ng salapi na
ginagamitan ng baryang tanso. Tinuro ang makabagong sistema ng pagsasaka gamit ang mga arao,
suyod, at kawit.
4. Ang Epekto ng Polo y Servicio
Ipinapataw sa mga katutubo bilang isang paraan ng pagbabayad ng buwis (tributo).

POLO SERVICIO
-Isinasagawa ng kalalakihan -Isinasagawa ng kababaihan
-Mabibigat o nakamamatay na gawain -Magagaang trabaho
-Paglahok sa digmaan -Isinasagawa sa simbahan o kumbento
-Paggawa ng gusali at barko

Sa bahaging ito iyong sagutan ang gawain sa ibaba na susukat sa iyong nalalaman patungkol sa ating
aralin. Sundan mo ang panuto.

Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang pinuno ng bawat institusyon o pamahalaan. Isulat ang sagot sa patlang.

Baryo
1. _________________________________

Corregimento 2. _________________________________
San Sebastian School. Inc.
Science City of Munoz, Nueva Ecija
5|Page ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)

Alcaldia 3. _________________________________

Ayuntamiento 4. _________________________________

Pueblo 5. _________________________________

Gawain 2
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at kung
mali, isulat sa patlang ang tamang pamalit sa salita o mga salitang sinalungguhitan.
________1. Ang alcalde ang pinakamataas na pinunong Espanyol sa Pilipinas.
________2. Ang sistemang barangay ay pinalitan ng pamahalaang sentralisado noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol.
________3. Ang lalawigan ay bahaging pamahalaang sentral.
________4. Ang Hari ng Espanya lamang ang may karapatang magtalaga at magpalit ng
Gobernador-Heneral.
________5. Principalia ang uri ng Pilipino na maaring manungkulan sa pamahalaang Espanyol.

PAGBUBUOD
 Mga Pilipino rin ang nagmalabis at nagmalupit sa mga ordinaryong Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol. Sila ang mga principalia na nagmula sa angkan ng mga dating datu,
rajah, o lakan.
 Nahahati sa dalawa ang pamahalaan ng mga Espanyol, ang Pamahalaang Sentral o Pambansa, at
ang Pamahalaang Lokal.
 Ang Gobernador Heneral ang kinatawan ng Hari ng Espanya at pinakamataas na pinuno ng
pamahalaang Pambansa.
 Royal Audencia ang tawag sa Kataas-taasang Hukuman ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
 Binubuo ang pamahalaang local ng mga sumusunod: lalawigan (alcaldia), lungsod
(ayuntamiento), bayan (pueblo), at baryo.Polo y servicio ang tawag sa sapilitang pagtatrabaho ng
mga Pilipino noon. Polo ang tawag sa mga gawaing karaniwan ay mabibigat, samantalang ang
servicio naman ay karaniwang magagaang trabaho ng mga kababaihan na isinasagawa sa
simbahan o kumbento.
 Mayroong dalawang uri ng lalawigan noon, ang alcaldia at corregimiento.
 Alcaldia ang tawag sa mga lupaing ganap nang nasakop ng mga Espanyol.
 Corregimiento ang tawag sa mga lupaing hindi pa ganap na nasasakop at hindi pa lubusang
kumikilala sa kapangyarihan ng pamahalaang Espanyol.
 Royal Audencia ang tawag sa Kataas-taasang Hukuman ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
 Binubuo ang pamahalaang local ng mga sumusunod: lalawigan (alcaldia), lungsod
(ayuntamiento), bayan (pueblo), at baryo.

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
6|Page ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)

2 MGA ANTAS NG KATAYUAN NG MGA


PILIPINO AT PAGBABAGO SA PAMAYANAN SA
PANAHON NG MGA ESPANYOL

PANIMULA

Ang isang lipunan ay binubuo ng iba’t-ibang uri ng tao. Karaniwang pinapangkat noon
ang mga mamamayan ayon sa antas ng pamumuhay na kanilang kinabibilangan at lahing
pinagmulan. Ang ganitong pamamaraan ay nagkaroon ng malaking epektosa paraan ng
pakikihalubilo ng bawat isa sa kanilang kapwa.

Sa araling ito, ang mga sumusunod ay ang mga learning targets na inaasahang matamo ng mga mag-
aaral. Lagyan ng tsek () kung ano ang iyong nararamdaman sa mga layuning nakahayag.
Bago ang aralin Pagkatapos ng
aralin
LEARNING TARGETS

Magagawa kong matukoy ang mga naging antas at


katayuan sa buhay ng mga katutubong Pilipino sa
lipunan.
Magagawa kong makilala ang uri ng tao sa
Pilipinas noong panahon ng Espanyol
Magagawa kong mabigyang halaga ang mga
pagbabagong naganap sa bahagi ng ating bansa.

Sa bahaging ito iyong sagutan ang paunang gawain sa susunod na pahina na susukat sa iyong
nalalaman patungkol sa ating aralin. Sundan mo ang panuto.

Panuto: Pamilyar ka ba sa mga salita sa tsart? Paano mo ilalarawan ang bawat isa? Isulat ang
iyong sagot sa ibaba ng mga salita.
Maria Clara Ilustrado Masa

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
7|Page ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
KLASIPIKASYON NG MAMAMAYAN SA LIPUNANG ESPANYOL
PRINCIPALIA (maharlika)  Ito ay ang mga dating pangkat ng mga datu at mga maginoo.
 Pinakamataas na uri ng mga Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol.
INDIO (ordinaryong Pilipino)  Nagmumula ang lakas-paggawa
 Naghahanapbuhay at nagbabayad ng buwis o tributo sa
pamahalaan at simbahan.
 Dating mga timawa, aliping namamahay, at aliping
saguiguilid.
PENINSULARES  Mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya.
 Sila ay ang mga Gobernador-Heneral, Arsobispo ng Maynila,
at iba pang mataas na opisyal ng pamahalaan.
INSULARES  Mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.

CREOLE / CRIOLLO  Mga Espanyol na isinilang sa ibang mga kolonya ng Espanya


at nagtungo sa Pilipinas.
SANGLEY  Bansag ng mga Espanyol sa mga Tsino na nasa Pilipinas.
MESTIZO DE ESPAÑOL  Isinilang na anak ng Indio at Espanyol.
MESTIZO DE SANGLEY  Isinilang na anak ng Indio at Tsino.
ILLUSTRADO  Mga Pilipino na nakapag-aral at naging mga propesyonal,
negosyante, at may-ari ng lupain.

Ilan sa mga tanyag na Illustrador ay sina Jose Rizal,


Juan Luna, at Marcelo H. Del Pillar.

ANG MGA KABABAIHAN SA LIPUNANG


ESPANYOL
Nagbago ang kalagayan ng mga kababaihan sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa halos lahat
ng aspekto. Malayo ito sa naging pagturing at pagkilala sa kakayahan ng mga
babae sa lipunan. Limitado ang pagkakataon nilang makihalubilo sa
karamihan lalo na kung may mga kalalakihang naroroon. Hindi sila maaring
umalis nang walang makakasama saan man sila pupunta. Mas madalas ay
nasa loob lamang sila ng bahay o paaralan na kanilang pinapasukan kasama
ang iba pang mga kababaihan. Sila ay pinag-aral upang ihanda sa kanilang
kinabukasan bilang isang mabuting asawa. Ang mga nais mag-madre ay
pinag-aaral sa beaterio o paaralang pambabae. Sa kabila ng naging kalagayan
ng mga kababaihan, sila ay iginagalang ng mga kalalakihan. Ang bawat babae
noon ay inaasahang maging larawan ng kalinisan, kasipagan, at kahinhinan.

PAGBABAGO SA MGA PAMAYANAN


Malaki ang pagbabago sa pamayanan at pananahan ng mga katutubong Pilipino sa panahon
ng pananakop ng mga Espanyol. Ang mga pagbabagong ito ay sumasaklaw sa malaking bahagi ng
bansa na sumasailalim sa kulturang Espanyol.
Isa sa unang pinagtuunan ng pansin ng mga Espanyol ay ang pagsasaayos ng mga
pamayanang Pilipino na dulot ng layunin ng mga unang misyonerong Espanyol na palaganapin ang
Kristiyanismo sa mga katutubo lalo na sa mga naninirahan sa mga lugar na mahirap marating.
Sa ilalim ng sistemang reduksiyon, tinipon nila ang mga tao sa isang lugar lamang. Marami
ang tumutol sa hakbang na ito ng mga Espanyol dahil ang karamihan sa mga Pilipino ay mapapalayo
sa kani-kanilang kabuhayan. Ang pinagkukunan nila ng pang-kabuhayan ay ang nakapaligid lamang
San Sebastian School. Inc.
Science City of Munoz, Nueva Ecija
8|Page ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
sa kanila at magigiging mahirap para sa karamihan ang mapalayo dito. Kaya ginawang sentro o
kabisera ang mga lugar na kinakikitaan ng maraming likas na yamang ikinabubuhay ng mga Pilipino.
Karaniwang itinayo ang sentro malapit sa ilog, dagat o malawak na taniman.
Ang lugar namang malayo pa ay tinawag naman na rancheria. Ang mga lugar na malayo sa
kabisera, bagama’t mahirap marating, ay pilit na inabot ng mga misyonerong pari upang
mapalaganap ang Kristiyanismo.
Nang lumaon, naging kapuna-puna ang estruktura ng mga pangunahing pamayanan ay
kinakitaan na ng mga plasa na halos magkakatulad ang ayos. Mayroon ding mga gusali ng
munisipyo, simbahan, at paaralan. Maluluwag ang mga kalapit-kalsada nito lalo na ang mga daang
bumabaybay patungo sa mga simbahan. Ang ilan ay kakikitaan din ng mga gusali ng ospital, parke, at
pamilihan.

ANG MGA PANAHANANG PILIPINO


Isa sa pinagtuunan ng pansin ng mga Espanyol sa kanilang pananatili sa ating bansa
ay ang pagtatayo ng bahay. Karaniwang gawa sa bato at tisa ang mga bahay na kanilang
itinayo at naging hudyat ito para sa mayayamang mga angkan ng katutubo na magpatayo ng
katulad na yari ng mga bahay.
Bahay Kubo
Tirahan ng mga nasa karaniwang uri. Karaniwang gawa sa kawayan at nipa ang mga bahay-
kubo noon. Ang isang bahay-kubo ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:

BULWAGAN- nagsisilbing lugar-tanggapan ng SILID-TULUGAN- lugar pahingahan at


panauhin tulugan.

DAPOGAN- nagsisilbing kusina at BATALAN- ay hugasan, paliguan, at/o labahan


pinaglulutuan. na yari sa kawayan

BANGUERA- matatagpuan sa bahaging kusina. SILONG- imbakan ng mga kagamitan.

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
9|Page ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
Ang isang bahay-kubo na malaki at may kompletong bahagi ay tirahan din ng mga
nakaririwasang Pilipino noon, subalit para sa mahihirap at pangkaraniwang mamamayan, kadalasang
katamtaman lamang ang sukat nito at mayroong silong, silid, dapogan, banguera, at batalan.

ANG PAGTATAYO NG BAHAY NA BATO


Sinimulan ng mga Espanyol ang pagtatayo ng bahay na higit
na mas matibay kaysa mga nakagisnang bahay-kubo. Gumamit sila
ng mga bato at tisa bilang materyales sa pagtatayo ng mga
malalaking bahay at gusali. Katulad ng bahay kubo may iba-iba ring
bahagi ang bahay na bato.

ANTESALA/KAIDA (CAIDA)- SALAS- tanggapan ng mahahalagang mga


tanggapan ng karaniwang panauhin o bisita.
matalik na kaibigan

KUWARTO- silid tulugan CUARTO PRICIPAL-malaking silid ng may-


ari ng bahay.

BALKONAHE (azotea) - matatagpuan sa


likod ng bahay kung saan ang mga may-ari
ay nakikipagkuwentuhan sa mga panauhin. ORATORYO- dito nagsasama-sama ang lahat
ng kasapi ng pamilya tuwing alas-seis ng gabi
para mag-orasyon at magrosaryo.

KUSINA- lugar kung saan nagluluto


KOMEDOR- lugar ng kainan

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
10 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)

BANYO- lugar na paliguan na may malalaking


banyeras (bathtub)
KOMUN o LETRINA- palikuran na
matatagpuan sa likod ng bahay.

ENTRESUELO- tanggapan ng mga kasama o


OPISINA o DESPACHO- nagsisilbing trabahador ng mayayaman
tanggapan para sa mga kasama o katulong

Sa bahaging ito iyong sagutan ang gawain sa susunod na pahina na


susukat sa iyong nalalaman patungkol sa ating aralin. Sundan mo ang
panuto.

Gawain 3
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang bawat bilang ay nagsasaad ng katotohanan at
HINDI kung hindi ito katotohanan.
__________1. Malayang nakikihalubilo ang mga kababaihan noong panahon ng Espanyol sa kahit na
kanino.
__________2. Pantay-Pantay ang lahat ng tao sa lipunang Espanyol.
__________3. Indio ang tawag sa mga katutubong Pilipino.
__________4. Creole ang tawag sa mga Tsino na nasa Pilipinas.
__________5. Ang mga Pilipino noon ay walang kinabibilangangang antas sa lipunan bago pa man
dumating ang mga Espanyol.
__________6. Kinakailangang may kasama ang mga kababaihan sa tuwing sila ay lalabas.
__________7. Tinawag na Ilustrado ang mga Pilipinong nakapag-aral at naging propesyonal.
__________8. Ang mga karaniwang Pilipino noon at naninirahan sa mga bahay-kubo.
__________9. Ikinatuwa ng mga Pilipino ang pagbabagong isinagawa ng mga Espanyol sa kanilang
pamayanan.
__________10. Wala nang makikitang bahay-kubo sa pagbabago ng panahon.

Gawain 4
Panuto: Ibigay ang kahalagahan o gamit ng bawat bahagi ng bahay sa mga nakatira rito.
1. batalan ____________________________________________________________
2. silong ____________________________________________________________
3. oratoryo ____________________________________________________________
4. bulwagan ____________________________________________________________
5. komedor ____________________________________________________________

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
11 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)

PAGBUBUOD
 Pinagtuunan ng pansin ng mga Espanyol ang pagsasaayos ng mga pamayanan, panahanan,
at gusali.
 Ang pamayanan ay inuri ng mga Espanyol sa tatlo: kabisera o sentro; visita; at rancheria
 Isa sa mga batayan ng katayuan sa lipunan ng mga Pilipino ay ang kanilang mga tirahan.
 Ang bahay-kubo ay yar isa pawid at kawayan at naantiling tirahan ng mga karaniwang
Pilipino. Mayroon itong iba’t-ibang bahagi tulad ng bulwagan, silid-tulugan, dapogan,
batalan, at banguera.
 Ang bahay na bato ay naging simbulo ng mataas na estado sa buhay ng ilang Pilipino at
mga Espanyol. Ito ay may iba-ibang bahagi tulad ng kuwarto, salas, antesala, komedor,
balkonahe, banyo, entresuelo, komun, kusina, oratoryo, at opisina.

Sa susunod na pahina ng iyong Learning Module ay sagutan ang Lagumang Pagtatasa 1.

PAGTATAPOS NG UNANG BAHAGI NG IKATLONG YUNIT

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
12 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
Pangalan:______________________________________ Petsa:______________________
Baitang at Seksiyon: _____________________________ Asignatura:_________________

LAGUMANG PAGTATASA 1 (SUMMATIVE ASSESMENT)


I. Kung ikaw ay mahirang na pinuno o tagasunod ng isang pangkat, anu-anong mga katangian ang
dapat mong taglayin? Isulat ang iyong sagot sa mga kahon.
Ako ay bilang isang pinuno ay dapat na… Ako bilang isang tagasunod ay dapat na…

II. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa mga patlang.

1. Paano ipinatupad ng mga Espanyol ang sentralisadong uri ng pamahalaan?


______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Saang bahagi ng pamunuan nakita ang malayang pagpili ng isang pinuno sa isang sistemang
pampamahalaan? Bakit mo ito nasabi?
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

III. Pumili ng tatalong pangkat ng mga tao sa panahon ng mga Espanyol at ilarawan ang mga ito.

Mga Tao sa Lipunan

IV. Sumulat ng mga paraan na nagpapakita ng paggalang sa kapwa sa iba-ibang sitwasyon o


pagkakataon anuman ang kasarian o antas sa buhay. Gamiting gabay ang mga nakatala sa bawat
bilang.

1. Sa Sariling tahanan -
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sa Paaralan -
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa pamayanan -
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
San Sebastian School. Inc.
Science City of Munoz, Nueva Ecija
13 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)

3 ANG EDUKASYON NOONG PANAHON NG MGA


ESPANYOL AT ANG EPEKTO NITO SA MGA
PILIPINO

P ANIMULA
Kontrolado ng mga eksklusibong organisasyon ng mga paring misyonero ang sistema ng
edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol. Maraming paaralan mula primarya
hanggang kolehiyo ang kanilang pinamahalaan at naging pag-aari. Ang lahat ng patakaram sa
edukasyon, kasama na ang nilalaman at pamamaraan sa pagtuturo ay kanilang pinangangasiwaan.
Sa relihiyong Katoliko, nakatuon ang pinakamalaking bahagi at panahon sa pag-aaral ng mga
tao mula primarya hanggang kolehiyo. Sa primarya, ang pinag-aaralan ay tungkol sa mga Doktrinang
Kristiyano at kaunting pagbabasa sa mga wikang Espanyol at katutubo. Kaunti lamang ang panahong
ginugugol sa pag-aaral ng Siyensiya at Matematika sa mataas na paaralan at unibersidad. Kapuna-
puna rin na bukod sa kaalamang pang-Katoliko higit din na pinagtutuuanan ng pansin ang pagtuturo
ng wikang Latin sa halip na wikang Espanyol.
Ang mga paaralan noon ay bukas lamang para sa mga Espanyol. Pinapayagan lamang ang
mga Pilipino noong makapag-aral noong huling bahagi ng ikalabing siyam na daantaon bagama’t
limitado ito sa mga anak na lalaki ng mayayamang Pilipino.
Kahit na binuksan na ang mga paaralan sa Pilipinas, buo pa rin ang paniniwala ng mga
Espanyol na ang mga Pilipino ay maari lamang matuto sa pamamagitan ng malupit na pagpaparusa.
Dahil dito, ang tanging paraan sa pagtututrp na ipinatupad ng mga parisa mga paaralang primarya at
sa pamamagitan ng pamamalo.
Sa araling ito, ang mga sumusunod ay ang mga learning targets na inaasahang matamo ng mga
mag-aaral. Lagyan ng tsek () kung ano ang iyong nararamdaman sa mga layuning nakahayag.
Bago ang aralin Pagkatapos ng
aralin
LEARNING TARGETS

1. Magagawa kong mailarawan ang Sistema ng


edukasyon noong panahon ng Espanyol sa
Pilipinas.
2. Magagawa kong mailahad ang kahalagahan ng
edukasyon sa bawat tao.

Sa bahaging ito iyong basahin ang akda sa ibaba, at sagutin ang mga
katanungan pagkatapos.

ANG PINAKAMATANDANG UNIBERSIDAD SA PILIPINAS AT


SA ASYA
Ang Unibersidád ng Sánto Tomás (UST) ang pinakamatandang
unibersidad sa Filipinas at sa Asia. Itinatag ito noong 28 Abril 1611 sa
Intramuros, Maynila sa inisyatiba ni Obispo Miguel de Benavides, OP,
San Sebastian School. Inc.
Science City of Munoz, Nueva Ecija
14 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
na nagkaloob ng salapi at ng kaniyang aklatan upang gamitin sa pagtatatag ng kolehiyong seminaryo
para ihanda ang mga kabataang lalaki sa pagkapari. Una itong tinawag na Colegio de Nuestra Señora
del Santisimo Rosario, bago naging Colegio de Santo Tomas bilang parangal sa dakilang teologong
Dominiko na si Santo Tomas Aquino. Dahil sa lumalaking bilang ng mga estudyante, inilipat ang
kampus sa kinatatayuan nitó sa kasalukuyan sa Sampaloc, Maynila, bagama’t patuloy pa ring ginamit
ang kampus sa Intramuros hanggang mawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Noong 29 Hulyo 1619, binigyan ng awtoridad ang kolehiyo na magkaloob ng mga titulo sa
teolohiya at pilosopiya. Idineklara itong unibersidad ni Papa Inocencio X noong 20 Nobyembre 1645.
Napasailalim ito sa monarkiyang Espanyol noong 1680. Noong 1734, binigyan ito ng awtoridad ni
Papa Clemente XII na magkaloob ng iba pang mga titulo. Nang paalisin ang mga Heswita sa
Pilipinas noong 1768, ang UST ang naiwang nag-iisang institusyon ng lalong mataas na pagkatuto.
Naging Royal University ito noong 1785, at Pontifical University noong 17 September 1902, at
noong 1947 ay tinaguriang Katolikong Unibersidad ng Pilipinas. Dalawang beses na nagsara ang
unibersidad, noong 1898-1899, sa pangalawang yugto ng Himagsikang Filipino at Digmaang
Filipino-Amerikano, at noong 1942-1945 nang gamiting garison ng mga Hapones ang kampus.
Noong 2012, kinilala ng National Historical Commission of the Philippines ang UST bilang
pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas at sa Asya na hanggang ngayon ay nakabukas at
nagpapatuloy pa rin.
Dito nagtapos ang mga bayaning tulad nina Jose Rizal, Emilio Jacinto, Marcelo H. del Pilar,
Apolinario Mabini, mga naging presidente ng Pilipinas, Manuel Luis Quezon, Sergio Osmeña, Jose
P. Laurel, Diosdado Macapagal, at maraming naging bantog na propesyonal. (www.flickr.com)
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Gaano kahalaga para sa mga sinaunang Pilipino ang edukasyon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa larangan ng edukasyon, ano ang isa sa mga pinakamahahalagang ambag ng mga Espanyol?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

MGA PAARALANG ITINATAG NG


MGA ESPANYOL
Magkahiwalay ang mga paaralan para sa mga babae at mga lalaki na itinayo ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Ang mga paaralaang itinatag ng mga pangkat ng mga paring relihiyoso ay para sa mga
kalalakihan lamang. Kabilang dito ang kauna-unahang paaralan sa Pilipinas na itinatag ng mga
Agustino sa lalawigan ng Cebu noong 1565. Katumbas lamang ng mataas na paaralan o high school
ang kolehiyo noong panahon ng mga Espanyol. Ginagawaran ng titilong Batsilyer sa Sining (Bachiler
en Artes) ang mga nagtapos sa kolehiyo.
Colegio de San Ignacio
 Unang kolehiyo para sa mga lalaki.
 Itinatag ng mga Heswita sa Maynila noong 1590
 Nang paalisin ng mga Espanyol ang mga paring Heswita sa Espanya noong 1768,
isinara ang paaralan. Ipinatapon ang mga par isa Espanya, pagkatapos ay ipinatapon sa
Italya.

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
15 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
Colegio de San Ildefonso
 Itinatag ng mga Heswita sa Cebu noong 1595.
 Katulad ng Colegio de San Ignacio, hindi rin nagtagal ang paaralang ito dahil sa
pagkakatapon ng mga Paring Heswita.
Colegio de San Jose
 Itinatag noong 1601.
 Kasalukuyang tinatawag na “San Jose Seminary” na nasa loob ng kampus ng Ateneo
de Manila University
Escuela Pia
 Itinatag noong 1589.
 Isang paaralang ipinamahala ng pamahalaan sa mga Heswita

Ateneo de Municipal
 Itinatag ng mga Heswita noong 1859
 Tanyag ngayon bilang Ateneo de Manila University.
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
 Itinatag ng mga Dominiko
noong 1611.
 Itinuturing na
pinakamatandang
Unibersidad sa
LUMANG ATENEO SA INTRAMUROS ATENEO DE MANILA UNIVERSITY NGAYON

Pilipinas at sa Asya

LUMANG UST SA INTRAMUROS UST SA NGAYON

COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN


 Itinatag ng mga Dominiko noong
1620.
 Para sa mga ulilang kabataang lalaki.

LUMANG COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN KASALUKUYANG LETRAN

COLEGIO DE SANTA POTENCIANA


 Itinatag noong 1589
 Unang paaralan o kolehiyo na pambabae sa bansa.
COLEGIO DE SANTA ISABEL
 Itinatag noong 1632
San Sebastian School. Inc.
Science City of Munoz, Nueva Ecija
16 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
 Ang Colegio de Santa Potenciana at Colegio de Santa Isabel ay mga paaralang
puwede sa kapwa mayayaman at hindi mayayaman na mga kababaihan.

 Beaterio naman ang tawag sa paaralang pambabae na itinayo para lamang sa mga babaeng
naulila at mahirap nan ais mag-aral.
BEATERIO DE SANTA CATALINA
 Itinatag sa Intramuros noong 1706
 Unang paaralan para sa mga kababaihang Pilipino (native Filipinas)
 Tinatawag ngayong Sta. Catalina College Manila na matatagpuan sa kahabaan ng Legarda
Street sa Sampaloc, Maynila.

Epekto ng Edukasyong Kolonyal sa mga Pilipino


Epektibo ang Sistema ng edukasyon ng mga Espanyol kung ang pag-uusapan ay ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ngunit bigo ito kung ang pag-uusapan naman ay ang pagmumulat
at pagdaragdag ng kaalaman sa mga tao dahil sa kakulangan ng pagtuturo sa Agham at Matematika.

Ang ilang mga Pilipinong nakapag-aral ay tinawag na ilustrado ang nagpasilmula ng kilusan
para sa pagbabago sa Pilipinas. Sa kabila ng pagiging mayaman at propesyonal, hindi pa rin sila
itinuturing na kapanatay ng mga Espanyol sa bansa. Hangarin ng mga ilustrado na mabigyan sila ng
pantay na karapatan tulad ng ibinigay sa mga Espanyol ay ang pagtaas ng antas ng kamuwangan o
ang kakayahang bumasa at sumulat ng nakararaming Pilipino.

Ilan sa mga Pinakamatatandang Paaralan sa Pilipinas na


Nagpapatuloy pa rin ang operasyon hanggang ngayon

KASALUKUYANG PANGALAN NANG PAGKATATAG


PANGALAN ITINATAG
San Jose Seminary Colegio de San Jose 1601

Pontifical and Royal University Colegio de Nuestra Señora de


1611
of Santo Tomas Santissimo Rosario

Colegio de San Juan de Letran Colegio de San Juan de Letran 1620

Santa Isabel College Manila Colegio de Santa Isabel 1632

Santa Catalina College Manila Beaterio de Santa Catalina de Sena 1706

Colegio de Santa Rosa Beaterio y Casa de Enseñanza 1750

Sa bahaging ito iyong sagutan ang gawain sa ibaba na susukat sa iyong


nalalaman patungkol sa ating aralin. Sundan mo ang panuto.

Gawain 5
Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang isinasaad ng pangungusap.
__________1. Pamamalo ang paraan ng pagdisiplina mh mga paring Espanyol noon.
__________2. Masaya ang mga-aral noong panahon ng mga Espanyol.
__________3. Ang edukasyon ay unang inilaan sa mga Espanyol na nakatira sa Pilipinas.
San Sebastian School. Inc.
Science City of Munoz, Nueva Ecija
17 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
__________4. Matatalino ang mga Pilipinong kabilang sa pangkat ng ilustrado.
__________5. Ang University of Santo Tomas ang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas.
__________6. Malaking bahagi ng edukasyon ng mg bata sa primarya ay ang pag-aralan ng
tungkol sa Doktrina o seminary.
__________7. Hindi gaanong mabuti ang ugali ng mga batang nag0aral sa loob ng kumbento o
seminary.
__________8. Pinakamahuhusay na mag-aaral ang mga kalalakihan noong panahon ng mga
Espanyol.
__________9. Nakapag-aral sa beaterio ang mga kababaihang nais matuto.
__________10. Ang mga islutrado ay pangkat ng mga Pilipino na nakapag-aral sa Europa.
Gawain 6
Tanong: Paano mo ihahambing ang mga kababaihan noong panahon ng mga Espanyol sa panahon
natin ngayon? Isulat ang sagot sa kahon.

PAGBUBUOD
 Pormal ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol.
 Nanguna ang mga pangkat ng mga paring relihiyoso na Agustino, Heswita, at Dominiko sa
pagpapatayo ng mga paaralan sa bansa mula primarya hanggang kolehiyo.
 Higit na nakatuon sa kaalamang panrelihiyon ang mga itinuturo ng mga Espanyol sa mga
paaralan.
 Magkahiwalay ang mga paaralan ng mga babae sa lalaki. Tinatawag na beaterio ang mga
paaralang pambabae noong panahon ng mga Espanyol.
 Lumitaw ang mga uring Ilustrado o Pilipinong mayayaman na nakapag-aral sa Europa.

Sa susunod na pahina ng iyong Learning Module ay sagutan ang Lagumang Pagtatasa 2.

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
18 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)

4 ANG MGA PAG-AALSA AT PAGTANGGAP NG


MGA PILIPINO SA KAPANGYARIHANG
KOLONYAL

P ANIMULA
Ang mga patakaran at pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay umani ng
iba’t-ibang pagtuligsa mula sa mga Katutubo. Habang ang iba ay nagging masunuring binyagang-
Kristiyano, ang ilan naman ay nagpakita ng pagtutol sa mga pagmamalabis dulot ng mga maling
pamamalakad ng mga pinunong Espanyol, mapang-abusong patakaran, at mga pangyayari sa loob ng
bans ana nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa araling ito, ang mga sumusunod ay ang mga learning targets na inaasahang matamo ng mga
mag-aaral. Lagyan ng tsek () kung ano ang iyong nararamdaman sa mga layuning nakahayag.
Bago ang aralin Pagkatapos ng
aralin
LEARNING TARGETS

1. Magagawa kong matalakay ang mga lokal na


pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakiibaka
ng bayan.
2. Magagawa kong maipaliwanag ang mga sanhi at
bunga ng mga pag-aalsa at iba pang mga paraan
ng pagtatanggol ng mga Pilipino noong panahon
ng kolanyalismong Espanyol.
3. Mabibigyang katuwiran ang epekto ng mga
naunang pag-aalsa para sa kalayaan sa
kasalukuyang panahon.

Kung ikaw ay isang rebolusyonaryong nabuhay noong panahon ng kolonyalismo, anong mga
katangian ang dapat mong taglayin upang maipagpatuloy ang himagsikan laban sa mapang-abusong
pananakop? Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Bakit mo napili ang gayong mga katangian?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
19 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
2. Paano mo ipinahiwatig ang kahalagahan ng bawat katangiang napili?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

MGA PAG-AALSANG NAGANAP SA


PANAHON NG KOLONYALISMONG ESPANYOL
Sa pagpapatupad ng kolonyalismong Espanyol, ang mga gobernador-heneral at mga paring
namalakad sa pamahalaan at simbahan ay naging malupit at mahigpit sa kanilang pamumuno sa mga
Pilipino.
Ang hindi makatarungang pamumuno na ito ng mga Espanyol ay humantong sa tahasang
pagtutol ng mga Pilipino. Ilan sa kanilang mga tinutulan ay ang mataas na buwis, sapilitang paggawa,
diskriminasyon sa lipunan, at malupit na pamamalakad ng mga prayle at pinunong Espanyol. Ang
mga pag-aaklas na ito ay nilahukan ng mga katutubong buhat sa iba't ibang sektor ng lipunan at mga
liblib na lugar sa Pilipinas, at maging mga binyagang-Katoliko na nakaranas ng kalupitan ng mga
Espanyol. Ang pag-aalsa ni Lapu-Lapu, hari ng Mactan, laban kay Ferdinand Magellan ang kauna-
unahang naitalang pagpapakita ng pagtutol ng mga Filipino sa pananakop ng mga Espanyol.
Mahahati ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga Pilipino sa tatlong kadahilanan – political,
panrelihiyon, at ekonomiko.
Mga Pag-aalsang Politikal
Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at Maharlika bilang pinakamataas na pinuno sa
pamayanan. Ang mga babaylan at katalonan ay tinanggalan ng kapangyarihan bilang mga pinuno ng
aspektong espiritwal. Dahil dito, nagsagawa ng mga pag-aalsa ang mga dating datu at babaylan
upang manumbalik ang kapangyarihan nilang mamuno sa kanilang nasasakupan.
Pangyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ni Lakandula 1574  Hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila ni
Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legazpi
na malibre sa pagbabayad ng buwis ang mga
kaanak ni Lakandula, ang huling hari ng
Maynila.
 Tinanggal ang mga pribilehiyong ito nang
palitan si Legazpi ni Guido Lavezares bilang
Gobernador-Heneral ng Pilipinas
Pag-aalsa ng mga Datu ng 1587-1588  Ninais ng mga datu na mabawing muli ang
Tondo kanilang Kalayaan at karangalan.
 Maagang natuklasan kaya’t ipinapatay o
ipinatapon sa ibang bahagi ng bansa ang mga
nadakip na pinuno.

Mga Pag-aalsang Panrelihiyon


Dahil sa pagpapalaganap ng mga Espanyol sa Kristiyanismo. maraming Filipino ang
tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala at nagpabinyag bilang mga Kristiyano. Halimbawa nito
ay ang may 30 babaylan sa Bohol na noong 1611 ay binasag ang kanilang mga anito at dambana at
pinalahok pa sa katekismo ang kanilang mga anak.
Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas ang pinamunuan ni Francisco Dagohoy
sa Bohol noong 1744. Simula nang magpataw ng mga bagong patakarang pang-ekonomiya ang mga
Espanyol ay mahigpit na itong tinutulan ni Dagohoy. Higit na nagpaalab sa galit ni Dagohoy ay ang
hindi pagpapahintulot ng isang prayleng Jesuit na bigyan ng Kristiyanong libing ang kaniyang

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
20 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
kapatid na konstable na namatay sa pagtugis sa isang tulisan. Dahil dito, hinimok ni Dagohoy ang iba
pang Boholano na mag-aklas laban sa mga Espanyol. Tumagal ang pag-aalsa hanggang 1829.
Nasa ibaba ang iba pang pag-aalsang isinagawa ng mga katutubo bilang protesta sa
Kristiyanismo. Marami sa kanila ang pinugutan, itinunog ang ulo sa kawayan, at ibinandera ng mga
Espanyol sa mga indio bilang babala sa maaari nilang sapitin kung sila ay lalaban sa Simbahan.
Pangyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ng mga Igorot 1601  Pagtutol sa pagbibinyag sa mga Igorot ng
hilagang Luzon sa Kristiyanismo alinsunod sa
utos ni GobernadorHeneral Francisco de Tello
de Guzman.
 Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na
ipasailalim ang mga Igorot.
Pag-aalsa ni Bancao 1621  Pinamunuan ni Datu Bancao ng Carigara na
lumaban sa Simbahang Katolika ng Leyte
Katuwang ang babaylan na si Pagali (na
gumamit umano ng "mahika") ay nagtayo ng
mga dambana para sa mga anito, at hinikayat
ang ilang bayan na sumapi sa kanila at
makilahok sa pag-aalsa.
 Nasupil ang kanilang rebelyon at pinugutan ng
ulo si Bancao.
Pag-aalsa ni Tamblot 1621-1622  Pagtutol ng mga Boholano sa Kristiyanismo sa
pamumuno ng dating babaylan na si Tamblot.
Isinagawa ito sa unang araw ng pista ni St.
Francis Xavier.
 Nasupil ang pag-aalsa pagsapit ng Bagong Taon
ng 1622.
Pag-aalsa ng mga Itneg 1625-1627  Pinamunuan nina Miguel Lanab ng Cagayan at
Alababan ng Apayao.
 Pinugutan ng ulo ang dalawang misyonerong
Dominican at hinikayat ang mga Itneg na
magnakaw, dumumi sa mga imahen ng santo, at
sunugin ang mga lokal na simbahan bilang
protesta sa sapilitang pagbibinyag sa kanila sa
Kristiyanismo.
 Nasupil noong 1627 sa utos ni Gobernador-
Heneral Fernando de Silva.
Pag-aalsa ni Tapar sa Panay 1663  Pinangunahan ni Tapar ng Iloilo na
naghahangad na magtayo ng bagong sangay ng
Kristiyanismo sa bayan ng Oton kung saan ay
kikilalanin siya bilang "Diyos na
Makapangyarihan."
 Agad na nasupil at pinapatay ang mga lumahok
sa rebelyon.
Pag-aalsa ng mga Magtangga 1718  Pinamunuan ni Francisco Rivera na ninais
na matawag na "Papa Rey" (Papa o 'pope,'
at hari).
 Pinigilan niya ang mga katutubo ng
Tuguegarao na ipagpatuloy ang
pagtangkilik sa Kristiyanismo at hinimok
ang pagsasauli sa mga prayle ng ibinigay
nilang mga rosaryo at iskapularyo.
 Marami sa mga kasapi ang tumalikod sa
marahas na pamumuno ni Rivera, at agad
ding nasupil ang rebelyon ng mga
sundalong Espanyol.
Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol 1744-1829  Nagalit si Dagohoy, isang dating cabeza de
San Sebastian School. Inc.
Science City of Munoz, Nueva Ecija
21 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
barangay, dahil sa pagtutol ng kura na
bigyan ng marangal na libing ang kaniyang
konstableng kapatid.
Pag-aalsa ni Apolinario dela 1840-1841  Nagalit si Apolinario dela Cruz o Hermano
Cruz sa Tayabas Pule dahil tinanggihan siyang maging pari
at kilalanin ang kaniyang samahang
Cofradia de San Jose.
 Dinakip at pinatawan ng kamatayan.

Mga Pag-aalsang Ekonomiko


Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Filipino ang mga patakarang pangkabuhayan na
ipinatupad ng mga banyaga ng pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopolyo, at kalakalang galyon.
Pinakatanyag sa mga pag-aalsang ito ang isinigawa ni Diego Silang. Ang Pag-aalsa ni Diego Silang
sa Ilocos ay bunsod ng malabis na pag babayad ng tributo sa mga Espanyol. Sa pag-aalsa noong
Disyembro 14, 1762 ay matagumpay nilang napababa sa puwesto ang gobernador at obispo ng
Vigan, at agad na idineklara ang Malayang Ilocos. Ipinapatay siya ng mga Espanyol sa kaniyang
kaibigang si Miguel Vicos. Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang ipinaglalaban ng asawa hanggang sa
ito ay madakip at bitayin noong Setyembre 10, 1763.
Ang ilan pang pag-aalsang may motibong ekonomiko ay ang mga sumusunod:
Pangyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ni Magalat 1596  Kasama ang kaniyang kapatid, tinutulan ni
Magalat, isang rebelde mula Cagayan, ang di-
makatuwirang paniningil ng buwis ng mga
Espanyol.
 Ipinapatay ng mga Espanyol sa mga indio na
nakilahok sa pag-aalsa ni Magalat.
Pag-aalsa ni Ladia sa Malolos, 1643  Pinamunuan ni Pedro Ladia—isang Moro na
Bulacan taga-Borneo na naniniwalang mula siya sa lahi
ni Lakandula.
 Kinumpiska ang kaniyang ari-arian ng mga
Espanyol na nagtulak sa kaniya na mag-alsa
laban sa mga mananakop.
 Dinakip at dinala sa Maynila kung saan siya
sinentensiyahan ng kamatayan.
Pag-aalsa ni Sumuroy 1649-1650  Pinamunuan ng Waray na si Agustin Sumuroy
ang pag-aaklas laban sa polo y servicio sa
Samar. Taliwas sa patakaran ng polo, ang mga
Waray ay ipinadala sa mga pagawaan ng barko
sa Cavite, malayo sa kanilang tirahan.
 Sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite at umabot sa
Mindanao, Bicol, Cebu, Masbate, Camiguin,
Zamboanga, at hilagang Mindanao.
 Humina ang pag-aalsa hanggang sa tuluyang
masupil nang madakip at ipapatay ng mga
Espanyol si Sumuroy at iba pang lumahok sa
pag-aalsa.
Pag-aalsa ni Maniago 1660-1661  Pinamunuan ni Francisco Maniago ng Mexico,
Pampanga
 Pagtutol ng mga Kapampangan sa sapilitang
paggawa sa mga galyon at sa hindi pagbabayad
ng pamahalaan sa mga biniling palay mula sa
mga magsasaka
 Nasupil ni Gobernador-Heneral Sabiniano
Manique de Lara gamit ang "divide and rule
policy.
San Sebastian School. Inc.
Science City of Munoz, Nueva Ecija
22 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
Pag-aalsa ni Malong sa San 1660-1661  Pinamunuan ni Andres Malong • Nag-ugat sa
Carlos, Pangasinan hindi pagbabayad ng mga Espanyol ng
kaukulang sahod sa libo-libong katutubong
nagtatrabaho sa pagawaan ng barko.
 Kinalaban ang mga opisyal na Espanyol
lamang at hindi ang kaparian o ang Simbahan.
 Agad nasupil ng mga Espanyol.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga pag-aalsang ekonomiko. Nariot pa ang ilan sa kanila:
 Pag-aalsa ni Almazan sa San Nicolas, Laoag, Ilocos Norte (1661)
 Pag-aalsang Agraryo sa Katagalugan (1745-1746)
 Pag-aalsa nina Diego at gabriela Silang (1762-1763)
 Pag-aalsang Basi (1807)
Gawain 7
Panuto: Bilugan ang salitang hindi kabilang sa pangkat, pagkatapos ay ipaliwanag sa patlang sa
ibaba nito ang dahilan kung bakit ito naiiba.
1. Magat Salamat, Martin Pangan, Juan Banal, Diego Silang
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Pag-aalsa ni Apolinario dela Cruz, Pag-aalsang basi, Pag-aalsa ni Almazan, Pag-aalsang
Agraryo
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Pag-aalsa ni Bancao, Pag-aalsa ni Malong, Pag-aalsa ng mga Itneg, Pag-aalsa ni Dagohoy
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 8
Panuto: Tukuyin kung pag-aalsang panrelihiyon, ekonomiko, o political ang mga sumusunod.
1. Pag-aalsa ni Bancao - _____________________
2. Pag-aalsang Basi - ________________________
3. Pag-aalsa ni Apolinario dela Cruz - ______________________
4. Pag-aalsa ni Diego Silang - ______________________
5. Pag-aalsa ni Lakandula - ________________________
6. Pag-aalsa ni Almazan - _________________________
7. Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo - ______________________
8. Pag-aalsa ni Magalat - ________________________
9. Pag-aalsa ni Maniago - ________________________
10. Pag-aalsa ng mga Itneg - __________________________

PAGBUBUOD
 Ang mga patakaran at pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay umani ng iba’t-
ibang pagtuligsa mula sa mga Katutubo. Habang ang iba ay nagging masunuring binyagang-
Kristiyano, ang ilan naman ay nagpakita ng pagtutol sa mga pagmamalabis dulot ng mga maling
pamamalakad ng mga pinunong Espanyol.
 Nag-alsa ang mga Pilipino sapagkat hindi na nila masikmurang makita ang kanilang bayan na
inaalipin ng mga mananakop.
 Nagkaroon ng mga pag-aalsa na nahati sa tatlong kadahilanan: Politikal, panrelihiyon at ekonomiko.

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
23 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)

Pangalan:______________________________________ Petsa:______________________
Baitang at Seksiyon: _____________________________ Asignatura:_________________

LAGUMANG PAGTATASA 2 (SUMMATIVE ASSESMENT)


I. Sagutin Ang mga tanong.

1. Anong Sistema ng edukasyon ang umiral noong panahon ng mga Espanyol?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit pinaghiwalay ang paaralan ng mga kalalakihan at kababaihan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Naging matagumpay ba ang Sistema ng edukasyong dinala ng mga Espanyol sa


bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

II. Sumulat ng isang maikling sanaysay na nagsasaad ng iyong opinion at saloobin tungkol sa mga
mahahalagang epekto ng mga Pag-aalsang Pilipino sa kalayaang ating natatamo ngayon.

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
PAGTATAPOS NG IKATLONG YUNIT
24 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)

MGA SANGGUNIAN:

Bosales, M.F.P., et. al. Lahing Pilipino Binagong Edisyon: Vibal Group, Inc.
Bosales, M.F.P., et. al. Lahing Pilipino Binagong Edisyon Teacher’s Manual: Vibal Group,
Inc.
Gabuat, M.A.P. et. al. Araling Panlipunan Bilang Isang Bansa. Vibal Group, Inc.
Smart Class Editorial Team. (2020). Smart Class Araling Panlipunan 5. Quezon City: Vibal
Group, Inc.

Smart Wizard Editorial Team. (2020). Smart Wizard Social Studies 5. Quezon City: Vibal Group,
Inc.

“Pinag-aaralan natin ang kasaysayan hindi para


maging matalino sa ibang panahon, kundi para
maging matalino palagi.”
-MARCUS TULLIUS CICERO

Karapatang-ari ng
San Sebastian School, Inc.

Inihanda ni:

GLENN MAR S. DOMINGO


Guro sa Araling Panlipunan

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija
25 | P a g e ARALING PANLIPUNAN 5 – Modyul 3 (Ikatlong Yunit)
PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga pahayag na isinasaad sa bawat bilang.

1. Siya ang unang Gobernador-Heneral ng Pilipinas.


a. Miguel Lopez de Legazpi
b. Ferdinand Magellan
c. Lapulapu

2. Maaari siyang pansamantalang mamahala sa Pilipinas kapag wala ang Gobernador-


Heneral
a. Alcalde
b. Arsobispo ng Maynila
c. Arsobispo ng Mexico

3. Uri ng pamahalaang pinasimulan ng mga Espanyol


a. Sentralisado
b. Demokratiko
c. Oligarko

4. Tirahan ng mga katutubong Pilipino noon.


a. Bahay na Bato
b. Bahay na Bakal
c. Bahay-Kubo

5. Tawag ng mga Espanyol sa mga ordinaryong Pilipino noon.


a. Indio
b. India
c. Indones

6. Pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas na itinayo ng mga Espanyol at hanggang ngayon


ay nananatili pa rin.
a. Unibersidad ng Santo Tomas
b. Universidad de San Ildefonso
c. Ateneo Municipal de Manila

7. Sino sa mga sumusunod ang kabilang sa pangkat ng mga Ilustrado?


a. Tatlong Paring Martir o GomBurZa
b. Dr. Jose P. Rizal
c. Melchora Aquino

8. Ito ang tawag sa sentro kung saan naroroon ang munisipyo at simbahan?
a. Bayan
b. Lalawigan
c. Kabisera

9. Sino ang pangunahing binigyan ng karapatang mangasiwa sa mga paaralan noon?


a. Gobernador Heneral
b. Mga Mayayaman
c. Mga Prayle

10. Alin ang wikang pinagtuunan ng pansin sa pagtuturo noon?


a. Espanyol
b. Tagalog
c. Cebuano

San Sebastian School. Inc.


Science City of Munoz, Nueva Ecija

You might also like